Tumgik
#kagalingan
lolobugoy-07 · 7 months
Text
"Ang mga taong hinahasa ng kapwa tao ay lalong gumagaling at ang taong nanghahasa ng ibang tao ay lalong umaangat"
0 notes
chooey · 1 year
Text
gago okay na yun basta pasado 😭
0 notes
robairegif · 1 year
Text
kakantok talaga kapag ap class na hahahahaahah
1 note · View note
Text
Contractual Obligation
The static frothed and roiled in the corner, sputtering its crackling words. The curious monotone of the radio announcer preached its gospel of a dying world. "The Chinese occupation of Sakhalin continues into its fourth week. Negotiations continue in Rason and Seoul as the world watches with bated breath." "I saw the oil fields burning. In Guarico. Flames dancing in the sky like feasting imps, leering and laughing and crunching bones between their teeth. The infantrymen kept trudging on. None of them said a word." "Washington D.C. announced further restrictions on interstate travel, in accordance with the provisions of the Wayfaring and Roads Act." "The Sixth Republic of the Philippines celebrates the birthday of the beloved Chairman of the Council of National Preservation, Emilio Clemente Abracosa." Kurtis Dagohoy listened, but he did not listen at full attention. He was too busy setting up the interplay system. The odd mess of thick cables and wiring lay like spilled guts on the smooth concrete, picked apart only by worn, deft hands and the recognition of experience. He could tell them all apart in the dark by now. He could tell them apart in his sleep. He could tell them apart guided only by the flickering light of a fluorescent bulb, with nothing else to give and decrepitude and death in its sights. The drone of the electric fan pressed into the edge of his hearing, barely overcoming the warm, sickly air. 14:00. 37° in Manila today. "Not gonna show up for work, are you? Don't be an idiot," the metal voice from the tank whispered. It sounded like it had been through seven different voice changers, being filtered through corrugated iron and a tin can. Spoken by someone up from a long, long sleep. Aklanon painstakingly rendered by a woman who seemed to have never spoken this language before. Even though she had. All her life. Soothing, but not endearing, to most. Almost dead herself. Not to Kurtis Dagohoy. "You pay me better than they do. 50,000 ain't small in this economy, even with prices this high," he replied matter-of-factly. The man didn't even look up. "The day Mack-Ras or Veterans' Affairs give me enough to feed the kids is the day I die happy. Kaarawan ng Kanyang Kagalingan, bah! I applied for this last Christmas! Stingy little fuckers, all of them!" "Don't you talk like that about Abracosa!" The voice's sarcasm was unmistakable. Her confidence could get them killed. He liked that about her. Sometimes. "Sure, he's a coup plotter. Sure, he's thrown millions in ditches with bullets in their heads. Sure, the war in Mindanao's back on. And sure, the Junta's still in charge ten years after he promised to abolish it. But he'll save the Philippines! What's left of it!" "What's left of it? What's left of you!?" The man's laugh was hoarse, ruined by decades of nicotine, Ginebra, and untaxed moonshine. "I don't even know what's left of you! I can't see shit through this goddamn brine!" "You went there! You went there! I knew you'd get there, you son of a bitch! The laughter echoed through the musty, run-down apartment. Then it faded. The quiet whirring of the electric fan returned. The red glow from the tank reflected crow's feet and a salt-and-pepper beard. Contorted into the face of a scared, bitter man. ================================================ Next.
4 notes · View notes
huminahon · 4 months
Text
Hindi ko alam if need ko pa ba sabihin or wag na? Hindi ako masyadong shookt nung sinabi ni ate if pwede ko iwanan yun work ko kasi nasa ER si papa... need daw ng kamag-anak na kasama ni papa.
Pero pinakita na kasi sakin, not sure if panaginip yun or what. Gawa nga nang lately hirap ako makatulog tas sobrang halo-halo ng mga panaginip. Pero parang may premonition na ganun pero si Kuya M, ang tumawag saken para sabihing nasa ospital si papa kung saan sya dinala kanina. Tanda ko yun, kasi nakita ko mukha ni papa sa panaginip/premonition na masaya tas tumatak kasi yun sabi ni papa na palaging magpasalamat sa Panginoon. Kulang man o kumpleto ang tulog... Kasi kahit anong ingat at healthy living natin ang Panginoon pa rin daw ang nagbibigay ng kalusugan, kagalingan at kasagaanan sa atin pangangatawan. Tas nakita ko nga yun mukha nya na kahit may eyebags e masaya at masigla yun mukha nya.
Tho I tried to shoved off that and lagi naman ako nagppray. Pero thankful pa rin talaga kasi goods at safe si papa
5 notes · View notes
upismediacenter · 4 months
Text
Pagdiriwang ng STEM Fair 2023
Noong Nobyembre 14-15, ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng UPIS ang STEM Fair na pinangunahan ng mga mag-aaral ng Grado 12 mula sa Applied Sciences and Engineering Track (ASE). Ang fair ay may temang “TrainblASE: Learn from the past, Live in the present, Lead for the future.” Layunin ng STEM Fair ngayong taon na muling buhayin ang kuryosidad at pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral, at upang maengganyo sila sa iba’t ibang larangan ng STEM sa pamamagitan ng mga eksperimento, laro, at interaktibong aktibidad.
K-2
Para sa STEM Fair ng K-2, nagkaroon ng film-showing na pinamagatang ‘TeASEr’ kung saan itinampok ang pelikulang “One Small Step” ng TAIKO. Matapos ito ay nakilahok ang mga bata sa iba’t ibang aktibidad na mayroong kaugnayan sa kanilang pinanood. Isa rito ang paggamit ng mga magnet upang mapalutang ang mga paper rocket sa ere.
Tumblr media
3-6
Para naman sa mga-aaral ng 3-6, una nilang nilahukan ang ‘Asan kASE’ na isang easter egg hunt. Sa larong ito, mayroong mga easter egg na nakatago sa iba’t ibang sulok ng 3-6 at naglalaman ng mga trivia questions na kailangang sagutin ng mga mag-aaral. Ang mga makakakuha ng pinakamatataas na puntos ang mabibigyan ng premyo. Sa sumunod na araw ng STEM Fair para sa 3-6, ginanap sa Bulwagan ang ‘ASEntric Loop” na isang wire game. Ang mga kalahok ay binigyan ng metal ring rod na dapat nilang padaanin sa mga wire loops. May katumbas na premyo ang bawat checkpoint sa wire loop na maaari nang kunin ng mga mag-aaral, o di kaya naman ay maaari niya pang ipagpatuloy ang laro para sa mas malaking premyo.
Tumblr media
7-12
Sa unang araw naman ng STEM Fair para sa mga mag-aaral ng 7-12, tatlong aktibidad ang inilunsad. Una rito ang ‘KamikASE’ na isang airplaine throwing game na ginanap sa 7-12 Quadrangle. Layunin nitong maipakilala sa mga mag-aaral ang mundo ng aviation at mga pangunahing prinsipyo sa pagpapalipad. Dagdag pa rito, hinamon din ang kanilang pagiging malikhain at kakayahan sa paglutas ng mga problema. Sunod dito ang ‘Keep it up!’ na isang tower building activity kung saan naipamalas ng mga estudyante ang kanilang kritikal na pag-iisip at kagalingan sa sining. Binigyan ng oras ang mga nakilahok upang magplano at gumawa ng isang tore gamit ang mga clay at toothpick na binigay sa kanila. Upang manalo, hindi dapat gumuho ang tore matapos itong dagdagan ng pressure. Panghuli ay ang ‘ASEcape Room’ na isang STEM-themed escape room.
Tumblr media Tumblr media
Sa ikalawang araw ng STEM Fair, ginanap pa rin ang ‘KamikASE’ at ang ‘ASEcape Room,’ ngunit mayroong tatlong panibagong mga aktibidad na idinagdag. Isa rito ang ‘Pop Off’ na isang balloon experiment kung saan layunin ng mga kalahok na ipasok ang stick sa isang lobo nang hindi ito pumuputok. Matapos ito, ipapaliwanag ng facilitator ang dahilan kung bakit hindi pumuputok ang lobo. Pangalawa ay ang ‘TicTac Trail’ kung saa makapaglalaro lamang ang mag-aaral sa kaniyang turn kung masasagot niya ang isang trivia question o matatapos niya ang isang maliit na eksperimento. Bukod pa rito, kailangan nilang magtapon ng marka sa isang itinalagang grid area at makabuo ng pahalang, patayo, o dayagonal na linya upang manalo. Panghuli, nagsagawa ng isang 1v1 Trivia Game ang mga mag-aaral ng ASE na itinampok sa isang bidyo. Nag-ikot ang isang facilitator sa UPIS at nagtanong sa mga estudyante ng mga katanungang may kaugnayan sa STEM. Ang unang nakatatlong puntos ang nakatanggap ng premyo. Maaaring mapanood ang bidyo sa link na ito.
Bukod sa mga aktibidad na ito, nag-post rin ng mga Science facts ang ASE sa kanilang Facebook page na UPIS AppSci. Noong unang araw, mga facts tungkol sa karagatan ang ipinakita nila. Samantala, sa pangalawa at huling araw ng STEM Fair, mga facts tungkol sa imahe at kulay ang ipinakita sa kanilang Facebook page.
Tumblr media
Naging tulay ang fair upang mas makapagbahagi pa ng mga kaalaman sa Agham ang mga estudyante ng ASE at upang malinang ang pagiging malikhain, paglutas ng problema, at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Wika ng learning coordinator ng ASE na si Kat. Prop. EJ Angeles, “Masaya kami at maraming nakilahok sa STEM Fair, sa tulong ng mga guro na nag-advertise nito sa kaniya-kaniyang klase.” Dagdag pa niya, nagpapasalamat din sila sa mga mag-aaral ng grado 12 mula sa ibang mga track na sumuporta at tumulong sa mga miyembro ng ASE. // ni KC Dela Cruz
2 notes · View notes
sinethewrld · 5 months
Text
Simulan ang Kapistahan
Isang pagsusuri ng Midsommar (2019)
Tumblr media
Madalas na naiisip ng karamihan na hindi tayo mauuto sa pagsali ng isang kulto. Ngunit, gaano ba talaga tayo katibay laban sa sikolohikal na manipulasyon? Dito natin masisilip sa pelikula na “Midsommar” ang trahedya ng isang babae naging biktima nito nang pinagsamantalahan siya ng isang kulto sa pagitan ng kaniyang paghihinagpis. 
Sinusundan ng pelikula na ito ang magkasintahan na sina Dani at Christian at kanilang mga kaibigan na nagbabakasyon sa Sweden para makipaglahok sa mid-summer festival sa isang nayon sa sulok ng bukid. Kamakailan lamang nagpapagaling si Dani mula sa pagkamatay ng kaniyang buong pamilya, kaya’t hinikayat siyang sumali sa paglilibang na ito. Nakikitang kaakit-akit at masaya ang mga ritwal at tradisyon ng nayon, ngunit unti-unting gumuho ang imaheng ito para maihayag ang mas malagim at nakakakilabot na katotohanan.
Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikulang ito ang napakamarilag na sinematograpiya nito. Nakakaakit ang pagkuha ng direktor, na si Ari Aster, ang kagandahan ng kabukiran at kalikasan ng Sweden at sa pag-baluktot niya ng mga tanawin nito. Masasabi ko na nabilanggo ang atensyon ko sa mga nakakakilabot na ritwal na pinakita na lalong dumagdag sa karimlan ng palabas. Noong pinanuod ko ito, napatago ako sa aking mga unan nang umabot sa mga eksena kung saan pinapalabas ang mga madugong tradisyon na nagsasalamin pala sa aktuwal na mga rituwal ng Pagansimo. Bukod doon, naging tanyag din sa akin ang emosyonal at sikolohikal na perspektibo ng pelikula sa dyanrang horror. Nilinaw rito ang pagkakagiba ng mga relasyon sa epekto ng pighati, kaya’t nakapupukaw ito ng mga damdamin.
Tumblr media
Higit pa rito, pumukaw naman sa aking atensyon ang kultural na mga simbolismo, tradisyon, at mga rituwal ng mga Suweko (Swede). Repleksiyon ang kultong Harga ng pelikula sa mga Nordikong paniniwala at sa Paganismong tradisyon. Sa pagtingin ko, isang tanyag na halimbawa nito ang bahagi kung saan pinakita ang oso bilang analohiya ng katatagan at kagalingan. Sinasabi sa mitolohiya ng mga Nordiko na nagbibigay balanse sa sandaigdigan ang oso. Maiuugnay ito sa situwasyon ni Dani na nagdadalamhati sa kaniyang pagkaulila at sa umaalog na relasyon nila ng kaniyang kasintahan. Sa kasukdulang eksena, pinakita na nakabaluki na ngiti si Dani nang pinasok si Christian sa isang bangkay ng oso at sinunog sa loob ng kubo. Sa puntong ito, nakahanap ng pagtatanggap at kapayapaan si Dani nang nawala ang kaniyang toxic at makasarili na kasintahan. Higit pa diyan, naging mahalaga para sa kanya ang paghanap niya ng lugar sa isang komunidad na nakikiramay sa kaniyang pagluluksa. Dito ko napagtanto na mabibihag ang isang tao kapag udyakan sila sa oras ng sikolohikal o emosyonal na kahinaan. 
Tumblr media Tumblr media
Bagama’t hindi totoo ang kultong Harga, tiyak na maihahambing parin natin sa realidad ang mga sunod-sunurang kaganapan sa “Midsommar”. Sa Pilipinas, isang kamakailan lamang na isyu ang pag-aresto ng lider ng kulto Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) na si Jey Rence Quilario, aliyas "Senior Agila", sa krimen ng human trafficking, solemnisasiyon ng child marriage, at child abuse. Katulad sa palabas, may iilang pamamaraan ang SBSI upang manipulahin at kontrolin ang mga miyembro nito. Binebenta nila ang konsepto ng mapag-isang pamilya habang nangaabuso at gumagawa ng iba pa na malubhang krimen. Sa katotohanan, walang mahika o mahiwagang puwersa ang nakakabihag ng sarili sa isang kulto, kung hindi ang mga masama na impluwensiya sa emosyonal na pagkatao.  
Gusto kong tapusin ang blog entry na ito sa isang kasabihan ni Grady Hendrix na nagsasabing “What people will do to themselves is so much worse than what other people will do to them.”
Mga Sanggunian:
Ramos, M. (2023, October 2). 4 members of Surigao ‘cult’ to testify vs leader | Inquirer News. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1839485/4-members-of-surigao-cult-to-testify-vs-leader
Roles Of Bears In Norse Mythology: An Insight For Enthusiasts. (2019, October 31). Uniwelry. https://uniwelry.com/blogs/viking/roles-of-bears-in-norse-mythology-an-insight-for-enthusiasts#:~:text=The%20Preferred%20Disguise%20Of%20Gods,seen%20and%20the%20unseen%20world.
2 notes · View notes
zyrahrific · 1 year
Text
Naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa buhay ay dapat pag daanan, kahit hindi ito magiging magandang ala-ala sa buhay. Naniniwala ako na may dahilan ang lahat. Naniniwala ako na Sya ang nag lalagay sa buhay sa sitwasyong nasan man ngayon, dapat lamang maniwala at magtiwala sa Kanya at alam kong makakayanan at malalampsan din ito. Kung may aalisin man sa buhay, tanggapin ito ng maluwag dahil yoon ang kalooban Niya, masakit man at ang bigat bigat sa puso, dapat pa rin lumaban at kayanin ito, manatiling nagtitiwala sa Kanya
— napapa-isip nanaman ako sa paghihirap na dinanas nya. Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko kung bakit? Bakit kaya ganun yung nangyari. Napakasakit pero habang tumatagal kinakaya ko, alam ko na Sya ang may nais nito. Naniniwala akong may dahilan ang lahat.
Mag-iisang taon na pero lagi pa rin kitang naaalala, lagi kitang namimiss, naiisip ko ano na kaya ang itsura mo ngayon. Siguro napakapogi mo pa rin at napakabibo. Walang makakapalit sayo kahit isa o dalawa pa. May kamuka ka man pero hindi pa rin ikaw yon. Patawarin mo ako wala man lang akong nagawa para sayo. Hiniling ko ang iyong kagalingan ngunit hindi ito pinagkaloob, patawarin mo ko! Patawarin mo ko kung wala ako nun, patawarin mo ko kung mahina ang loob ko. Masakit pa rin, nasasaktan pa rin ako kapag naaalala kita, ang ikli kasi ng oras na ibinigay satin, alam ko di na tayo magkikita pero lagi ka pa rin nasa puso at isipan ko. Hindi ko pa rin kayang titigan ang mga larawan mo. Patawarin mo ako! Mahal na mahal kita. Lagi ko naaalala kapag nalulungkot at umiiyak ako pinupuntahan mo ko at niyayakap napakasweet mong aso. Hinding hindi kita malilimutan. Ngunit balang araw alam kong malilimutan ko yung sakit na pagkawala mo pero hindi ang mga ala-alang kasama kita. Hindi man ngayon, alam kong mawawala din yung sakit na nararamdaman ko. Miss na miss na kita Ponyo, marami ka na sanang kalaro ngayon sa atin sila Pochi, Bongbong at Mutya, anak din ni Pochi na si Sassy. Marami ka na sanang hahabulin at kakagatin, pero dumami na ang kaagaw mo sa pagkain. Lagi ka tinitignan ni Pochi kung saan ka natutulog na panghabang buhay. Nalungkot din sya nung bigla kang nawala. Hinanap ka nya sa kwarto nung oras na umalis ka. Alam ko nalungkot din sya. Nagbago ang tingin ko sa bahay nung nawala ka, napakalungkot. Di ako makapasok sa kwarto dahil naaalala kita, ilang buwan din ako bago don natulog ulit. Mahirap gumising na may kulang sayo. Yung mga laruan at gamit mo itinago na rin. Hindi mo rin naranasan yung sarap na makasakay sa sasakyan natin na bago kaya pakiramdam ko ang unpair. Pero sana hiling ko lang na kung totoo man na bumabalik ang mga pet bilang pet din gaya ng sabi sa akin ng kaibigan ko, sana makita kita ulit. Makabawi at sana mahaba na din ang ibigay na oras sayo para maging masaya dito sa mundo.
4 notes · View notes
zakomoya · 1 year
Note
для speak your language day аска:
✌ : favourite proverb/saying from your language
✌ : favourite proverb/saying from your language
Hm... Halos wala akong masasabi DNJNSDFSNF hindi pa rin ako masyadong pamiliar sa mga salawikain ng filipino, pero....
ewan ko, parang nakakatuwa yung "bahala na" at kagalingan umano nito
TL: Hm... I can't really say anything DNJNSDFSNF i'm still not that familiar with any filipino proverbs, but... i dont know, i find "bahala na" and its apparent origin quite interesting
2 notes · View notes
hazelnuttc · 1 year
Text
Pagmamalaki sa Nakaraan, Pag-asa sa Hinaharap
Salud, Buena Vida-Mabuhay! Welcome to Las Casas Filipinas de Acuzar.
Tumblr media
Unang tapak pa lamang ay tila ikaw ay nabalik sa nakaraan. Mula sa magagandang tanawin, hanggang sa kasasayan ay tiyak na hindi mo ito malilimutan. Iyan ang isa sa mga katangiang taglay ng Las Casas Filipinas de Acuzar na matatagpuan sa Bagac, Bataan. Isa ito sa tampok na pasyalan sa lalawigan ng Bataan na talaga namang pinupuntahan at dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ipinagmamalaki ng lugar na ito ang ‘best of Filipino heritage and culture’ kaya talagang marami ka pang pwedeng matuklasan at matutunan. 
Tumblr media
Ang kuwento ng Las Casas Filipinas de Acuzar, na unang binuksan bilang isang resort noong 2010, ay isang kuwento ng inobasyon, hilig, at dedikasyon sa pamana ng Pilipino. Sa nakalipas na dekada, ang Las Casas ay lumikha ng isang reputasyon para sa kagalingan sa sining, pagpapahalaga sa lokal na kultura at kasaysayan, at paglikha ng mga puwang kung saan ang bawat Pilipino ay nabubuhay nang may pagmamalaki.
Tumblr media
Ang pangunahing atraksyon ng Las Casas Filipinas de Acuzar ay ang mga heritage house nito na nailigtas mula sa kabuuang pagkasira at pagpapabaya. Ang mga bahay na ito ay inayos at muling itinayo mula sa kanilang orihinal na lokasyon at muling itinayo sa loob ng Las Casas Filipinas ng mga artisan at manggagawa sa bayan ng Bagac. Itinatampok ng Las Casas ang pinakamahusay na kasiningan, at kasanayang Filipino na nagbibigay buhay sa nakaraan at pakiramdam na katangi-tangi ang kultura nito.
Tumblr media
Maaaring marami sa inyo ang napapa-isip kung ano nga ba ang magandang gawin sa Las Casas Filipinas de Acuzar kaya tara na at ating tuklasin ang mga kawili-wiling gawain at atraksyon dito.
Balsa Ride Ang Balsa Ride ang isa sa dinadayong atraksyon dito sa Las Casas Filipinas de Acuzar sapagkat hindi lamang ito ordinaryong pagbabalsa dahil ang balsa ride na ito ay linilibot ang iba’t ibang heritage houses dito na maaaring bisitahin ng mga turista.
2. Calesa Ride
Ito ay isa pa sa mga nakakaakit na atraksyon dito sa Las Casas sapagkat maaari mong maranasan ang pagsakay sa calesa habang iniikot ang magagandang tanawin dito.
Tumblr media
3. Lunch at Hotel de Oriente Binondo Hall
Pagkain ba kamo? Tiyak na mabubusog ang bawat isa sa set lunch na inihahain dito. Ito ay kasama sa aming binayaran dito at sulit na sulit sapagkat mayroon pa itong kasamang panghimagas. 
Tumblr media Tumblr media
Mayroon din ditong iba’t ibang kainan katulad ng Italian Restaurant at Kusina ni Nanay Maria na naghahain ng mga kakaibang putahe. Sa kasamaang palad ay ito ay sarado noong kami ay bumisita dito.
4. Beach
Kung nais mong maligo at magtampisaw sa malalaking alon ng dagat, saktong-sakto ang lugar na ito sapagkat ito ay tabing dagat at kasama na rin ito sa inyong babayaran.
Tumblr media
Mayroon din ditong bilihan ng mga pasalubong at madami kang pagpipilian dito na lahat ay gawang pinoy. Masasabi kong sulit talaga ang aming binayad dito sa dami ng pwedeng gawin at sa ganda ng lugar. May kamahalan lamang ito ngunit ang mga ala-alang iniwan nito ay hindi matutumbasan ng kahit ano. Napakarami kong natutunan tungkol sa kasaysayan at talagang naipakita ng lugar na ito ang kahusayan ng mga pilipino.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hanggang sa muli, Buena Vida-Mabuhay!
2 notes · View notes
buhaytuklas · 5 days
Text
Alam Mo Ba Ang Sikretong Kagalingan Ng Oxygen Chamber
youtube
View On WordPress
0 notes
manilacreator26 · 5 days
Text
Alam Mo Ba Ang Sikretong Kagalingan Ng Oxygen Chamber
youtube
View On WordPress
0 notes
starpilipinas26 · 5 days
Text
Alam Mo Ba Ang Sikretong Kagalingan Ng Oxygen Chamber
youtube
View On WordPress
0 notes
roviell-cablao · 10 days
Text
Tumblr media
Noong kabataan ni Mozart ay lumibot ang kanyang pamilya sa iilang lakbayin sa Europa kung san pinakita ang mga anak bilang kakaiba ang kagalingan. Ang unang eksibisyon ay nuong 1762 sa Court of the Elector of Bavaria sa Munich, at sa parehong tao sa Imperial Court in Vienna at Prague. Sumunod ang isang mahabang concert tour sa loob ng tatlo at kalahating taon sa courts ng Munich, Mannheim, Paris, London, The Hague, Zurich, Donaueschingen at Munich. Sa panahong ito nakilala ni Mozart ang ilang magagaling na musikero
1 note · View note
history-of-heidi · 1 month
Text
两 O1 ៚ WHO iS THiS HEiDi FORTESCUE?
Tumblr media Tumblr media
ㅤ 𒀭 ! history-of-heidi.blogspot.com ❱❭❱❭ 📰
ㅤ “MATAAS TUMALON, BENTE BAON!” 𖤐 ⤸
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
‽‽ PREMiER ば ❱❭❱❭ PAGPAPAKILALA !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Ang kaniyang pangalan ay Alejandro Heidi Fortescue, mas tinatawag sa palayaw niyang “Hide”, pinanganak noong ika-4 na araw ng buwan ng Oktubre, taong 2004 sa Lucena, Quezon at lumaki sa Bacoor, Cavite. Ang kaniyang mga magulang ay sina Elena Fortescue at Karlos Fortescue na sikat sa kanilang lugar dahil sa kanilang hindi naman kalakihang negosyo sa palengke ng maliit na bayan na Pinili Village. Sila ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng sikat na food stall ng mga street foods at pagkaing pang-meryenda, isang malaking bakery at karinderya na pinangalanan ni Heidi na “Kahit Saan” dahil ito ang kadalasang sagot ng mga tao sa tuwing tatanungin mo ito kung saan gusto kumain. Habang ang sari-sari store naman nila ay tinawag na “Tindahan Store” na siyang kagagawan din ng kalokohan ni Heidi, kasama na rin ang kanilang car wash shop na pinangalanan na “Washiwep Washineyney”, sila ang nagma-may-ari ng pinaka malaking pwesto sa nasabing palengke, nagsimula sila sa maliit na karinderya hanggang sa lumago at lumaki ang hawak nilang pwesto sa nasabing palengke dahil gustong-gusto talaga ng mga tao sa barangay nila ang luto ni Aling Elena, tumigil sa pagpapasada ng jeepney si Mang Karlos nang magsimula itong magkaedad at humina ang katawan, napag-desiyunan nila na magsimula ng car wash shop at kung minsan din ay rumaraket ang kanilang amain na mag-ayos ng mga sira ng mga jeepney o tricycle sa kanilang lugar. Si Heidi ang panganay nila Aling Elena at siya ay may mga nakababatang kapatid na kambal na sina Alexandre Hadley at Alexandra Harley, ang dalawa ay fraternal twins at sa pangalan pa lang ay matutukoy mo na talagang kambal ang mga ito. Sila ay nasa ika-15 taong gulang pa lamang at talaga nga namang malapit sa kanilang nakatatandang kapatid na si Heidi dahil siya ang tagapag-alaga ng mga ito sa tuwing abala ang kaniyang mga magulang sa pagtatrabaho at pamamahala sa kanilang negosyo.
‽‽ SECONDE ば ❱❭❱❭ GiLAS AT GALiNG !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Noon pa man ay magaling na talaga si Heidi sa pamumuno ng mga grupo, madiskarte at malawak ang kaniyang pag-iisip kapag patungkol sa mga bagay-bagay. Elementary pa lamang ito ay nagpakita na ito ng kagalingan sa mga group task tuwing camping, boy scout at Physical Education activities ng kanilang paaralan. Bukod sa magaling itong mamuno ay magaling din si Heidi makihalubilo sa mga tao, hindi ito maghiyain at talaga nga namang palakaibiganin. Tuwing may mga by group activities sa klase ay sisiguraduhin niyang walang napag-iiwanan at lahat ng opinyon at suhestiyon ay napapakinggan. Hindi maikakaila na talagang magaling humawak ng responsibilidad ang binata kung kaya’t lagi itong napipiling leader sa mga group activities, pati na rin sa pagka-presidente sa kanilang klase na hindi niya rin naman tatanggihan dahil para sa kaniya masaya ang mamuno at mapagkatiwalaan ng mga tao sa paligid niya. Dahil dito, naging alalahanin ito para kina Aling Elena at Mang Karlos dahil baka hindi makapag-focus ng maayos ang kanilang anak sa pag-aaral, pero hindi rin naman nagpatalo si Heidi dahil kailanman ay hindi ito natanggal sa honor list ng kanilang klase bawat quarter ng school year. Dahil sa galing nito sa pagsulat ng mga sulatin o essay kung saan nagagawa niyang ibahagi ng maayos ang kaniyang mga nais sabihin at ang bawat nilalaman ng mga ito ay nagbibigay ng makabuluhang ideya base sa hinihinging nilalaman ng mga paksa sa anumang asignatura sa eskuwela, napansin ito ng mga guro ni Heidi kaya nakatanggap siya ng mga panghihikayat na sumali sa mga journalism club na hindi niya rin naman tinaggihan kung hindi ay ikinatuwa niya pa ito, magmula noong Grade 5 siya ay parte na siya mga journalism club sa kaniyang paaralan na pinapasukan, madalas din itong lumalaban sa mga District School Press Conference o DSPC, halos maraming beses na rin siyang nakarating ng Regionals School Press Conference o RSPC bilang isang editorial writer, featured writer o kaya naman ay sports writer, halos kada taon ay iba-iba ang kaniyang sinasalihang kumpetisyon para mas makapag-explore sa field na ito. Junior High School siya nang makarating siya ng Nationals School Press Conference o NSPC kung saan siya ay lumaban na Anchor sa Filipino Radio Broadcasting. Tandang-tanda niya pa kung gaano siya kanerbyos noong araw na iyon dahil iyon ang kaniyang unang beses na makarating siya ng Nationals at dahil na rin hindi niya inasahan na makakapasok siya sa NSPC.
‽‽ TERCiO ば ❱❭❱❭ ATBP KAALAMAN !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Hindi tulad ng ibang tao na madalas ay ayaw ang kanilang second name, si Heidi naman ay labis na nakakaramdam ng sobrang pagka-cringe sa tuwing may tatawag sa kaniya gamit ang kaniyang first name, para sa kaniya tunog pang-matanda na raw ito at hindi nababagay sa kaniya, kaya kung makikita mo ang lahat ng kaniyang social media accounts ay hindi mo aakalaing may first name pa ito bukod sa “Heidi” dahil ni isang beses ay hindi niya ito nabanggit o nilagay sa kaniyang profile sa kahit anong social media platform na mayroon siya. Kulang na lang ay pati sa formal Gmail account niya ay i-delete niya na rin ito. Mga magulang niya lang ang tumatawag sa kaniya nito at ginagamit lamang ang pangalan na iyon kapag may nagawang kasalanan ang binata o kapag nauubusan na ng pasensiya si Aling Elena kapag inuutusan niya ito ngunit masyadong abala sa paglalaro sa kaniyang cellphone o computer. Mahilig si Hide sa mga matatamis na pagkain, bata pa lamang siya ay ito na talaga ang mga nakahiligan niyang pagkain, tuwing may okasyon ang kanilang pamilya ay hindi mawawala ang mango graham, coffee jelly, ice cream, cake o kung ano pa mang matatamis na inihahanda tuwing may kaganapan. Paborito niyang ulam ang kaldereta lalo na kung luto ng kaniyang ina. Mahilig din si Heidi sumulat ng mga letters, love letters o diary, lahat ng mga ito ay hilig niya. Mayroon din siyang collection ng mga keychains, bracelets at plushies na kadalasang galing sa kaniyang mga admirers, kaibigan, kaklase o mga malalapit sa kaniya na binibigay sa kaniya bilang regalo. Siya ay napaka aktibo at masipag sa eskuwela, hilig niya ang pakikipag-socialize dahil na rin sa lumaki ito sa negosyo ng kaniyang mga magulang na kinakailangan na laging makipag-usap at manghikayat na bumili sa kanilang tindahan. Dahil din doon ay nahati ang kaniyang desisyon sa kung anong strand ang kaniyang gustong kuhanin sa Senior High, kung Humanities and Social Sciences ba o Accountancy, Business and Management, pero dahil malapit talaga ang kaniyang puso sa journalism ay tumuloy siya sa strand na HUMSS. Para sa kaniya dito siya magiging masaya lalo na’t may pagmamahal siya sa pagsulat, ang kaniyang laging pinaniniwalaan ay, “ang pagsulat ay mapagpalaya, nagsisilbi sa masa”, sa pamamagitan ng pagsulat, siya ay nagiging malaya at nagagawang ibigay ang kaniyang lahat ng imahinasyon, opinyon at saloobin. Hindi pa man siya ganoon kadesidido sa kung anong propesyon ang kaniyang nais kuhanin at tuparin, siya ay interesado sa mga batas at politika. Hindi niya nais maging isang politician o lawyer, ang nais niya ay maging isang kilalang journalist o news reporter na naglalahad ng buong katotohanan para sa kaalaman ng buong mundo.
‽‽ QUATRO ば ❱❭❱❭ KASALUKUYAN !
ʬʬ ☇ umamin.link/to/hiddenheidi 著者 💭
“istoryang nagmula sa ’yo, para sa inyo.”
𒀭 ! ──── 𖤐 ⤸ Nasa Grade 12 na ngayon si Heidi, huling taon niya sa Senior High bago mag-college. Halos walang pinagbago sa binate, mahilig pa rin itong makihalubilo sa mga tao. Marami itong naging kaibigan kahit kasisimula pa lamang noon ng school year noong Grade 11 siya, kinailangan lumipat ni Heidi ng eskuwelahan dahil Junior High School lamang kaniyang dating paaralan at wala pang units ang mga ito para sa Senior High, halos lahat sa kanilang batch ay lumipat sa dalawang paaralan sa kanilang lugar, ang isa ay sa Bright Horizons Academy habang ang isa naman ay ang SmartStart Learning University, kasama ang kaniyang mga kaklase, sabay-sabay silang nag-enroll sa SmartStart o SSLU, iba-iba man ang kanilang ginustong strand, ay masaya naman silang nakapasok sa iisang university. Ang iba sa mga kaklase ni Heidi noong Junior High na nag-take ng HUMSS strand ay nagging kapareho niya ng cluster at section noong Grade 11. Si Heidi rin ang napiling class president noon habang ang kaklase niyang si Chance Sincere Alcantara ang kaniyang naging vice president at crush buong school year na iyon. Sumali rin si Heidi sa The Talaarawan Publication na club para sa mga journalists sa kanilang university. Naging parte rin ng Strand Student Council o SSC ang binata at naging isa sa mga nailuklok na councilors ng kanilang strand. Ngayong Grade 12 ay siya naman ang nagging vice president ng kanilang klase at ang kaniyang nagugustuhan ang siyang naibotong presidente dahil nabago ang sistema sa SSC, kinakailangan na ang bawat representative sa student council ay hindi presidente ng kanilang mga klase dahil na rin sa mas magiging mabigat pa ang responsibilidad na kakaharapin ng mga ito sa Grade 12, at dahil nais ni Heidi tumakbo bilang strand president ay nagkasundo ang kaniyang mga kaklase na ilagay siya sa posisyon na vice president para matulungan ang kanilang kaklase sa pagtakbo sa pinaka-mataas na posisyon sa SSC. Hindi naman napunta sa wala ang kanilang efforts at pagtulong kay Heidi dahil siya nga nailuklok na Strand President para last year ng Senior High sa kanilang batch. Bukod sa SSC, si Heidi rin ang napiling Editor-in-Chief ng journalism club ng kanilang university na siyang ikinatuwa ng binata. Kahit maraming responsibilidad at gawain ang naghihintay sa lalaki ay hindi ito naging hadlang para sa kaniya na abutin ang kaniyang pangarap. Para sa kaniya, siya ay pinagkatiwalaan ng mga estudyante na mamumo dahil may tiwala ito sa kaniya at iyon ay sapat na dahilan na para sa kaniya upang ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang kwento. At dito natin sisimulan subaybayan ang kuwento at journey ni Heidi bilang isang senior high graduating student, kasama ang mga humanista, mga manunulat at iba pang strands at clubs, sama-sama tayong tumindig at humakbang palapit sa pangarap. Padayon, Heidi! ♡
Lagi’t lagi, para sa bayan,
F., ALEJANDRO HEIDI 🎭
0 notes
dayarikoo · 1 month
Text
dalangin ko din po Lord ang kagalingan sa buhay at nararamdaman ng mama at papa ngayon even our finaces, mental health at spiritual life, kayo na po ang bahala sa akin
3/19/24
0 notes