Tumgik
#mayamang
boutique-buyer · 2 years
Text
Fashion From The Vault Series
Part 1 - August Still
Tie Dye Purple Women’s Top
Pink Women’s Pants
Tumblr media Tumblr media
0 notes
dimagapi · 1 year
Text
Maria Clara at Ibarra took its time with Fidel, and it paid off
AAMININ KO, HINDI ako palanood ng mga teleserye. Nahihirapan akong sumubaybay sa five-episodes-per-week format. In 2022, naisipan kong manood ulit ng teleserye. Isa sa mga naisip kong panoorin ay Maria Clara at Ibarra, isang portal fantasy kung saan ang bidang si Klay ay ipinasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal. Basically, Noli/Fili isekai.
I honestly did not have high expectations, knowing kung gaano ka-fast paced ang production ng TV series sa Pilipinas. Kaya pleasantly surprised talaga ako na masasaksihan ko sa MCI ang isang character arc na puwede ko na sigurong sabihing kahanay ng mga paborito ko.
The character arc in question ay ang kay Fidel. Sinulit ng MCI ang teleserye format sa pagbuo ng character arc ni Fidel, taking 17 real-life weeks para ipakita ang development niya. Ita-tackle ko na rin ang nangyari sa unang episode after those 17 weeks kasi hindi ko talaga matiis sa sobrang pagkamangha ko.
Unang lumabas si Fidel de los Reyes sa Episode 3 ng Maria Clara at Ibarra, bilang isa sa mga malalapít na kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Original character si Fidel, wala siya sa Noli me tangere, tulad ni Klay. Ang kaso nga lang ay kahit na kaibigan siya ni Ibarra, he is far from likable. Lalong-lalo na para sa bida nating si Klay.
Fidel de los Reyes, raging misogynist
Simula pa lang, malinaw na ang purpose ng character ni Fidel: para ipakita na kahit sa panig ng mga taong tulad ni Ibarra, mababa ang tingin ng kalalakihan sa kababaihan noong 1880s. At mula naman sa perspective ni Klay, para ipakita sa kaniyang marami palang pagkakatulad ang panahon niya at panahon ni Rizal.
Tumblr media
"Kung magiging sintalino [ng mga babae] ang mga [lalaki], tila magiging isang malaking kaparusahan ito sa atin!"
Hindi understatement kung sasabihing raging misogynist si Fidel noong una siyang lumabas. Tinitingnan ni Fidel ang pagiging marunong ng kababaihan bilang isang banta sa kalalakihan. Hindi lang siya sa salita mapanghamak sa mga babae, ipinakita rin niyang handa siyang manakit ng babae dahil lang nasaktan ng isang matalinong babae ang ego niya. Nasampal pa siya ni Klay dahil dito (at deserve niya iyon).
Bukod sa mababang tingin ni Fidel sa kababaihan, masasabi ring hinubog siya ng privelege na mayroon siya. Dahil nabuhay siyang hindi inuusig, buo ang tiwala niya sa gobyerno at Simbahan, at wala rin siyang amor para sa mahihirap. Ito rin ang dahilan kung bakit napakadali para sa kaniyang hindi makaramdam ng simpatya para kay Sisa sa una.
Itong privilege ni Fidel ang siya ring nagpapaniwala sa kaniyang nasa posisyon siya para utusan si Klay (isang babae) na ipagdasal ("trabaho" ng babae noong panahon ng pananakop ng mga Kastila) ang biyahe nilang tatlo ni Ibarra. Ang pagtawag niyang "bruha" kay Klay ay hindi lang misogynistic kundi bunga ng maka-Kastila niyang paniniwala.
Ang takot niya sa mga tulisan ay bunga rin ng privilege niya at paghanay niya sa sarili sa panig ng mga Kastila. Ang pagharang ng mga tulisan sa isang prayle ang sinabi niyang dahilan para katakutan ang mga tulisan na posibleng humarang sa kanila sa biyahe. Iskandaloso ang tingin ni Fidel sa sagot ni Klay na "Prayle naman pala! Baka masama 'yung prayle na 'yon kaya siya sinaktan." Hindi niya matanggap ang pagsasalita nang ganoon ni Klay laban sa mga itinuturing niyang huwaran.
Tumblr media
"Binibining Klay, simulan mo nang magdasal bupang maging ligtas ang ating paglalakbay. 'Yon ay kung didinggin ng Diyos ang dasal ng isang bruha."
Hindi magkahiwalay ang pagiging maka-Kastila, matapobre, at mapanghamak ni Fidel sa kababaihan; lahat ng mga ito ay bunga ng pribilehiyo niya bilang isang mayamang mestizo. Mapapansing nagpakita ng kaunting "respeto" si Fidel nang mag-English si Klay. Sa panahong iyon, matututo ka lang ng ibang wika sa pagbabasa, paglalakbay sa ibang bansa, o pagkakaroon ng white-collar job sa isang British-owned business. Mula sa perspective ni Fidel, tanda ng pagiging edukada o maykaya ang pagsasalita ni Klay ng English; naisantabi niya nang panandalian ang panghahamak sa kababaihan dahil sa tingin niya ay posibleng privileged din si Klay kagaya niya.
'Tunay ka ngang kakaibang babae'
Si Fidel na naniwala kaagad sa paratang na nagnakaw si Crispin at nangmamaliit kay Klay ang siya ring tumulong, sa maliit na paraan, sa paggamot sa injuries ni Sisa sa Episode 25. Hindi niya naiintindihan nang lubos ang nangyayari, but he's trying. Hindi instant ang pagbabago niya. Alien pa rin sa kaniya ang idea ng pagkakaroon ng babaeng manggagamot, pero hindi nagmarunong si Fidel o pinatigil si Klay (in contrast sa tangkang "pagliligtas" ni Don Tiburcio kay Kapitan Basilio at pagharang ni Kapitana Tica kay Klay 10 episodes later).
Tumblr media
Sa Episode 25, sa warehouse ni Fidel ginamot ni Klay si Sisa. Hindi pa ganap na nagbago si Fidel, pero nagsisimula na siyang maging mas bukás sa mga bagay na bago sa paningin niya.
Sa kabila ng tension sa pagitan nina Klay at Fidel, malinaw ring intensyon ng series na si Fidel ay magiging potential love interest para kay Klay. Malinaw rin kung anong klaseng love interest si Fidel: lalaking mapang-uyam sa bidang babae pero unti-unting nahuhulog ang loob sa inuuyam niya. Dahil sa tindi ng tension sa pagitan nila ni Klay, I would say na nalaro nito nang ayos ang inaasar-ka-niya-dahil-gusto-ka cliché, lalo na't hindi lang simpleng pang-aasar ang ginagawa ni Fidel sa una.
From Episode 30 onwards, makikita ang pag-develop ni Fidel ng paghanga para kay Klay. Sa Episode 30 nagsimulang magparamdam si Fidel na may nabubuo siyang pagtingin kay Klay. Dito rin siya nagsimulang mang-asar, in the friendly sense, pero na-call out din siya dahil out of line.
In Episode 34, nangyari ang isang rare instance na nang-asar, intentionally, si Fidel dahil gusto niya si Klay. Walang explicit romantic intentions ang karamihan ng instances ng pang-aasar ni Fidel (pero hindi rin masasabing pilít if you read them as romantic). Sinundan ito kaagad ng isang compliment na backhanded, probably unintentionally so. Fidel's trying. And failing.
Tumblr media
"Binibining Klay, kung hindi ka pa nadapa ay hindi kita makilala. Mayroon ka palang itinatagong ganda."
Sa Episode 35, mapapansing hindi pa ganap na sumasang-ayon si Fidel sa mga kilos ni Klay. Makikitang nagtangka siyang pigilan si Klay na sumampa sa upuan at magsalita laban kina Kapitan Basilio at sa mga bisita nito. In the following episode, however, hindi niya pinigilan si Klay sa pagliligtas kay Kapitan Basilio matapos mabilaukan ang matanda. May tiwala si Fidel sa kakayahan ni Klay magbigay ng first aid, as he witnessed ten episodes prior.
Mabagal ang progress ni Fidel, but it's there. Nang iligtas ni Klay si Ibarra through mouth-to-mouth resuscitation and CPR (Episode 40), ipinagtanggol ni Fidel si Klay at nagpaliwanag na "karaniwan itong ginagawa ng mga nakapag-aral ng medisina" kahit na ipagtataka ng mga marami sa panahong iyon na alam ito ng isang babae. Idinagdag pa ni Fidel na katanggap-tanggap sa Kanluran ang mga ito.*
* This might come come off as anachronistic dahil 1900s naging standard procedure ang CPR, pero may mga precursor ng CPR noong mid-1800s. However, hindi chest compression ang ginagawa doon. 1891, seven years after when MCI is set, unang nagamit ni Dr. Friedrich Maass successfully ang chest compressions sa paglilgitas ng pasyente. May mouth-to-mouth resuscitation for drowning victims since the 1700s, though.
Matapos iligtas ni Klay si Ibarra, nakipagkita si Fidel in private kay Klay. Nagsisimula na si Fidel na makita ang halaga ni Klay. Dagdag pa, humahanga siya hindi sa kabila ng pagiging "kakaiba" ni Klay kundi dahil dito. What this means is hindi na niya nakikitang kapintasan ang talino at tapang ni Klay at hindi na rin niya ito nakikita as a threat to his ego.
Tumblr media
Fidel: Binibining Klay, [...] tunay ka ngang kakaibang babae, kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napahanga mo ako. Hindi lamang sa iyong angking talino at lakas ng loob, kundi pati na rin sa [...] independence of mind and spirit.
I particularly like na, at least at the time of the episode's airing, puwede mong ma-interpret ang paghangang ito ni Fidel as something na hindi lang romantic; puwede mong basahin ang paghanga na ito bilang bunga ng nabubuong pagtingin niya kay Klay, pero puwede mo ring basahin bilang magkahiwalay na bagay ang paghanga niya sa kakayahan ni Klay at ang ang attraction niya kay Klay.
Sa kabila ng nabubuong paghanga ni Fidel para kay Klay, hindi pa rin nawawala ang pagkiling niya sa mga Kastila. Tutol siya (at si Ibarra) sa pag-awat ni Klay kay Padre Salvi matapos saktan ng prayle ang ilang tao sa tabing-lawa. Dito iginiit ni Klay na may lakas ng loob ang mga tulad ni Padre Salvi na mang-abuso dahil may mga tulad ni Ibarra na may mabuting hangarin ngunit walang ginagawa para labanan ang kasamaan.
'Tila umiibig ang ginoo!'
Tumblr media
Fidel: Sa araw na ito, tila nakilala ko na rin ang babaeng hahangaan ko... Pilosopo Tasyo: Tila umiibig ang ginoo!
It took time bago nagpakita ng explicit na romantic affection si Fidel towards Klay. Nang tumakas sina Klay at Maria Clara para makipagkita kay Ibarra (Episodes 48-49), nakita ni Fidel si Klay sa parehong paraang nakikita ni Ibarra si Maria Clara. Pansin din ito ni Ibarra, pero in denial pa si Fidel sa puntong ito.
May kahambugan pa si Fidel sa pagkukuwento kay Klay tungkol sa pagtingin niya sa isang certain someone na itatago na lang natin sa pangalang Maria Clara Infantes. Iniyayabang ni Fidel na napakapalad ng special someone na ito dahil iniibig niya.
Sa kabila ng mariing pagtanggi sa simula ni Fidel na may pagtingin siya kay Klay, hindi niya kinontra si Ibarra nang tawagin nito sina Maria Clara at Klay na "ating mga Maria Clara" matapos sunduin at pagalitan ni Kapitan Tiago ang magkatukayo.
Tumblr media
Ibarra: Paano ba iyan, amigo? Tila karamay mo ako sa pag-aalala sa ating mga Maria Clara.
Episodes 57-58 na umamin si Fidel kay Klay; it took that long. Ang kagandahan sa development na ito sa relasyon nila, on Fidel's part, ay hindi siya nagkaroon ng drastic na pagbabago para lang kay Klay; hindi siya biglang naging "ideal guy". Lumilitaw ang isang character flaw niya: dahil sa pagiging misogynist niya sa simula ng series, it only makes sense na hindi siya marunong makipag-usap sa babae, let alone isang babae na alam kung ano ang deserve niya. On Klay's part naman, she stayed her ground. Hindi niya ni-reciprocate ang feelings ni Fidel dahil lang hindi na ito (intentionally) mean.
Now, let me go into a bit of a tangent because I want to talk about Fidel's confession.
Napakaraming sinabi si Fidel na mako-consider na pang-aasar kung intentional, pero malinaw namang makikita na ang mga nasabi niya ay dahil lang hindi siya maalam manuyo. Fidel's trying. And failing. (1)
Tumblr media
Take this exchange, for example:
Fidel: Binibinig Klay, bulag ka ba at hindi mo nakikita? O sadyang manhid ka lang ka lang at hindi mo nararamdaman? Klay: Ang alin ba? Fidel: Na sa kabila ng iyong bangis at pagmimistulang bruha, at ang iyong paglalamyerda sa buong San Diego na madalas ay bastos at walang modo na hindi gaya ng mga de-klaseng babae diyan... Klay: May point ka ba? O recap lang 'to ng judgment sa'kin ng bayang 'to? Nahiya ka pa, isama mo na rin 'yung pagbuntot ko sa amigo mo na parang kerida. Fidel: Isa pa iyon!
Comedy aside, kapansin-pansin na may animosity pa rin sa pagitan ng dalawa, especially on Klay's part. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad makapaniwala si Klay na may pagtingin sa kaniya si Fidel. And that's completely understandabl; ni minsan ay hindi man lang inihingi ni Fidel ng paumanhin ang past actions niya towards Klay. Hindi batid ni Fidel na mabigat ang mga ito para kay Klay dahil hindi pa siya nalagay sa posisyon kung saan siya ay hinahamak.
Another standout exchange is this:
Klay: Magkaiba ang mundo natin. Fidel: Batid ko. Batid ko na tila langit ako at ikaw ay lupa.
Concise ang punchline, dine-defy ang expectation sa isang otherwise predictable expression, at in-character pa para kay Fidel na napakatayog ng tingin sa sarili. I say this is gold.
Bakas pa rin ang pagka-entitled ni Fidel sa expectations niya kay Klay; na magugustuhan agad siya pabalik at papayag na magpakasal sa kaniya. Nagnakaw pa ng halik si Fidel kay Klay. Na-call out din ito ni Klay, siyempre.
May pagka-immature ang reaction ni Fidel sa rejection ni Klay, parang batang hindi pinagbigyan matapos magturô sa tindahan. May halo pang kaunting pagyayabang na kung ibang babae ang susuyuin niya nang ganoon ay hindi siya tatanggihan.
Sinubok din ni Fidel na mangharana para suyuin si Klay, katulad ng panghaharana ni Ibarra kay Maria Clara noon, pero naging malamig ang pagtanggap ni Klay dito. Mahahalatang alien concept talaga para kay Fidel ang hindi mapabigyan sa mga gusto niya.
Hindi nakapagtataka kung bakit hindi marunong manuyo si Fidel: sa buong panahon na nasa series siya, si Klay lang ang babaeng nakakasusap niya consistently. Si Pilosopo Tasyo na nakausap niya minsan tungkol sa pag-ibig (Episode 44) ang pinakamalapit sa isang father figure na mayroon siya, at wala naman siyang ibang mahihingan ng payo. Ang sariling privilege lang ang masasandigan ni Fidel at this point, kaya pakiramdam niya ay ang privilege din niya ang magdadala sa kaniya ng pag-ibig.
Ang gusto ko lang talagang sabihin for this segment ay magandang romcom material ang lover boy era ni Fidel, saka props na rin sa pag-integrate nito sa kuwento in a way na hindi pilit and makes sense for the character.
Pagbaligtad ng mundo
Noong panahong inuusig si Ibarra, kay Fidel lumapit si Klay para humingi ng tulong. Sa una ay nagawa pang mang-asar ni Fidel na hindi daw siya matiis ni Klay. Hindi pa niya batid ang haharapin niyang pagsubok.
Hindi nagtagal ay nasaksihan ni Fidel ang talumpati ni Ibarra sa pulpito sa simbahan ng San Diego, kung saan inilahad nito na may malubhang sakit ang bayan na pinalalala ng mga nagsasawalang-kibo. Nakiisa si Fidel sa pananawagan ng "Dinggin n'yo kami" matapos ang talumpati ni Ibarra. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumindig si Fidel laban sa mapang-aping sistema.
By Episode 73, exactly 70 episodes mula nang unang ipakilala si Fidel, pumasok na sa climax ang character arc niya. Nakulong si Fidel kasama ng iba pang may kaugnayan kay Ibarra. Ang panahon niya sa presinto ay nagsimula sa pagyayabang niya sa Guardia Civil na makakalabas agad salamat sa magaling na abogado ng pamilya niya, at iginigiit niyang nakapag-aral siya ng batas kaya alam niyang iligal ang ginagawa sa kanila ng Guardia Civil. Sa gabing iyon din ay napagtanto niya: "Kung sino pa ang gumagawa ng maganda para sa bayan ay siya pang tinatawag na kriminal, habang ang mga makasalanan sa Simbahan at sa gobyerno ay kailangang tawaging 'kagalang-galang'."
Kinausap niya saglit si Don Filipo tungkol sa pagbibitiw nito sa puwesto dahil sa pagiging sunud-sunuran ng gobernadorcillo, at tinanong siya nito pabalik kunghanggang saan niya kayang ipaglaban ang bayan. Kung lalaban si Fidel, kailangan niyang isakripisyo ang pribilehiyong nagpahintulot sa kaniyang maging makasarili noon.
Tumblr media
Don Filipo: Don Fidel, hanggang saan mo kayang ipaglaban ang ating bayan nang hindi lamang umaasa sa dasal, conexiónes, o sa iyong yaman?
Nang itakas ni Klay si Fidel, nahuli siya ng Guadia Civil. Kinakailangang gumawa ni Fidel ng isang bagay na bago ang pagtakas ay hindi niya akalaing gagawin niya: ang pumatay ng tao. At ginawa nga niya ito. Ang Fidel na noong nakaraang episode lang ay ipinagmamalaki ang mga nalalaman sa batas ay siya na ngayong lumabag dito. Pugante na siya at pumatay pa ng Guardia sa mismong kuwartel, hindi na maililigtas ng kahit na gaano pa kagaling na abogado.
Magkaibang-magkaiba man ang ikinilos ng Fidel ng Episode 73 at ng Fidel ng Episode 74—at mas lalong malayo sa Fidel ng Episode 3—ay hindi masasabing kilos ito ng magkaibang karakter; kilos ito ng iisang Fidel na noo'y itinaas ang sarili at pagkatapos ay ibinaba, noo'y nanghamak at pagkatapos ay natutong umibig, dumaan sa hamon at pagkatapos ay nagbago, at umabot sa sukdulan at natutong lumaban. Sa kabila nito, may isa pang hindi natutunan si Fidel sa puntong ito: ang ipakita ang pagiging vulnerable; or perhaps more approriately, hindi pa niya na-unlearn ang pagtatago ng vulnerability niya.
Vulnerability and compassion
Pinuna ni Klay si Fidel sa mga kaharutan nito matapos nilang takasan ang Guardia Civil, pati na rin ang pagiging "kalmado" nito matapos nitong mahanap ang sugatáng si Elias na hindi kasama si Ibarra. Naalala ko nang may mga pumuna sa Twitter na mabilis daw masyadong naka-get over si Fidel sa pagbaril sa Guardia Civil, pero sa tingin ko, coping mechanism ni Fidel ang mang-asar para matabunan at maitago ang pangangamba dahil nasanay siyang komportable ang buhay at walang inaalala.
Hindi umiyak si Fidel kahit ni-reject siya ni Klay na pinakamamahal niya sa Episode 75, at sa una ay maaari mong maisip na baka hindi lang talaga dinibdib ni Fidel at the moment dahil nasa panganib sila, o hindi ito gaano kasakit sa kaniya dahil nag-mature na siya. Matapos mahanap nina Fidel at Klay si Elias, ipinakita ni Fidel na hindi siya "kalmado" tulad ng iniisip ni Klay. Lumuha si Fidel. Unti-unti na ipinapakita ang vulnerable side niya.
Tumblr media
Lumuha ang "kalmadong" si Fidel. Also, may dahilan kung bakit siya nakahubad diyan. Ginagamit pang-first aid kay Elias 'yung damit niya, pramis!
Sa kampo ng mga tulisan, makikitang ang pag-aalala ni Fidel para kay Klay. Sinusuyo niya si Klay sa mga simpleng paraan tulad ng pag-aalok ng pagkain at tubig, bagay na hinding hindi gagawin ni Fidel noong Episode 3 at hindi niya gagawin nang walang halong pang-aasar bago ang Episode 70. Ipinapakita ni Fidel ang affection niya through acts of service* towards Klay. Walang pag-aalinlangang pumayag si Fidel na samahan si Klay sa bayan para makapagpaalam kay Maria Clara kahit na alam nila pareho kung gaano kalaking panganib iyon para sa kanila.
*I have some reservations about the idea of love languages, pero sa kasong ito, tingin ko naman ay angkop sabihing ang love language ni Fidel ay acts of service.
Matagal bago nailabas ni Fidel ang vulnerable side niya, salamat sa pagiging lalaki at mayaman. Bilang lalaki, marahil ay pinalaki siyang pinagbabawalang umiyak o "magpakita ng kahinaan". Kung hindi rin nagbago ang pananaw ni Fidel sa kababaihan, hindi rin kakayanin ng ego niya na ipakia ang vulnerability sa harap ni Klay. Bilang mayaman naman, ipinipinta niya ang sarili bilang angat sa iba at hindi matitinag. Ngayong tinutugis na siya ng Guardia Civil, danás na rin niya ang nararanasan ng karaniwang taong minamata niya noon.
Alab ng puso
Ang pinakamahalagang bagay na natutunan ni Fidel sa character arc niya ay ang umibig. Una na niyang ipinakita ang pag-ibig kay Klay, at unti-unti siyang natutong umibig sa iba pa. Kung trip mo maging mas cynica aboutl Fidel's past actions, puwede mo pa ngang sabihing ang pag-ibig niya kay Klay, although genuine, ay kaakibat ng paniniwala niya, bilang lalaki noong panahon niya, na bahagi ng "tadhana" niya ang umibig sa isang babae, mag-asawa, at bumuo ng pamilya.
Kalaunan ay natutunan ni Fidel na mahalin ang bayan. Ganap na niyang nakilala ang mga kondisyong humulma sa kaniya at sa mga pananaw niya, at napagtanto niyang binulag siya ng pribilehiyo niya, at inamin niyang naging makasarili siya. Nasaksihan ni Fidel ang kapalaran nina Sisa, Crispin, at Basilio; ang sakripisyo ni Elias; ang pag-usig kay Ibarra; ang pagmamalupit ng mga prayle at Guardia Civil; at ang panghahamak sa kababaihan. Ang huli ay hindi lamang niya nasaksihan o hinayaang mangyari; naging bahagi rin siya nito.
Sa huli, isinapuso ni Fidel ang payo (na naka-package deal kasama ng rejection) ni Klay: ang ialay sa bayan ang kaniyang pag-ibig. Ibig niyang ipagpatuloy ang laban nina Ibarra at Elias at idineklara niyang ilalaan niya ang natitirang yaman para sa paghihimagsik at iiwan na ang komportableng buhay na nakasanayan niya alang-alang sa bayan.
Tumblr media
Fidel: Magkasama nating ipagpatuloy ang sinimulan ni Crisostomo at Elias.
Inaanyayahan ni Fidel si Klay na sumama sa kaniya sa pakikipaglaban. Sa kasamaang palad ay kinakailangan na ni Klay na bumalik sa mundo niya. Sa pag-alis ni Klay sa mundo ng Noli, umiyak si Fidel. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi pinigilan ni Fidel ang sarili niyang ipakita ang vulnerability niya.
Tumblr media
Tapós na ang pagtatago ni Fidel ng damdamin niya. Tanggap na niyang may vulnerable side.
From ilustrado to naliwanagan
As of writing, pumasok na sa El FIlibusterismo ang MCI. Ipinakita na si Fidel bilang rebolusyonaryo, kasama sa pangkat ni Elias na nakaligtas mula sa mga pangyayari sa Noli arc.
Bilang mga rebolusyonaryo, may codenames sina Elias at Fidel: si Elias ay si Tagausig, at si Fidel si Naliwanagan. Fidel's codename is especially fitting dahil bukod sa obvious allusion na sa pagkakaroon niya ng 180-degree turn sa character arc niya, may iba pang kahulugan.
Tumblr media
Si Naliwanagan at si Tagausig
Nagsimula si Fidel bilang isang entitled at sexist na ilustrado. Towards the end of the Noli arc ay naliwanagan si Fidel sa tunay na kalagayan ng lipunan. Ang "ilustrado" at "naliwanagan" ay parehong "enlightened", pero dahil sa character arc ni Fidel ay malinaw na may opposite connotations ang dalawang ito. Ang "ilustrado" ay enlightened in the sense na may access siya sa edukasyon, samantalang ang "naliwanagan" ay enlightened in the sense na namulat sa mga totoong kalagayan ng bagay-bagay at mga karanasan ng mga karaniwang tao. Dagdag pa rito, Espanyol ang "ilustrado" at Tagalog ang "naliwanagan", angkop sa pagkiling ng ilustradong Fidel sa mga mang-aapi at pamumuhay ng naliwanagang Fidel kasama ang mga inaapi.
Bukod sa opposite connotations ng "ilustrado" at "naliwanagan" sa context ng character arc ni Fidel, masasabi ring may direct relationship ang dalawang ito sa pagbabago ni Fidel: Si Fidel ay ganap na naliwanagan noong magpasya siyang talikuran ang pagiging ilustrado. Si Fidel ay hindi lang naging tao (as Klay would say), natuto rin siyang magpakatao. Natuto siyang malungkot, mangamba, mahabag, mag-alala, makiramdam, magalit sa kawalan ng katarungan, at—higit sa lahat—umibig.
150 notes · View notes
gab13bondoc · 2 months
Text
Tara sa Sual!
Sa aking paglalakbay sa " The Granary of the Philippines and The Garden of Luzon" ang lugar ng mga Panggasinense ang Panggasinan. Sa lungsod na ito, kapansin-pansin ang mga tanawin dito. Mula sa mga agaw pansing bulubundukin at lambak nito, matatagpuan din ang mga naggagandahang white sand beaches sa iba't-ibang bahagi ng Panggasinan na sakop ng Lingayen Gulf. Isa sa mga naggagandahang white sand beaches sa Panggasinan ay matatagpuan sa bayan ng Sual. 
Tumblr media
Ang letratong ito ay mula sa kuha ng www.ilovepanggasinan.com
Ang bayan ng Sual ay hindi lamang ito kilala sa mala pulbos at mala perlas sa puting buhangin ng dagat nito, kilala rin ito sa mayamang produksyon ng isda na maaring mahuli sa bahagi ng kanilang karagatan. Sa aking paglalakbay sa Sual, naranasan ko ang maki-isa sa pangingisda ng mga lokal doon. Ang mga mangingisda ay hindi lamang nanghuhuli at nagbebenta ng mga isda, inaalok din nila ang mga tursita na mangisda sa karagatan upang maranasan ang yaman at ang ganda ng Sual. Mayroong mga packages na inihahandog ng mga lokal ng Sual at isa na rito ang day tour at  ang coastline fishing packages kung saan aking nalibot ang ganda ng karagatan ng Sual habang nanghuhuli ng aming kakaining sariwang isda.
Tumblr media
Ang letratong ito ay mula sa kuha ng www.masamireycove.com
Di lang diyan umikot ang aking paglalakbay, dahil mas nakita ko ang ganda ng karagatan ng Sual sa kamangha-manghang anyo nito sa ilalim ng tubig. Sa aking paglalakbay, binigyan ako ng imbitasyon sa isang snorkling tour sa bayan ng Sual. Sa una ay tila nakakatakot at nakakakaba sapagkat hindi naman ako marunong lumangoy, ngunit noong nasilayan ko ang itinatagong ganda ng Sual sa ilalim ng tubig ay tuluyang nawala ang kaba at takot sa aking sarili.
Tumblr media
Ang letratong ito ay mula sa kuha ni Tommy Schultz
Sa paglalakbay ko sa bayan ng Sual, isa lamang ang naging realisasyon ko, nararapat nating pangalagaan ang ating paligid. Kung ang ganda at linis ng paligid ay nakakapagpasaya sa atin, dapat ibalik din natin kung ano ang iniaalay sa atin ng kalikasan. Dahil sa pangangalaga ng ng mga lokal sa bayan ng Sual, yumaman lalo ang bayan na ito sapagkat hindi nasisira ng mga tao nito ang kaniyang ganda. 
Tumblr media
2 notes · View notes
akonaman · 5 months
Text
halos isang linggo na si mama nag kekwento ng mga buhay ng mga ka work niya dati na nasa abroad. how lavish their lifestyle is, kung paano sila nakakpagbakasyon sa ibang bansa kase engineer yung mga anak, matataas yung sahod and pati amount ng sahod ng anak nila nababanggit ni mama.
i was just saddened kase di ko din na meet yung expectations niya. alam ko naman nag asawa ako agad at the right age naman. but she keeps on sharing yung mga anak ng kumare niya na binubuhos sa mga asawa nila yung sahod nila instead of helping the immediate family muna.
i don't really get it sometimes and nakakalungkot minsan na nacocompare kami sa mga anak ng mga privilege na family naman na talaga. gusto ko sabihin kay mama na we're still figuring things out and di din naman kami lumaki sa mayamang pamilya to get to their level. we just sometimes get what's on our plate and do more with less. it just hurts sometimes na gusto mo naman talaga ibigay yung best mo para sa magulang mo, pero sobrang hirap. kase kahit ilang beses mo itry, good is never enough for them.
paunti unti may mga na achieve naman na kami nila ate. pero dahil sa facebook, parents are now comparing their lives to their kumares and kumpares. as if life is easier this time.
6 notes · View notes
lonelyicedcoffee · 1 year
Text
"Paano na kaya tayo baks?" Hahahahaha tbh idk kung paano nga ba kami ng kaibigan kong to hahahahaha eh ganon talaga baks eala eh sooo magiging mayamang tita na lang tayo anes
6 notes · View notes
reiinamo · 1 year
Text
SKL
Kung mahilig kayo magbasa sa wattpad o kung saan mang reading app.. i recommend yung De Silva series lalo yung 2nd gen nung family may pagka thriller na.
And.. ugh pinangarap ko maka-asawa ng mayamang business man tas possessive hahaha emeeee
2 notes · View notes
taaaaangi · 1 year
Text
hanggang ninang na lang talaga tayo ng anak ng friends hahahaha ito na talaga yung goal ko maging mayamang tita/ninang.
2 notes · View notes
donfelimon28 · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Witch City, sikat na puntahan at pag-usapan tuwing Halloween
Twing patapos ang Octobre ay nariyan na naman ang mga pagpaparamdam ng nga multo, maliban sa ex mo. Haunted house, ghost hunting, trick or treat at halloween party.
Maiba tayo ng usapan, dahil may iba na rin naman siya. Alam niyo ba na may sikat na lugar twing gantong Halloween? Yan ang Witch City sa Salem, Massachusetts.
Ang Salem ay isang lungsod sa coast ng Massachusetts sa hilaga ng Boston. Ito ay sikat tuwing halloween dahil sa trials nung 1692 laban sa mangkukulam, kung saan maraming mga lokal na kababaihan ang pinatay dahil sa diumano'y nagsasanay ng pangkukulam. Kabilang sa lugar na ito sa kasalukuyan ay ang mga palatandaan mula sa episode na 'Witch House', ang dating tahanan ng isang trial judge. Gayun din Ang Peabody Essex Museum ay may napakalaking koleksyon ng pandaigdigang sining at mga artifact, kabilang ang isang itinayo muli na Qing-era Chinese house na makikita dito.
Bakit sikat ang Salem Massachusetts?
Ang Salem ay kilala sa mayamang kasaysayang pandagat nito, at higit sa lahat dahil sa kasumpa-sumpa na Mga trials ng Witchcraft noong 1692.
Ilang mangkukulam ang napatay sa Salem?
Twenty.
Sa panahon ng Salem Witch Trials noong 1692, mahigit 200 katao ang inakusahan ng pagsasagawa ng pangkukulam. Dalawampu sa mga taong iyon ang pinatay, karamihan sa pamamagitan ng pagbibigti. Isang tao ang tina bunan hanggang mamatay sa ilalim ng mabibigat na bato, ang paraan ng hatol na pinahintulutan ng estado mismo bilang pagpaparusa sa mga ito.
Kaya wag niyo nang isipin kulamin ang dumurog ng puso mo. Nakamamatay.
Paano natapos ang Trials sa mangkukulam?
Sa paglipas ng 1692 hanggang 1693, nagsimulang mawalan ng singaw ang kahindikhindik na kaganapang ito. Ang gobernador ng kolonya, nang marinig na ang kanyang sariling asawa mismo ay inakusahan ng pangkukulam, mismo! yung asawa ng gobernador, ay agad niyang ipinag-utos na wakasan ang mga paglilitis.
Nangyayari pa rin ba ang pagha-hunting sa mga witch o mangkukulam? Oo, nangyayari parin gaya ng paghu-hunting mo sa crush mo.
Ngayon, nangyayari ang mga pagsubok sa mangkukulam sa buong mundo. Natuklasan ng mga organisasyon tulad ng United Nations at Stepping Stones Nigeria na ang bilang ng mga trials o paghuhukom sa mangkukulam sa buong mundo ay tumataas. Sila ay halos palaging marahas, at kung minsan ay nakamamatay. Kapag nagkasakit ang mga tao, ang pangkukulam ay minsan na nakikita bilang dahilan.
Sino ang pinakasikat na mangkukulam sa Salem?
Si Bridget Bishop. isang Bishop, gaya ng inilalarawan sa isang lithograph
Ipinanganak si Bridget Magnus noong 1632 Norwich, England at Namatay noong 10 ng Hunyo 1692 (edad 60) sa Salem, Kolonya ng Massachusetts
Dahilan ng kamatayan: isa siya sa pinatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanya.
Mabalik tayo sa Witch city sa Salem, pero wag na umasang magkakabalikan pa kayo.
Bakit pinatay ang mga mangkukulam sa Salem?
Nagsimula ang karumal-dumal na paglilitis sa mangkukulam sa Salem noong tagsibol ng 1692, matapos ang isang grupo ng mga kabataang babae sa Salem Village, Massachusetts, ang mag-claim na sinapian sila ng diyablo at inakusahan ang ilang lokal na kababaihan ng pangkukulam.
At pagkatapos nito ay anong nangyari? Sinunog ng simbahan ang mga inakusahang mangkukulam.
Bakit sinunog ng simbahan ang mga mangkukulam?
Dahil iyon ang paniniwala nila. Ang mga mangkukulam, pagkatapos ng lahat, ay ginagawa ang utos ni Satanas; kaya ang pag-alis sa kanila ay isang paraan para protektahan ang mga tao mula sa kanya.
***
Sa ngayon, mayroon pa bang lahi ng mga mangkukulam sa Salem? Bukod sa maaring idagdag ang nga nais mangkulam sa mga ex nila.
Oo sagot dito, Meron. Ang Tatlong presidente dito--sina Taft, Ford at Arthur--ay nagmula rin sa isa sa 20 pinatay na witch sa Salem o sa kanilang mga kapatid. Gayon din sina Clara Barton, Walt Disney at Joan Kennedy. At, siyempre, ang ibang anak at inapo pa nang mga mangkukulam sa lugar ay nanatiling dumadami.
Anong relihiyon ang mga mangkukulam sa Salem?
Ang relihiyon nila ay tinatawag na Puritans.
sila ay mga Puritan na mula sa europa. Palibhasa’y nagdusa dahil sa kanilang pananampalataya, sila ay naglayag patungong Hilagang Amerika upang patuloy na su mamba “nang may higit na kadalisayan at hindi gaanong panganib kaysa sa kanilang magagawa sa bansang kinaroroonan nila,”
Meron pa bang mga Puritan ngayon?
Oo meron pa sila, pero kayo, wala nang kayo.
Ang puritanical na pag-iisip ay umusbong, na mala-zombie ayon sa ilang iskolar, hanggang ngayon ay isang pundasyon ng modernong buhay. Ang mga Puritan ay nabubuhay at namumuhay sa bawat lugar ng lipunan — sa ilang mga simbahan, sa ilang mga pamahalaan, at sa ilang mga tahanan.
Bakit naniniwala ang mga Puritans sa pangkukulam?
Naniniwala sila na pipiliin ni Satanas ang pinakamahina na mga indibidwal (mga babae, bata, at matatanda) para isagawa ang kaniyang masamang gawain. Ang mga pinaniniwalaang sumusunod kay Satanas ay awtomatikong ipinapalagay na mga mangkukulam, na isang krimen na may parusang kamatayan noon.
Mayroon bang mga lalaking mangkukulam sa Salem? Oo si Mister Left, na hindi mister right, na iniwan at kinulam ang ex niya para makamove-on, joke lang po.
Pero Oo merong lalaking mangkukulam doon. Pero siya ay pinagmulta at pinalayas. Sa mga sikat na trial na naganap sa Salem noong 1692, anim na lalaki ang binitay bilang mga mangkukulam. Sa mga ito, apat ay may kaugnayan sa mga babaeng mangkukulam, at sa gayon ang kanilang mga kaso ay sumusuporta sa pangkalahatan na ang mga lalaki ay pangalawang target ng mga akusasyon. Gayunpaman, ang dalawa sa mga lalaki ay hindi nauugnay sa mga akusado na babae mangkukulam na pinatay sa salem.
Anong Banal na Aklat ang ginamit ng mga Puritano? "Holy Book on how to be rich?" Chos.
Ang Banal na Aklat na ginamit ng mga Puritans ay ang Geneva Bible.
Ang Geneva Bible ay ang Banal na Aklat din nina William Shakespeare, John Bunyan, at Oliver Cromwell. Ito ang bersyon na dinala ng mga Pilgrims at Puritans sa Amerika. Ang bersyon ng Geneva ay madalas na tinutukoy bilang "Breeches Bible" dahil sa paggamit ng salitang "breeches" sa Geneva.
Kung galing sila sa Europa partikular sa England, e Bakit pinalayas ang mga Puritan sa England? Dahil di na siya mahal, Hindi yan ang sagot.
Ang mga Puritan ay umalis sa England pangunahing dahilan ay sa relihiyosong pag-uusig sa kanila ngunit para rin sa mga kadahilanang pang-ekonomiya. Ang Inglatera kasi noon ay nasa pang-relihiyong kaguluhan noong unang bahagi ng ika-17 siglo, ang usapin ng relihiyon ay nakababahala at nagbabanta sa England, lalo na sa mga hindi sumasang-ayon sa relihiyon ng England tulad ng mga puritan noon dahil may iba silang paniniwala.
***
Kung gusto mo magbakasyon ngayong Oktobre at ang set-up niyo ay Halloween at witch theme. Try niyo bisitahin ang Salem.
Paano ba ipinagdiriwang sa Salem ang Halloween?
Sa buong buwan ng Oktubre, maraming event na nauugnay sa Halloween gaya ng pagdekorasyon ng pumpkin, seances, haunted tour, at kahit isang patimpalak sa costume ng alagang hayop. Marami sa mga kaganapang ito ay libre habang ang iba ay naniningil ng mga bayad sa pagpasok.
Big deal ba ang Halloween sa Salem? Oo, kasing big deal ng pag-ghosting niya sayo.
Ang Salem ay kasingkahulugan ng Halloween, at ang lungsod ay nakakakita ng napakalaking pagdagsa ng mga bisita tuwing Oktubre. Noong nakaraang katapusan ng linggo, halos 160,000 katao ang dumating sa bayan, na pumipilit sa mga parking garage na magsara nang maaga at ng ilang lokal na negosyo. Sa madaling salita, ang Salem sa Oktubre ay ganap na tourist spot , madaming nais bumisita sa "WITCH CITY".
Bisita na kayo ng Jowa mo, ay wala na pala kayo. Edi ikaw na lang. Malay mo nandoon ang soul mate mo. Hahaha
Ang Witch City sa salem ngayon ay pinasikat dahil sa Witch Trials nitong 1692, at sa author na si Nathaniel Hawthorne. Maliban dyan ay puno din ito ng kolonyal na arkitektura, world-class na museo, pamimilihan, at mga restaurant. Interesado ka man sa arts, pirates, witch o mga mangkukulam, o maging kasaysayan, madali kang makakagugol ng higit sa isang araw dito.
Kasing dali ng paano ka makakamove on sa kanya.
Salamat sa pakikinig.
Happy Halloween. Woooooooooohhh
***
2 notes · View notes
axelbautista3 · 2 months
Text
KAGANDAHAN NG BUNDOK
Tumblr media
Chocolate Hills
Lokasyon: Ang Chocolate Hills ay isang geological formation na matatagpuan sa lalawigan ng Bohol ng Pilipinas, partikular sa mga bayan ng Carmen, Batuan, at Sagbayan.
  Hitsura: Ang Chocolate Hills ay binubuo ng hindi bababa sa 1,260 burol, bagaman maaaring mayroong kasing dami ng 1,776 burol na nakalat sa isang lugar na higit sa 50 kilometro kuwadrado. Sa panahon ng tagtuyot, ang damo na tumatakip sa mga burol ay nagiging kayumanggi, na nagbibigay sa kanila ng hitsura ng mga halik na tsokolate, kaya tinawag na "Chocolate Hills."
Pagbuo: Ang eksaktong proseso ng pagbuo ng Chocolate Hills ay nananatiling paksa ng siyentipikong pag-aaral at debate. Gayunpaman, malawak na pinaniniwalaan na ang mga ito ay resulta ng pagbabago ng panahon at pagguho ng mga deposito ng limestone sa dagat sa loob ng milyun-milyong taon. Geological
Kahalagahan: Ang mga burol ay itinuturing na isang geological wonder at iminungkahi para isama sa UNESCO World Heritage List.
Turismo: Ang Chocolate Hills ay isa sa pinakatanyag na atraksyong panturista sa Pilipinas. Masisiyahan ang mga bisita sa mga malalawak na tanawin ng mga burol mula sa ilang viewing point, tulad ng Chocolate Hills Complex sa Carmen. Bukod pa rito, maaaring tuklasin ng mga turista ang mga nakapaligid na lugar, na kinabibilangan ng mga kuweba, talon, at wildlife reserves.
Tumblr media
  Alamat: Ayon sa lokal na alamat, nabuo ang Chocolate Hills mula sa luha ng isang higanteng nagngangalang Arogo, na walang tigil na umiyak nang mamatay ang kanyang tunay na pag-ibig. Ang isa pang alamat ay nagmumungkahi na ang mga burol ay nabuo mula sa mga bato na itinapon ng dalawang higanteng nakikibahagi sa isang labanan.
  Pag-iingat: Ang mga pagsisikap ay isinasagawa upang pangalagaan at protektahan ang Chocolate Hills at ang kanilang nakapaligid na kapaligiran mula sa mga salik tulad ng deforestation, erosion, at unregulated turismo.
Tumblr media
  Ang pagbisita sa Chocolate Hills ay nag-aalok sa mga bisita ng pagkakataong humanga sa isa sa mga pinakakaakit-akit na likha ng kalikasan at isawsaw ang kanilang sarili sa mayamang kultura at likas na pamana ng Pilipinas.
1 note · View note
snmnares · 2 months
Text
Dubai: Ang Mayamang Syudad ng UAE
Maraming dahilan kung bakit tayo naglalakbay. Maaaring upang tayo ay makapagpahinga mula sa mabibigat na gawain, bumisita ng mahal sa buhay, o maglibang at tuklasin ang mga bagay na wala pa sa ating kaalaman. Bata pa lamang ako noong una akong nagpunta sa Dubai, dito ako nagbabakasyon dahil dito nagtatrabaho ang aking mga magulang. Kung hindi ako ang pupunta roon, sila ang uuwi rito sa Pilipinas. Totoo nga noong sinabi nila na mahal ang cost of living doon.
Tumblr media
Ang Dubai ay isa sa pitong Emirates at ang kapital ng United Arab Emirates. Kilala ito sa kanilang kayamanan, matataas na gusali, mga nagkalat na mamahaling sasakyan, mga beach, at ang kumikinang na nightlife. Sa kabila nito, mayaman din ang Dubai sa kultura. Maraming museo dito na marami akong natutunan at natuklasan, at syempre, hindi mawawala ang masasarap na pagkain gaya na lamang ng biryani o kanin kung tawagin dito sa atin.
Paano ako nakapunta sa Dubai? Labing-isang taon ako noong una akong nagpunta sa Dubai kasama ang aking nanay, pangalawa naman ay noong labing-tatlo ako at flight stewardess na lamang ang aking kasama, at kamakailan lang ay bumalik ako roon upang bisitahin ang aking mga magulang kung saan ako na lamang mag-isa ang bumyahe. Sa una ay nakakatakot sapagkat hindi ko alam kung saan ako pupunta, sobrang layo ng itsura ng airport dito sa Pilipinas at sa Dubai, kinailangan ko pang sumakay ng tren doon pagkalapag ng eroplano upang makarating sa arrival area. Ngunit pagdating ko, napalitan ng galak ang aking takot noong nakita kong masayang kumakaway ang aking mga magulang sa labas.
Tumblr media
Napakaraming magagandang lugar sa Dubai, isa na rito ang Dubai Mall, isa sa pinakamalaking mall sa buong mundo. Pagbaba namin mula sa tren, naglakad ako kasama ng aking mga magulang ng medyo matagal ngunit ayos lamang sapagkat malamig dahil konektado ang sakayan ng tren papuntang Dubai Mall kaya kahit na mainit ang klima roon, hindi ito problema. Namangha ako sa lawak nito, kung ikukumpara ko ang Harbor Point sa Olongapo, wala pa ito sa kalahati.
Tumblr media
Dito sa Dubai Mall ko rin naranasan ang mag ice skating, dahil hindi ako marunong, tumaob ako at naisama ko pa ang aking tatay, dinaan na lamang namin ito sa tawa kahit masakit ang aming mga likod. Pumasok din kami sa isang haunted maze at talaga namang pinakaba nito ang aking buong kaluluwa dahil may nanghahabol na malaking tao na may hawak ng chainsaw. Pagkatapos nito ay sinubukan ko naman ang VR Park. Matuturing ko ito bilang isang core memory dahil nakalimutan ko noon na nasa iisang silid lamang ako ngunit tumakbo ako dahil naglalaro ako noon ng basketball gamit ang VR, sa sobrang lakas ng kalabog ay napaupo ako at natanggal ang VR sa ulo ko at nabitawan ko ang hawak kong kontroler. Nakakahiya man ngunit nilibang ko pa rin ang aking sarili sa iba pang mga VR rides. Sa bandang ibaba ng mall ay sobra akong namangha sa aking nakita. Isang napakalaking aquarium kung saan binabahayan ito ng hindi ko mabilang na uri ng mga isda. May mga iba't ibang klase rin ng pating dito at malalaking pagi o stingray sa Ingles.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi ko rin makakalimutan ang paglalaro ko sa pinakatuktok ng mall at makikita rito ang Burj Khalifa, ang pinakamataas na gusali sa buong mundo.
Usaping matataas na gusali, ang Sky View Hotel ang isa sa pinakamatataas na gusaling napuntahan ko sa aking buong buhay. Ansakit nga sa tenga noong paakyat kami dahil ang bilis ng elevator ngunit sulit naman pagkaabot namin nang 219.5 metro sa ibabaw ng lupa.
Tumblr media
Napakaganda ng tanawin, kitang kita ang angking ganda ng syudad at ang mga itinatayo pa lamang na malalaking imprastraktura. May pahingahan din doon at may libre pa na panghimagas, naranasan ko rin ang glass slide ng hotel na magbibigay talaga ng kaba kung may takot ka sa matataas na lugar.
Tumblr media Tumblr media
Marami pa akong aktibidad na nagawa sa Dubai at tila ba mahika ang mga bagay na aking naranasan. Paglalakbay na hindi matutumbasan sapagkat kasama ko ang aking mga magulang. Paglalakbay na nagdudulot ng saya kahit sa mga simpleng bagay lamang. Isang pribilehiyo na makapagpahinga sa mga problema, makasama ang mga mahal sa buhay, at matutunan at matuklasan ang mga bagay na hindi ko pa nalalaman. Sa bawat bagay na ating gagawin ay may dahilan at para sa akin, pribilehiyo ang lahat ng ito na dapat kong sulitin. Oras na ibinigay upang ako ay lumigaya kasama ang aking mga magulang. Ikaw? Bakit ka naglalakbay?
1 note · View note
wandering-versess · 2 months
Text
Ilocos Sur: Ang Buhay ng Kasaysayan, Kalikasan, at Kultura
Sa pagitan ng mga lupain ng Ilocos Sur, kung saan ang mga hangin ng Amianan ay humahaplos sa aming mga balat. Naglakbay kami ng aking pamilya sa isang kakaiba at misteryosong destinasyon. Dito sa lugar na ito, hinahanap namin ang kalakasan ng kalikasan at ang kapayapaan ng aming mga kaluluwa.
Bilang isang Pilipino, alam natin na ang Pilipinas ay puno ng mga hiwaga at kagandahan na naghihintay lamang na matuklasan. Mula sa malalim na karagatan hanggang sa makasaysayang mga tanawin, bawat sulok ay may nag-aabang na kuwento at pakikipagsapalaran.
Sa bawat paglalakbay, kami ay patuloy na bumabalik sa mga ugat ng aming pinagmulan, nagbibigay pugay sa yaman ng ating bayan at nagpapahalaga sa bawat sandali ng aming pagiging Pilipino. Ito ang aming misyon: ang tuklasin at ipagmalaki ang kagandahan ng Ilocos Sur at ang kayamanan ng ating kultura bilang mga tunay na Pilipino.
Maikling pagkilala sa lungsod ng Ilocos
Ang Ilocos ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Luzon. Ito ay nahahati sa dalawang bahagi, ang Ilocos Sur at ang Ilocos Norte. Sa Ilocos Sur, matatagpuan ang tatlumpu't apat na bayan habang sa Ilocos Norte, mayroong dalawampu't tatlong bayan.
Ang rehiyon ng Ilocos ay hindi lamang nagpapakita ng yaman sa kultura at kasaysayan ng bansa, kundi nagbibigay din ng halaga sa mga kabanata ng kasaysayan nito. Ipinapamalas nito ang mayamang alaala ng nakaraang kolonisasyon ng Espanyol sa Pilipinas, na bumubuo ng isang makasaysayang bahagi ng kuwento ng bansa.
Credits to Staycations Philippines
Pinakamagandang oras ng taon para bisitahin?
Ang pinakamagandang oras para bisitahin ang Ilocos Sur ay tuwing tag-init, partikular na sa buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, kung saan ang panahon ay kadalasang tuyo. Sa mga buwan na ito, mas madaling maglakbay at maglibot sa mga atraksyon ng lalawigan nang hindi naapektuhan ng malakas na ulan o bagyo.
Paano makapunta sa Ilocos Sur?
Sa aming paglalakbay patungong Ilocos Sur mula sa Bataan, nagpasya kaming umalis gamit ang aming pribadong kotse kasama ang buong pamilya. Ang aming biyahe ay umabot sa humigit-kumulang na labing-anim hanggang labindalawang oras, na nagbabago depende sa kalagayan ng trapiko at mga pahingahan sa daan. Sa aming ruta, kami ay unang dumaan sa TPLEX (Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway), at mula roon ay nagpatuloy kami sa pagbiyahe sa McArthur Highway patungong hilagang direksyon hanggang sa aming marating ang aming patutunguhan. 
Tumblr media
Pagdating namin sa Ilocos Sur, labis akong namangha sa kagandahan ng mga tanawin at kasaysayan ng lugar. Napahanga ako sa mga makasaysayang simbahan at mga estrukturang nagpapahayag ng mayamang kultura ng rehiyon. Hindi nawala ang pagtitiyak sa sarili na ang aming pagbisita rito ay magiging isang karanasang hindi malilimutan.
Saan maaaring manatili?
Kami ay nagpalipas ng dalawang gabi sa  Hotel Mercante dahil sa abot-kayang presyo nito. Alam kong magiging sulit ang pananatili namin dito dahil sa mga positibong rebyu na nabasa ko online. Pagkarating namin sa hotel, nagulat kami sa kalidad ng mga kuwarto. Malinis at komportable ang bawat isa, at talagang nakapagpahinga kami nang maayos. Sa kabila ng abot-kaya nitong presyo, hindi kami nagkulang sa kaginhawahan at kalidad ng tulugan.
Ang serbisyo sa Hotel Mercante ay hindi rin nagpahuli. Ang mga tauhan ay mababait at handang tumulong sa anumang kailangan namin. Hindi rin namin pinalampas ang pagkakataon na masubukan ang mga pagkaing inihahandog ng kanilang restawran. Masarap at abot-kaya ang mga pagkain, na talagang nagbigay sa amin ng kasiyahan.
Tumblr media
Mga destinasyon na maaaring puntahan:
Calle Crisologo
Tumblr media
Nang makarating kami sa Vigan, Ilocos Sur, agad kong nadama ang kakaibang tibok ng lungsod na ito. Sa unang tingin ko pa lamang sa mga kahoy na kalsada at mga matatandang bato, tila ba ako'y bumalik sa panahon ng mga Espanyol. Nakatutuwang isipin na narito ako, naglalakbay sa mga makasaysayang kalye na matagal nang tanaw ang kasaysayan ng Pilipinas.
Sa paglalakad sa Calle Crisologo, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng mga bahay na tindig pa rin mula noong ika-19 siglo. Ang bawat bintana, pintuan, at bato ay patunay na yaman ng kasaysayan ng Vigan. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat yapak ko sa kalsada, isang patunay na ako'y nakatayo sa lugar na puno ng kasaysayan at kultura.
2. Bangui Wind Farm
Tumblr media
Upang mas makilala pa namin ang lungsod ng Ilocos Sur, ang ikalawang destinasyon na aming nilakbay ay patungo sa Bangui Wind Farm na kilala bilang isa sa mga pinakamalaking wind farm sa Pilipinas at isa sa mga pangunahing atraksyon sa Ilocos Norte. 
Nakamamangha na makita ang epekto ng modernong teknolohiya sa kalikasan. Ang paggamit ng hangin bilang mapagkukunan ng enerhiya ay hindi lamang nagbibigay ng solusyon sa suliranin ng enerhiya, ngunit nagtuturo rin sa atin ng kahalagahan ng pagiging maingat sa ating kapaligiran.
Tumblr media
Sa bawat hakbang ko sa Bangui Wind Farm, mas lumalim ang aking pag-unawa sa kahalagahan ng pagiging mapanuri at responsableng mamamayan. Ang pagbisita sa lugar na ito ay hindi lamang isang karanasan sa pagtuklas ng kagandahan ng kalikasan, ngunit isang paalala rin sa akin na tayo ay may responsibilidad na pangalagaan at protektahan ang ating kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon.
3. Church of Paoay
Tumblr media
Sa ikalawang araw namin sa lalawigan ng Ilocos Sur, kami ay dumayo sa isang simbahan na pinalilibutan ng diwa ng nakaraan at pagpapahalaga sa tradisyon. Ang Church of Paoay ay hindi lamang isang simbahan; ito'y isang pamana, isang tanikala ng kasaysayan na nagpapahayag ng pagiging matibay ng pananampalataya at pagmamahal sa kultura ng mga Ilokano at buong Pilipinas.
Tumblr media
Ang aking unang paglapit sa simbahan ay nagdulot sa akin ng pakiramdam ng paghanga sa galing ng mga sinaunang manggagawa na nagtayo nito noong ika-18 siglo. Ang mga butil ng bato't tisa na pinagsama-sama upang lumikha ng magarbong estruktura ay nagpapakita ng taglay nitong tibay at kagandahan.
4. Baluarte Zoo
Tumblr media
Para naman sa aming huling destinasyon, kami ay tumungo sa Baluarte Zoo na kung saan agad kong naramdaman ang pagkamangha sa likas na ganda ng lugar na ito. Ang malawak na tanawin ng lupa, ang sariwang hangin na dumadaloy sa paligid, at ang mga hayop na naglalaro sa kanilang maluwag na espasyo ay nagbigay sa akin ng pakiramdam ng kapayapaan at kalayaan.
Ang lugar na ito ay isang maliit na zoo na nagtatampok ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang bansa pati na rin ang mga katutubong hayop ng Pilipinas. Ito ay pagmamay-ari ni Chavit Singson, isang kilalang personalidad sa Vigan. Ang Baluarte Museum ay nagpapakita ng mga hayop na nahuli at pinatay ni Chavit Singson.
Tumblr media Tumblr media
Pangkahalatang Karanasan
Nang maglakbay kami sa Ilocos Sur, aking natuklasan ang isang mundong puno ng kahanga-hangang tanawin, makasaysayang mga lugar, at masasarap na pagkain. Ang paglalakbay sa mga bantog na tourist spots tulad ng Vigan, Paoay, at Bangui Wind Farm ay isang karanasang hindi malilimutan. Sa bawat hakbang, tila ba ako'y sumasayaw sa mga alaala ng nakaraan at nalulunod sa ganda ng kasalukuyan.
Ang Ilocos Sur ay hindi lamang nag-aalok ng mga makasaysayang simbahan at mga arkitekturang kolonyal. Dito rin matatagpuan ang mga pasyalan tulad ng Baluarte ni Chavit Singson, kung saan mapapaligiran ka ng iba't ibang uri ng hayop mula sa iba't ibang panig ng mundo.
Ang paglalakbay sa mga lugar na ito ay hindi lamang isang paglibot sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas, kundi isang pagtuklas ng sarili. Ang mga tanawin na binibigay ng mga bundok, dagat, at mga taniman ay nagbibigay inspirasyon upang kayo'y hikayating pumunta rito.
Sa bawat lugar na aming pinuntahan, ang damdamin ko'y nababalot ng diwa ng pagtanggap at pagpapahalaga sa kagandahan ng ating bansa.
Tumblr media
Sanggunian:
Koki. (2019, November 26). Kagandahan ng Ilocos. Site Title. https://kagandahanngilocosregion.travel.blog/2019/11/26/kagandahan-ng-ilocos/
UNESCO World Heritage Centre. (n.d.). Historic city of Vigan. https://whc.unesco.org/en/list/502/
1 note · View note
allendatraveler · 2 months
Text
Tagaytay: Sa Mata ng Isang Manlalakbay
Tumblr media
Image from a Youtube channel named filmedbymarcku
Sa kabila ng modernisasyon at urbanisasyon, may mga pook sa Pilipinas na nagbibigay sa atin ng pagkakataon na makalimot sa gulo ng siyudad. Ito'y upang tayo'y makapagpahinga at makapaglakbay upang madiskubre ang mga natatago nitong kagandahan. Isa sa mga lugar na ito ay ang Tagaytay City sa lalawigan ng Cavite. Ang Tagaytay City ay kilala hindi lamang sa kanyang mga magandang tanawin at ng Bulkang Taal, kundi pati na rin sa mga mayamang kasaysayang isinulat sa kanilang lupain. Sa aking mga paglalakbay, ninanais ko na maranasan ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat sa tuwing sinisilayan ko ang ganda ng mga tanawin. Isa rin sa nagustuhan ko ay ang kanilang mga putahe na siguradong magpapapawi ng pagod sa aking paglalakbay. Marami rin akong nakilalang taong lokal at lahat naman sila ay masaya at mainit akong tinatanggap sa kanilang pook.
Tumblr media
Image from Search Investment - Tagaytay
Saan matatagpuan ang Tagaytay City at sa anong panahon ito magandang bisitahin?
Matatagpuan sa silangang bahagi ng Cavite, ang Tagaytay City. Ito'y isang mataas na lugar na may lawak na 66.1 kilometro kwadrado. Dahil sa kanyang taas, ang lugar ay isang maaliwalas na pook, kung saan ang malawak na tanawin ng Bulkang Taal at ng lawa nito ay maaaring masilayan mula sa iba't-ibang bahagi ng lungsod. Ang pinakamagandang panahon para bisitahin ang Tagaytay ay sa panahon ng tag-lamig hanggang sa tag-ulan, kung saan ang temperatura ay hindi gaanong mainit at ang tanawin ay mas madaling masisilayan.
Tumblr media
Image from Buses in the Philippines in Tagaytay City
Paano makapunta sa Tagaytay City?
Maaaring maglakbay patungo sa Tagaytay City sa pamamagitan ng pribadong sasakyan o sa pamamagitan ng sasakyang pampubliko mula sa mga malalapit na lungsod tulad ng Manila, Cavite City, Dasmariñas City, Bacoor City, o galing man ng Batangas at Laguna. Ang aking sinakyang transportasyon ay galing Pasay City, Manila sa terminal ng Genesis na bus na papunta ng Olivarez, Tagaytay-Ang bukana ng Tagaytay City. Ang aking pamasahe ay umabot sa 150 pesos dahilan na isa rin akong estudyante, ang bayad para sa mga hindi estudyante ay aabot kumulang sa 180 pesos hanggang 200 pesos depende kung saan mo gustong bumaba.
Sa aking pag-alis marami akong natagpuang ganda ng Tagaytay, iilan dito ay ang Taal Vista Hotel, Gourmet Farms, Tagaytay Ridge Trail, Tagaytay Public Market, Picnic Grove, People's Park in the Sky, Balay Dako, Caleruega Church, at Sonya's Garden Spa.
Taal Vista Hotel - Lugar ng tutuluyan
Tumblr media
Image from angelotheexplorer.com in Taal Vista Hotel
Saan maaaring manatili?
Simulan natin ang aking paglalakbay sa pintuan ng Taal Vista Hotel. Hindi lamang basta tulugan at mga pasilidad ang aking nakita, bagkus isang yugto ng kasaysayan at kasiyahan ang nag-aabang sa akin sa hotel na ito. Ang Taal Vista ay isang destinasyon na naglalarawan ng mga ala-ala at pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa dahilan na ang mga kuwarto at pasilidad ng Taal Vista ay iginawad noong unang dekada ng 20th siglo dahil sa Ikawalang Digmaang Pandaigdig hanggang sa kasalukuyan. Ang nagdagdag pa sa kagandahan ng hotel na ito ay hindi lamang sa mura nitong tulugan na naghahalaga ng 6,624 pesos kada dalawang gabi at araw, at dahilan na rin na kasama ang kakainin mo sa umagahan at hapunan, libreng swimming pool at ang pagbalot ng kalikasan na nalalayo sa kapaligiran ng lungsod. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa Hotel ay:
Sight Seeing
Mga tulugan
Swimming Pool
Gravel road pababa
Libreng Breakfast at Dinner
Mga destinasyon at aktibidad na aking isinagawa:
1. Gourmet Farms
Tumblr media
Image from girlandboything.com in Gourmet Farms
Tumblr media
Pagkatapos kong makapagcheck-in sa Taal Vista Hotel, ako naman ay naglakad patungo sa Gourmet Farms upang makakita ng mga bungang-kahoy at taniman na hindi mo palaging makikita sa Tagaytay City, dahil hindi mo ikakaila na malapit lang ito sa gitna ng lungsod. Hindi lamang taniman ang ikinaganda ng Gourmet Farms kundi na rin ang kanilang produktong pagkain na mga sariwang prutas at gulay kasama na ang mga organikong lutuin na siguradong ikakatakam ng kahit sino. Natuklasan ko rin dito na ang Gourmet Farms ang nagpapakita na sa likod ng dumi ng mga lungsod, maaari paring magpatuloy ang pag-usbong ng agri-tourism at ang ganda ng organikong pamumuhay ng mga mamamayan. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa Gourmet Farms ay:
Pagpitas ng mga prutas at gulay
Greenhouse tour
Pagluluto ng sariwang pagkain
2. Tagaytay Ridge Trail
Tumblr media
Image from Flickr captured by @toshio1 of Tagaytay Ridge
Dahil ako'y hindi pa napapagod sa aking paglalakbay, nasubukan ko namang maglakad patungo sa Tagaytay Ridge Trail dahilan na gusto kong makaranas ng isang pagtuklas sa kagandahan at kayamanang kalikasan na itinatago ng Tagaytay City. Sa aking bawat pag-akyat sa bundok at paglalakad sa batong daan ng trail na ito, mas lalo kong nakasalamuha ang kalikasan at napalabas nito ang pagmamahal ko sa ating kalikasan. Ngunit higit pa rito ang kagandahan ng Tagaytay Ridge Trail, kundi sa mga taong nagpapanatili ng ganda nito upang ito'y tumagal pa sa mga susunod pang panahon. Aabot kumulang sa isa hanggang dalawang oras ang aking ginawang trekking sa pasulong na daanang ito. Kung saan ako'y biglang nagutom, mabuti nalang ay mayroong mga stalls sa tabi ng daan na nagtitinda ng pagkain para sa mga nagbibisikleta o sa mga regular na tumutuklas lang ng kagandahan ng kabundukan. Mga aktibidad na maaaring gawin sa Tagaytay Ridge Trail:
Trekking
Cycling
Sight Seeing
Tree Planting
3. Tagaytay Public Market
Tumblr media
Image from islandtimes.com in Tagaytay Public Market
Habang ako'y pabalik sa Taal Vista Hotel, naisipan ko munang dumaan sa Public Market ng Tagaytay City. Hindi ko inaakala na sa unang pagtapak ko sa palengke na ito, mapapansin ko agad ang aking mga paboritong prutas at gulay na Itinitinda nila sa murang halaga, dahil dito, napabili ako kaagad ng mga babaunin ko pauwi ng Maynila upang mayroon akong maipadala sa aking mga kaibigan at kaanak sa Bataan. Ang mga establisyemento sa palengkeng ito ay malinis dahil mapapansin ang mga tindera rito ay masinop at nagpapanatili ng kalinisan sa kanilang kapaligiran.
Tindahan ng gulay at prutas at ng mga sariwang karne
Sari-saring paninda na exotic
Terminal ng Jeepney at Motor
4. Picnic Grove
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagkatapos kong makabalik sa Taal Vista Hotel at makapagpahinga ng isang gabi, agad-agad din akong pumunta sa Picnic Grove dahilan na napupuno agad ito kapag hindi mo inagahan ang pagpunta. Maaari kang magpunta sa Picnic Grove ng mga 6:00 Am to 7:00 Am upang hindi ka makipagsabayan sa mahabang trapiko papunta rito. Ang dahilan kung bakit ito dinaragsa ay dahil sa tipikal na malamig na klima sa lugar na ito, maganda ang tanawin, maraming maaaring kainan, at maraming maaaring gawin. Dito ko rin napansin na ang kanilang mga pagkaing itinitinda ay mga bagong luto gaya ng taho, bulalo, sopas, at iba pang magpapainit talaga ng iyong tiyan. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa Picnic Grove ay:
Sight Seeing
Horse Back Riding
Zipline
Wall Climbing
Hanging Bridge
Telescope magnifier
Food Stalls
5. People's Park in the Sky
Tumblr media
Image from cavite.gov.ph in People's Park in the Sky
Tumblr media
Upang maipagpatuloy ko ang aking paglalakbay, dumiretso na rin ako agad sa People's Park in the Sky, kung saan maaari kang magbayad ng bente pesos upang makapasok ka rito. Ang bente pesos na iyon ay sulit na sulit dahilan na, ang ganda talaga ng tanawin pagkaakyat ko sa tuktok ng gusaling itinayo nila sa tuktok ng burol ng Tagaytay High Lands. Madali kong nasisilayan ang bulkang Taal at nang pauwi nako ay nagtaka ako dahil napansin ko ang ulap ay nasa paanan ko, na para bang ako'y nakatayo sa gitna ng dagat na ulap.
Magnifying Lenses
Sight Seeing
6. Balay Dako
Tumblr media
Image from NoliSoli.Ph at Balay Dako
Tumblr media
Sa aking pagbalik upang kumain ng aking tanghalian, naisipan kong pumunta sa Balay Dako sa kabilang dulo ng People's Park in the Sky. Sa aking pagdating dito, agad akong sinalubong ng masiglang paligid na puno ng musika ng kalikasan at ng masarap na amoy ng lutong pagkain. Ang Balay Dako ay hindi lamang isang kainan; ito ay isang karanasang gastronomic na may kasamang pagmamalasakit sa kultura at kalikasan ng Pilipinas. Ang Balay Dako ang nagparanas sa akin na mayroong mga pagkain pang hindi ko pa natitikman at nalalasahan, tulad ito ng mga tradisyonal na panlasang Pinoy na nagmumula sa lasa ng buong bansa mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Subalit hindi lamang pagkain ang nagpabilis ng puso ko sa Balay Dako, kundi na rin ang tanawin ng Taal Lake na matatanaw mula sa kanilang lugar kung saan ito'y nagdadala ng katahimikan at kasiyahang habang ako'y nagpapakabusog sa kanilang mga pagkain.
7. Caleruega Church
Tumblr media
Image from ThePoorTraveler Itinerary of Caleruega Church
Matapos kong makarami ng kanin sa Balay Dako, ako naman ay pumunta sa Caleruega Church, kung saan nasilayan ko ang isang napakagandang arkitektura na puno ng espiritwal na kahulugan at nagpapahiwatig ng presensya ng Diyos sa bawal sulok nito. Ito'y hindi lamang isang gusali ng pagsamba, kundi isa rin itong paraiso ng katahimikan at pananampalataya. Malaki rin ang importansyang kasaysayan ng Caleruega Church sa Tagaytay City dahilan na ito ay minsan nang naging imbakan ng pagkain ng mga lumaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at marami pa itong naitulong sa pagusbong ng Tagaytay City. Wala akong gaanong nagawa sa Caleruega, ngunit naging masaya ang aking paglalakbay dito dahil akin nang natunghayan ang nababalot na hiwaga at importansya ng lugar na ito sa kabuuan ng aking mga nilibutan.
8. Sonya's Garden Spa
Tumblr media
Image from appetizingadventure.com in Sonya's Garden Spa
Dahil sa sumakay ako ng jeep papuntang Caleruega sinulit ko na ang nahuhuli kong panahon sa Tagaytay, dahil dito ay nagpunta ako sa huli kong destinasyon, ang Sonya's Garden Spa. Dahil mura nga ang spa na ito na nagkakahalaga ng 250 pesos, sinulit ko ang aking nahuhuling mga pera sa pagpapamasahe at pagkalag sa aking katawan. Sa bawat sandaling ako'y minamasahe, ako'y napapaisip dahil kung hindi ko itinuloy ang paglalakbay na ito, maaaring hindi ko naranasan ang mga bagay na aking nagawa sa dalawang araw na ako'y nagsimulang maglakbay. Ang Sonya's Garden Spa ay hindi lamang simpleng establisyemento, kundi ito ay isang ritwal ng kalinawan at pagpapalakas ng pag-aalaga at pagmamahal sa sarili.
Tumblr media
Image from stephilareine.com by gerryruiz in Tagaytay City
Pangkalahatang Karanasan.
Pagkatapos kong magpamasahe, ako'y nanumbalik sa Taal Vista Hotel at nag check out na upang makapagbyahe na pauwi sa hapon dahilan na ang huling byahe papuntang Maynila galing Olivarez, Tagaytay City ay hanggang 5:00 Pm lamang. Sa aking pagmamadali ay mabuting inabutan ko pa ang pagalis ng bus na kailangan kong sakyan. Sa aking paglalakbay sa Tagaytay, nadama ko ang kapayapaan at kasiyahan sa simpleng mga bagay tulad ng pagkain ng masustansya at masasarap, at pagtanaw sa likas na kagandahang taglay nitong lugar na ito. Ang mga tanawin at ang ganda ng kalikasan ay nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-asa upang bumalik sa Tagaytay City at ulitin ang aking mga naging karanasan sa paglalakbay.
Isang paalala lamang sa mga kagaya kong manlalakbay, ingatan parin ang ating mga kagamitan dahil hindi lahat ng tao sa Tagaytay City ay walang intensyon na magnakaw at manalisi. Huwag din magpapadala sa mga naglalakong alam na ikaw ay dayo sa lugar nila dahil ito'y isang dahilan kung bakit marami ang naloloko sa Tagaytay City dahilan na ito'y naging isang tourist destination na. Ang Tagaytay ay isang syudad kaya't tiisin kung ang byahe ay hindi tumatama sa oras dahilan ito sa trapik na madali mong mararanasan habang bumabagtas ka sa pangunahing highway nito. Ngunit lahat ng ito'y mga paalala lamang, panatilihing ang pagiging masaya sa paglalakbay na gagawin kahit maraming magiging abala sa atin. Sa bawat paglalakbay, natuto ako ng mga bagong kaalaman at karanasan na nagbibigay-daan upang ako ay lumago at magkaroon ng mas maraming pagkakataong maglakbay sa aking buong buhay.
1 note · View note
funbcanna · 2 months
Text
Gaming Escapades: Pagsusuri sa Filipino Leisure at Online Gaming
Tumblr media
Sa Pilipinas, mayroong buhay na kultura at mayamang pamanang kultural na nag-aalok ng iba't ibang anyo ng paglilibang para sa mga tao nito. Mula sa tradisyunal na mga piyesta hanggang sa modernong libangan, ang mga Pilipino ay nagmamahal sa iba't ibang anyo ng pagrerelax at pakikipag-ugnayan sa kanilang mga paboritong gawain. Isa sa mga nagiging labis na popular ay ang online gaming, na maginhawang naglalahad sa kasaysayan ng mga paglilibang ng mga Pilipino.
Sa puso ng paglilibang ng mga Pilipino ay isang malalim na pagpapahalaga sa komunidad at pakikipagkapwa. Mula sa pagtitipon para sa mga sesyon ng karaoke hanggang sa paglahok sa mga magagaang laro ng basketball, ipinamamalas ng mga Pilipino ang mga sandali na ibinabahagi kasama ang pamilya at mga kaibigan. Gayunpaman, sa pag-usbong ng teknolohiya, ang mga pagpipilian sa paglilibang ay nag-iba, na kung saan ang online gaming ay lumilitaw bilang isang prominente at ginugustong paraan para sa marami.
Sa mga nakalipas na taon, ang online gaming ay lumagpas sa pagiging isang simpleng libangan at naging isang mahalagang bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Mula sa casual gamers hanggang sa mga enthusiast ng kompetitibong esports, ang mga tao ng lahat ng edad ay nagpapasaya sa mga virtual na mundo, sinusuri ang mga fantasy realm, at nakikipag-ugnayan sa mga nakakapagpadama ng kasamaan. Ang kagiliw-giliw na mundo ng online gaming ay hindi lamang nasa kanyang halaga bilang isang libangan, kundi pati na rin sa kakayahang magpalago ng pakikipagkaibigan at magbuo ng koneksyon sa mga katulad na damdamin.
Sa kabila ng malawak na hanay ng mga pagpipilian sa online gaming, may isang partikular na daanan na kumikislap—ang mundo ng mga online casinos. Sa kaginhawahan ng digital na mga plataporma tulad ng JOLIBET, maaari nang maranasan ng mga Pilipino ang saya ng pagsusugal ng casino mula sa kaginhawahan ng kanilang tahanan. Mula sa mga klasikong laro ng kard tulad ng poker at blackjack hanggang sa pagpapatakbo ng mga reels ng mga slot machine, nag-aalok ang mga online casino ng iba't ibang mga karanasan na naayon sa bawat kagustuhan.
Isipin ang isang karaniwang gabi sa isang tahanan ng Pilipino—ang isang pamilya na nagtitipon sa paligid ng hapag-kainan, nagbabahagi ng mga kuwento at tawanan. Sa gitna ng masayang atmospera na ito, ang mahinang ilaw ng isang laptop ay nagbibigay liwanag sa kuwarto habang mayroong isa na naglalaro sa isang online casino. Sa ilang mga pag-click, pumapasok sila sa isang virtual na lobby ng casino, na sinalubong ng iba't ibang mga laro na nag-uudyok sa kanila na subukan ang kanilang kapalaran.
1 note · View note
asgnnidiez · 5 months
Text
The Last Great American Dynasty: sa Ibang Panahon at Lugar
Ang ‘The Last Great American Dynasty’ ay isang kanta na sinulat ni Taylor Swift na nakapalibot sa mga dating may-ari ng kanyang bahay na may pangalang Holiday House. Naging pokus ng mga liriko ng kanta ang babaeng naging isang balo at ang mga pinagsasabi ng mga tao ng magandang komunidad na iyon sa kanya, mula sa kanilang mababang pagtingin sa kanya sa umpisa dahil sa kanyang pagiging isang “middle-class divorcee” na nakapag-asawa sa isang mayamang tagapagmana, at, sa huli, ang kanilang pagsisisi sa kanya bilang rason ng pagkamatay ang kaniyang asawa. Ang linyang “who knows if she never showed up what could have been” ay ang pinakaklarong halimbawa ng kanilang pagpatong ng sisi sa kanya bilang ang nagsira ng lahat, at pinipintura pa nila na naaliw o kaya’y sinadya niya ang ganoong kamalasan. 
Sa istorya na ikinukwento ng mga lirika ay pinagmukha nila siyang agresibo o baliw, kagaya ng pag-ikot ng sabi-sabi na pininturahan niya ang aso ng kanyang kaaway na kapitbahay, at pagkritiko sa kanyang pagkahilig sa bonggang party at kaaliwan bilang dahilan na ikinamatay ng kanyang asawa, kasi baka naman daw ay huminto ang puso niya dahil sa kasobrahan na ito. Hindi lamang masarap pakinggan sa tenga ang kultural na obserbasyon na ikinanta ni Taylor Swift sa kanyang kanta na ito para sa album na Folklore, kundi nagpapakita rin ito ng mahusay na pagkukwento gamit ang totoong buhay, na nakikita parin ang ganitong klaseng penomenon kahit ngayon kung saan sinisiraan ang mga babae habang pinapabayaan ang reputasyon ng lalake. Totoo parin na pinaguusapan at minamaliit ng mga tao ng lipunan ang mga babaeng nabibiktima sa ganitong klase na kwento. Isang halimbawa nito ang mga panahon kung saan may report o post tungkol sa paghihiwalay ng dalawang magkarelasyon dahil sa pagkabit ng lalake. Mapapansin sa mga sitwasyong ito na mas higit pa ang pagsisisi sa babaeng kabit kaysa sa lalaki na may kasalanan naman din. Sinisiraan at mas lalo din ang epekto nito sa reputasyon ng mga babae at meron pa talagang nagsisisi sa babaeng asawa. Nakikita naman din ito sa labas naman ng mga sikat at ngayon parin sa kasalukuyan. Bukod pa nito, makikita na hindi sinulat at kinanta ni Taylor Swift na tiyak na katotohanan o simpleng malisyadong gawa-gawa lang ang lahat ng mga kwentong binganggit ni Taylor Swift. Sinasabi niya lang na sinasabi nila noon ito tungkol sa babaeng iyon. Sa ganoon, maiisip natin na di maayos ang pagpatong ng sisi at mapanakit na salita sa mga tao, dahil hindi naman natin alam kung makatotohanan ba ang pinapalabas na kwentong nangyari, at kahit pa man, sumusobra na minsan ang reaksyon ng mga tao sa aksyon ng babae na di nila pinagiisipan kung lalaki ang nakagawa.
Sa huli, masasabi na talagang uso at maiuugnay parin ang kwento ng dating may-ari ng Holiday House sa ating lipunan, maging Amerika, Pilipinas, at ano mang panahon nakalipas. Mayroon paring problema ngayon sa ating pagtingin at pagtrato sa mga babae.
0 notes
elykamae · 5 months
Text
Ekonomikong kalamidad: Isang pagsusuri sa iba’t ibang mundo ng lipunan
Isang pelikulang Koreano ang Parasite na naglalahad ng kwento ng isang pamilya na naghihingalong mangarap ng pag-angat mula sa kahirapan. Tinatawag na Kim ang pamilyang ito. Alinsunod sa hangarin ng pamilyang Kim na makalaya mula sa kahirapan, ginamit nila ang isang mayamang pamilya, ang pamilyang Park. Ginamit nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang panggagantso o linlang. Nagsinungaling ang panganay na anak at nagpakilala bilang guro, at inirekomenda rin niya ang kanyang kapatid bilang isang art therapist. Tinuloy ng pamilyang Kim ang kanilang panggagantso sa pamilyang Park hanggang sa ang buong pamilya ang mapasailalim sa pamamahala ng pamilyang park at magkaroon ng trabaho sa kanilang bahay.
Nagustuhan ko ang kwento dahil sa mga plot twist, tulad ng nangyari sa huling bahagi kung saan ipinakita na pinatay ng tatay ang kanilang amo at nagtago sa kanilang basement. Naintriga rin ako sa kabuuang kwento at sa mga aral na maaaring mapulot dito.
Sa pelikulang ito, naipakita ang isang mahalagang isyu sa lipunan, ang economic inequality o ang hindi pantay-pantay na kalagayan sa ekonomiya. Napapansin ang malaking agwat ng estado sa buhay ng pamilyang Kim at Park kahit sa kanilang mga tahanan pa lamang. Nakatira sa isang underground apartment ang pamilyang Kim, sumisimbolo ng kanilang mababang estado sa lipunan, samantalang ang pamilyang Park naman nakatira sa isang mataas at maayos na bahay, na kumakatawan sa kanilang mataas na posisyon sa lipunan.
Ayon sa United Nations (2020), "Inequalities of opportunity affect a person’s life expectancy and access to basic services such as healthcare, education, water, and sanitation. They can curtail a person’s human rights, through discrimination, abuse and lack of access to justice.” Sa ating lipunan, kapag hindi ka mayaman, limitado ang mga oportunidad mo at mas komplikado ang buhay. Katulad ng ipinakita sa pelikula, may isang pangyayari na tumatak sa akin: nang umulan isang gabi, nagpasalamat ang pamilyang Park sa magandang panahon at malinis na paligid dahil sa ulan. Ngunit hindi nila alam na ang mga tao sa ibaba, tulad ng pamilyang Kim, nabahaan. Ipinapakita nito na iba-iba ang mga karanasan ng mga tao at madalas, hindi ito pantay-pantay.
Sanggunian:
United Nations. (2020) Inequality – bridging the divide. United Nations. https://www.un.org/en/un75/inequality-bridging-divide.
0 notes
kardanganan · 6 months
Text
Pagiging Parasito Sa Lipunan
Ipinalabas noong 2019 na naglalahad ng kuwentong nakasentro sa dalawang pamilya, ang pamilyang Park at ang pamilya Kim, ang Koreanong pelikulang “Parasite”. Nakatuon ito sa relasyon sa pagitan ng dalawang pamilyang ito, pagiging bahagi ng dalawang magkaibang uri ng lipunan, at kung paano nila sinasamantala ang isa't isa para sa pansariling pakinabang ng kanilang pamilya. Tinutugunan ng pelikula ang maraming problema na nakikita sa lipunan ngayon, pangunahin ang hindi pagkakapantay-pantay ng yaman at diskriminasyon sa uri, gayundin ang kasakiman at pagiging ignorante ng mga tao na kabilang sa iba't ibang uri ng lipunan.
Isang malaking dahilan para sa tagumpay ng pelikulang ito ang kaugnayan nito sa kasalukuyang mundo. Sumasalamin sa maraming tao ang mga problema na tinutugunan sa pelikula. Nagagawa ng pelikula na bumuo ng malalim na koneksyon sa mga manonood. Bukod pa rito, binibigyang-daan nito ang mga manonood na kumonekta sa kuwento sa mas malalim na antas dahil laganap sa lipunan ngayon ang mga problemang tinutugunan ng pelikula. Maliban sa plot, maraming element ang ginamit bilang instrumento para sa pagpapahusay ng mga koneksyon na ginawa sa loob ng pelikula at sa pagpapabuti ng pagkukuwento nito. Namamahala ang pelikula upang gumamit ng iba't ibang mga metapora sa buong haba nito upang maihatid ang isang nauugnay na mensahe sa isang mas tusong paraan.
Nagawang gamitin ang mga simpleng bagay at bigyan sila ng mahahalagang kahulugan ang Parasite. Kabilang sa mga halimbawa nito ang batong ibinigay sa pamilya Kim ni Min-hyuk, isang kaibigan ng pamilya, at ang pamilyang Kim na pinanghahawakan ito bilang simbolo ng pag-asa na balang araw, magkakaroon sila ng mas magandang buhay. Isa pang halimbawa ang pagkain dahil mapapansin na tila mas gumaganda ang kalidad ng kinakain ng mga Kim habang umuusad ang kuwento, na sumisimbolo kung paano gumagana ang kanilang mga plano sa paglusot sa mga tahanan ng mga Park tulad ng kanilang naisin at kumakatawan sa pagpapabuti ng kanilang kalagayang pinansyal. Isang halimbawa din ang kahalagahan ng amoy dahil binibigyang liwanag ito nang ilang beses sa pelikula, na nagpapakita kung paano nakapagpapahiwalay na sa dalawang pamilya ang isang napakaliit na detalye. Gumagamit ang pelikula ng matatalinong biswal na elemento upang kumatawan sa paghahati sa pagitan ng mahihirap at mayaman. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng pisikal na linya sa ilang mga eksena na banayad na nagpapahiwatig ng malinaw na paghahati ng dalawang uri ng tao sa frame, kung saan mayaman ang isa at mahirap ang isa. Isa pang halimbawa ang pagkakaroon ng mansyon ng pamilya Park sa mataas na lugar, habang isang semi-basement na apartment ang bahay ng pamilya Kim na matatagpuan sa napakababang lupa. Sa posisyon ng kanilang mga bahay pa lang, nagpapahiwatig na ng malaking pagkakaiba sa kanilang katayuan sa lipunan. Nagpapatibay sa kabuuan ng pelikula ang mga detalyeng ito at sumusuporta sa kuwento at mensahe na sinusubukang ipahiwatig ng pelikula nang mas mahusay.
Ang diskriminasyon sa uri at hindi pagkakapantay-pantay ng yaman ang pangunahing problemang tinutugunan sa Parasite. Buhay na buhay sa panahon ngayon ang mga problemang ito. Sa pamamagitan ng hindi pantay na pamamahagi ng mga mapagkukunan sa mga mahihirap at mayayaman sa modernong lipunan, hindi madali para sa mga mahihirap na makapasok sa mayamang uri sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagsisikap. Gaya ng makikita sa pelikula, gumagawa ang pamilya Kim ng mga mapanlinlang na plano upang isabotahe ang mga kasalukuyang manggagawa ng pamilya Park upang matrabaho sa ilalim ng Parks ang pamilya Kim. Nagsagawa ang mga Kim ng mahusay ngunit imoral na pagsisikap na may pangarap na balang-araw, magkakaroon sila ng buhay na komportable at mayaman kagaya ng pamilya Park. Ipinakita rin sa pelikula ang malaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahihirap sa usapin ng edukasyon at trabaho na isang napakahalagang isyu sa kasalukuyang lipunan. Dahil sa lumalawak na agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, nagagawa ng mga mayayaman na samantalahin ang mga mahihirap sa pamamagitan ng murang paggawa. Nagpapakita ang dalawang pamilya ng kasakiman sa pelikula sa pamamagitan ng pagiging isang parasito sa isa't isa, pagsasamantala sa bawat isa para sa kanilang pansariling kapakanan. Isang mahusay na pagpapakita kung paano tutugunan ang kusang-loob na kamangmangan ng kasalukuyang lipunan ang pelikulang ito sa paraang parehong nagbibigay-liwanag at may kaugnayan para sa lahat ng mga nanonood nito.
1 note · View note