Tumgik
#ogags
knightscendant · 11 months
Text
Tumblr media
The Witness as Sauron, from the Lord of the Rings. For @starlunakitsube 's Of Gods and Guardians Mythology zine!
398 notes · View notes
synnthamonsugar · 1 year
Text
Tumblr media
My contribution to Of Gods and Guardians, a mythology-themed Destiny fanzine.
The tale of Persephone & Hades, re-imagined with Mara Sov and Oryx, Taken King.
Inspiration and thoughts under the cut.
Getting into specific parallels I played off of: Mara, most associated with life and creation, allowing herself to be taken to the Ascendant Plane at Oryx's hands to capture a piece of his strength. In uniting with him, attaining mastery over the "underworld" and even death itself.
There are a lot of little visual references to parts of Mara's and Oryx's story and the Battle of Saturn; I'd be curious if anyone finds them all.
331 notes · View notes
livdfree · 1 year
Text
Tumblr media
The moment the wings start to burn and the fall begins is when time all but stops. A million ways to change the outcome fly through the mind, but the damage is done.
An Icarus collab between me and @h3xxthev3xx for the Of Gods and Guardians Zine!
116 notes · View notes
flowers-of-io · 1 year
Text
Tumblr media
I’m very proud to have been part of the Of Gods and Guardians zine organised by @starlunakitsube! All submissions are incredible and I encourage you to take a look 💕
Here’s my piece, the myth of Osiris, Isis and Set w/ Rhulk, the Gardener and the Witness :3 Kind of an illustration to this fic maybe??
71 notes · View notes
h3xxthev3xx · 1 year
Text
Tumblr media
"Everything I touch turns to gold! A curse? HA, more like a blessing."
-Midas hasn't read the myth his name was based on yet-
💛💛💛
My solo piece for the d2 mythos zine! Find everyone's pieces using the 'OGAG' hashtag below!
23 notes · View notes
hoboscruff · 1 year
Text
Tumblr media
My contribution to the "Of Gods and Guardians" zine, it's Níðhöggr!
15 notes · View notes
missfinefeather · 2 years
Text
Tumblr media
Okay, they have seven day weeks but six week months.
I’m interested in universes that have their own calendar. In fact, I’ve been doing the same with the book I’m writing.
100 seconds per minute, 100 minutes per hour, 10 hours per day. 10 days per week. 10 weeks per month, 10 months per year.
It’s the metric system of time.
Basically, my universe is one created by a dragon god named Marduk, and he set the rotation of the planet to use that calendar; Wak Time as it’s called.
Not that he invented Wak time. He was kind of rusty in planet creation (you would be too after billions years,) so he used a pre-made template he got online.
23 notes · View notes
gab-8 · 2 days
Text
kanina may errand ako sa palengke at nakasabay ko yung dalawa kong kasama sa work. Bro sumama ang pakilasa ko hahahahaha dahil sa init? first day ng period? init ng panahon? Hiya malala! Akay akay nila akong dalawa e parehong maliit yung kasama ko teh. Putlang putla na ako mabibitawan pa ko nung dalawa sa utas ng pagtawa nila sabay pinictureran pa ako mga ogags. Ayun lang.
Stay hydrated pipol!! Dala kayo water nyo pag aalis kayo.
4 notes · View notes
chereserene · 1 year
Text
Potanginacaa nakipaglandian, nakipagkantutan at naniwala ka sa psych grad dahil sabi mo mas naniniwala ka sa science, end up maniniwala ka lang sa zodiac sign dahil sa isang aries, eh alam mo namang di naniniwala mga psych dyan. Gago, ampota kung naniniwala lang ako sa zodiac sign sana inalam ko na agad para hindi naging tanga ang capricorn at nahulog sa virgo na katulad mo hayop. Ako pa nagsali sayo sa group na yun kasi di ka naman nakikinig ng podcast, ngayon aba kunwari invested ang ogag. Potacca mabilaukan ka sana 6mal. Feel ko galit pa rin ako sayo hanggang ngayon.
14 notes · View notes
jasmyluv · 1 year
Text
OGAG I FORGOT TO POST THE CHAPTER
2 notes · View notes
starseungs · 1 year
Note
lemme share lang sa naisip ko bigla kasi wala akong mapag-share-an, pagod na ako mag english kaya tagalog muna huhu
what if galit ka sa jowa mo (let's think about one specific skz member) tapos di kayo nag-usap buong gabi, walang text, chats, calls and all. tatampo rin siya eh, kaso kinabukasan, nagparamdam siya, wala pa siyang ginawa at sinasabi eh pero marupok ka, pinatawad mo na agad. imbes na pahabain yung tampo, konting smile at pagbisita sayo pagkatapos ng away, bati na kayo huhu.
wala lang skl. walang jowa eh, hanggang imagination nalang huhu *nagwalling* ge bye, yun lang uwu.
ate bat parang may pinanggalingan toh 🤨🔍 o sadyang "bakit ako single" hours lang napagdadaanan mo ngayon huhu ,, PERO OMAYGHAT???? teka di ko naman sinasabi na marupok aq noh pero parang ganun na nga- lalo na pag si jisung yan halaka po di ako magtatagal na galit 🙈🙈 baka ako pa nga mapapasorry kahit siya ung dahilan ng away so true.. yung bisita part feel ko may dalang pagkainnnnn 😭💓 mag cchat biglaan "tingin ka sa labas" tapos andun na siya mukhang kuya foodpanda (ay teka maling genre) tas nakaangat onti yung supot ng pagkain mukhang proud pa siya parang "pls praise me, bati na tau pls i cant live without u" WIEEEE CANT LIVE WITHOUT U DAW PERO SIYA NANGAWAY- pero ayon papapasukin mo naman din siya and kakain kayo ng parang walang nangyari. unless medjo seryoso ung rason ng away then habang kumakain may awkward silence ano tas napasubo ka palang nag sorry na si ogags 💀 ang seryoso ng tono huhu natakot ka tuloy konti kasi pre kumakain ung tao baka paiyakin mo pa anyway mag hheart to heart kayo sa harap ng pagkain 😀 pero if di naman ganun ka seryoso like vv petty (idk nag away kayo dahil sa movie analysis ewan minsan ganyan kami mga kaibigan ko) then sure na sure magiging joke nalang yan AHAHAHAHA inside joke uwu 👉👈 kyut niyo naman
haba haba ng nasulat ko huy anu toh gumawa ako ng scenarios AHAHAHAHAH 😭😭😭 also patuloy mo lang sa tagalog interactions ate keisy alavetttt ikaw lang nagtatagalog saken d2 huhu ansarap sa feeling tumutugma na sa humor mo ung nasusulat 🤪💪
5 notes · View notes
heyitsbenjamin · 1 year
Text
Alam mo sa totoo lang, kung gano ka ka-disappoint, triple yun ng nararamdaman ko sayo. Disappointed ka kasi nagsinungaling ako tungkol sa cake? Eh ano pa kaya sayo na sa loob ng 3 years ng pagkakaibigan kuno natin, masama na pala loob mo sakin noon pa lang? Ampot... wala pa palang 1 year ang fRiEnDsHiP 🤢natin dati, ayaw mo na pala sakin. Pinagmukha mo pa akong ogag na sobrang grateful sayo kasi ikaw ang pinaka the best na kaibigan para sakin tapos di naman pala ganon ang tingin ko sakin? Noon pa lang ganon na pala kababa ang tingin mo sakin? Na parang wala akong nagawang mabuti, puro kamalian ko lang ang nakikita mo. See? Sinong mas disappointed sa atin? Yung ginawa ko white lies lang. Dahil yah, tama ka. Iniisip kong baka hindi mo tanggapin kaya nagsinungaling ako. Pero diba umamin naman ako agad? Tsaka bakit ka madi-disappoint? Dahil ba akala mo eh kay Jayrose galing yung cake? Bakit ka madi-disappoint? Kita mo naman na may binigay rin si Jayrose sayo diba, mas maganda pa nga binigay niya at mas nag-effort pa siya kung tutuusin dahil sahod niya ang ginastos niya, at samantalang ako galing pa sa SAP. At saang part ka napahiya? Ikaw pa ang napahiya sa lagay na yan? Kung makapagsalita ka naman na disappointed ka. Eh mas nakaka-dismaya pa rin yung pagsisinungaling mo sakin sa loob ng 3 years. Mabuti pa si Mary Rose, nagsisinungaling lang para makapagyabang tungkol sa sarili niya. Samantalang ikaw, sa loob ng ilang taon hinintay mo muna akong makagawa ng pagkakamali para sa huli sa akin ang sisi mo.
At tungkol naman dun sa pagiging offensive ko, hindi ko na problema kung pikon ka pala. Maybe yes, masyado akong magaslaw (which is you hate). Pero ano bang alam ko kung pikon ka? Eh pag nagbibiro kami ni Jayrose tungkol sa ano mo, sinasabayan mo pa yung joke ko. Kahit kapatid mo pag binibiro ka, natatawa ka lang. Kaya ano nbang alam ko? And yes, ganon din ang nasa isip ko. Kaya kita binibiro dahil ang alam ko part yun ng friendship. Pero hindi naman yata part ng friendship ang itago mo saking napipikon ka. Tanggap ko na nga na hindi mo ako kayang komprontahin dahil ayaw mong masaktan ako (which is sinaktan mo talaga damdamin ko). Kasi kilala kita pag may nagawa akong hindi maganda sayo eh. It's either papatamaan mo ako sa fb or hindi mo ako papansinin. Tapos ayun, saka ko mapagtatanto na “hala, baka nga may nagawa ako sa kanyang hindi maganda kaya ganon ang pakikitungo niya”. Eh kaso hindi eh, naki-ride ka kaya akala ko okay lang sayo. Agree naman ako sayo na hindi magandang joke ang insecurities pero sana hindi mo ako sinabayan sa mga jokes ko sayo noon. Pasensya na pero it's also your fault. Aminado akong mali ang ginawa ko pero may mali ka rin.
And BTW regarding dun sa cake, hindi ko yun ginawa dahil gusto kong makipagkaibigan ulit sayo. Ginawa ko yun dahil sobra akong nakokonsensya sa nagawa ko. Pero kung alam ko lang na may masasabi ka sa cake, hindi ko na ginawa. Alam mo hindi ako nanghihinayang sa perang nagastos ko, nanghihinayang ako sa effort ko. Hindi sa sinusumbatan kita. Pero kita mo naman diba, ni hindi ko na nga hiningi yung appreciation at pasasalamat mo. Ginawa ko yun para gumaan din ang pakiramdam ko. Hindi lang yun para sayo, para sakin din. Pasensya na, hindi ko alam na mas lalong bababa ang tingin mo sakin nang dahil sa cake. Hindi ko alam na sa simpleng pangyayari lang, nag-aalab ka sa galit. Na pati yung kilos ko sa inyo pinuna mo. Pati yung simpleng pag-uusap namin ni Jayrose, sinilip mo pa. Kesyo hindi na ako nagbago, ganon pa rin ako. Like punyeta, ginawa ko na nga ang lahat ng makakaya ko para lang hindi ka ma-offend ulit. Wala akong kinutyang tao sa usapan namin, hindi ako nagbiro sayo at lalong hindi kita gaanong inimik dahil baka magalit ka ulit sakin. Pero kahit na ganon pala ang ginawa ko, may masasabi't masasabi ka pa rin sakin.
May nalalaman ka pa na maghanap na lang ako ng bagong kaibigan. WYDM maghanap? Eh kung sayo pa lang, kotang kota na ako. Pagod na akong makisama sa mga bagong tao. Lalo na sa mga pakitang tao lang sa una. At sabi mo mag-move on na ako? Matagal ko nang ginawa yun. Hindi na ako nagbe-beg ng another chance sayo. Kung sayo lang din naman na pinupuna lahat ng pwede mong makita, wag na lang noh, salamat na lang.
At eto pa, tungkol sa ugali ko. Oo aminado ako, pwede ko nang palitan si Satanas sa trono niya dahil sa sobrang sama ng asal ko. Inaamin ko. Nanlalait ako ng ibang tao tapos kinukuwento ko pa sayo. Pero kahit kelan hindi kita inutusan na magalit at laitin mo rin yung mga taong yun. Oo masama yung ginagawa ko na yun pero hindi ko sinabing maging ganon ka rin. Kung makapagsalita ka sa ugali ko, parang napakalinis mo. Edi ikaw na! Ikaw na tong santa santita! Ako na masama! At kung may mga tao man akong nilalait, yun ay dahil may ginawa silang hindi maganda sakin. Hindi ako nangungutya ng tao kung wala siyang ginawang kabulastugan sakin. Yawa, mas naiintindihan mo pa pala yung mga taong yun kaysa sakin. Hindi kita tinuruan manghamak ng ibang tao. Lalo na si Mary Rose. Hindi kita inutusang magalit sa kanya dahil ikaw mismo ang nagtanim ng galit sa kanya noon. Kung may nasabi akong hindi maganda sa kanya, meron ka ring nasabi sa kanya. Wag mong ipamukha sakin na kasalanan ko kung bakit naging mapanlait ka rin dahil hindi kita tinuruan maging ganyan. Tapos pag-iisipan mo ako ng masama na kesyo, kung pinagtatawanan ko si Jericho sa ibang tao, siguro ginaganon din kita? Kita mo naman diba, never kang nakatikim ng masasamang salita tungkol sakin. Oo, nalait kita nang paharap, nagawa kong biruin ang insecurities mo. Pero hindi ko ginawa yun nang wala ka. Kahit kelan hindi kita nilait sa ibang tao, bagkus mas pinagmalaki pa kita. Sa maniwala ka o sa hindi. Alam ng Diyos o kahit pa ng diablo, sobra akong nagagalak na maging kaibigan kita. Na kahit sobrang mahiyain mo at weirdo sa paningin ng ibang tao pero napaka-multi talented. Kung tutuusin, naiinggit pa nga ako sayo. Kasi ikaw may ipagmamalaki ka kahit na may nasasabi ang ibang tao sayo. Kahit hindi ka nakapag-aral sa loob ng dalawang taon, ang talino mo. See? Tapos ang tingin mo sakin sinisiraan kita sa ibang tao? Kung nagawa ko man kay Jericho yun, yun ay dahil masama ang loob ko sa kanya. Pero nagsisisi naman ako kung bakit ko nagawa yun sa kanya. Pero ang point ko dito, kahit kelan never kitang hinamak sa iba.
At kung makikita mo, maayos akong nagchat sayo kahit sobrang nakakadismaya na mga sinasabi mo sakin. Mas nakuha ko pang magpakumbaba dahil ayoko na ng may kaaway ako. Dahil mas gumagaan ang pakiramdam ko pag nagpatawad o pinatawad ako. Pero hindi eh, may nasabi ka pa rin. Binlock mo pa ako.
Well again, pasensya na ulit sa mga nagawa ko sayo noon. Pero pasensya na rin, hindi ko na masikmura mga pinagsasabi mo sakin. Kung ayaw mo na, ayoko na rin. Magalit ka kung gusto mong magalit. Kotang kota na ako, palagi na lang ako yung nagpapakumbaba kahit masakit sa kalooban ko. Ako na lang lagi yung umiintindi. Ni hindi mo nga naiintindihan na nasaktan din ako, mas inintindi mo lang yung sarili mo. Bagkus sobrang saya mo pa. Ang sabi mo pa hindi mo kayang gawin ang ginawa ko sayo. Pero huli ka na, sinaktan mo na damdamin ko. Mas masakit pa nga ang ginawa mo actually. Kaya don't worry, wala na akong pakialam pa. Hindi ko na kering makipagkaibigan sayo dahil ganyan ka pala. Kung makakabalik lang ako sa nakaraan, pipiliin kong hindi makipagkaibigan sayo, mas pipiliin kong makipagkaibigan sa tao na walang tinatagong sama ng loob sakin.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
ulapluna · 1 year
Text
Sino si Ogag?
“Miss mo na pamilya mo?” bulong ni Ogag sa bubwit na nagwawala habang piga-piga niya ang buong katawan.
Napatingin na lang ako sa langit kung bakit ako ang inatasang makasama ng abnoy na ito. Ganoon ba kabigat ang kasalanan ko noong dating kong buhay. Pusang ama.
Kilala si Ogag sa bawat sulok ng Baranggay Sinukuan. Kung may pacontest ng That’s my Bae Brgy. Sinukuan edition ay siguradong susuko lahat ng makatatapat ni Ogag. Crowd favorite agad ang puwesto niya. 5,000 shares at 20,000 reacts sa online voting ang siguradong makukuha tulad ng tig-5,000 na kickback ni Kap sa bawat leader ng purok noong nakaraang halalan at P20,000 na hindi ipinamigay na food packs noong kasagsagan ng lockdown. Si Ogag ay parang Dingdong Dantes ang sex appeal pero nasa katauhan ni Tekla. Bukod sa kilala siya. Napatawa niya lahat siguro ng humihinga sa aming lugar. Nariyan na nakipagsigawan siya sa pipe, nakipagsuntukan sa pilay, humahigh five sa lahat ng nagdaraan kahit hindi niya kilala sabay ngiti. Punch line niya ‘yung mukha niyang nakatirik ang mata at nakalitaw ang nag-iisang ngipin. Kahit tinalpak mo na ang lahat ng kabuhayan mo ay mapapangiti ka kay Ogag. Daig niya pa ang JOWAPAO ng Juan for All, All for Juan sa pagpapasaya. All-in-one package si Ogag. Mabait at lagi lang nakangiti na parang hindi pinabaunan ng problema ni Bro.
Raraket kami ni Ogag ngayong araw pero hindi niya pa sinasabi kung saan lupalop niya na naman ako isasama. Hindi ko alam kung raket ba talagang itong pupuntahan namin dahil panay upang-kanin lang naman kami. Madalas tira-tirang ulam o kaya naman ay tinapay na hitik sa amag ang ibinibigay sa amin. Pero okay na iyun kaysa sipsipin na naman namin ang basahang basa na pamunas ng yagbols ni Mang Karyo. Sa araw-araw na biyaya ni Bro dahil walang pinag-aralan madalas ay sinasamantala si Ogag ng mga nakauunawa. Nakauunawang hindi marunong umunawa. Kahit ata ipagapas mo kay Ogag ang tatlong hektaryang maisan gagawin niya kapalit ng isang balot ng Spanish bread na gawa sa Pinas.
Wala kasing pamilya si Ogag lahat ay sumakabilang selda na. Lolo niya adik. Lola niya adik. Tatay niya adik pero ibahin mo ang nanay niya kasi adik na, pusher pa, mas level-up nang kaunti. Kaya raw noong pinagbubuntis si Ogag na kasagsagan ng hulihan. Na-raid at nakuha yung kababagsak lang sa nanay niya na isang plastic ng bato. Magbabasag pa lang ang nanay niya ayun timbog si gaga. Pero nakalaya dahil sa hindi malaman na dahilan napawalan ng sala. Sa sobrang takot dahil baka pinalaya para ibenta ang mga laman loob para makabawi ay nadurog ang utak. Kamalas-malasan ay pinagbubuntis pa niya ang magiging Mr. Pogi ng Brgy. Sinukuan kaya ayun pinagsusuntok ang tiyan. Naaktuhan din daw ng mga kapitbahay habang tinutungga yung Clorox at kung ano-anong sabong panlaba. Matindi lang talaga ang kapit ni Ogag at naireport sa DSDW ang kaso niya kaya nabantayan ay nailabas ang healthy baby boy na si Jeremy Micheal Bista alias Ogag. Pero paglaki-laki niya dahil na rin siguro sa mga nainom na sabong tumatanggal ng mantsa ay nagkaroon ng mantsa ang pag-iisip ni Jeremy Micheal o for short Ogag. Ilang taon ang lumipas at isa-isa na ring nakorner ang mga natitirang kamag-anak niya hanggang siya nalang ang natira. Buti na lang inampon kami ni Mang Karyo. Duda rin ako kung inampon kami o pinilit namin siyang ampunin kami dahil byudo na ang matanda at kami lagi ang umaalalay noong nakakikita pa. Tulong lang dahil pinapatulog niya kami sa may silungan ng dati niyang tindahan.
Sakto alas dose, binabagtas namin ang katirikan ng araw sa maalinsangan tanghali. Rumaket pa kasi kami sa palengke para mamulot ng mga sirang gulay at prutas. Kailangan siyempre ng katawan natin ng vitamins and nutrients. Kaya sa mga sirang prutas at gulay lumalakas ang immune system namin.
Napansin kong napapashet si Ogag kada may madadaanan siyang dalaga. Akala ko natutunan na rin niya ang libog sa mura niyang isipan. Muntik ko na rin siyang murahin pero suko na pala ang tsinelas niya parang bubble gum na namuti at durog na pero nginunguya pa rin dahil no choice. Kaya pala napapayukot ang mukha niya tuwing aspalto ang nilalakaran niya. Mabuti na lang nakakita siya ng bote ng mineral, instant tsinelas. Libre na, matibay pa.
Nakarating kami sa bungad ng barangay kung saan lamang ng isang hakbang ang mga tao sa linya ng laylayan. Linis kanal ang sunod na project namin ngayon ni Ogag. Pusang ama kasi itong si Kap wala nang inatupag kung hindi paliga at pabikini-open. Mas matigas pa ang torso niya kesa sa paninindigan niyang tuparin ang pinangako niyang aayusin ang barangay. Nangunguna pa sa ayuda ang mga bwakanang kamag-anak niya. Nagpapataasan naman ng mga bahay pero aligaga sa pagpila sa perang sa kanila rin naman daw galing dahil nagtratrabaho sila.
Isang matandang dalaga na suki na namin ang nagpatawag pala para linisin ang kanal nila na halos hindi na makilala kung kanal ba o tapunan ng basura. Matagal na rin kaming inuutusan ni Ate Tesang. Ayaw niyang tawagin siya na “tita, maam, o lola” tumatanda raw siya kapag sinasabi sa kaniya yun. Kung alam ko lang isang linggo na lang parating na yung huling regla niya. Tinaas na ni Ogag ang tagpi-tagping pantalon na nangangapal na rin sa tanda. Sinipat-sipat kung saan magsisimula. Isang patpat lang ang hawak-hawak ni Ogag na sasagupa sa dagat ng basura. Sa oras na iyun gusto ko siyang kantahan.
“Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nag-Pasko ka na ba sa gitna ng kalsada? Yan ang tanong namin, Tunay ka bang isa sa amin?”
Lumusong na si Ogag sa halos isang dipang kanal. Mala-Biag ni Lam-ang ang datingan niya. ‘Yun nga lang mangingibal na ang kanal bago pa siya lumusong. Pero kung tutuusin mas lalong nadumihan dahil sa kapal ng libag ni Ogag. Walang arte-arte dahil naghihintay ang isang plastik ng biskotso at malamig na malamig na cooocaaa colaaa with water pollution sabi ng mga idol namin. Jackpot din kami dahil napakaraming kalakal ang naipon namin. May bote, plastik at bakal na bonus sa paglilinis. No more basahan nights kami mamaya. Habang abala si Ogag kakatanggal ng mga basura ay hindi siya nakakaligtang bumati sa mga nagdadaan. Lahat binabati niya may mga lumalapit, tumatango, bumabati at dedma sa wonder boy natin. Nakatunganga lang ako sa may kalayuan dahil alam kong kayang-kaya na ni Ogag ‘yun.
Matapos niyang tanggalin ang lahat ng sukal sa kanal pati ang sama ng loob ni Ate Tesang nawala. Tamang food trip na kami ni Boss Ogag nang dumating sila Tikyo at mga kaibigan niyang mukang hindi gagawa ng kabutihan sa mundo. Bumati sa pawisang abnoy sabay nakicheck na rin ng matigas na biskotso. Kasing tigas ng biskotso ang mga mukha ng mga animal. Kahit hindi nakapag-aral si Ogag ay marunong siyang magpakatao. Hindi madamot at kung kakausapin mo siya ay magpapagpag pa ng suot at hahawiin ang naglalangis na buhok. Oo, daig pa ni Ogag ang mga kakilala mong nakalimot na magpakatao dahil sa narating o anumang nagpakapal sa kanilang bulsa. Pera at kapangyarihan.
Dinala nila si Ogag sa ilalim ng Talisay. Nakipag-apir muna at umakbay sa nanggigitatang kulang-kulang. Lumapit ako sa kanila. Bukod sa mga mukhang amoy putok ay sabog rin at lutang ang galawan ng ibang kasama ni Tikyo. Mabilis lang ang naging usap nila kay Ogag dahil madali naman kausap si Ogag. Isa pa ay nanununtok rin ang hininga ni Ogag kaya dapat mabilis lang ang usap para hindi ka na mapabili ng ammonia. Narinig ko na lang na inaaya siya na pumunta sa birthday ng isa nilang tropa sa kabilang bayan. Sasamahan daw siya ni Benjo, pinsan ni Tikyo sa lugar ng handaan. Napahigh five na lang si Ogag sa tuwa. Sabay-sabay silang nag-apir bahagyang lumaki ang butas ng ozone layer dahil sa mga anghit nila.
Habang pauwi kami gusto ko man sabihan si Ogag na huwag na pumunta at baka anong katarantaduhan lang ang gawin sa kaniya doon ay hindi naman niya ko maiintindihan o susundin. Siguro kung narito lang kahit isa sa mga magulang niya ay may magpapangaral sa kaniya.
Sa paglaki ni Ogag, ilang beses niyang nginitian at tinawanan ang mga napakatatalim na salita. Mga salitang mula sa pangungutya at panunukso. Hindi naman kaagad bulbulan nilabas si Ogag. Dumaan siya sa pagkabata kung saan walang takas sa katuwaan ang isang batang walang laban. Mabuti na lang may mga kumukupkop at nagbibigay ng pagkain sa kaniya noong mga panahong hindi niya pa kayang mag-isa. Nariyan nga si Mang Karyo na kahit hindi niya tunay na anak si Ogag ay inaabutan pa rin niya ito ng pagkain. Kahit nangungupit si Ogag sa tindahan ay hindi niya ito pinagtaasan ng boses.  Bata pa lang ay nakitaan na si Ogag ng kakulangan. Pero hindi naman ito dahilan para siya’y buntunan ng sama ng loob para pagtawanan. Hindi ko alam kung nasusugatan ba siya o talagang matagal nang nadurog ang kaloob-looban niya dahil sa kaniyang nanay na dapat na unang sasandalan, ay siya pang unang matutuwa kung siya’y paglalamayan. Malamang sa malamang sa dami ng tarantado sa aming barangay ay may nagkuwento na kung ano ang nangyari sa kaniya noong sanggol at supling palang siya. Pinipilit na lang siguro ni Ogag ngumiti kahit nag-iisa nalang ang ngipin niya katulad niya. Tinitirik ang mata para hindi makita ang hipokritong mundo.
Pagdating sa bahay. Kaagad namin pinuntahan sa paborito niyang upuan si Mang Karyo. Malayo pa lang ay bumati na ito.
“Ogag at Baron kayo ba ‘yan?”
Walang duda. Nalanghap na niya ang sariwang putok ni Ogag. Naghugas muna ng kamay sa bomba sabay mano. Nilinisan namin si Mang Karyo. Pinabango ang yagbols na puro ihi at pinakain. Kabisado naman ni Mang Karyo ang bahay nila. May naghahatid rin ng pagkain tuwing umaga na galing kung kani-kanino na nakakaalala dahil sobrang bait talaga ni Mang Karyo. Hindi lang talaga siya makayuko at makapunta sa banyo dahil takot din siyang madulas kaya kami na ang bahala sa paglilinis sa kaniya. Kaya ganoon na lang din siguro rumaket si Ogag dahil hindi naman araw-araw ay may aabangan ang matanda. Minsan walang dumadating kaya si Ogag ang naghahanap ng makakain. Matapos malinisan ang tatay-tatayan ni Ogag. Nilatag na niya ang higaang karton. Pumuwesto sa tapat ng maliit na siwang na tanaw ang kalangitan at panandaliang kinausap ang maykapal para magpasalamat sa mga biyaya mula paggising hanggang sa bago tapusin ang gabi. Kahit may diperensiya sa pag-iisip si Ogag, perpekto siyang halimbawa ng mga taong hindi naghahanap ng wala bagkus nagpapasalamat sa mga natatanggap, maliit man o malaki. Sa tabi ng apat na tuping karton na ginawang higaan ay ang pinapaabot na regalo sa birthday bukas.
  Kaagad humataw si Ogag sa mga pakisuyo at patrabaho. Mag-alas tres na noong makatapos siya sa pakisuyo ni Kap na magwalis sa plaza at tabing daan. Tulad ng dati kasing kapal ng monay na bigay ni Kap ang mukha nilang mga opisyales sa barangay. Si Ogag ang nagtrabaho buong araw pero sila itong sumasahod sa pagpapalaki ng mga bayag. May nagmagandang loob naman na nagbigay ng isang daan kay Ogag. May natitira pa rin pa lang may puso sa mga namumuno sa atin.
Sumama ako sa handaan sa kabilang bayan. Daig pa namin ang nag-alay lakad sa layo ng kabilang bayan. Ilang basketball court at plaza rin ang nakita ko. Dala-dala ni Ogag ang pinaabot na regalo. Sinalubong kami ng mga masasamang tao este mga tropa ni Tikyo. Itinuro ang daan. Kung saan susuot sa lungga ng mga taong takot sa bagong mukha. Kahit kasama namin si Benjo na katutuli palang ay nangangatal ang mga paa ko. Parang eksena sa shake rattle and roll at ang bida ay isa ring bonak. Kumbaga bonak sa bonak ang tunggalian. Madilim ang lugar pero nagliliwanag ang mga matang kulang pula at dilaw na sinusundan ang mga yabag. Tinuro ni Benjo, ang lugar. Animo’y may rayot dahil nagsisigawan na ang mga nag-iinuman. Mausok dahil sa yosi at vape na panis na laway ang flavor. Biglang bumirit ng sigaw si Ogag. Pusang ama talaga nitong si Ogag. Sa ganitong pagkakataon pa iiral ang pagiging bugukan. Kahit ako nagulat sa ginawa niya. Parang gusto kong isuka ang kaluluwa ko. Parang naging hudyat ng isang raid ang hiyaw ng tolongges na si Ogag. Muntik pang tumakbo ang isang may sumpal na yosi sa bibig niya. Napayuko naman yung isang pumapapak ng leeg ng bibe. Noong makilala na si Ogag at Benjo ay nawala ang tensyon na dinadala ni Cardo kapag nakakaharap niya ang mga masasamang tao.
“Si Ogag pala to! Puting ina! Kumain na kayo tanging ina nyo!”
Parang family reunion ang sumunod na ganap. Kulang na lang may magsabi ng “Lumipad ang aming team kasama si Ogag para makapiling ang mga adik sa Quezon.”
Kumustahan ang mga maaangot at may anghit. Nakakaiyak makita kapag nagtabi-tabi siya. Mahapdi sa mata ang mga amoy nila. Nilabas ang pingas na babasaging pinggan na mukang kakahugas lang. Inilatag ang isang palangganang bibe at bundok ng kanin. Akmang sasandok na si Ogag nang bigla siyang takalan ng isang salok ng tinanlarang bibe. Malaki pa luslos niya kay sa ulam niya. Bumawi na lang sa limang sandok ng kanin na maraming sarsa. Okay na rin dahil hanggang bukas na kami busog nito. Bago pa sumibasib ng subo si Ogag ay nakapag-exchange gift muna siya. Pagkaabot ng regalo ay hindi na makausap si Ogag. Lamong bibitayin na ang ganap naming dalawa. Nang maramdaman ko nang sumayad na ang kaning may sarsa sa aking bituka ay ibinuga ko ang isang malakas na dighay na may kasamang usok mula sa paglalakad namin kanina.
Sunod ay pinakain ulit kami ng isang batyang kanin at kaunting inadobong bibe. Solve ang hapunan at may dagdag lakas na para sa umagahan. Warak na naman ang kubeta ni Mang Karyo. Kaing walang bukas ang round two namin dahil madalang kami maimbitahan sa mga handaan. Marungis kasi kami lagi. Sandali lang kami nagtagal dahil naglakad lang kami papunta doon at magduduty na ang dilim. Bumabangka pa si Ogag pero nag-aya na akong umuwi dahil malayo pa ang lalakarin namin. Pinabaonan kami ng ilang buto-buto ng tinanlarang bibe at pabagat na isang plastik ng adobo na nakabalot sa dyaryo para naman daw sa pamilya ni Tikyo.
Sa paglabas namin sa malaimpiyernong lugar ay nakasunod pa rin sa amin ang mga matang sobra sa gising. Kahit sa pagtawid namin sa aming barangay parang may matang sumusunod sa amin. Binabagtas namin ang kahabaan ng highway. Hindi katulad kanina na nakapapagod ang lakaran, ngayon ay dumadampi sa amin ang malamig na simoy ng kapaskuhan. Ber months na pala. May mga naglagay na mga pailaw sa tapat ng kanilang bahay. Kumukundap-kundap katulad ng mga matang nakamasid sa kung saan. Parang napanood ko na ito sa isang pelikula. Pabigat nang pabigat ang kaba. Dumidilim na ang kalsada. May naririnig ang tumatakbo. Nagbigay ako nang babala kay Ogag pero sinisilip niya ang pasalubong niya kay Mang Karyo. Isang napakabilis na larawan ang sumagi sa akin. Sa isang iglap, sumunggab si Tikyo.
“Hoy, Ogag nasaan na yung para sa akin!”
Naibuga ko ang espirito ng tinanlarang bibe at tutong na kanin. Sa pagtawa ni Ogag, iniabot niya ang isang maliit na supot. Kaagad namang kinuha ito ni Tikyo. Sumuot sa eskinita at naglaho. Sumigaw si Ogag at ngumiti. Ang paborito niyang punch line kapag nagpapasalamat.
“Paalam, Thank you!”
Tatlong putok ang kasunod nito. Tatlong putok na nagpahandusay kay Ogag. Gumapang ang sariling dugo niya sa kalsadang nilinis niya. Sumambulat ang tinanlarang bibe sa kalsada. Bahagyang natigil ang taong nakahelmet sa nakita. Hindi ulam ang inaasahan niya. Nagkatitigan kami. Naalala ko kung paano ako pumatay ng mga taong walang laban. Naalala ko kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Bumirit ako ng sigaw ngunit ungol lang ng isang aso ang pumalahaw sa barangay. Ang aking mga paghingi ng tulong ay isang maingay na alulong. Walang salita. Puro tahol. Naalala ko na isa nga pala akong makasalan. Bumukas ang bintana pero walang bumaba. Tumakbo ang may sala ngunit walang humabol. Huling narinig ko nalang ay “Hindi siya ang nakalista.” Pusang ama, ganiyan rin ako dati tumira.
Nagpaikot-ikot at naguluhan. Isa ba akong anghel o isang demonyong inilagay sa isang aso. Isa ba akong kaibigan o isang kaaway. Sa ilang taon kong nakasama si Ogag ay nagampanan ko ba ang misyong hindi ko naman talaga maalala. Nakalista na rin ba ako dati sa mga kukunin o ako ang naglilista. Nilingon ko si Ogag. Nakangiti siya. Naging masaya ba siya sa naging hatol sa kaniya o nagtagumpay ba siya sa pagsubok niya. Miss niya na rin ba ang tunay niyang pamilya kaya nauna na siya o nagkamali lang ang tagalista.
Sa napakaraming napasaya ni Ogag, napatawa dahil sa pangungutya, wala ni isang naglakas ng loob na dalin siya sa hospital, naligo sa sariling dugo, nakursunudahan daw pero ang totoo napagkamalan pusher ngunit ang pinakatotoo wala ni isang nagsalba sa taong wala namang ginawa kung hindi magpasaya.
Sa mundong ginagalawan ni Ogag, naiintindihan siya ng mga nakapaligid sa kaniya ngunit sa mundong tinatawanan niya siya lang ang nakakaintindi sa sarili niya. Walang masamang intensyon si Ogag sa mundong sinisilungan ng iba’t ibang klase ng tao pero ang tingin natin sa katulad ni Ogag ay isang taong maaring gumagawa ng may masamang intension.
Sana sa bawat patak ng dugo ni Ogag gumawa ito ng malilit na alon, Mula sa maliit ay papalaki nang papalaki hanggang sa maging maimpluwensiya. Sana ang mga hindi na babalik na ngiti ng binatang si Ogag ang gumawa ng sunod-sunod na paggalaw sa dating walang imik na eskinita. Isang maliit na patak na uukit ng mga mas malalaking alon. Para wala nang magpapaalam nang mali at magpapasalamat sa pagkakamali. Para malaman din ng lahat kung sino si Ogag at sino ang tunay na Ogag.
Kalahok ang akdang ito sa Saranggola Blog Awards 12 – Maikling Kuwento Category
https://culturalcenter.gov.ph
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
livdfree · 1 year
Text
Tumblr media
Look to the stars and see how they fall; then watch as the world around them changes.
Another piece for the Of Gods and Guardians Zine, this time Mara as Asteria, Titan Goddess of Falling Stars ✨
58 notes · View notes
kasingliitngsiomai · 2 years
Text
Ogags -_-
Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes
Note
📓
A fic where Strika breaks the other Decepticon officers (but most importantly Lugnut) out of jail on Cybertron and reunites with her conjunx. Probably gonna be a prequel to my other fic Of Gutters and Galaxies, definitely gonna have Strika being ultraviolent and berserk only to be very gentle and sweet to Lugnut when she finally sees him, and for sure gonna talk about spark bonds. I've outlined it, written like three scenes from it, and do plan on working on it more, but I gotta finish up i've never fallen from quite this high, and chapter 16 of OGaG first. And it wouldn't be super long, I'm thinking like three chapters, but I don't know the word count yet.
6 notes · View notes