Tumgik
#labandera
gmolasherl · 1 year
Photo
Tumblr media
#Lucha por #Tus #Ideas y por lo que quieres #Alcanzar #GmolasherL #SanPedro #LaBandera https://www.instagram.com/p/CnO5UJiO6IE/?igshid=NGJjMDIxMWI=
1 note · View note
pashacr · 2 years
Photo
Tumblr media
#15deseptiembre #fiestaspatrias #mexico #2022 #labandera (en Agrícola Oriental, Distrito Federal, Mexico) https://www.instagram.com/p/Ciij1gyOA6r/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
ineffablyrandom · 7 months
Text
Madre
Nung bata pa tayo, lagi tayong tinatanong ng mga matatanda satin kung anong gusto natin pag laki.
Nung hindi pa ako nag aaral, ang lagi ko daw sinasagot noon, "gusto ko maging labandera." Pero ngayon halos tamad ako labhan mga damit ko, nagpapa laundry na lang ako.
Matatawa siguro kayo kapag sinabi kong pinangarap ko din maging madre.
Nung highschool ako, bago mag graduation, tinatanong na sa amin kung anong course ang kukunin namin pagka graduate. Hindi ko alam kung anong course ang gusto kong kunin. Kase a year before that, 3rd year highschool pa lang ako naiisip ko na mag madre.
I don't know, maybe pangarap lang yun ng isang bata/teenager. Pero lagi akong nagdadasal noon, "Lord if this is your will. Then so be it." Lagi kong naiisip noon, maybe ayun ang calling ko. Alam mo yun? I had this fire and passion regarding that matter for the longest time. My heart fills with peace and I don't know how to describe it, parang sumasabog, pero hindi sa kaba. Plus everytime na may nakikita akong madre noon, napapatitig ako. Nagbe-bless ako, and I can't help but think, I want to be like them. Gusto kong mag suot ng sinusuot nila. Gusto ko yung idea na ikakasal ako kay Lord, gusto ko yung idea na I will make a vow to only serve God for the rest of life. Help people. Pray every single time. I love the idea of living inside the wall of the church. Kung yung ibang bata noon, nilalagay ang kumot or kahit anong tela sa ulo nila para gawing wedding veil, ako nilalagay ko sa ulo ko ang kumot o ang tela para gayahin ang suot ng mga madre. Natatandaan ko kumausap pa ako noon ng mga nagseseminarista or nagpapari. Because I wanted guidance. I was asking kung san nag eenroll or pumapasok sa ganun. Don't get me wrong, it wasn't an impulse decision. I was at peace with it, I really wanted it.
So bakit hindi ako nag madre?
I told my parents, "Gusto ko po mag madre."
Tumutol agad sila. Ayaw nila. Hindi nila ako pinayagan. Tinatanong ko noon kung bakit ayaw nila, ang sagot lang sakin nila dati, dun ka titira sa kumbento, hindi ka uuwi samin, matagal ka dun. And at the back of my mind ang sagot ko, "ano naman? Okay lang naman yon."
Tapos ang daming tumutol. Hindi daw bagay sakin ang mag madre.
A little background. Madaldal kase ako at makulit. O sinasabi nila, magaslaw. Yung best friend ko nung highschool tinawanan ako, sabi niya, "Di bagay sayo barbie (Barbie tawagan namin. Mahabang kwento.) pero kung san ka masaya at kung ano talaga gusto mo syempre susuportahan kita."
Up until second year college lagi ko pa din naiisip yon. Laging merong what if. What if nag madre talaga ako? What if ayun talaga yung path ko? What if pumayag sila mama that time? Or what if hindi ko sila sinunod at tumakas ako para mag madre? And I still ask God, "If this is your will, then so be it."
Up until I was in second year college I was thinking of dropping everything and just go with it. I guess wala akong lakas ng loob. Then life happened, I grew up. I never forget it, pero hindi na ganun ka intense yung desire and passion ko as before. And then I lose my way to God. At some point I blamed Him. At some point I questioned Him. But you know, every once in a while, I'm still thinking about it. And then I made peace with everything that's happened. Siguro dito talaga ako, eto dapat talaga yung tinatahak ko, siguro hindi yun yung calling ko. Diba nga sabi nila, everything happens for a reason.
Way way back, may nakita akong post sa facebook na naghahanap ng mga gustong pumasok sa kumbento bilang madre. I remember my bestfriend (Barbie) sending it to me sa messenger saying, "Barbs. Baka eto na talaga yung sign mo." Tumawa lang ako. Yung gay best friend ko din, nabanggit sakin yon, "nakita mo na yung church ata yon or mga madre na post na naghahanap ng gustong maging madre?" I told him, "yes nakita ko, ilang beses ko nadadaanan sa timeline ko." But I am contented with my life right now. Oo inaamin ko, napaisip ako. But then siguro hanggang ngayon wala akong lakas ng loob, sabi nga nila, it is a big decision, sabi nung nagseseminarista sakin noon, find it in your heart that it is what you really want. Siguro, hindi na lang talaga ganun ka lakas yung passion and fire sa heart ko to pursue it. So sabi ko, it's okay, I'm okay with just praying in the church once in a while. I'm happy with where I am now.
Na-curious ako, kung bakit di ako pinayagan ni mama noon kahit ilang beses kong sabihin sa kanila ni papa noon na gusto ko mag madre. So I asked her. ang sagot niya sa akin akala niya daw hindi ako seryoso noon, akala niya daw pangarap lang ng isang bata. Tapos siya na din ang nag sabi, siguro hindi talaga para sayo. Tumawa ako tapos sabi ko "siguro nga".
After that ang dami kong ginusto na course, gusto ko maging psychologist, gusto ko maging pediatrician, gusto ko maging chef, gusto ko mag multimedia arts, gusto ko maging veterinarian. In the end hindi pa din naman yon nakuha ko. But I'm still happy.
This is where I am, where it led me, all those things that happened.
Looking back, masasabi ko na lang na, oh I thought my passion before was pag ma-madre, I really believed and felt like it was where I needed to be, but now, this is where I need to be, this is where I'm meant to be.
I had a love-hate relationship with God. And even though I didn't pursue serving Him inside the wall of the church, I am still grateful for everything, I still serve him every day in my own little way.
3 notes · View notes
bilangdal · 2 years
Text
JUST A REALIZATION…
Each time I go to church I always see different faces of people praying in different ways and styles. Some kneels from the entrance of the church down to the main altar, some close their eyes with fingers crossed, some simply bow their heads. As for me, I’m sure whatever ways one prays, God answers all our PRAYERS, it may be quite some time but, God answers all our prayers. And mine was a concrete example. Before when I was still a student in high school and college, I always tried my best to complete the Misa De Gallo, for I believe that God will grant my wish. My only wish is to be able to finish college, land a good and high paying job more than enough to provide my future family as well as my parent’s a happy and comfortable life. I keep asking those wishes each year. And take note, I am still in third year high school if I’m not mistaken.
I am born in a poor family to the extent that my mother must have to wash the clothes of my neighbor or my relatives for us to be able to eat for the day. My father is a welder in a shop and my mother is a “labandera”. Our life is not easy financially, but we are greatly abundant with love and care since my mother and father give its “ALL” to us (e.g. time, love, understanding, guidance) Our parent’s though doesn’t have much to offer like those parent’s born in silver spoon they still manages to provide us of what is essential in life.
But life is just hard without money. We barely managed to finish high school due to poverty but thanks to God for having not only a supportive and loving parent’s but also very supportive teachers in high school. As I enter college the more, I need money, I managed to get part-time jobs and switch jobs if my contract ends. I remember, literally sleeping while doing one of my part-time jobs as production worker in MEPZ. My colleagues would say that they really have a high regard on me as I managed to let my hand work while my eyes closed. There was even a time that I almost got injured doing my job since I cannot be put-up with my eyes that really shuts down because I was sleepy. In my other part-time job I had to run for straight 15 mins from the jeepney stop to my workplace since I am scarce of money for the fare. And not only that, I need to endure standing for 4 hours and do the cashiering since I am a cashier in one of the biggest supermarket in our place. I need to give a little of my little salary to my parent’s to help in our everyday needs. I need to say no to almost all of the pretty things like clothes and girl’s on trend wardrobe, I also go away with delicious foods since I know I will just my tempt myself but still couldn’t afford to buy it. I basically live a life with almost everything scarce when it comes to money. During those trying times, I was blessed with kind, supportive people through my friends, teachers, professors, colleagues, boss, etc. and with their help, with the guidance of God and my family I was able to reach to what I am now. I uttered the same constant prayer since high school. Thanks to God, I graduated from my course, pass the Licensure Exam for Teachers, landed a good job. Now, I was able to help my parents experience a little of the promised abundant life I did wish and prayed for.
I considered whatever I have right now as a hard-won dream. I am not yet that successful since I am continuing my studies to have a master’s degree. To further my knowledge, so that I could offer my students the best of me. Whenever I face obstacles, I just remember what I had to go through to be able to attain what I have now. It just gives me an awe to those things. I greatly am thankful to God for all the guidance, wonderful people and most of all wonderful family He sent to me. As of today, my guiding principle is to do GOOD, think GOOD and thank God all the time.
2 notes · View notes
ettenanxxi · 9 days
Text
SANA AKO NALANG IKAW
“… Sana ako nalang ikaw!”
Ako si Hasmin at ito ang lagi kong sinasambit araw-araw tuwing dumadaan si Celia papasok sa kanilang eskwelahan. Siya ay may kaaya-ayang mukha, magandang hubog ng katawan,  matalas na isipan at higit sa lahat mayaman. Lubos ang pagkainggit ko sa kanya. Pangarap ko rin kasi ang maging tulad niya. Sa buhay kasi naming ay tanging ang pagtatanim lamang ng kamote at pagiging labandera ni nanay ang aming ikinabubuhay. Magpi-pitong taon na rin kasing hindi nakakalakad ang aking tatay mula sa pagkaaksidente sa pinagtratrabahuan niyang construction site. Simula noon ay tumigil na ako sa pag-aaral sa kadahilanang hindi na magawang matustusan ng aking nanay ang aking pag-aaral at gamot ng tatay. Kaya naman, puro inggit at hinagpis ang aking nadarama.
Isang araw, habang hawak-hawak ko ang nahukay kong kamote ay sakto namang dumaan si Celia at nasambit kong muli ang katagang “Sana ako nalang ikaw”. At ako ay nagulat dahil bigla na lamang nag-iba ang aking kinatatayuan. Napansin ko rin na suot-suot ko ang damit at bag ni Celia kaya naman napatingin ako kaagad kay Celia ngunit bakit sarili ko ang aking nakikita. Tumakbo ako sa loob ng aming bahay upang tignan ang aking sarili sa salamin. Laking gulat rin naman ng aking nanay na may kasama pang sigaw. Agaran niya akong pinalabas at tinawag naman si Hasmin. Labis ang aking pagkalito sapagkat tila’ walang nag-iba sa mga kilos at pananalita ng kasalukuyang ako. Kaya naman naisip ko na ako lang, ang puso’t isip ko lang ang lumipat ngunit nasaan na kaya ang totoong Celia? Hmmf, Mabuti pa nga’y saka ko na lamang isipin. Akin na munang namnamin at damhin ang buhay na aking pinapangarap. Kaya naman, nagpanggap akong si Celia at tumuloy sa eskwelahan. Habang naglalakad ako ay damang-dama ko ang pagiging maganda, seksi, at mayaman.
“Pakipasa ang inyong mga takdang-aralin”, sambit ng guro. Binuksan ko ang bag ni Celia ngunit bakit wala akong nakitang ginawa niya. Maya-maya ay nakita na ng guro na wala akong ipinasa. Araw-araw nalang daw akong walang ipinapasa kaya naman araw-araw rin akong pinapatayo sa klase. Nakatayo ako hanggang sa pag-uwi at paglabas ko ay nakaabang ang maraming estudyante. Pinagtatawanan ako at sinasabihan ng “matalino nga, hindi naman marunong gumawa ng assignment”. Dahil dito, dali-dali akong tumakbo pauwi ng bahay nina Celia. Doon ay bumungad sa akin ang mga alagang aso at pusa. Lubos akong namangha sa itsura ng loob ng bahay. May malawak na sala, malalaking upuan at telebisyon, at may mataas na hagdan sa gitna. Tumungo ako sa kusina at nakita ko ang napakadaming prutas sa lamesa at puno ng pagkain ang ref. Sumunod ay tumungo ako sa itaas at doon ay mga kwarto. Ang isang kwarto nila ay katumbas na ng aming buong bahay. Sinubukan ko ring humiga sa mga kama na pagkakalambot lambot. Damang-dama ko ang gaan sa pakiramdam. Napapatawa ako ng malakas na malakas hanggang sa nakatulog na ako.
Paggising ko, bakit parang ang tahimik? Para na akong nabibingi sa katahimikan. Ganito ba ang buhay ni Celia? Walang kausap? Walang kasama? Saglit lang ay nakadama na ako ng lungkot kaya naman umuwi na ako sa amin. Pagdating ko ay nadatnan kong masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan ang aking pamilya. Nakadama ako ng selos. Wala pang isang buong araw ay napagpasyahan kong ayaw ko pala sa buhay ni Celia. Kung gayon, babalik na ako sa aking katawan ngunit, paano nga ba ako babalik? Paano ako lumipat sa katawan ni Celia? Hindi ko alam ang aking gagawin. Sinubukan kong kausapin si Hasmin ngunit wala itong kalam-alam sa aking mga sinasabi. Wala rin akong duda na nagsisinungaling siya. Ito na ba ang kabayaran sa kadahilanang hndi ako marunong makontento sa kung anong mayroon kami sa buhay? Ito na ba ang kabayaran sa sobra kong pagkainggit sa kapwa? Ito na ba? Hay! Hasmin, “Sana ako nalang ikaw!”
1 note · View note
graveconc3rn · 9 days
Text
can't forget the age old "maging labandera ka nalang katulad ng pamilya mo" when i didn't like studying. i wish you loved me enough to cultivate a love of learning. i wish you loved me enough not to critique when i subtly ask for comfort. i wish you loved me enough not to be mean to me
0 notes
for3verurs-cephy · 19 days
Text
Te bobo ba nanay ko??? Tangina anong sinasabi mo mukang labandera ako pakyu. Like im actively questioning her fucking brain, such a stupid mf. ANG INIT NGA?? ANONG GAGAWIN KO ? Pakyu ikaw nga ang panget mo so fuck off.
Mothers will say you can dress how u want then be fucking picky as hell when you choose a comfortable fit. Bobo
0 notes
prometheins · 6 months
Text
NOBYEMBRE 19 — EVERYTHING EVERYHERE ALL AT ONCE: ANG LIWANAG NA NAGBIGAY BUHAY.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mayroong parirala para sa mga ina na Pilipino: “ilaw ng tahanan”. Karaniwang stereotype na ang mga ina ay banayad at mapagpatawad, mga babaeng mahihina at nabubuhay lamang para sa kanilang mga pamilya. Ang sinumang lumaki sa isang pamilyang Pilipino ay malalaman na ang mga ina ay mas kumplikado kaysa doon. Ang mga ina ay maaaring maging masama at maingay, mapurol at hindi mapagpatawad. baka saktan tayo ng mga ina. Sa tingin ko ang mga ina, lalo na ang mga ina sa Asya, ay kadalasang mga indibidwal na nakaranas ng maraming sakit at ipinapasa ang sakit na iyon sa kanilang mga anak. Ito ay isang heirloom; kapag ito ay napupunta sa kanilang mga anak na babae, ito ay halos isang pagkapanganay. Ang mga ina ang ilaw ng tahanan, ngunit ang liwanag ay maaaring mag-alab. Ang masalimuot na relasyong ito na madalas makita sa pagitan ng mag-ina ay ang puso ng Everything Everywhere All at Once. Sinusundan ng pelikula ang isang Chinese immigrant na ina at may-ari ng laundromat, si Evelyn Wang, habang nagpupumilit siyang kumonekta sa kanyang nawalay na anak na babae, si Joy. (Ito ay isang sobrang pagpapasimple ng pelikula dahil may isa pang relasyon sa gitna ng balangkas - si Evelyn at ang kanyang asawang si Waymond - ngunit para sa layunin ng pagsusuri na ito ay tumatalakay ito sa mga tema ng pagiging ina, ay hindi susuriin). Si Evelyn ay malupit at insensitive, matigas ang ulo na tumatangging makinig sa kanyang anak at tanggapin ang kanyang LGBT+ identity. Gusto niyang itago ang katotohanan na si Joy ay isang bading sa kanyang amang Chinese, isang mahigpit at tradisyunal na lalaki na bibisita sa kanila sa Amerika. Habang nilalabanan ni Evelyn ang isang napakalakas na banta sa multiverse, na lumalabas na isang binago, nihilistic na bersyon ng kanyang anak, na pinangalanang "Jobu Tupaki", naiintindihan niya ang kanyang mga maling gawain at nakipagkasundo sa kanyang anak.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Everything Everywhere All at Once ay nagsasabi ng kuwento ng maraming relasyon ng mag-ina, kahit na walang banta sa multiverse na kasangkot. Ang pelikula ay nagpapakita ng sakripisyo ng pagiging isang ina, lalo na ng isang Asian na imigrante na ina, na kailangang patuloy na magbigay ng pag-asa at pangarap upang magbigay ng isang mas magandang buhay para sa iyong mga anak. Kung minsan, itinutulak ng mga magulang ang kanilang mga anak. Minsan, iniisip ko, sinusubukan ng mga ina na palakihin ang kanilang sarili sa halip na ang kanilang mga anak. Pangarap nila ang gusto nilang habulin ng bata. Ito ang kanilang mga libangan at interes na gusto nilang ituloy nila. Pagdating sa mga magulang tulad ni Evelyn, kumplikado ang mga dahilan ng kanilang mga desisyon. Gusto niyang maging si Joy ang taong gusto ni Evelyn, na maging isang taong higit pa sa isang may-ari ng labandera; sa isang paraan, nabubuhay siya sa pamamagitan ng kanyang anak. Ngunit gusto rin niyang maging matagumpay si Joy hindi lamang dahil sa kanyang sariling pagsisisi sa naging buhay niya, kundi dahil gusto niyang matakasan ni Joy ang kahirapan na dulot ng pagiging Asian immigrant sa White Amerika. Kalahati ng mga desisyon ni Evelyn ay dahil sa pagiging makasarili at kalahati ay dahil sa pagiging hindi makasarili, at lahat ng ito ay dahil sa pag-ibig.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Sakripisyo ang love language ng maraming magulang sa Asya. Sa isang imigrante na sambahayan, ang kultura ay naghahati sa mga relasyon sa pagitan ng mga ina at anak na babae. Ginugol ni Evelyn ang pelikula na sinusubukang gawin ang kanyang makakaya nang hindi tumitigil sa pakikinig, patuloy na nagrereklamo at pumupuna. Hindi niya sinasabi sa kanyang anak na mahal niya ito sa pamamagitan ng kanyang bibig, sa halip, ginagawa niya ito sa kanyang katawan, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasakripisyo sa pamamagitan ng paggawa. Hindi ito isang wika na naiintindihan ni Joy. Sa tingin ko ito ang dahilan kung bakit napakaraming Asian na magulang at mga anak ang nasira ang mga relasyon. Mahal nila ang isa't isa, ngunit hindi nila alam kung paano ipahayag ang kanilang pagmamahal sa paraang ginagawa ng iba. Pero sa kabila ng lahat, mahal pa rin ni Evelyn ang kanyang anak. Ipaglalaban ni Evelyn ang kanyang anak. Pinili ni Evelyn ang kanyang anak.
Tumblr media Tumblr media
May eksena sa pagitan nina Evelyn at Joy kung saan sila ay mga bato sa ibang uniberso kung saan hindi lumago ang buhay. Si Evelyn, bilang isang bato, ay nagsimulang habulin ang kanyang anak na babae. Ang mga bato ay hindi makagalaw, hindi sila mga buhay na bagay. Ngunit si Evelyn bilang isang bato ay gumagalaw, isang bagay na tanging nabubuhay na bagay ang magagawa. Mahal niya ang kanyang anak na babae upang bigyang-buhay ang isang patay na uniberso. At hindi ba ang pagbibigay buhay ay ang pagiging ina? Dinadala ng mga ina ang kanilang mga anak sa mundo sa pamamagitan ng pagpapalaki sa kanila sa sarili nilang katawan. Para sa kanilang mga anak, sila ay nagiging mga diyos. Nakikilahok sila sa banal na gawa ng paglikha. Ang mga ina ang ilaw ng tahanan. Kung minsan, masyado silang nasusunog at sinasaktan ang kanilang mga anak. Hindi nila ito napagtanto. Hindi nila sinasadyang gawin ito, kadalasan. Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng pag-asa na sa pamamagitan ng komunikasyon at empatiya, marahil ang mga ina at anak na babae ay maaaring magsimulang magkaintindihan. Ang mga ina at anak ay maaaring maging malupit at mabait, makasarili at hindi makasarili. Ang mundo ay magkakaroon ng maraming hamon na nagbabanta sa kanilang mga relasyon. Ngunit mahal nila ang isa't isa sa kahit nito, dahil nito.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Maybe it's like you said. Maybe there is something out there, some new discovery that will make us feel like even smaller pieces of shit. Something that explains why you still went looking for me through all of this noise. And why, no matter what, I still want to be here with you. I will always, always, want to be here with you. — Everything Everywhere All At Once (2022).
1 note · View note
kigoportfolio · 8 months
Text
Tumblr media
Perla #GandangPerla #Perlabandera
*Concept ad
Perla is a hypoallergenic laundry detergent that has natural ingredients that are gentle for the skin. Labandera means laundress in Filipino. This social media campaign gives honor to hardworking moms who are afraid that they're stripping away their beauty from the mom duties.
For our Advertising Laboratory class, we were tasked to create a 360 campaign with a brand of our choice. We targeted young housewives ages 25-30 years old who are self-conscious with their image particularly when it comes to their skin. All detergent soaps communicate one thing: they can eliminate tough stains. However, Perla is a detergent soap that finishes off tough stains without harming the delicate skin.
Our team came up with Saludo kay Perla! (Salute to Perla), a campaign that gives women the kind of care that they deserve after all their tough work.
I contributed in creating the creative brief, made the presentation deck, wrote copy for social media posts, created a radio & TVC script, and lead the art direction to ensure consistency across all platforms.
0 notes
jmeyv · 9 months
Text
I should have told you
I knew everything is chaotic and like puzzle to you. Paiba-iba ako ng mood, pero madalas hindi ko narin alam kung isip bata ba ako o batang ayaw ng pansin.
My feelings for you are all pure and true. I've tell you once that I love your instead of "I like you" because I knew this is not just about liking you, nagdevelop siya ng hindi ko alam. Na-star struck ako sa sarili kong feelings, nagka-trust issue. Dalawang beses akong binigo ng mga lalaking akala ko magsstay. Start from my father who nearly - Idk the term but yeah he abandoned me, mama and kuya. My ex who dumped me for the reason that he can't have a long or rather far relationship with me and he doesn't have trust in me. But I still believe in love, that there will be someone who will love and cherish me for who I am. I know I'm makulit, hindi nakikinig and a puzzle kapag nageexpress ng nararamdaman. Hindi kasi ako marunong makipag communicate, hindi kasi ako nagkaroon ng chance na humingi o mabigyan ng yakap, halik sa pisngi o kaya message that can brighten my day. Lumaki kasi ako na iniisip ko na hindi ko kailangan ng mga bagay na yun, kung ano yung sinabi nilang gawin ko ay gagawin ko. Masunurin ako, hindi ako nagrereklamo kapag nahihirapan o iiyak kapag hindi ko na kaya.
I'm sorry for not telling you that I'm very sorry for making you poco loco. Giving you mixed feelings. I already forgive you, hope you forgive me too - for entering your life, distracting you and making kulit. I don't know when, where and how we will meet again. But this time, I am choosing and making myself a better person and you still have "that" room in my heart that no one can replace.
Nahihiya kasi ako sayo, hindi complete yung family ko. Wala akong father figure - walang nagtatanggol sakin kundi sarili ko at si mama. Hindi kami financially stable - my mama works as a maid, care giver, a labandera or mag-alaga ng mga batang hindi niya anak just for me to have a better life. Nahihiya ako kasi hindi ako matalino, wala rin akong maipagmamalaking my parents are college graduate kasi hindi na nakatuntong ng college si nanay dahil sa hirap. Nahihiya ako kasi hindi ako naging mabuting anak, nagreklamo ako sa mga bagay na wala ako. Nahihiya ako kasi inggit na inggit ako sa mga may complete family kasi may family day sila tuwing linggo tapos magkakasama pa sila sa iisang bahay - kami wala kaming sariling bahay. Nahihiya ako humingi ng tulong kapag hindi ko na kaya - pero pinapakita ko lang na okay lang ako at kaya ko o alam ko lahat. Pero hindi ako nahihiya na naging nanay ko ang nanay ko kasi sinalo niya lahat, from protecting me and my brother, tumayong ina at ama, nagtrabaho kasi kulang yung binibigay ng tatay ko at pinaglaban yung karapatan naming magkapatid in legal action.
I knew I have so many flaws. I do not deserve you and you deserve someone better. Thank you for all the things you thought me, I really put it in my life.
I will not marry nor love another man than you. If its not you, then convent will be my love because maybe the love I am looking for is inside those doors. Hope you a better health and life.
See you when we see each other or we will never be,
Mave
0 notes
andreaglj · 10 months
Text
Pagsusuri sa akda
Pagsusuri sa akda
I. Panimula A. May-akda: José Rizal 1. Talambuhay ng may-akda: Si José Rizal (1861-1896) ay malawak na itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ay mayroong madaming tungkulin; isa siyang intelektwal at politikal na aktibista, na kilala sa kanyang mga pampulitikang sulatin, na nagbigay inspirasyon sa rebolusyong Pilipino at kalaunan ay humantong sa kanyang pagbitay ng mga kolonyalistang Espanyol. 2. Kaugnayan ng may-akda sa kanyang nobela: Ang kaugnayan ni José Rizal sa kanyang nobela na Noli Me Tangere ay ang pagpakita ng buhay ng tao noon sa panahon niya & ng mga español. B. Pamagat ng nobela: Noli me Tangere 1. Kaugnayan ng pamagat sa may-akda: Ang kaugnayan ng pamagat kay José Rizal ay ang pagkakasaksi niya sa panahong sinasabi niyang may kanser. 2. Kaugnayan ng pamagat sa kabuuan ng nobela: Ang kaugnayan ng pamagat sa kabuuan ng nobela ay ang pagkakaroon ng isang anyo ng kanser na lubhang kakila-kilabot na ang nagdurusa ay hindi nakayanan na mahawakan, na humahantong sa pangalan ng sakit, at ng nobela, noli me tangere (Latin: "huwag mo akong hawakan"). II. Katawan A. Tauhan, pagpapakilala at paglalarawan 1. Pangunahing tauhan
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin: isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara de los Santos y Alba: ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago: isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Elias: isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio - si Narcisa o Sisa ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasio o Don Anastasio: maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña: isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya. 2. Katunggali
Padre Damaso: isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego: tunay na ama ni Maria Clara. 3. Iba pang tauhan
Padre Salvi: kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes: matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion: napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña: isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares: malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo: tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nyor Juan: namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas: kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno: magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel: hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba: masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng: mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego.
Kapitan-Heneral: pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra: ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino: lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat: nuno ni Elias na naging isang tulisan
Mang Pablo: pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio: ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang.
Tenyente Guevarra: isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Padre Sibyla: paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino: dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. B. Banghay / Buod A. Tagpuan i. Panahon
Tag-araw
Tag-init ii. Lugar
San Diego
Sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo
Sa libingan
Sa simbahan ng San Diego
Sa tribunal ng San Diego
Sa bahay ni Pilosopo Tasyo
Sa plasa
Sa mga hayag ng lansangan ng San Diego
Sa bulwagan
Sa kwartel
Sa kabundukan a. Simula Si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa ibang bansa. Nagdaos ng piging si Kapitan Tiyago, at ininsulto ni Padre Damaso si Ibarra. Dinalaw siya ng kasintahan ni Ibarra na si Maria Clara pagkatapos ng kapistahan. Inakusahan ni Padre Damaso si Ibarra bilang isang Erehe at Pilibustero, ngunit namatay ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra matapos protektahan ang isang bata mula sa isang kubrador. Ang mga labi ni Ibarra ay hinukay at inilipat sa libingan ng mga Instik, ngunit ang kanyang katawan ay itinapon sa lawa dahil sa ulan. Ipinagpatuloy ni Ibarra ang gawain ng kanyang ama, na tumulong kay Nol Juan sa pagtatayo ng paaralan. Pumagitna si Elias, at ang biktima ay hindi si Ibarra kundi ang binayaran ng kanyang lihim na kalaban. b. Kasukdulan Si Ibarra, isang binata, ay sinakal ni Padre Damaso, na inatake ng kanyang ama. Si Maria Clara ay namagitan upang pigilan siya, at pinatalsik ng Arsobispo si Ibarra sa Simbahang Katoliko. Tumanggi ang mga magulang ni Maria Clara na pakasalan si Ibarra, sa halip ay nagpakasal kay Linares, isang batang Kastila. Ang pagkakatiwalag kay Ibarra ay binawi, at siya ay muling ikinulong. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias, at naglakbay sila sa Ilog Pasig hanggang sa makarating sila sa Lawa ng Bay. Natagpuan at pinatay si Elias, na sumaklaw kay Ibarra. Nalaman ni Maria Clara ang pagkamatay ni Ibarra at nakiusap kay Padre Damaso na pasukin siya sa kumbento. c. Wakas Sinundan ni Elias ang alamat ng Ibarra Forest, nakita si Basilio at ang kanyang namatay na ina na si Sisa. Bagama't nasugatan, binalaan niya ang mga mapalad na huwag kalimutan ang mga nasawi sa dilim ng gabi. d. Uri ng Nobela
Nobelang Romansa
Nobelang Kasaysayan
Nobelang Layunin D. Tema / Damdamin
Kabuuang mensahe ng Nobela Ang mensahe ng nobela, na hanggang ngayon ay totoo, ay suportahan ang nasyonalismo at matutong tanggapin ang pagbabago sa ating sarili. Upang ilantad ang pagmamaltrato, pagsasamantala, at pang-aapi ng mga Kastila sa mga katutubo, isinulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. a. Bisang pangkaisipan Ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal ay nakatulong sa ibang lahi, maliban sa mga Pilipino, upang buksan ang kanilang puso at isipan sa ideya ng kalayaan. b. Bisang pandamdamin Ang matinding pagmamahal ng mga mambabasa sa bayan ay nahayag sa aklat na ito, na pumukaw sa kanilang damdamin. c. Bisang pangkaasalan Sa pagtataguyod ng batas, pagtataguyod ng kultura ng Pilipinas, at pagsasakatuparan ng tunay na layunin ng bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa isa't isa upang mapabuti ito, dapat nating suportahan ang ating bansa. IV. Pagsusuring pampanitikan A. Teorya
Ipinapakita ng Noli me Tangere and malaking agwat ng mayaman at mahirap, makapangyarihan at walang lakas. Ipinapakita ito sa pagkakaiba ng buhay nina Elias at Sisa, at kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Ang buhay nina Sisa at Elias ay hindi ganon ka ganda kaysa sa buhay nina Crisostomo at Maria Clara. B. Akda
Si José Rizal ang may-akda sa Noli Me Tangere. D. Pagsusuri
Ipinakikita sa mga pangyayaring ito ang maksaplap na katotohanan sa buhay na ang mga taong may lakas ay sadyang na mapagsamantala sa mga taong mahina. VI. Konklusyon Ang korupsyon ng pamahalaan sa nobelang Noli me Tangere ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ang korupsyon ng pamahalaan sa nobela ay ipinakita sa kabanata 19 kung saan minamanipula ng mga prayle ang mga taong-bayan upang tanggihan ang mga hakbang na maaaring humantong sa kanilang sariling kapangyarihan. Maliban diyan, nariyan pa rin ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating henerasyon, katulad noong panahon na isinulat ang nobelang Noli me Tangere. Sa halos buong nobela, ang hindi pagkakapantay-pantay ay ipinakita sa mga mahihirap, at gayundin sa mga kababaihan. Ang mga mahihirap ay tinatrato ng masama, at ang mga babae ay hindi pinapayagang pumasok sa paaralan. Ang nobelang ito ay magkaugnay sa kasabihan sa ingles na "History repeats itself."
0 notes
jamillamarie · 1 year
Text
What is your greatest what if?
Growing up, I always think of what the future stores in me. What is life when you reach the age of legality? Is it as fantastic and colorful as what movies say? Well no one can totally predict the future, we’ll just keep on telling ourselves that “I want to be like this”, “I want to be like that”, etc. we’re just creating itineraries on where we should go and what are the things we want to do.
I was 5-6 years old when I started dreaming. Believe me or not but my first ever dream is to be a “labandera”. I was amazed seeing my mom wash all our clothes– how she can get rid of all the stains and it seems like she’s just playing with water. That’s my dream until the construction site begins its operation in our street. I often see a man who wears an orange round hat, checkered long sleeves tucked inside his pants, and black boots. I think his job is pretty cool because whenever I see him, he’s just standing and observing the progress of the site while talking to whom they call “foreman”. That’s the start of me dreaming to become an engineer. But it only lasts for how many months because when my 3rd grade teacher asked the class what they want to be, no one except me wants to become an engineer. From there, I changed my dream and chose what the majority wants to be– a doctor. And you know what? The burning desire inside me of becoming a doctor became more legit when I got hospitalized because of asthma. White coat looks more fashionable than the checkered one, the stethoscope is way cooler than the orange hat, and healing people appears to be more fulfilling than building a townhouse. Ever since that day, I stand by my will of pursuing that career. Whoever asks me what I want to be, I will not hesitate to tell them that I want to be a doctor. And that dream turns deeper each time I go to USTH for follow-up check-ups. I really looked up to my doctors that time, they did not just teach me how to breathe properly but they also inspired me. While writing this, I can’t help but think of them, hoping they have a very wonderful life. I wish they knew how thankful I am to them, even though I did not pursue that medicine path. 
Yes, you read it right. I did not follow that dream. I am on a path that’s far away from medicine and currently, I am a communication student. How did I land here? I think fate puts me here. Maybe because I am destined to be in this place–  not to help people know their disease but to help people know the latest news. If you will ask me if I regret my decision my answer will be no. Because following this route gives me lots of opportunities and I am beyond grateful for everything because it helps me to start dreaming again and molded me to be the person I am today. Being a doctor might be my biggest what if but not pursuing communication for sure will be my greatest regret. 
0 notes
buhay-nanay · 2 years
Photo
Tumblr media
Merienda ng labandera for today🤣 after nito magsasampay nako💪🏻 https://www.instagram.com/p/Ce0Ym1JBZEj/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
edicionesbrandon · 2 years
Text
🇵🇪 Cada 07 de junio se celebra "El Día de la Bandera en Perú". En esta fecha se festejará que, hace 142 años, casi dos mil peruanos lucharon hasta quemar el último cartucho en la defensa de Arica, durante la guerra con Chile. ¡Feliz día de la Bandera Peruana! 🇵🇪 #DiaDeLaBandera #FelizDiaDeLaBandera #LaBandera #EdicionesBrandon #FelizDiaDeLaBanderaPeruana
Tumblr media
0 notes
pancholepew · 3 years
Text
Tumblr media
9 notes · View notes
jerrytrouble · 5 years
Text
Tumblr media
A tus órdenes chichona
2 notes · View notes