Tumgik
#kapwa makata
angwytakoyaki · 6 months
Text
Cobra
Filipino. Filipino ang ating wika
Wika na una nating sinalita
Sinalita sa ating mga kapwa
Kapwa na laging nakakasalamuha
Magkakaiba man ang panlabas na kulay
Ang dugo naman nati’y Pilipinong tunay
Iba’t-iba man ang ating estado sa buhay
Pagdating sa kultura, tayo’y pantay-pantay
Hindi dapat tayo nasunod sa kung anumang uso
Datapwat ating payabungin ang kung ano’ng mayroon tayo
Upang makagawa ng magandang pagbabago
Sa ganoong paraan, tayo’y matututo
Ang paggamit ng sariling wika ay ‘di maliit na bagay
Dahil sa bawat bigkas mo, ito ay nabubuhay
Malakas ang kapangyarihan nitong tinataglay
At kailanman ay hindi ito mamatay
Wag mong maliitin ang bansang mayroon tayo
Baka nakakalimutan mo, isa ka lang din sa nakikitira rito
Kung ikinahihiya mo ang mga gawang Pilipino
Puwes wala kang karapatan na manatili dito
‘Wag kang maiinggit sa taong maraming bansa na ang napuntahan
Kung sariling bayan nama’y ni hindi niya magustuhan
Mas mainam na’ng magkaroo ng kaunting kaalaman
Kung bawat kaalaman nama’y kaniyang pinahahalagahan
‘Wag kang mahihiya kung sa Ingles ika’y mahina
Dahil mas kahiya-hiya ang taong ‘di alam ang sariling wika
Gamitin mo ang sandatang Filipino sa bawat salita
Ipakita mo ang bangis ng Pilipinong makata
| End |
0 notes
cedricfielnovida · 1 year
Text
Pagsusuri ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus
Si Jose Corazon de Jesus ay kilala bilang isang manunulat, makata, at mang-aawit. kilala din siya sa palayaw na Huseng Batute. Siya ay kilala bilang "Ama ng Balagtasan" dahil sa kanyang kontribusyon sa pagpapalaganap ng Balagtasan, isang uri ng makatang tunggalian sa wikang Tagalog na nagtatampok ng mga kaisipan, pananaw at pilosopiyang panglipunan.
Ang kanyang mga tula at awit ay nagpakita ng kanyang husay sa paggamit ng wikang Tagalog, pagpapahalaga sa kultura ng Pilipinas, at pagbibigay ng boses sa mga karanasan at damdamin ng mga ordinaryong tao. Sa pamamagitan ng kanyang mga akda, naging tuntungan niya ang pagtalakay sa mga usaping panlipunan tulad ng kahirapan, kawalan ng pagkakapantay-pantay, at iba pa.
Kabilang sa mga sikat na akda ni De Jesus ang mga tulang "Bayan Ko", "Isang Dipang Langit", at "Ang Pag-ibig Kong Ito". Ang mga ito ay patuloy na nagbibigay inspirasyon at nag-uudyok sa mga Pilipino na magpakita ng pagmamahal sa bayan.
Kaya't si Jose Corazon de Jesus ay mahalagang personalidad sa kultura ng Pilipinas dahil sa kanyang naging papel bilang tagapagtaguyod ng wika, kultura at mga panlipunang ideya na naging bahagi ng ating kasaysayan at naging inspirasyon sa pagpapalaya ng ating bansa mula sa mga dayuhang mananakop. Ang unang tula na ating tatalakayin ay ang tulang "Puso ano ka?"
Ito ay isinulat noong panahon ng kolonyalismo sa Pilipinas, kung saan ang mga Pilipino ay nakaranas ng pang-aapi at pagsasamantala mula sa mga dayuhang mananakop.
Ang tula ay tungkol sa puso ng isang Pilipino at ang kanyang mga karanasan sa pagkakapit sa kanyang pagkakakilanlan bilang isang Filipino sa gitna ng pagsasamantala ng mga dayuhan. Pinapakita ng tula ang pagkakaisa ng mga Pilipino at ang kanilang determinasyon na ipaglaban ang kalayaan at karapatan ng kanilang bayan.
Sa kasalukuyan, ang tula ni Jose Corazon de Jesus ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga Pilipino na magpakita ng pagmamahal sa bayan at magkaisa para sa pagbabago at pag-unlad ng bansa. Ito rin ay nagpapaalala sa atin ng mga pagsubok at sakripisyong dinaanan ng mga ninuno natin upang makamit ang kasarinlan at kalayaan ng ating bansa. Ipinapaalala nito ang mga hirap na dinanas natin sa mga mananakop at kung bakit tayo dapat maging mapagmahal sa ating bayan.
Ang susunod naman ay ang tulang "Pag-ibig"
Sa bawat sakit at hirap, ang pag-ibig ay nagbibigay ng lakas at pag-asa upang malampasan ito. Ipinapakita rin ng tula na ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa romantikong pag-ibig, kundi maaari rin itong magmula sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa tao.
Ang tula ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagmamahal sa sarili at sa kapwa tao. Ipinapakita rin nito ang pagpapahalaga sa pagkakaisa at pakikipagkapwa-tao sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng pag-ibig, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na magpakita ng kabutihan at magtulungan para sa pagbabago at pag-unlad ng ating bansa.
Kaya't ang tula ni Jose Corazon de Jesus na "Pag-ibig" ay hindi lamang nagbibigay ng inspirasyon sa mga taong nagmamahal, kundi nagpapakita rin ng kahalagahan ng pag-ibig sa pagtitiis, pag-asa at pag-unlad ng ating bansa at ng ating mga kababayan.
Ang susunod naman ay ang tulang "Kamay ay Birhen"
Ito ay patungkol sa isang babaeng nagpapakasakit upang masigurong magaling ang kanyang anak. Sa tula, inilalarawan ng awtor ang pag-ibig ng isang ina sa kanyang anak at ang pagtitiis na kailangan niyang gawin upang masigurong mabubuhay ang kanyang anak.
Naglalarawan ang tula ng sakripisyo at paghihirap ng isang ina upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. Kahit na hindi siya mayaman at hindi rin siya nakapag-aral ng maraming bagay, ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mabuhay ang kanyang anak.
Sa kabuuan, ang tula ay nagpapakita ng pag-asa at katatagan ng loob ng isang ina sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay. Pinapakita rin nito ang kahalagahan ng pagsisikap at pagtitiis upang matupad ang mga pangarap at magbigay ng magandang kinabukasan sa ating mga mahal sa buhay.
Ang sunod naman ay ang tulang "Manggagawa"
Sa tula, inilalarawan ng awtor ang mga paghihirap na dinaranas ng mga manggagawa sa paggawa ng mga produktong kinakailangan ng lipunan. Pinapakita rin ng tula ang kawalan ng proteksyon at katarungan para sa mga manggagawa sa trabaho, kung saan nagpapakita ito ng mga pagsasamantala at pang-aabuso sa kanila.
Tinutukoy din nito ang pag kaka isa ng mga tao at manggagawa upang labanan ang pang aabuso at ilaban ang karapatan nila bilang isang manggagawa
nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa trabaho at katarungan sa paggawa. Ipinapakita rin nito ang pakikibaka ng mga manggagawa para sa kanilang mga karapatan at kabuhayan, at ang kanilang pagkakaisa bilang isang grupo upang makamit ang kanilang mga layunin.
Ang sunod na tula ay "Kalupi ng puso"
Ito ay tungkol sa isang tao na nag-iisa at nagdarasal sa Diyos upang bigyan siya ng lakas at kapanatagan sa gitna ng mga pagsubok sa buhay.
Sa tula, inilalarawan ng awtor ang kalungkutan at pagkabigo na dinaranas ng tao sa kanyang buhay. Pinapakita rin ng tula ang pag-asa at pananalig sa Diyos bilang gabay at kapanatagan sa panahon ng kawalan at kahirapan.
Ito ay nagpapakita ng pag-asa at pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at kabiguan sa buhay. Pinapakita rin nito ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos at ang pagiging matatag sa gitna ng mga hamon ng buhay.
At ang huling tula na ating tatalakayin ay "May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot"
inilalarawan ng awtor ang mga kantang nagdulot ng ligaya at pag-asa sa kanyang buhay. Pinapakita rin ng tula ang mga alaala ng kanyang kabataan at ang mga kantang nagbigay ng kulay at kahulugan sa kanyang mga karanasan at pakikipagsapalaran.
Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng musika at mga kantang nakapagbibigay ng kulay at kahulugan sa ating buhay. Ipinapakita rin nito ang pagpapahalaga sa mga alaala ng kabataan at ang mga bagay na nagbigay sa atin ng kagalakan at sigla sa buhay.
Ito din ay nagpapakita ng kahalagahan ng musika at mga kantang nagbibigay ng kulay at kahulugan sa buhay ng isang tao. Pinapakita rin nito ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga alaala ng kabataan at ang mga bagay na nagbigay sa atin ng kagalakan at sigla sa buhay.
ang mga tula niya ay madali maintindihan at "irelate" sa ating buhay kahit ano man ang ating pinag dadaanan bilang pilipino. tinalakay at may tula siya na angkop sa kung ano man ang gustong maramdaman ng mag babasa sa kaniyang mga tula.
1 note · View note
tumutulatula · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
“Fred”
Ito’y isang tulang handog ko sa isang napaka-ispesyal na tao sa buhay ko. Nilalaman nito ang pinaikling kwento kung paanong ang aming samaha’y lumago. Nawa’y maibigan ninyo ang likha kong ito!
2 notes · View notes
markhersonhuelgas · 3 years
Text
Untitled
Nanginginig muli ang mga kamay Sapagkat sa pagsulat ay tila may lamay Patay at tahimik ang mundong naka- tanaw Sa mga nagsasaliwang mga ilaw
Payak at kumplikadong mga letra'y umiindayog Mga salitang umaalingawngaw na parang bubuyog Dilat ang diwang 'di makahanap ng tulog Pipi ang mundo ngunit kaisipa'y matunog
Siguro'y dahil sa saliw ng musika Kaya't nahabi itong mga stanza Bakit parang sa wari ko'y kulang? Bulyaw ay walang pinatutunguhan
Marahil dahil nasiil ang mga bibig Mga posas at tumutulong pulang tubig Mga nawawalang sigaw ng kaba- bayan Mga naglalaho na lamang sa anino ng nakaraan
Alam mo ba kung anong nakatutok sa mga Lumad? Mga armas na dapat ay kapayapaan ang pinamumukadkad Alam mo ba kung anong nagtulak sa mga magsasaka? Hindi ang kalabaw na masipag kundi mga bala
Kailan ba titigil ang marahas na salita? Kailan ba lalabas ang katotohanan at tunay na balita? Ang mundo'y puno ng takot at kasinungalingan Panay laban ng kapwa Pilipino sa kaliwa't kanan
Sino ba ang tunay na kaaway ni Ina? Ang ama bang marahas at bastos ang bibig? Ang mga bulag bang anak na turing dito'y pag-ibig? Sino nga ba ang tunay na kaaway ni Ina?
Edukasyong tinuring na kalasag ng isang bayani Mga tinta at liham na makabagong makinilya na ang umaani Sinong magtuturo sa kinabukasan ng bansa? Kung mismong mga guro ay tila 'di na bihasa
Sila bang sangkot ay totoong nasa- sakdal? O sila ang mga taong sa likod ay may sumasakal? Umaaming may sala sa harap ng madla May nakatuong bakal sa likod ng mga makata
Huwag kang palilinlang batang paslit Imulat ang mata at huwag kang pipikit Mga mata'y ituong mabuti, huwag kukurap May ternong suot at watawat sa balikat ngunit kurap
Hindi na sapat ang maskara upang itago Ang pagkukulang ay nangangamoy na ang baho Hindi na sapat ang hospital sa may mga sakit Dahil kapos na rin ang pag-abot ng malasakit
Pandemiya pa ba ang sagot upang mabunyag? Ito ba ang solusyon sa labing-anim na milyong bulag? Ito ba ang tulos na magbubulwak ng lason? Malamang ay malalaman natin sa susunod na dalawang taon
3 notes · View notes
thebaronmunchausen · 5 years
Photo
Tumblr media
SA KAMATAYAN NG KAPWA MAKATA, Allan Popa
2 notes · View notes
lingua-persona · 3 years
Photo
Tumblr media
Para sa ting mga makata, lalo sa kapwa kong MFA, na hirap pa rin makapasok ang mga akda for publishing at writers' workshops. Keep writing & revising. 💚 https://www.instagram.com/p/CTtiCQOvv-_UJWZ86sj4YRGlpmhSzp-_Lza3640/?utm_medium=tumblr
0 notes
carenyosa · 6 years
Photo
Tumblr media
Happy Fathers day to me!
oh yes! I'am a proud single mom so what??? Come on guys its 2018( lakas maka nadine lustre)🤣 but seriously, hindi madali maging single mom, hindi madali ang mag bear ng isang human nature sa maliit mong tummy at imbrace ang labor pains na akala ng mga lalaki ganun lang kadaling manganak! How I wish maranasan din nila ung labor pains yan, even for 1 damn minute ng buhay nila✌🏻 Kapag single mom ka hindi ka maka ihi ng mg isa nor i say makatae ng matagal at mag muni muni sa banyo like we used to do nung tayo e dalagas pa. kapag single mom ka, wala ka ng gana mamili ng mga mok up, kulerete sa mukha, lahat eh sa baby mo, ang cute ng mga damit nila lalo na pang porma, ang cute ng mga shoes prang gusto mo twinning kayo hhahahaa! kapag single mom ka, gusto mo kunin nlng lahat ng sakit ng anak mo kapag hindi sya ok kapag single mom ka ung kakainin mo isusubo mo pa sakanya then makikita mo smile nila sa mukha after nila matikman ung masarap na fudang kapag single mom ka gusto mo ibigay sa anak mo ung best, gusto mo ibigay ung mga bagay na di mo naranasan ung bata ka gusto mo palaging my ngiti sa mukha nya kapag single mom ka ngiging clown ka sa harap ng anak mo mapatahan mo lang sya nagiging composer ka mapatulog mo lang sya nagiging bampira ka sa puyat kakabantay kapg my sakit sya kapag single mom ka lahat lahat ng lungkot at self pity na sayo at the best part nun hindi nakikita ng anak mo na malungkot ka kaya natin itago ung pain at panghihina kapag feeling natin suko na tayo magaling tayong artista sa harap nila ang hindi nila alam na unti unti tayong nauubos pro despite sa lahat ng un ang lakas lakas pa rin ntin at ang tapang ntin harapin ang bagong bukas. Hindi ibig sabhn ng single ay mg isa, ang pagiging single mom ay simbolo ng katapangan dahil nakaya nyang bumuhay mag isa ng isang nilalang ng my dignidad Salute ako sa mga inang kayang mag tiis para sakanilang mga anak. Mga anak, hindi kami perpekto bilang ina, hindi man namin kayo mabigyan ng isang perpektong pamilya pero kaya namin kayong bigyan ng isang magandang kinabukasan. Hindi nasusukat ang isang pagkatao kung buo o hindi ang kanilang pamilya, kundi kung paano ka pinalaki at hinubog ng tama, may takot sa Diyos at malasakit sa kapwa.
4 notes · View notes
neoladino · 3 years
Text
Ilang Tala:
Ang tulang ito ng Mehikanong makata na si Coral Bracho ay walang gitna, o pusod, o binhing inaalok at naibubulsa. Sa halip, ang tuklapan ng mga salita, ang tunog sa bawat paglawak ng  imahen at pagtupi ng pantig ay akmang humuhulas sa mga matataginting na kayarian, namumukadkad at kumakatas, na kapagka’y napipilas sa mga nagbabagong-kinang na timbre ng mga pahayag na siyang tikas at lambot din .
Datapwa’t may nakahahalinang himig ang tula na isinalin sa Ingles ng makatang si Forrest Gander, wala akong kakayahang umintindi’t sumulat sa Espanyol, ang unang wika nitong tula, upang bigyang tunog at diwa ang kung anumang naidagdag o nawaglit sa pagitan ng kanyang salin, o higit at mas lalo pa, ng matagalang pagdadalawang-isip sa kung anumang saliw ang nagpunyagi sa aking tangkang pagsasalin ng salin.
May mga tunog na napanatili sa Filipino halimbawa na lang ang tunog /b/ sa ikalawang linya na naglalaman ng “bagong-panganak” at “bughaw” mula sa Ingles na newborn at blue, ang liryo mula sa lily, : Ito’y mga bihirang pagkakataong maaaring labas sa tumbasan ng ponema’t ortograpiya o sa saltik ng dila sa wika at maaaring mas nakapaubaya sa kumplikadong larang at genealogy ng mga alphabetized na limit ng tunog, sa kabuuan.  
Ang tangkang salin ko ng bittersweet bilang mapaklang-tamis ay sintaktikong unyon ng dalawang lasa, ang paggi-gitling bilang pag-iisa, sa halip na “pinagsamang pakla at tamis” na may di-makatarungang haba (ngunit maaaring nagagamit sa wikang ukol sa kulinari). Pinili ko ang pakla, sa halip na pait, sa payak na kadahilanang ang huling pantig nito’y umaangkop sa pag-iikli.
Pinanatili ko ang salitang Kabbalah sang-ayon sa ginawa ni Gander sapagkat wala rin namang isang salitang Filipino na sususog sa malapad na antas ng ideya nito. Nanatili rin ang stigma at papillae, kapwa siyentipikong salita para sa isang anatomikong bahagi, sapagkat nagdaragdag ng magiliw na indayog [o calisthenics ng dila] sa kani-kaniyang hanay, na siya ring paglalapatan ng pamilyar sa mailap; ng marikit at ng teknikal.
Ang pulot bilang nectar sa dulong bahagi ng tula ay may angking talik sa ideya ng tamis na nanggagaling sa halaman. Karaniwan itong naglalarawan sa honey o pulot-pukyutan at marapat lamang na gamitin.
Kung nawaglit man ang tunog, nailinsad sa puwesto ang musika, o nabuhol ang orihinal nitong silakbo, nawa’y napanatili kahit papaano ng aking salin ang kawalang-lunduyan nitong piyesa; ng tungkod nitong may mala-dilang hugis.
March 2020
0 notes
lapeacenasumusulat · 6 years
Text
Kapayapaan Ang Hindi Naiwan Kay Aida
Anong lasa ng kapayapaan?
Bigla akong napatigil sa paglalakad—hindi alintana ang kalsada na naging makipot dala ng matinding trapiko, samu't saring paninda paroo't parito, mga taong hindi magkandaugaga sa pagmamadali, at bangketang ganda'y hindi na napanatili. Napatigil ako sa paglalakad at sa bigla kong paglingon ay nakita ko ang napakalaking watawat ng Pilipinas na nakapinta sa pader ng isang eskwelahan.
Ang watawat ay may maduming kulay pula, asul, puti at dilaw. Ang kalahating bahagi ng araw ay natabunan na ng paninda ng isang aleng hindi maganda and tabas ng dila. Napaisip ako bigla nang makita ang watawat: "Kung pagkain ang kapayapaan, ano kaya ang lasa into?" Sawa na kasi ako sa salitang 'kalayaan' kaya sa halip na tanungin ang sarili patungkol sa sinasabing pinaglaban ng ating mga bayani, mas maganda siguro kung kapayapaan na lang.
Base sa mga naaalala kong itinuro sa Araling Panlipunan ay tila mas nabibigyang pansin ang ideya ng kalayaan. Lalong lalo na noong panahon ng rebolusyon at himagsikan laban sa mga mananakop na espanyol. Balita ko nga, kalayaan ang isinisigaw ng mga katipunero. Nakakatawa lang isipin na hindi nakalaya si Bonifacio laban sa marurungis na kamay ng kapwa n'ya pilipino.
Pero balik tayo sa pagkain. Sa tingin ko talaga, kung pagkain ang kalayaan, isa ito sa mga pagkain na mayayaman at mga makapangyarihan lamang ang kayang tumikim. Sa tingin ko rin ay hindi ko maihahalintulad ang lasa nito sa mga pagkaing natikman ko na sapagkat wala itong katulad. Pili lamang ang may kakayahang makatikim ng pagkain na ito. Nakakatakot namang isipin kung hanggang sa kamatayan ay hindi ko ito matikman. Sana'y hindi ko man matikman, maamoy ko man lang.
Kaya 'yang kalayaan na 'yan? Huwag mo nang pangarapin 'yan. Hindi mo 'yan matitikman. Mas mabuti pa kung pag-usapan natin ang kapayapaan. Sa palagay ko kasi, kapayapaan ang pampalubag loob na putahe na inihain sa atin ng ating mga ninuno. Kumbaga, kung hindi na kaya ng salapi para sa adobo, may tinapa pa naman.
Ano bang lasa ng kapayapaan?
Balita ko kasi, may lasa ng katahimikan ang kapayapaan. Yung tipong kapag isinubo mo na ay mapapatahimik ka sa sarap dahil nanamnamin mo ang bawat sahog at pampalasa. Yung tipong dahil sa umaapaw na sarap, ipagmamalaki mo kaagad at ipapatikim sa iba kaya magkakaroon kayo ng salo-salo.
Balita ko rin, may pampalasa ng kasiyahan at pagka-kontento ang kapayapaan. Yung tipong mapapangiti ka sa sobrang sarap at wala ka nang hahanapin pa.
Kaso isa pala yung maling balita. Hindi sinasadyang nasanggi ko ang isang malaking matanda na puti na ang buhok, kulubot na ang balat, malaki ang tiyan, at may napakasamang tingin. Humingi ako kaagad ng paumanhin. Nakakapagtaka kasi dinuro n'ya ako, minura; sinabihang walang kwenta, walang respeto at pabigat sa lipunan. Bakit kaya? E, hindi ko naman yun sinadya. Napatingin din ako doon sa ale na tuluyan nang tinakpan ang araw. Grabe. Bakit n'ya kaya ako pinagtatawanan? Tapos ang sabi n'ya pa, sayang ang pinapang-aral sa akin kahit halos mamatay na nga ako sa pag-aaral. Pinagtitinginan s'ya ng mga maliliit na batang kalalabas lamang ng paaralan. Siguro may bago silang natutunan habang nagsasalita ang ale—mga salitang nagsisimula sa G at B na may apat na letra, isa pang salita na may siyam na letra na nagsisimula sa T, at tatlong salita na nagsisimula sa P, I at M ayon sa pagkakasunod-sunod. Nanunuod lamang ang kanilang mga Mama at Papa at tila nangingisi. Siguro nabatid nila na okay lang na marinig ng mga bata ang mga nasabing salita. Ewan ko ba.
Napakalawak talaga ng bokabularyo ng ale. Tinalo n'ya ako na marunong lamang sa filipino at ingles. Mabuti na lamang at mukhang hindi s'ya marunong sa wika ng mga koreano, hapon, at tsino. Hindi na siguro nakakagulat kung paglipas nang ilan pang taon ay hindi na lang filipino at ingles ang opisyal na wika ng mga Filipino. Matigas ang pagkakasabi n'ya sa katagang, "You not respecting, kid. You wasting our time." Pero bakit kaya hindi s'ya pinagtatawanan kahit mali ang tinuran n'ya sa ingles? Ako kasi magaling d'on pero pinagtatawanan ako ng aking mga kaklase sa tuwing iyon ang aking sinasalita. Ayaw rin naman nila kapag purong filipino ang aking wika. Kinukutya nila akong isang 'makata'. Ano bang nakakatawa sa pagiging makata? Saan ba ako lulugar?
Mali ang nabalitaan ko. Bigla ko ring naalala na nasaktan si Mama sa isang rally noong ipinaglaban n'ya ang karapatan bilang mangagawa. Mayroong mga lider na nagnanakaw sa kaban ng bayan. Meron ding nagsasabi na okay lang ang manghipo basta pabiro. Sa lipunan din namin, okay lang na maraming mamatay. Napigtas na ang tali na nagdurugtong sa karapatang pantao at buhay ng tao. Akala ko kasi dati hindi mapaghihiwalay ang dalawang iyon. Idagdag mo pa na may isang tatanga-tangang maimpluwensyang babae na mali-mali ang komento.
Dahan-dahan na lang akong yumuko at sinuyod ang siksikang daloy ng tao. Mali ako. Noong una siguro ay masarap ang pagkakaluto sa kapayapaan. Hindi sinasadyang napanis ito nang walang habas na sinawsaw ng mga hayuk na sikmura ang madudumi nilang kamay. Nag-uunahan sa pagsandok. Binibilisan ang pagnguya ng mga bungangang ayaw palamang.
Mali talaga ako. Mapakla na ang kapayapaan. Mapakla, panis, at nakakasira ng tiyan.
- GG
1 note · View note
pluma-at-tinta · 6 years
Text
Pag-iBIGO
Bulaklak para sa sinisinta
Kanya namang nilanta
Magsilbi pawang banta
Nang huminto sa pagugunita
Sa aking pagkanta
Aking nabalita
Iyong sinta
Kapwa mo nakasalita
Mahal kita
Hindi mo ba halata
Hindi ako makata
Na ibatid sana ang "KATA"
2 notes · View notes
Foods
Calamansi Muffin
Hindi ito dapat palampasin para sa anuman. Ang Tunay na Kape at Tsaa ay nakikilala para sa masarap na Calamansi Muffins. Ang mga effektibong paggamot na ito ay basa-basa sa loob. Ito ay tiyak na nais mong bilhin ang mga ito sa dose-dosenang upang makakuha ng bahay. Kasabay ng mga lasa ng kasiyahan na nakalulugod sa pagkain, ang setting ng Real Coffee at Tea Café ay napaka-perpekto. Sa pananaw ng mga alon na lumusot sa dalampasigan ng beach at isang tasa ng kape upang sumama dito sa mga unang umaga o huli na hapon, napakabuti na maging totoo.
Tumblr media
Fruit Shake
Talunin ang scorch na sinag ng araw sa iyong pagbisita sa tag-araw sa isla na may pag-iling ng prutas ng dila. Sikapin ang mga lasa ng tropiko-mangga at pakwan sa Jonah's Fruit Shake & Snack Bar na popular sa kapwa, mga turista pati na rin ang mga lokal.
Tumblr media
Chorizo ​​Burger
Pagdating sa masarap at pagpuno ng mga pagkaing kalye, ito ay Chorizo ​​Burgers sa Boracay para sa iyo. Ang amoy ng sariwang inihurnong bun, ang masarap na karne ng patty at ang makatas na sarsa ay ginagawang platter na ito ang isa sa pinaka-masarap na masarap na kaselanan. Magkaroon ng higit sa ilang mga bote ng beer kasama ang iyong mga kaibigan o masiyahan ito sa iyong pamilya sa tanghalian.
Tumblr media
Fresh Seafood
Pindutin ang pindutan ng Talipapa market at tuklasin ang isang malawak na hanay ng mga sangkap ng buffet sa dagat sa mga presyo ng friendly na bulsa, mula sa mga univalves at bivalves hanggang sa iba't ibang mga isda at ulang. Maaari kang makahanap ng maraming mga restawran na nagbibigay sa iyo ng mga pasilidad sa pagluluto ayon sa iyong mga pagpipilian. Ang ilang mga pinggan na nararapat masubukan ay isama ang mga inihurnong mga talaba, king prawns, lobsters, mussels at barbequed squid.
Tumblr media
Pizza
Lahat ay nagmamahal sa pizza. Ang pagkuha ng regular na pagkain sa isang tradisyunal na istilo ay posible sa Boracay Island sa pamamagitan ng mga inihurnong pizza na oven na oven mula sa Aria Cucina Italian sa D'Mall. Malayo mula sa Italya, ang mga kalidad na sangkap ay inilalagay sa kanilang pinakamahusay na paggamit.
Alam ang lahat tungkol sa piging ng pagtutubig ng bibig at ang magagandang paraan ng pag-relie ng stress, ang Boracay Island ay dapat na makapasok sa iyong talaarawan sa iskedyul sa pinakamaagang hindi mabibigo.
Tumblr media
0 notes
theweirdohahaworld · 5 years
Text
Karl Marx: From Capitalism to Communism
Sa likod ng isang pilosopiyang nagdulot ng rebolusyon o pag-aaklas ng mga tao laban sa gobyerno ay ang tanyag na manunulat at ekonomista na si Karl Marx. Siya ay kilala sa pagpapakilala sa mundo ng tinatawag na komunismo. Sa tulong ni Friedrich Engels, nilikha at sinulat nila ang “Communist Manifesto”, libro kung saan nila tinalakay ang kalagayan ng lipunan kung saan namamayani ang komunismo. Kilala si Marx sa pagkakaroon ng lantarang hindi pagkakagusto sa kapitalismo, sistema ng lipunan na umiiral noong panahon na isinulat niya ang Das Kapital. Hindi nagtagal ay binansagan ang kanyang ideolohiya bilang ‘Marxism’, isang ideolohiya na tinutuligsa ang kapitalismo at isinusulong ang komunismo. Ang lipunan, kagaya ng tao, ay sumailalim sa pagbabago. Mula sa lipunang walang kinikilalang grupo nang walang espesipikong estado ng buhay ay nagbunga ng Lipunang may Amo at Alipin, at hindi nagtagal ay nagbago nang nagbago hanggang sa maipanganak ang Kapitalistang Lipunan. Ayon kay Marx, ang Kapitalistang lipunan ay makikilalang agad sa pagkakaroon nito katangiang mas higit na pagpapahalaga sa tubo kaysa pakikipag-kapwa. Dahil naging bulag o nagbulag-bulagan ang mga tao sa tunay na epekto ng kapitalismo sa kanilang lipunan ay nagpasya si Marx na manawagan sa pagbabago. Isa sa mga bansang kilalang sumunod o namulat at nagbago nang kanilang sistema ay ang Soviet Union o Russia.
Sinimulan ni Karl Marx ang kanyang pagtuligsa sa kapitalismo sa, una, pagtalakay sa potensyal ng isang tao. Ayon sa kanya sa panahon ng mga primitibong tao, ang paglinang sa kanilang potensyal ay mahirap sapagkat sila ay mas nakatuon sa paghahanap ng kanilang makakain, matitirhan o samakatuwid ng kanilang mga kailangan upang manatiling buhay.  Ngunit kung ang pagkakaroon ng sapat ng pangangailangan ang siyang maglilinang ng potensyal ng isang tao, bakit nanatiling hindi ganap o nalinang ang potensyal ng isang tao sa panahon ni Marx? Ayon sa kanya, sa halip na payabungin ang masining na pagiisip ng mga tao ay mas pinagtuonan at mas pinahalagahan nila ang pag aari ng mga bagay bagay at pagkita ng pera upang makabili ng mga ibat-ibang bagay.  Pangalawa sa pagtatrabaho, ayon kay Marx, ay kung saan dapat maipakita ng isang tao ang kanyang masining na pagiisip at paglikha. Kung maihahambing sa isang pintor, makikinita ang kanyang galing sa kanyang mga obra at ang mga makata sa kanilang mga tula. Para sa kanya, ang trabaho para sa isang normal na tao ay isang bagay na kanyang mapagbubuhusan ng kanyang sariling masining na pagiiisip. Ngunit hindi ito ang siyang nangyayari sa lipunang kapitalista ang naghahari, nagkakaroon ng pagkahiwalay ang isang tao sa kanyang trabaho. Tinawag ito na ‘Alienation’ ni Karl Marx, na isa ring dahilan kung bakit hindi nakakamit ng tao ang kanyang higit na potensyal. Makikita ito gaya ng pagkahiwalay ng isang mananahi sa damit na kanyang tinahi at sa isang panday na nagtayo ng bahay. Para sa kanila, wala silang anumang pagmamay ari sa mga bagay na iyon sapagkat tinumbasan naman “daw” ito ng pera o sahod, at isa pa ang materyales o perang pangkapital ay nanggaling sa bulsa ng kapitalista na siyang nagbibigay sa kanya ng karapatan na mag may-ari ng mga bagay na nalikha. Gayundin, dahil sa paulit-ulit na gawain ng mga manggagawa ay tila nagiging ‘robot’ na lamang sila kung saan mas nalilimitahan ang lawak ng kanilang maaring maisip o matutunan. Hindi man aminin ng mga tao, mayroon at mayroong silang lihim na kumpetisyon sa bawat isa sa takot na sila ay mawalan ng trabaho o maunahan sa promosyon. Pangatlo, sa lipunang mas mahalaga ang pera kaysa pagod at oras ay namayani ang pananamantala. Nagkaroon ng paniniwala ang tao na pantay ang hati na kanyang natatanggap sa kinikita ng kapitalista sa produktong kanyang gawa. Para kay teorya na Marx na “Labor theory of value”, ang malaking porsyento ng kita ay marapat lamang na mapunta sa mga manggagawa sapagkat ang isang bagay ay hindi magagawa kung walang kamay na gagalaw.
Bakit nga ba natin kailangan pag-aralan at analisahin ang teorya at diskusyon ni Marx sa Kapitalismo? Ito ay dahil ganap tayong kabilang sa lipunang namamayani ito. Bilang isang mag-aaral, nakakaalarma na ang mga eskwelahan ay tila ginagawa na rin na negosyo. Batid na ang lahat ng mga akademikong institusyon ay hindi pinapatawan ng buwis, ngunit bakit nanatiling malaki ang halaga ng tuition sa mga pribadong paaralan at bakit pag nagkaroon ng tuition fee hike ay hindi na kailanman bumababa ang tuition. Bilang isang empleyado sa hinaharap, masakit isipin na ang tatanggapin na kapalit ng ating paggawa ay isang sahod na sasapat lamang upang tayo ay mabuhay at kung papalaring mapataas ang ranggo ay makakabili ng mga bagay na gusto. Bilang isang mamamayan, nakakapanlumo na ang mamahal ng mga produktong gawa ng kamay ngunit napakamura ng pasahod sa kanila. Isa sa napakaling dahilan kung bakit hindi nasusugpo ang kahirapan, sapagkat malaking bahagdan ng populasyon ng Pilipinong manggawa ay tumatanggap lamang ng Minimum Wage na P512.00, halagang hindi sapat upang bumuhay ng isang pamilya. Ang pinakalayunin ni Karl Marx ay mamulat tayo sa kalunos lunos na sitwasyon ng ating lipunan at tinatawagan tayo na huwag lamang manatiling nakaabang sa pagbabago sapagkat tayo ang siyang gagawa nito. Hindi kailanman kusang mabubuwag ang Kapitalismo kung tayo mismo ay kusang nagpapasakop rito, kailangan natin kumilos at magkaisa; Magrebolusyon hindi sa madugo at masalimuot na paraan pero sa pamamagitan ng malawakan at mahinahon na boycott o strikes.
0 notes
bashabanana · 7 years
Text
Anong oras na, dapat natutulog na ako dahil maaga pa ako gigising bukas dahil napakaaga ng call time for NCAA. Ang ganda din ng bungad ng taon, hindi sa school, classroom, african prof sa business math, ang unang araw namin kundi sa arena-manunuod ng volleyball at walang sawang sigaw at hiyaw para suportahan ang mga kapwa pirata na maglalaro ng volleyball bukas. Whoop sheez medyo makata ang peg ko haha. Good night!
3 notes · View notes
imaconnoiseurone · 4 years
Text
Nakahanap akong muli ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagsulat at ang aking misyon. Kapwa ko makata, na naipaparating sa mga manonood ang kanilang nadarama. Nais ko rin silang tularan. Nais ko rin maiabot sa iba ang aking saloobin at nararamdaman. Ngunit sa ngayon, ako'y matutulog na dahil bukas ay panibagong hamon. Hamon sa trabaho na kailangan ko malampasan, kaya't amigo, amiga, paalam muna.
0 notes
wag-lang-mapariwara · 4 years
Text
k a s a l
Siguro, habang binabasa ko ito, ay makakakita ang isang makata ng kapwa makatang nakikipag-usap sa hangin. Naroon lamang ako, pero wala rin. Ano ba namang maiintindihan ng isang upak tungkol sa ibang bagay na mistulang nakakapagpuno sa isang nilalang?
Ang nakita lamang ng upak na iyon, ay isang nilalang na desperadong maghanap ng magbibigay katwiran sa pinag-iisip niya, sa nararamdaman niya.
Kung tingin mo naman na ang ginagawa at nararamdaman mo ay tama, bakit kailangan pang himayin? hamunin? 
Ang nakita ng upak ay isang nilalang, isang tao, na labis na pinahihirapan ang sarili niya maging tao sa pamamagitan ng pagpapalalim ng mga bagay na hindi naman kailangang palalimin.
Nakakatawa nga, dahil alam ito mismo ng manunulat.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila maintindihan na sarili lang ang makakapagpaliwanag ng sarili,na ang sarili,higit sa lahat, ay hindi rin naman kailangang ipaliwanag ang sarili.
Pero hinimay niya parin, ang lahat ng naiisip niya. Hinimay niya ang gunita, ang mga sandali, hinimay niya ang lahat ng komplikasyon at kagandahan ng kanyang mga napagdaanan, sa kanyang napagdaanan. 
Sa pagbabasa nito, at sa pagsusulat ng naunang bahagi ng lathalaing ito, naisip ko lamang na nasa kawalan ng paliwanag ang kagandahan ng kahit na anong bagay, pero ngayon, na nasa masamang disposisyon ang buo kong katauhan ay napagtanto ko, na may pagkakataon nga talaga na makakahanap nalang ang tao ng saya sa pagpapaliwanag sa mga nasa paligid niya.
Ganon na lamang kahalaga ng kaligayahan, dahil sa sandaling mawala ito ay sobrang hirap na nitong makuha muli.
Hindi na maibabalik ang mga iyon, hanggang doon lang iyon. At iyon lang iyon. At iyon ‘yon. Nasa kanilang transcience ang kanilang permanence. 
Ang swerte lang rin naman talaga ng iba ano? Umabot pa sila sa gantong panahon bago maintindihan ang pinakasimpleng realidad na ito ng buhay.
Tanging pagbabago lamang ang hindi nagbabago. Ang lahat ay darating, at aalis, magsisimula, at matatapos. Pupulutin ka, at itatapon. Pahahalagahan ka, at kalilimutan. 
Nasabi na nga natin iyon, alam na nga natin iyon, pero bakit ganon parin kahirap magpaalam? Kung ang realidad ay lahat ay lilipas, bakit ganon nalang kasakit pag mayroon na ngang aalis?
Sana, kasing bilis ng pag-usad ng pagbabago ang pag-usad ng damdamin ng tao.
Pero hindi ganon, kaya naghahanap nalang tayo ng tuldok.
Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami akong mga tinapos na relasyon na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga bahaging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala ganon kadaling mamulot ng mga tuldok.
Wala sa tao na mapabilis ang usad ng damdamin niya kasabay ng panahon kaya imbes na pati siya ay maiwan kasama ng nadarama niya, pipigilan niya nalang ang pagdama. Hindi tayo naghahanap ng tuldok, nagnanais tayo ng tuldok, kase mahirap dumama.
Mahirap maging tao. Mahirap maging. Pero ang simple-simple parin maging. Nagiging komplikado at mahirap lang ito simula nang pag-isipan natin ito nang mabuti, at napag-iisipan natin ito nang mabuti sa mga oras ng paghihirap at kalungkutan.
Siguro. Siguro ganon. Siguro doon tayo magkakaiba-iba, sa kung paano tayo mag-isip, paano maghanap ng kagandahan habang napaliligiran at nalulunod na sa sarili nating mga paghihirap.
Siguro, madalas rin talaga, mas mabuti pang di nalang tayo magsalita.
‘Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo, kahit papaano. 
Sabi ko sa kanya, ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon,tiyak ako, puwede kong ipangako iyon sa iyo. At ‘yung mamahalin kita habambuhay, puwede ko na rin sigurong ipangako iyon sa iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.
Siguro, minsan, mas mabuti nang bayaan ang isang taong makita nalang kung anong gusto mong sabihin, nang hindi ito sinasabi sa kanila.
0 notes
lunaaaazzi-blog · 5 years
Text
Literatura ng Uring Anak-Pawis
"kasama ng mga kapwa api mga magsasaka't manggagawa at ng iba pang mga kapanalig sila'y lakas na babalikwas Uusigin nila kayong sa kanila'y nandaraya: kayong nasa inyu-inyong tierra immaculada habang sila'y nasa gitna ng nagbuntong mga bundok-basura. kayong naglulunoy sa inyu-inyong swimming pool habang sila'y binabaha sa mga eskinita't lansangan. kayong nagpaparaos sa inyu-inyong mga kubetang alpombrado habang sila'y nasa piling ng nagbalatay na estero. kayong walang ginawa kundi sa masa ay magsamantala Kanila ang pawis, inyo ang biyaya; kanila ang pagod, inyo ang ginhawa. At sama-sama sila'y apoy Sila'y apoy ng paglaya na sa inyo ay tutupok!" isinulat ni Sandoval sa kanyang,  'Kung Saan Naglalagablab'.
 Una, lubos akong nagagalak at humahanga sa mga obrerong hindi tumigil noon sa pagpapahayag ng mga inhustisyang sa kanila'y nagaganap. Hindi mapapatay ng kahit ano mang pilak o ginto ang apoy na naglalagablab para ipamulat ang bulok na sistema na umiiral sa ating bansa. Labis na kahanga-hanga ang paggugol ng panahon ng mga anak-pawis upang gamitin ang kanilang pagiging makata sa pagrereklamo ng mga hindi pagkakapantay-pantay na pangyayari sa kanila.
 Ngunit, nakakalungkot isipin na sa kabila ng mga kilusang magpapamulat sa mga bulag na mata ng marami, hanggang ngayon ay maliit pa rin ang pagtingin sa mga nasa uring anak-pawis. Nakakabahala na parang iwinalang bahala ang mga akda dahil hanggang ngayon, marami pa rin sa kanila ang nakakaranas ng pagmamalupit ng mga proletaryo.
Isang pangyayari sa ngayon ay ang panggigipit sa mga magsasaka kung saan naibebenta nila ang kanilang mga ani sa halang kinse pesos kada kilo.  Anong klaseng sistema ng gobyerno ang mayroon tayo at bakit natin hinahayaan ang mga pangyayaring ito?
 Hindi ko lubos maisip na ang mga taong nagtatanim ng ating makakain ay pinagmamalupitan ng mga proletaryo at wala namang ginagawang hakbang ang gobyerno para rito.
 Sa kagustuhan ng karamihan sa atin na makasunod sa 'trend'ng makabagong panahon,  nakakalimutan na natin ang mga taong naghihirap upang tayo ay may sapat na gagamitin at kakainin sa pang-araw-araw. Sa kagustuhan ng ating gobyerno na makasunod sa mga standards o paraan ng pamumuhay ng mga dayuhang bansa, naisasa-alang-alang natin ang security ng mga magsasaka't manggagawa.
 Kulang pa ba ang sigaw nila sa mga akda? Kailangan pa bang humantong sa mga radikal na pamamaraan upang magkaroon ng seguridad ang mga nasa laylayan ng bansa?
 Maaaring ginagawa ito upang makasabay sa nagbabagong paraan ng pamumuhay ng mundo,  ngunit hindi ako naniniwalang kailangan pabayaan ang mga taong naggugugol ng dugo, pawis at luha upang magkaroon ng sapat na pagkain ang bansa.
 Marahil, sasabihin ng ibang nakakabasa nito na hanggang dito lamang ito. Tanggap ko rin na maaaring makapagmulat ang sanaysay na ito, ngunit hindi ganun kamulat para ipaglaban ang inhustisya sa bansang ito.
 Hahayaan nyo na lamang bang maapi ang mga taong nagpapakapagod, magkaroon lamang ng sapat na kakanin ang bansa? Patuloy na lamang ba kayong magiging bulag-bulagan at bingi-bingihan sa mga bagay alam niyong lagpas na sa inyong kamalayan? Na patuloy nyo lang ipagsasawalang-bahala ang mga isyu na may kaugnayan sa mga anak-pawis sapagkat wala naman itong direktang kaugnayan sa inyo?
 Mga Pilipino nga naman. Hangga't hindi nararanasan ang pagmamalupit sa mga anak-pawis,  patuloy lamang na magiging ignorante. Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang mulat sa hindi tamang pagtrato sa mga magsasaka at manggagawa, ngunit takot na lumaban sa pamamahala. Kung bibigyan lamang ng pansin ng pamahalaan, ang sigaw ng mga obrerong anak-pawis, maaaring mas maayos sana ang sistema na ating kinabibilangan. Nakakalungkot at nakakadismaya.
0 notes