Tumgik
#tagalogpoem
wmab · 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes · View notes
koliqtives · 4 months
Text
Ang kambing ni riel
Isang maliit na kambing ang buhay sa gitna ng bukid nila gabriel, 
Itim ang langit malayo sa kinagisnang kulay na kahel, 
Ang kawawang magsasaka ay hindi makatulog
Sa kakatawag nito sa kaniyang ina, 
“Meeh”
“Meeh” 
“Meeh” 
Bumalikwas ng posisyon si gabriel, 
Higpit ang kapit sa kaniyang unan at kumot na mala mantel, 
“Meeh” 
“Meeh” 
“Meeh” 
Tawag pa nitong muli sa ina,
Maaga pang mamumukid si gabriel
Kailangan na nitong isarado ang mga mata
At malululon sa tahimik na heleng 
Ibinubulong ng hanging habagat
“Meeh” 
“Meeh” 
“Meeh”
Hindi alam ni gabriel kung bakit ngayon 
Ang ingay ng kambing
Ang ina’y sa kaniya naman ay malambing
Maya’t maya na walang ang tunog ng kambing
At bago pa malaman ng magsasaka, 
Umaga na, 
Tuyong dugo ang nakita sa damo, 
Ang batang kambing ay nasa gilid titig dito,
Maramdaman niyang si gabriel ay dumating, 
Sa kaniya naman ito tumitig
Maya maya dumating si manong ismael, 
Bitbit ang isang bagay na nakabalot sa kumot 
‘sing nipis ng mantel
“Ay pagkasarap ng luto mo riel!
Ayan pinagbilin ni misis ika’y bigyan 
Ng ulam dito sa lalagyan” 
Titig ang batang kambing sa damo, 
At si gabriel ay hindi umimik, sa gilid ay umupo. 
“Ma?”
Tawag ni gabriel, 
“Ma?”
“Ma?” 
“Ma?” 
Titig ito sa puting balat ng matres, 
Umaga, tuyong dugo ang kita rito, 
Naramdaman niyang may dumating, 
Doon sa pumasok, siya ay nakatitig, 
Maya maya dumating ang kaniyang kuya,
Kasama ang butihing tiyuhin 
Bitbit nila ang malaking bagay na nakabalot sa kumot 
Na ‘sing nipis ng mantel
“Riel,” tawag ng kuya, 
Sa gilid ng kaniyang ina si gabriel ay naupo 
“Ma?” 
“Ma?” 
“Ma?” 
“Ma?” 
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa puting mantel siya ay nakatitig.
Sa isang bahay, bumalikwas ang babae mula sa pagkakahimbing, 
Hindi ba’t ang kambing nama’y nilalambing? 
Bat kaya ito’y tumatawag at naghihinagpis?
Maaga pa ang pasok ng mga bata, kaya’t ipinikit nito ang talukap ng mata. 
Mamaya pa ang gising, maaga pa 
-koli.
0 notes
eurthoughts · 10 months
Text
Nakakapagtaka, ni hindi ako nagdarasal ngunit natagpuan na lamang kitang ipinapanalangin ko sa bawat araw na nagdaraan.
0 notes
kwaderno84 · 2 years
Text
mukha ng isang kontrapelo...
Tumblr media
#tulasalahat #pinoypoetry #pinoy #filipinopoetry #filipinopoets #filipino #makata #pinoypoems #tulangpinoy🇵🇭 #tulangfilipino #makata #makatangpinoy
#tagalogpoems #tagalogpoetry #poetryph #manunulat #kwadernoontumblr #tulangpinoysatumblr #sulat #pinoypoetrycommunity #filipino #pilipino #poemsph #pilipinas #writersph
0 notes
jaysonsosa · 2 years
Text
Ang Iyong Mga Mata
nakakadurog ng damdamin
kahit hindi mo sabihin
kahit aking pilitin
alam kong hindi ka aamin
ako ang sinungaling.
namamaga na naman
ang iyong mga mata
naninikip na naman
ang dibdib ko sa kaba
ikaw ang nagdurusa
ako ang tanga.
wala ka ulit kibo
takot na ulit ako
ang tingin mo sa kin
ay wala ng tiwala
ikaw ang biktima
ako ang may sala.
sana ay maibalik ang dati mong sigla
kahit hindi muna yung sa akin,
basta yung sa iyo ang mahalaga.
#tagalogpoem #tulangtagalog #wagkangumiyak
0 notes
Text
Pinipili ko ang aking sarili
Pinipili kita pero pinipili mo sya Masakit oo. Tanga o cge. Pero tandaan mo ito. Sa aking pagbangon at sa aking paglisan, Hinding hindi mo na ako makikitang luhaan O nasasaktan Pagdating nga raw na yun, saka mo mapapagtanto Kung sino ang taong pinili mong isuko Saka mo maiisip na sana pala sya ang pinili mo Saka mo masasabi sa sarili mo na mahalaga ako sayo. Sa oras na mangyare yun, patawad. Patawad dahil hindi na ako yung taong handang masaktan at magsakripisyo  Para sa taong hindi naging sigurado sa akin. Patawad dahil sa araw na yun, mas pinipili ko na ang aking sarili. Mahal kita, hindi yun mababago Pero hindi ko naisip na sa pagmamahal palang ito Makakalimutan ko ang sarili ko. Kaya pinipili ko nang manahimik Mag isa Mag isip Magbago Magmahal Pinipili ko nang Piliin at mahalin ang sarili ko. Kaysa maniwala na baka babalik ka pa at pipiliin ako. Salamat sa lahat.
5 notes · View notes
Text
kung ako ang tatanungin,
para kang dapit-hapon;
maliban marahil ito ang paborito kong oras ng araw,
ikaw ang wakas ng magandang umaga, 
at pagsusumamo ng magandang gabi;
ikaw ang pinaka magandang kulay sa kalangitan 
na kaulayaw ng mga ulap;
at ang nagbibigay siklab sa aking balintataw.
-abadpoet
“sa lahat ng dapit-hapon, ikaw ang pinaka mahiwaga”
2 notes · View notes
anjeramanunula-t · 4 years
Text
Isang Elehiya Para Kay Lolo
Walang nagtatagal sa mundo
Sapagkat hamak lamang ang mga tao
Lahat ay dumaraan sa pagiging bata
Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha
Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita.
Sa edad na walumpu't dalawa,
Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa.
Ang pagmamahal mo sa aming mga apo
Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo.
Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo
Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba.
Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya
Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama
Hindi ka malilimutan ni Lola.
Hilam na ang mga mata sa pag-iyak
Habang nasisilayan kang nakahiga
Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba
Na nakapikit ang mga mata.
Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa
Ang siya namang iyong pagkawala.
Mga larawan mo'y hindi itatapon
Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon.
Taon lamang ang lumilipas
Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas
Sa iyo'y walang maipintas.
Kailangan pa ring tanggapin
Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
3 notes · View notes
Photo
Tumblr media
HABANG (on Wattpad) https://my.w.tt/I81IC6kBb9 hanggang saan mo kayang maghintay? hanggang sa napaka tanga mo na? hanggang sa sobrang sakit na? hanggang sa di mo na kaya? Isang Tula Para sa Isang Taong KAHANGA HANGA.
1 note · View note
un-impulse · 4 years
Text
Tumblr media
5 notes · View notes
wmab · 10 months
Text
PALAGI
Pakiramdam ko, kahit na kaninong matatag na balikat pa ay hindi rin aakma ang aking ulo.
Sa'yo lamang nakahulma ang aking pag-iisip at ang aking mga tunghay sa malayo.
Kahit na kanino pa sigurong matatag na bisig ang umagapay,
hahanapin pa ring mainam ang perpektong lapat ng palad mo sa aking uhaw na kamay.
Himlayan ka na habambuhay ng mapaglayag kong malay.
Nakatatak nang marahil kahit na sino pa ang humagkan.
Tanda na ng aking mga labi ang pasikot-sikot sa kalsada ng sa'yo at sa'yo lang.
Memoryado na ang mga galaw, ang katahimikan, at maski mga hiyaw.
Kahit na sino pa sigurong boses ay tanging bulong mo sa 'king nagniningas-kugon na pag-asa ang pakikinggan.
At kung sirain man ng paborito kong kadiliman ang yong pangalan,
ay sa'yo pa rin marahil mananahanan.
Ikaw at ikaw.
Palagi.
Araw-araw.
.
.
.
Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
18 notes · View notes
aihumii · 4 years
Photo
Tumblr media
Nalunod at Nalamon
Ilang beses na ba ako nilamon At pilit sinubok ng panahon Ngayon di na ako makaahon At di na rin makabangon
Nilamon na ako ng kalungkutan Hindi ko na alam ang salitang kasiyahan Na pilit at gusto kong maramdaman Pero wala, isa na akong talunan
Nagpakain na ako sa sistema Hindi na ako nakawala Ngayon, nakakulong na ako sa sarili kong selda Walang magawa kundi ang lumuha
Hindi ko alam kung kailan ako makakaahon Sa kalungkutan ko na mas malalim pa sa balon Tinangay na ako ng malakas na alon At di na ako makaalis, sa lungkot ng kahapon
- himitsusakka (12/10/19)
1 note · View note
rynxcb · 5 years
Text
A tagalog poetry "Para sa Aking Tala"
Ang ganda talaga ng mga tala.
Mga mumunting liwanag na kumikinang sa malawak nating kalawakan.
Nagsisilbing gabay 'pag ang araw ay nagpapahinga at ang buwan ay 'di nagpapakita.
Na tila ba sinusundan tayo sa lahat ng ating pupuntahan.
Bata pa ako noon nang matutunan ko itong kahumalingan.
Na kapag payapa ang kalangitan sa gitna ng kadiliman.
Ay laging nakatingala at isa-isa silang pinagmamasdan.
Bumubuo ng mga hugis at imahe sa aking kaisipan.
Minsan nag-aabang ako na may isang bumagsak.
Sabi kasi na kung ako ay hihiling rito ay aking makakamtan.
Ngunit iba ito sa aking napag-aralan.
Dahil ito raw ay nakasisira, nakawawasak.
Ngunit may isang talang namumukod tangi.
Mas maliwanag pa sa araw ng umaga at buwan ng gabi.
'Pagkat naiiba ang kinang nito na nagtataboy saking sarili.
Na nagdudulot ng pagkanais lumipad at maabot ito kung sakali.
Subalit ang paglipad ay malabo 'pagkat hindi ito katangian ng tao.
Ang magagawa ko nalang ay maghintay dito saking mundo.
Nagbabakasakaling balang araw ito ay bumaba rito.
Para sa akin ay mahawakan at maramdam ko.
Dahil tapos na akong tumitig at silayan lang ang kagandahan.
Nanaisin nalang na maging isang handang kapatagan.
Na kung sakali mang ito'y sa mundo ko babagsak.
Makasasalo ako sa nag-aalab na pagdating kahit ako ay mawasak.
2 notes · View notes
kwaderno84 · 2 years
Text
...nagbabalik
sa wakas...
ang aking tumblr akawnt ay muling nagbalik dahil sa naisayos ng mga kanilang tauhang teknikal ang isyung pagkakamaling teknikal na medyo inabot rin ng isang buwang paghihintay...
wala pa akong maipaskil sa ngayon; kaya, galing muna sa aking pahina sa peysbuk at bidyong itatampok ko ngayong gabi... 😉
#tulasalahat #pinoypoetry #pinoy #filipinopoetry #filipinopoets #filipino #makata #pinoypoems #tulangpinoy🇵🇭 #tulangfilipino #makata #makatangpinoy
#tagalogpoems #tagalogpoetry #poetryph #manunulat #kwadernoontumblr #tulangpinoysatumblr #sulat #pinoypoetrycommunity #filipino #pilipino #poemsph #pilipinas #writersph
0 notes
jaysonsosa · 2 years
Text
Sa Iyo Ito Utol
hindi mo ko iniwan ...
hindi mo ko sinisi ...
hindi ka nawala ...
hindi ka nagsawa ...
hindi ka bumitaw ...
inihatid mo pa rin ako ng tanaw.
#tagalogpoem
0 notes
acexwrites-blog · 5 years
Text
Nakakalungkot
Tuwing iniisip ko’y nakakapangilabot
Bawat araw na magdaan
Pagkakagusto ko sayo’y lumalalim, di na maabot
Paano nga ba nagsimula
Hindi ko mawari kung ano nga ba talaga
Ang nararamdaman ko tuwing ika’y nakikita
Mga ngiti mong nakakabighani
Mga biro mong nagtutulak sakin na baka sakali
Baka sakali’y magustuhan mo rin
Mga matang sayo lagi nakatitig kahit lutang sa hangin
Baka sakali’y mapansin mo rin
Mga simpleng bagay na nasa harap mo na pero ikaw sakanya pa rin nakatingin
Pero teka, sakanya nga ba
Teka, maling salita ang nagamit ko yata
Babaguhin ko, sakanila ka parin nakatingin
Kahit nandito ako sa harap mong naghihintay pa rin
Sakanila, oo tama na ang nagamit kong salita
Sakanila
Dahil hindi lang iisang babae ang nakakausap mo sinta
Bawat linggong dumaraan ay panibagong nilalang
Bawat tingin ko sa posts mo ay iba’t ibang babae ang uhaw sayong atensyon makausap ka lamang
Hindi ko mawari bakit ganyan ka
Kulang ba ang atensyon ng iisang dalaga?
Kulang ba kaming mga kaibigan mo para ika’y sumaya?
O sadyang ganyan ka lang talaga na uhaw sa pagmamahal ng iba?
Ako’y natatawa tuwing nakikita mga share mo
Halos lahat patungkol sa loyalty kuno
Oo nagustuhan kita
Past tense, hindi na ako susubok pa
Hindi ako susunod sa haba ng pila
Ng mga babae na sayo’y nagkakandarapa
Oo, pogi kana
Kaya nga ako nagkagusto sayo, hindi ba?
Pero ngayon ay nalaman ko na
Na hindi ka marunong makuntento sa iisa
1 note · View note