Tumgik
#walang pamagat
delfindakila · 2 months
Text
Tumblr media
NENA SAGUIL Walang pamagat, oleo sa kambas, 1991 #artPH
4 notes · View notes
kwentoniblack · 5 months
Text
Maniwala ka sana. Pero sa tingin ko mas malaya ang taong mas maraming pera. Mas marami kasing nagagawa, napupuntahan, at kaibigan. Pero hindi nangangahulugan na kapag wala kang pera hindi ka malaya, na tipong wala kang kayang gawin. Pero ang totoo mas marami kapang gagawin para merong kang magagawa at sa mga lugar pwedeng kang gumala kahit walang mapapala.
Mas magulo naman yung mawalan ka ng kalayaan na gumawa ng tama. Yung nasobrahan kana sa tama. Gusto mo tama ka, gusto mo din may tama ka, tapos makaka-tama ng hindi tama, kahit na hindi pinatamaan. Kahit anong iwas, hindi na kayang mailagan. Pero hindi ikaw yung tinutukoy ko, tinutukoy ko ay kayo, syempre kasama ako. Basta alam mo na yun, pero kung hindi, maaaring hindi ko din alam. Sino ba naman kasing nakakaalam diba.
Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon si Batman ang bahala, ba’t naman kasi diba. Dapat ikaw na bahala sa sarili mo, tapos ako na bahala sa sarili ko. Para naman wala na tayong kinakabahala. Paminsan kasi nadadamay pa yung tunay mong karamay sa buhay habang nabubuhay.
Kaya naman napagtanto ko na, matatawa ka sa sarili mo kapag pinilit mong magpatawa. Walang ibang natawa kundi ikaw lang din sa sarili mo. Matutuwa ka dun, kasi nagtagumpay ka. Matutuwa sayo ang iba, pati narin yung mga taong hindi na iba sayo, lalo na yung sa buhay mo gumabay. Si Nanay, na laging kang sinanay na masanay sa hirap ng buhay. Dapat sa tamang oras ay nasa loob kana ng pamamahay. Makakamtan mo ang pagpupuri na makakatotohanan at hindi kalokohan. Kapag sinabi niyang ang galing mo talaga pagdating sa kalokohan. Dapat mo yung ipagmalaki kasi hindi nalang palaging mali ang nakikita sayo. Kalokohan nga e. Ibig sabihin simula palang, mali na.
Bandang huli niyan, walang ka paring pera. Advance kasi mag-isip e. Wala pa yung pera, ginastos mo na, sobra pa yung ginasta. Pero ito talaga ang hinitay nating pagkakataon. Dito natin masusubukan kung umaasa kapa. Tulad ng kung sino man nagsabi na, “Di na baleng maubusan ka ng pera, wag ka lang maubusan ng pag-asa.” at “Di na baleng maubos ang yaman, wag lang ang yabang.”, sa bahaging ito tama kana. Ang yabang mo kasi putang ina ka. Hahaha.
Nasa dulo pa naman ang pamagat nito.
MALING TAMA NG MAGULONG ISIPAN
11 notes · View notes
pagdalumat · 2 years
Text
Hanggan
Salin sa Filipino ni J. Daryl Alcantara ng tulang Grave ni Cyril Wong
Nagdadahan-dahan ang magkatipan. Inuunti-unti nila ang mga walang saysay na araw, nang tumagal pa.
Sinong unang lilisan? Sinong may lakas ng loob ang makasasagot noon? Sa simbahan, nagdarasal silang dalawa
para lamang sa isa’t isa. Binabaybay nila ang baybayin nang nakayapak. Ano pa bang pagkakasala
ang hindi pa nila naihingi ng tawad? May panahon pa para palitan ang mga kurtina,
langisan ang tarangkahan nang makandado ito nang hindi umiiyak. Nakatakda na ito. Batid nila itong dalawa
habang pauwi sila ngayon, pinaglalapit ng gabi ang kanilang mga katawan, pinababagal ang mga hakbang
sa di-masukat na pag-usad, kasabay ang mga salitang lumuluhod sa dulo ng dila.
ILANG TALA SA PAGSASALIN
Nahirapan ako sa pagsasalin ng double entendre na pamagat. Masyadong literal kung "puntod" at parang ibang usapin naman kung "maselan." Ayaw ko rin namang gawing "mabigat na usapin" kasi nawawalan ng bigat yung isang salitang pamagat. Sa huli, pinili ko ang "Hanggan" para may kinalaman pa rin sa kamatayan at dulo ng mga bagay. And yes, shout out rin kay Wency Cornejo!
Ang dami kong pinagpilian na salin ng “lovers:” “magkasintahan,” “magnobyo/nobya,” “magsing-irog,” “magjowa” (charot!). Pero sa dulo, pinili ko ang "magkatipan” dahil mas may diin yung pagsasalin ko sa hangganan at katuparan ng mga pangako.
Naku-cute-an ako sa idea na may simple math na involved dun sa fact na pareho ang ibig-sabihin ng “dalawa” at “isa’t isa.” Walang ganung parang harmonious na effect dun sa original English.
Parang galaxy brain moment for me yung “Binabaybay nila ang baybayin,” hindi lang dahil sa word play, pero dahil parang may dagdag na ideya ng diin at tagal sa ideya ng “baybay” tulad sa “dahan-dahan,”at “unti-unti.”
Di ako masyadong sigurado sa “naihingi” kasi parang maling verb focus naman yung “nahingan.” Hello, KWF? SWF? Tulong naman oh! hahaha
Isa sa mga paborito kong salita ang “tarangkahan” kaya natuwa ako na nagamit siya dito haha!
Nahirapan ako sa “momentous pace” kasi ang awkward pakinggan ng “napakadakilang tulin” at “napakahalagang bilis.” Buti na lang nakita ko sa Google Translate na synonymous sa “momentous” ang “immeasurable” kaya “di-masukat” yung pinili ko. Nandun pa rin naman yung idea ng kadikalaan at kahalagahan. Sobra-sobra pa nga, kaya hindi masukat! Ganoins!
Ang dami kong naging revisions sa pagsasalin ng “as words fold away/ into the spaces even memory cannot reach” dahil nakulong ako dun sa idea ng paggamit “tiklop” at “gunita.” Buti naalala ko yung idiom na “nasa dulo na ng dila” na ang ibig-sabihin ay hindi maalala, kaya ginamit ko na lang iyon at ang “luhod” para ma-retain yung parang renewal ng vows na image sa original.
Open pa ito sa comments so go lang if may reklamo! hahahaTagal ko nang di makapagsulat e, kaya translate translate muna. Ganoins! Open rin po for request, awow!
3 notes · View notes
akoangmaykatha · 2 years
Text
Babala: ITO AY MAHABAAAAAAAAA...
Naalala ko lang nung college pa ako, wala akong sapat na kaalaman sa larangan ng pagsulat. Pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto kong sumulat, ng kahit ano. Kahit tula, maikling kuwento, nobela o kahit sanaysay. Basta masabi lamang na ako ang may likha nito. Mahilig kasi akong magbasa ng iba't ibang uri ng akdang pampanitikan, oo. Noon pa man. At sa kabila ng kahiligan kong yun, may minsanang sumasagi sa isip ko, "ano kayang pakiramdam na ako ang may-akda?" Parang ang sarap sa pakiramdam non, parang ang sarap makita na simula sa pamagat, kasunod ay pangalan mo ang nakasulat. Doon na nagsimula ang mumunti kong pangarap.
May mga pagkakataon pang sinusubukan kong gumawa ng tula, nagsimula sa isang kataga, isang taludtod, hanggang sa nakaisang saknong. Proud na ko 'non. Pero muli akong nakararamdam ng pagkabigo sa tuwing sinusundan ko ito ng isa pang saknong, bakit? Dahil nawawalan na ng saysay ang kabuuan nito, walang kaisahan ang mga salita nito, na para bang kulang na lang kausapin ako ng bawat salita at sabihing "hoy, pasaan ang tungo mo?" Nasasayang lang yung unang saknong, sa tuwing inuulit ko ang pagbasa unti unti akong nawawalan ng pag-asa. Hanggang sa ihihinto ko na lang ang pagsulat, pupunitin ang pahina ng kwadernong sinulatan, gagasumutin at ituturing itong basura. Ganon, ganon lang sa tuwina, walang pag-usad. Gustong gusto ng utak, isip at puso kong lumikha ngunit palaging walang napapala.
Nasa ikalawang taon ako sa kolehiyo ng magkaroon ng pagkakataong maituro sa amin ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa paglikha ng isang akda. Sa aking pag-uwi ay agad kong kinuha ang aking panulat kasama ng kawawang kwaderno na halos matira na lang ay pabalat. Puwesto sa isang espasyong kung saan sa palagay ko'y gagana ng matiwasay ang aking isipan. Kaagad kong inalala at isinabuhay ang aking mga natutunan. At aba'y himala. Bumubukal ng salita ang aking isipan na para bang dumadaloy sa aking mga kamay at isinasalin sa aking panulat hanggang sa magsihanay na sa bawat pahina. Oo. Tunay ngang himala ito, sa wari ko'y napakayaman ng aking bokabularyo ng mga oras na iyon. At simula noon, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko na hahayaang mawala ang nagniningas na pagnanasang iyon tungo sa aking mumunting pangarap. Mababaw siguro para sa iba. Ngunit sa akin, sa palagay ko'y napakalaking bagay na nito upang masimulan ko ang mga hakbangin tungo sa aking hangarin.
Kaya naman, hindi sa pagmamayabang. Akin ding naalala na isa nga pala ako sa mga nagpapakadalubhasa sa asignaturang Filipino na hindi na nakapag-take ng final exam. Dahil ang nilikha kong sanaysay na may pinamagatang "Sa Unang Pagkakataon" ay isa sa napiling ilathala sa isa sa mga kagamitang pampagkatuto ng mga nasa unang taon sa kolehiyo. (May part 2 tayo dyan, dahil papunta pa lang tayo sa exciting😁)
At dito ko napatunayan, na tunay ngang ang pangarap maliit man o malaki, mababa man o mataas, kung talagang nais mong matupad, matuto ka ring lumipad. Tuloy lang ang buhay, wala ng mas tatamis pa sa natupad na munting pangarap, kasama ng iyong mga pagod at hirap.
---ang kuwento sa likod ng sanaysay na pinamagatang...
"Sa Unang Pagkakataon"
ni -tooooooooooooot- 🤗
*Unang bahagi*
4 notes · View notes
olaneeuq · 1 month
Text
Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
I. Panimula
A. Edgardo M. Reyes
1. Si Edgardo M. Reyes ay isang kilalang Pilipinong manunulat at makata. Isinilang siya noong 1936 sa Sta. Cruz, Maynila. Kilala siya sa kanyang mga obra tulad ng "Sa Mga Kuko ng Liwanag," na naging isang klasikong nobela sa panitikang Filipino.
2. Si Reyes ay lumaki sa Maynila at ang kanyang mga karanasan at obserbasyon sa lungsod ay nagbigay inspirasyon sa kanyang nobela. Ang kanyang mga salaysay ay naglalarawan ng mga isyu sa lipunan at kahirapan na karaniwang nararanasan sa mga lungsod tulad ng Maynila.
B. Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
Ang pamagat na "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagpapakita ng pagkakabisa sa lungsod ng Maynila, kung saan ang liwanag ay simbolo ng pag-asa at ang kuko ay simbolo ng kahirapan at panganib.
2. Ang pamagat ay naglalarawan ng kalagayan ng mga pangunahing tauhan sa nobela at ang kanilang pakikibaka sa harap ng mga hamon at panganib sa lungsod.
II. Katawan
A. Tauhan, pagpapakilala at paglalarawan
1. Pangunahing tauhan: Si Julio Madiaga, isang probinsyanong naghahanap ng trabaho at nagtitiis sa hirap ng buhay sa Maynila.
2. Katunggali: Si Mr. Balajadia, isang mapanlamang na empleyado na pumipigil sa pag-angat ni Julio sa lipunan.
3. Iba pang tauhan: Kasama na si Atong, Benny, Imo, at iba pa na nagpapakita ng iba't ibang uri ng karanasan at pakikibaka sa buhay.
B. Banghay / Buod
A. Tagpuan: Maynila.
i. Panahon: Hindi tukoy, ngunit maaaring sa 1960s o 1970s. ii.
Lugar: Mga pook sa Maynila tulad ng kalye, gusali, at sementeryo.
a. Simula: Pagdating ni Julio sa Maynila at paghahanap kay Ligaya.
b. Kasukdulan: Ang pagtuklas ni Julio sa mga sikreto sa likod ng mga pangyayari sa lungsod.
c. Wakas: Ang trahedya at pagkawala ni Ligaya at ang pagkamatay ni Julio.
D. Tema / Damdamin
1. Ang kahirapan, karahasan, at pang-aabuso sa mga lungsod at ang paghahanap ng pag-asa at katarungan.
a. Ang pagtutunggali sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang pag-asa sa kabila ng kahirapan.
b. Ang lungkot, pangungulila, at galit sa harap ng pang-aapi at karahasan.
c. Ang paglaban para sa katarungan at pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay.
IV. Pagsusuring pampanitikan
A. Teorya
Ang nobela ay maaring suriin gamit ang teoryang marxismo, na nagpapakita ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, maykapangyarihan at walang lakas.
B. Akda
Sa kabanata 2 ng nobelang ito, ipinapakita ang pang-aabuso ni Mr. Balajadia sa mga manggagawa sa construction site, na nagpapakita ng karahasan at kahirapan na kinakaharap ng mga manggagawa.
D. Pagsusuri
Sa mga pangyayaring ito, ipinapakita ang kawalan ng hustisya at kahirapan na dinaranas ng mga manggagawa sa Maynila, na nagpapakita ng pangangailangan ng pagbabago at pagtugon sa mga suliraning panlipunan.
VI. Konklusyon
Sa nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ang pang-aabuso at panggigipit sa mga manggagawa sa construction site, tulad ng ginagawa ni Mr. Balajadia, ay nagpapakita ng kawalan ng hustisya sa lipunan. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang mga isyung panlipunan na may kinalaman sa karapatan ng mga manggagawa at kahirapan.
Upang tugunan ito, maaaring magkaroon ng mas mahigpit na batas laban sa pang-aabuso sa mga manggagawa at pagpapalakas ng mga ahensya para sa kanilang proteksyon. Kailangan rin ang mas malawakang edukasyon at kamalayan sa mga karapatan ng mga manggagawa upang mapanatili ang kanilang pagiging mapanuri.
Sa ganitong paraan, maaaring mabigyan ng tamang proteksyon at hustisya ang mga manggagawa, na magdudulot ng mas maayos at pantay na lipunan para sa lahat.
1 note · View note
dayarikoo · 2 months
Text
kahapon umalis ang mga mama,papa, jenny, lr at nakisabay si jefferson, dahil pansamantagal na doon muna sya maghahanap ng trabaho at mag aaral, nakakalungkot man ang mga good bye 🥹 pero alam ko na may mgandang plano ka Panginoon sa kanya.
kahapon din nag praktis kaming Lam Team for midweek, apat lang kami na naka sipot sa schedule, wala si she at si reyben dahil sa mga personal reasons, kasama din namin si gizelle, naging maayos naman sa pagsisimula ng devotion, sharing time ng bawat isa at prayer, mukhang okay naman ang mga ferson, nakakatuwa dahil sa tingin ko you’re trying na bumalik naman na talaga, nagsasalita ka na din, si ethan kahit papaano alam din nya yung dapat gawin, nag devo kami sa pamagat na finish well in Hebrews 12:2.
alam ko na may mga seed na na plant na sa bawat isa in their hearts, at dalangin ko po na patuloy na maging intentional ang bawat isa in seeking and growing our life to ge to know more of You and deeepen more of faith oh Lord
Okay naman kami Lord, sa praktis okay din po pakiramdam ko masaya at maayos po, walang tension, even though maraming bagay na tinituro at inaalis ka sa amin, i know that you want best for us lang po. At ako po ay patuloy na magtitiwala, i have to endure all the pain and trials, at pagtuturo at pagtutuwid mo sa akin, para mas maging matatag, thank you Lord for your never ending love.
I still miss him,care and love him, pero dito lang po ako tatahimik, nakatanaw sa kanya, pagpepray pa din sya, and please Lord guard my heart at maging yung prespective ko ay ganun katulad sa inyo.
3/5/2024
0 notes
benefits1986 · 4 months
Text
We The PL
Seeing the evolution of one's PL is just so curious and gorgeous, too.
During weekends, I try my best to listen to the curated PL that Spotify suggests. Honestly, been doing this since 2016. It's weird because the songs that I sometimes stumble upon are from eras that are already part of my deep subcon mind like that of roadtrips with past XXXYZs. Lerkzzz. The past months, when a song like this pops up, I can safely say that it's me laughing with and at my naive, younger self. Aigoo. Side Note: Back in 2009, isa sa mga cases na sinabi ko sa marketing class is agree akong music marketing is gonna be the next level of brands. Hindi siya intrusive kasi intuitive siya kasi mas nagegets mo 'yung headspace and hearspace lalo 'yung mga subdued and suppressed areas. Lo and behold, we're here and now! :)
Must also be because I met up with Film Class buddies who are really introverts in no less than Scout area. Namiss ko rin 'tong part na 'to ng buhay ko kung saan ginagawa po nating singlapit ng Taft ang QC and nearby areas noong 2015 to 2019 days. Kaya naman kasi kaso ang traffic, however, paying 200 PHP one-way to hack South to QC area is nakakalumpo pero, 'pag kailangan, puwede naman talaga. EDSA is super calm on the way home at around 2 am din.
Scout area is like BF Par on steroids na mas maingay. Hahahaha. Walang tulugan area rin. I noticed that the streets are better lit na now. LOL. Syempre, 'yung kasama ko, mahilig maglakad so wala akong choice. This friend Ma is someone na I don't meet up lagi but once we do, dhzai, ang daldalan parang pang-indie film ang progression. Hahahaha. Ganda ng location ng Cinema '76 and decent naman matcha nila. Coffee syempre, no deal sa lasa. Hahahaha. Skipped cocktails kasi 'di rin naman daw masarap and mahal pa. Maganda lang mga pamagat ng cocktails. Our other FOMO introvert scriptwriting buddy Mar is super nearby so, isang message lang, karipas siya e. Ma is nesting in a four-year relationship and Mar naman married recently. It's really nice to see us in different stages of life na and that we've gone a long way, but, malayo pa rin ang tatahakin. I told them to try out for Ricky Lee's upcoming workshop kasi feeling ko talaga, magugustuhan nilang i-revisit 'yung mga then days namin plus ang lapit lang nila sa Katips. HUHUHUHU. Sana all talaga. LOL. Kung wala lang akong mga doggo babies, ang dali mag-move kaso my babies are namamahay talaga even sa bahay ng lola ko. :( 'Di ko rin sila kayang 'di makita regularly kahit I'm a kinda clunky pawrent.
Ohhh, before seeing Mar, nagpunta muna kami ng Profound. Damn. Sana meron talaga sa South kasi ang ganda nung curation talaga. AS IN. Gusto ko na lang iuwi 'yung The Dawn signed vinyl saka Now and Then. UGH. Tingin na lang ako sa Japan. Sobrang up my alley nung display. Bakit ganun???? Bakiiiittt??? Pero, tagtipid tayo kaya, hard no muna. Saka na.
We talked about our scripts and sila, feeling daw nila they've outgrown their scripts. Ako naman, na-share ko na my script is still so relevant and that it's something I'm slowly working on para matapos na. :) Gah. If puwede lang mag-stray sa Scout at magbike kasama ni Ma pa-UP, which is happening in the next weekends, finally. LOL. Syempre, sa UP lang ako mag-bike kasi 'di ko talaga kaya mag-bike sa city. I was surprised that Ma is biking na as a maarte being. LOL. May pa-cuttings pa ng halaman ng pangmalakasan since Ma is really a legit plantito.
How low-key friends are we? Mar just requested to follow me and Ma during our Cinema '76 hangout. Tawang-tawa kami e. From 2015 until now, walang follow-han. Walang kamustahan. Pero, kung maka-share ng TMI sa buhay, akala mo, visual journals namin isa't isa. I really like na we don't chizmiz much about our other classmates kasi wala rin naman kaming pake sa kanila except for standout ganaps. Inis pa rin si Ma na 'di ako ma-tag, though, pero, siya na rin naman nag-adjust. Sabi ko, ayoko lang kasi talagang ma-tag in general. 'Yun lang talaga unless sobrang importante or sobrang life matters siya. LOL. Arte ko raw. Sabi ko, siya mas lalo maarte. More importantly, we try our best not to indulge on socmed kasi mapapa-compare ka talaga kahit ayaw mo. Happy ako to see talaga na na-maintain namin 'yung bond namin na sobrang FOMO sa mga biglaang aya which naganap pa na Makati Ave na mga 4 AM pero may pasok pa kami ng 830 AM. LOL. 'Di kami clingy PERO 'pag nagkita, ayaw umuwi. Actually, super duper appreciate Ma kasi as a titong sleeping na ng 9 PM, talagang hinataw niya at nag-prep siya sa pagkikita namin. Sabi ko nga, uwi na kami ng 11 PM para maka-sleep siya. Ayun. Inumaga na naman kami!
So going back to PL... friends and eras define my PL which is kinda surprising because my circle is small and I purposefully keep it smaller ever since the pandemic hit. However, since nga I have a list of interests, tulad ng sabi ng dad ko, akala ko lang daw maliit circle ko. In fact, tawang-tawa ako kasi sa Cinema '76, nakita ko 'yung bunsong kapatid ni Ju, my Circa '95 soul sis. Hahahaha. Beso kami tapos sabi ko, ikaw si Ja, correct? Natawa siya. Sabi ba naman: Bakit 'di mo sure? Sabi ko, sanay akong sa Las Pinas-Alabang-Par area ko siya nakikita. Hahahahaha. Na-shy din akong mag-hi doon sa isang creative person na kawork ko before pero sure akong matatandaan niya ako because... ahahahaha.
Kung meron mang emerging theme ang PL ko, hopeful na siya pero grounded pa rin sa shitballs ng realidad. LOL. Saka mas unapologetic na siya. May mga times kasing naka-incognito pa ako para lang ma-veer away ang algo pero tumatawid rin lalo na nung nag-start 'yung mic and cam detection era na. Kaya nga, pakshet ang iPhone bilang mas intrusive siya 'di lang sa owner pero pati sa circle ng owners ng kahit anong iPhone. Tacca.
Also, na-gets ko na why Taylor Swift topped my PL nung 2023. When someone is undergoing a traumatic experience lalo 'pag matagal na-suppress, chances are that person deviates from the norm. OPAK. Inis na inis ako kasi 'di ko naman talaga gusto si TS pero, she has been my angel nung November to December. Listened to her to cope and that it's actually a new chapter. Plus, my soul sis and I now have a different level of bonding over TS. The then basher me is now a TS saktong fan girl. By sakto, I mean, solulu sa delulu. :p Saka Tito Ro is also a TS curious passerby na rin; so, mas maraming areas na kaming mapapagusapan lalo as I'm checking him sa pagkawala ng mom niya plus family paganaps na rin na HAHAHAHAHAHA. 'Yun na lang muna because, TMI is not applicable here. Sa creative non-fic ko na lang pakakawalaan. :D
I'm looking at this from a better perspective which does not come easily. Basta, I saw changes na ako mismo nagugulat, pleasantly, until now. Changes for the greater good, unti-unti. :) Reclaiming and claiming one's space is not just about having that space, it's sharing a space where diversity is at the core. 'Di lang ako vocal talaga, pero, I guess that had to happen talaga in the name of unleashing the power and magic and logic that vulnerability holds. OPACQ. Hahahaha. Shemayayayayayayyy. And most importantly, sabi ng tatay ko, dapat lang better na talaga kasi 'pag no, LAGOT. Honestly, may mga specific times na takot pa rin ako sa dad ko kasi iba siya 'pag nagalit or na-agit. Mahirap salagin or worse, kahit salagin, wala e... tatabi talaga ako dahil tatay ko siya. LUH. Hahahahahaha.
Speaking of PL, I noticed that when I write, lagi't lagi may music sa background. It does not influence naman directly mga sinasabi ko, pero, ganda lang din kasi mas makikita ko 'yung ambiance nung mga thought farts ko rin. For example, Give Me a Kiss is not part of my universe pero 'yung tunog niya, up my alley. Saka in theme din for my 2024 Caterpie era. ;)
So, ayun na ngaaaa. Diliman x Magihawa x Krus na Ligas x Gubat bike sesh coming up! Plus I think, may kasama na ako sa Binondo CNY photowalk + vidwalk, too as a third or fifth wheel lang if swak sa sched namin nina Ma and Mar. LELS.
0 notes
ipatulfosimarcos · 4 months
Text
Chapter 8: Podcast
Gawain: Gumawa ng podcast o voice recording tungkol sa pambabaluktot ng kasaysayan na nakatuon sa batas militar ng diktador na si Ferdinand E. Marcos, Sr. “Hindi Lilimot” ang mungkahing pamagat ng podcast, pero malaya kang palitan ito ng mas angkop batay sa panlasa ng mga target na tagapakinig – mga ordinaryong mamamayan gaya ng magsasaka, manggagawa, drayber, manininda sa palengke. Mas mainam kung makapili ka pa ng tiyak ng grupo mula sa mga ito. Halimbawa, kababaihang mangingisda, magsasakang senior citizens, kabataang Lumad, at iba pa. Konsultahin ang artikulong "Rodrigo Duterte and the Philippine presidency. Rupture or cyclicity?" ni Mesrob Vartavarian at ang iba pang mga naunang babasahin at panoorin. Maaari ring sumangguni sa mga relevant sources mula sa internet. Sa loob ng hindi hihigit sa limang minuto, talakayin ang “rebisyonismong pangkasaysayan” o “pambabaluktot ng kasaysayan” – depinisyon at iba pang kaugnay na konsepto, katangian, mga halimbawa, epekto sa kamalayan ng indibidwal at kolektibong memorya ng bansa. Tiyakin na suportado ng mga detalye o halimbawang factual ang iyong asersyon at mga heneralisasyon. Dalawa ang pangunahing bahagi ng gagawin mong podcast – introduksyon at paghimay/pagtalakay sa paksa. Sa intro, ipakilala ang sarili at programa, i-introduce ang paksa, at ilahad ang kahalagahan o relevance nito sa kasalukuyan. Sa mismong paghimay sa paksa, maaaring may interview portion o voice clip mula sa isang eksperto o taong makakapagkontribyut sa nakasalang na punto. Sikapin na lahat ng isasama sa recording – music, sound effects, atbp. – ay magpapayaman sa pagtalakay sa paksa.
Ito rin ay isa sa mga 'di ko inasahang magiging paborito kong gawain para sa PS21, ang podcast! Sinong mag-aakala na mayroon pala akong boses para gumawa ng sarili kong podcast? Kahit limitado ang binigay na time limit, sinikap ko paring pagkasyahin ang mga dapat kong madaanan sa pagtalakay ng usapin ukol sa historical revisionism (na sinabayan ng Alfonso). Binigyan ako ng gawaing ito ng oportunidad para ipakita at iboses ang aking stance tungkol sa isyung namamayagpag kamakailan, lalo na noong nakaraang Eleksyon 2022.
Tumblr media
Courtesy: Rappler
Maririnig sa podcast na hanggang ngayon, isa paring relevant o angkop na usapin ang epekto ng Batas Militar sa political landscape ng Pilipinas, at sa kung paano nito hinubog ang kaisipan, persepsyon, at pag-uugali ng mga pinoy sa mga national affairs, gaya ng paghalal sa presidente at ibang mga pulitika. Kita rin natin ang pinagtibay na notion na ang Pilipinas ay pinamamahayan ng mga taong "distracted", walang panahon na makisali sa matagal-nang-magulong mundo ng pulitika.
1 note · View note
chriswift · 4 months
Text
Ikatlong Blog
Kinabukasan sa Matalim na Bala
Ika-15 ng Disyembre 2023
Bahagi na sa kalikasan ng sangkatauhan ang pagwasak sa sariling lipunan. Maraming buhay na ang naitalang nawala dahil sa kaguluhang nagmula rin sa tanging pangangailangan ng tao na mabuhay. Subalit, madalas na nagmamalabis ang bawat isa sa atin sa mga kagustuhang nais nating makamtan sa pansariling kapakanan. Dahil sa pagiging makasarili ng iilan, namamatay ang karamihan. Sa mundong ating ginagalawan, nariyan ang terorismo, karahasan, krimen, kaguluhang sibil, at mga digmaan sa pagitan ng mga bansa. Ayon sa datos na nakalap ng U.S. Department of States (2021), laganap sa bansang Pilipinas ang kaguluhan sa pagitan ng militar at mga teroristang grupo katulad ng Abu Sayyaf Group sa Basilan at Sulu, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at Communist Party of the Philippines - New People’s Army (CPP-NPA). Iilang araw pa lamang mula nang naganap ang pagputok ng isang granada sa Mindanao State University (MSU) gymnasium sa Marawi City, Lanao del Sur na ikinamatay ng apat na estudyante sa unibersidad at 50 na sugatan batay sa pag-uulat ng Philippine News Agency (2023). Nakalulungkot na isipin na maraming sibilyan ang nasawi dahil sa terorismo na ilang beses nang naganap sa Pilipinas dulot ng pagkakaiba sa relihiyon at politikal na pananaw sa ating lipunan.
Para naman sa mga miyembro ng militar, isang karangalan na ipaglaban ang seguridad at kapakanan ng mga mamamayan sa gitna ng mga kaguluhan sa lipunan. Isa itong pangarap at tungkulin na tanging pagkabalisa lamang ang kapalit sa karanasan na pumatay ng kapuwa para sa hangaring makamit ang kapayapaan ng bawat tao kung sa hangganan ng digmaan, walang nagwawagi maliban sa karahasan at kasawian ng buhay. Subalit, isang tanong ang lumulutang sa aking isipan. Kailan ba makakamit ang kapayapaan? Makakamit ba ang karangalan kung hindi natatapos ang giyera o digmaan? Ito ang isyung tinalakay ng kantang “21 Guns” na isinulat ng bandang Green Day na si Billy Joe Armstrong. Ipinalabas naman ang kantang ito noong ika-25 ng Mayo 2009 mula sa kanilang album na pinamagatang “21st Century Breakdown.” Tinalakay sa kabuuan ng album na ito ang mga kasalukuyang nagaganap sa lipunan ngayong ika-21 na siglo kung saan makikita ang temang tumutukoy sa karahasan ng giyera sa Iraq na tumagal mula Marso 2003 hanggang Disyembre 2011. Nagbunga ang giyerang ito sa pagkasawi ng mahigit 4,500 na miyembro ng Amerikanong militar at 32,000 na sugatan (The Editors of Encyclopedia Britannica, 2023).
Tumblr media
Ginamit sa album ang isang story-arc sa pagitan ng dalawang karakter na si Christian at Gloria upang mailahad ang “anti-war” na mensahe nito. Makikita naman sa pamagat na “21 Guns” ng kanta na tumutukoy ito sa “21 Gun Salute” na isinasagawa bilang simbolo ng pagpupugay para sa mga mahahalagang tao sa militar at sa kanilang bansa lalo na sa kanilang kamatayan. Nagpapakita ito ng pagbibigay ng karangalan sa pagpatay at pag-atake na kinasasawian ng karamihan kaya nagsisilbing tema ang kasawian sa kanta habang itinuturing na kabayanihan ang sakripisyo na ito. Isang metapora ang pagmamahalan nina Christian at Gloria sa pagmamahal ng mga bansa sa giyera. Masasabing matalas ang kanilang relasyon dahil nais nilang pabagsakin ang pamahalaang nalulong sa korupsyon sa pamamagitan ng isang rebolusyon.
Tumblr media
Isinasalamin sa kanta ang karupukan ng kapayapaan na maihahalintulad sa lumalaganap na kaguluhan sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. Ipinapakita sa mga unang linyang, “Do you know what’s worth fightin’ for / When it’s not worth dyin’ for?”, ang pagpapahalaga ng mga bansa sa giyera na nagbubunga sa kabiguan ng mga buhay na nasawi at mga pangarap na binihag sa baril at bala. Madalas na ginugugol pa ng pamahalaan ang panahon para manalo sa giyera at gamitin ang buong yaman ng bansa upang mapatalsik lamang ang kinakalabang bansa habang napapabayaan ang mga maysakit, siyensiya, edukasyon, agrikultura, at iba pang pangangailangan sa paglago ng kabuhayan ng bawat mamamayan at hindi lamang ng iilan. Sa kasunod na mga linya na, “Does it take your breath away / And you feel yourself suffocatin’?”, inilalahad ng persona na nakababalisa at nakakikilabot ang kaguluhan ng giyera na binibigyang-diin ng idyomang, “take your breath away.” Nangangahulugan ito na halos hindi na nakakahinga sa takot ang mga miyembro ng militar sa posibilidad na hindi na sila kailanman makakauwi sa kanilang mga mahal sa buhay.  Kadalasang nauunawaan pa ito ng mga sundalo sa panahon na sasabak na sila sa digmaan kung kailan wala na silang mababalikan at harapin na lamang nila ang kanilang kamatayan sa bawat tagos ng bala sa katawan na hindi katumbas sa mabigat na damdamin na mahiwalay mula sa kanilang mga mahal sa buhay. Sinusuportahan din ang mensaheng ito ng kasunod na linya na, “Does the pain weigh out the pride?.” Itinatanong ng persona ng kanta kung alin sa trauma na lalabas sa hinaharap at karangalan ang mas mahalaga sa buhay ng tao na nagsasaad sa papel na ginagampanan nito sa kanilang mga sarili kung kinakailangan ba ang karahasan upang mabuhay kung may mga mahal sa buhay naman sila sa kabilang sulok ng mundo na naghihintay at umaasa na makakabalik sila sa maayos na kalagayan. Nangangahulugan din ito na isinasagawa ng militar ang pagpatay sa kapuwa para makamit ang karangalan at adhikain ng bansa kahit hindi naman kinakailangan na may mga taong namamatay sa pagkamit ng kapayapaan kung isinasagawa lamang ang lahat sa maayos at makataong pamamaraan.
Sa pagtatapos ng unang berso, makikita ang pahayag na, “And you look for a place to hide?”, na nagpapahayag sa takot at pangamba ng mga sundalo sa loob ng giyera. Isinasaad nito na walang sapat na kaalaman ang mga miyembro ng militar sa magiging bunga ng pagsabak sa giyera. Kaya pagdating sa giyera, marami sa kanila ang hindi handang harapin ang realidad at katotohanan sa likod ng karangalang makakamit sa pamamagitan ng paglilingkod sa karahasan. Itinatanong naman ng persona na, “Did someone break your heart inside?”, na nagsasaad ng pagdadalamhati para sa mga buhay na winasak ng militar kung saan palaging nadadamay ang mga inosenteng sibilyan, mamamahayag, bata, at matanda. Hindi man lang iniisip ng iilan ang karapatan ng mga taong ito na mabuhay sa kapayapaan dahil laging nakatuon lamang sila sa politikal na adhikain laban sa bansang inaatake sa giyera. Kaya, ipinapakita ng persona na tanging konsiyensiya at pagsisisi ang dadalhin ng mga sundalo sa labas ng giyera kung manatili man silang buhay. Sa huling linya ng unang berso, sinabi ng persona na, “You’re in ruins”, upang ipahayag na hindi matutubos ang mga buhay na nasawi sa giyera katulad ng isang gusali na hindi maitatayo ulit kung nawasak na ito. Kaya, tatanggapin na lamang ang kasawian na namamalagi sa puso at isipan ng mga kabataan noon na lumahok sa giyera na tumanda ngayon na dala-dala pa rin ang poot ng mga taong walang kalaban-laban na binugbog at pinatay nila sa giyera. Mula sa kuwento nina Christian at Gloria, ito ang punto ng kanilang kasawian nang napaligiran sila ng mga polis na aaresto sa kanila dahil sa kanilang pagprotesta laban sa pamahalaan na ipinakita naman sa kalakip na music video ng kanta.
Sa koro ng kanta, unang makikita ang pagtukoy sa “21 Gun Salute” na nagpapalinaw sa tema na pumapatungkol ang kanta sa isang giyerang nagaganap lalo na at sinundan ito ng linyang, “Lay down your arms, give up the fight.” Inimumungkahi nito na walang nananalo sa giyera kaya nararapat na mapagkasunduan ng mga pamahalaan ang mga suliraning ikinakaharap sa mapayapa na pamaraan. Isinasaad na dapat wakasan na ang giyera at sumuko sa kapayapaan upang matigil na ang karahasan at pagwasak sa buhay ng iba. Ipinapakita ng linyang, “You and I”, na dapat magkaisa ang lahat para makamit ang kapayapaang hinahangad.
Nagsimula naman ang ikalawang berso sa mga linyang, “When you’re at the end of the road / And you lost all your sense of control / And your thoughts have taken their toll.” Ipinapakita ng bahaging ito na nasa dulo na sila ng daan kung saan wala nang mababalikan na nakaraang panahon na nasayang sa karahasan. Kaya, natatapos ang giyera sa trauma na nangingibabaw na sa kanilang damdamin at isipan na tila wala na silang kontrol sa kanilang mga sarili dahil hindi nawawala ang nakaraan at hindi rin ito mababago sapagkat huli na ang lahat at umabot na ang giyera sa dulo ng daan. Ito ang tinatawag na post traumatic stress disorder (PTSD) na ayon sa Mayo Clinic (n.d.), isang mental health condition na dulot ng nakaraang karanasan kung saan nasaksihan ng isang tao ang isang marahas at nakakabalisa na pangyayari. Ayon naman sa National Institute of Health (2023), isa itong fight-or-flight response ng utak sa takot na naramdaman sa nakaraang pangyayari na umiiwas sa atin mula sa mapanganib na sitwasyon. Maaaring maranasan ng mga taong may PTSD ang mga panaginip, pag-iisip, memorya, at stress tungkol sa kanilang nakaraan (National Institute of Health, 2023). Kaya, sa kantang ito, inimungkahi ng persona na, “When your mind breaks the spirit of your soul / Your faith walks on broken glass / And the hangover doesn’t pass.” Nangangahulugan ito na isang sugat sa utak ang PTSD ng mga sundalo dahil sa karahasang kanilang nasaksihan at napilitan silang gawin sapagkat ito ang nagsilbing misyon at kahalagahan ng kanilang buhay sa gitna ng giyera. Isa itong sugat na walang lunas na sumisira hindi lamang sa emosyon maging sa sariling pagkatao. Kaya, sinundan ito ng mga linyang, “Nothing’s ever built to last / You’re in ruins”, na nagsasaad na may hangganan ang lahat ng bagay, gayundin ang giyera at karahasan. Nangangahulugan din ito na marupok ang buhay ng tao kaya hindi dapat inaaksaya ang panahon sa giyera at sa halip, gamitin ito sa pagmamahal katulad ng pagmamahalan nina Christian at Gloria kung saan pinahahalagahan na lamang nila sa mga huling sandali ang isa’t isa. Mas nararapat na tapusin na ang giyera hangga’t hindi pa huli ang lahat na nagpapakita sa kapangyarihan ng karahasan na pabagsakin ang sangkatauhan at ang mundong ginagalawan na makikita sa panibagong teknolohiya at pag-unlad ng giyera sa kasulukuyan kung saan umiiral na ang mga nuclear weapons, atomic bombs, biological warfare, at iba pa na hindi lamang makasisira sa kinabukasan ng sangkatauhan pati na rin sa kalikasan at ng buong sanlibutan para lamang mapagsilbihan ang makasariling hangarin ng tao.
Matatagpuan sa bridge ng kanta ang mga linyang, “Did you try to live on your own / When you burned down the house and home?”, na nagpapaalala sa mga pinsala ng giyera kung saan maraming mga tirahan ang nilalamon ng mga sunog, bomba, at bala. Kasunod naman nito ang mga linyang, “Did you stand too close to the fire / Like a liar looking for forgiveness from a stone?”, na hindi nararapat patawarin ang karahasan kung hindi man lamang nila naranasan ang hapdi ng mga balang tumagos sa katawan ng mga nasawing sibilyan. Hindi naman sila mapapatawad kung nasa hukay na ng libingan ang mga taong ito dahil katulad din ito sa paghihingi ng kapatawaran mula sa isang bato na hindi makapagsasalita sapagkat wala na itong buhay at damdamin na makapagsabi tungkol sa sakit na kaniyang naramdaman sa kamay ng karahasan.
Sa katapusan ng guitar solo, inawit ng persona na, “When it’s time to live and let die / And you can’t get another try / Somethin’ inside this heart has died / You’re in ruins.” Nagsasaad ito ng kawalan sa pagkatao ng isa dahil nilamon na siya ng giyera at karahasan. Ipinapakita rin ng mga linyang ito na hindi maaaring gawing tama ang pagkakamali sapagkat huli na ang lahat at namayani na ang karahasan sa sarili at sa kapuwa. Hindi na maibabalik ang oras upang gawin ang tama na dahilan ng pagsisisi. Maraming tao na ang nawalan ng buhay at hindi na sila maibabalik kaya inilahad ng persona na may dalawang patutunguhan lamang ang giyera—ang mabuhay o ang mamatay. Sa linyang, “Somethin’ inside this heart has died”, tinutukoy ang pagkawala ng empatiya ng tao sa kaniyang kapuwa na dahil sa pagpatay, nalilimutan na ng isa na ilagay ang kaniyang sarili sa posisyon ng iba kaya nawawala ang kanilang puso sa mga taong naaapi at nangangailangan dahil lamang nakatira sila sa bansang kinakalaban kahit mga inosenteng sibilyan lamang sila. Ito ang nagpapabagsak at nagpapahina sa lipunan dahil unti-unting nilalamon ng karahasan ang pagkakaisa ng sangkatauhan para sa mabuting kinabukasan ng lahat. Nagsisilbi ang mga linyang ito bilang konklusyon sa mensaheng ipinahahatid ng kanta na hindi solusyon ang giyera sa kakulangan ng lipunan. Hindi rin ito ang pundasyon ng lipunan at ng sangkatauhan. Sa halip, repleksiyon ito ng pagiging bulag sa ating sariling kasakiman.
Tumblr media
Natatangi ang kantang “21 Guns” dahil maaaring bigyan ito ng interpretasyon batay sa pansariling karanasan at mga kasalukuyang pangyayari sa lipunan. Kaya, nagustuhan ko ito sapagkat maiuugnay ng lahat ng tao ang kanilang sarili sa kanta kung beterano sa giyera ka man, biktima ng pang-aabuso at karahasan, lumalaban sa isang nakamamatay na sakit, isang taong nakaranas ng paghihirap sa buhay, taong dumaan sa isang paghihiwalay at matinik na relasyon, o taong nangarap ngunit hindi nakamit ang ninanais sa buhay. Batay na lamang ito kung sa aling pananaw titingnan ang kanta ngunit magbibigay pa rin ito ng iisang ideya na pairalin ang pagmamahal sa sarili at kapuwa, hindi ang karahasan. Ang kantang ito ang pagsuko nina Christian at Gloria na patuloy na naninindigan sa idealismo ng kanilang kabataan ngunit sa puntong ito, tinatanggap na nila ang kanilang kapalaran hangga’t makasama lang nila ang isa’t isa. Makikita sa music video na nagyakapan silang dalawa habang pinaputokan sila ng bala ng mga polis sa labas ng kanilang pinagtataguan. Pumukaw sa aking atensyon ang mga linyang, “When it’s time to live and let die / And you can’t get another try / Somethin’ inside this heart has died / You’re in ruins”, dahil nagpapaalala ito na palaging nasa huli ang pag-iisa sapagkat hindi na masusubukan muli ang nakaraan at piliin ang tamang desisyon sa sitwasyong iyon. Sisira lamang ito sa sarili kaya isa itong masakit na realidad ng buhay na kailangang tanggapin upang hindi maulit ang pagkakamali at mabigyang-pansin ang pag-asang hatid ng hinaharap. Maaaring pukawin ng kanta ang bawat tao sa mundo na magkaisa, labanan ang karahasan sa lipunan, pairalin ang karapatang pantao, at mahalin ang isa’t isa hangga’t hindi pa huli ang lahat para sa kinabukasan ng sangkatauhan.
youtube
Mga Sanggunian:
Asian Development Bank. (2021). Philippines: Poverty. https://www.adb.org/where-we-work/philippines/poverty
Caliwan, C. L., Fernandez, E., & Luczon, N. (2023, December 3). 4 dead, 50 injured as blast rocks MSU in Marawi City. Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1214757
The Editors of Encyclopedia Britannica. (2023, November 13). Iraq War. Britannica. https://www.britannica.com/event/Iraq-War
Mayo Clinic. (n.d.). Post-traumatic stress disorder (PTSD). https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/post-traumatic-stress-disorder/symptoms-causes/syc-20355967
National Institute of Health. (2023). Post-Traumatic Stress Disorder. https://www.nimh.nih.gov/health/topics/post-traumatic-stress-disorder-ptsd
U.S. Department of State. (2021). Country Reports on Terrorism 2021: Philippines. https://www.state.gov/reports/country-reports-on-terrorism-2021/philippines
0 notes
sinethewrld · 5 months
Text
Pamilya Ordinaryo: Mga Pinabayaan ng Panlipunan
Pagsusuri ng Cinemalaya Classic "Pamilya Ordinaryo" (2016)
Tumblr media
Base sa kanyang pamagat “Pamilya Ordinaryo”, nais ipahayag ng pelikula na ito ang kahirapan na nangyayari sa mga lansangan ng Maynila. Napapanood dito ang sunod-sunod na mga hamon naidudulot sa batang magkasintahan na sina Jane at Ares na naninirahan sa lansangan kasama ang kanilang nag-iisang sanggol. 
Nagsimula ang trahedya ng mag-asawa nang kinidnap ang kanilang anak sa palengke. Desperado na mahanap ang kanilang anak, lumakbay sina Jane at Aries sa maalikabok na mga kalye ng Maynila at nakapag-tagpo ng iba't ibang mga katauhan at paghihirap sa kanilang pagsubok na makita ang kanilang anak. Nagbibigay ang pelikula ng hilaw at maligasgas na perspektibo sa buhay ng mga mahihirap at nagtatalakay ito ng mga isyu tulad ng kahirapan, kawalan ng tahanan, at ang malupit na katotohanan ng buhay sa urbanong Pilipinas. 
Nagustuhan ko sa pelikulang ito ang pagkuha nito na parang dokumentarya. Nakakabagabag ang sinematograpiya nito dahil nalalabas ng direktor, na si Eduardo Roy, ang pakiramdam na na sa totoong buhay ang lahat ng mga karakter at mga pangyayari. Nanginginig at parang hawak lamang sa kamay ang kamera na parang katulad sa tabingi na pag-angat ng mga paa kapag lumakad. Madalas nag-iiba ang pananaw ng pelikula sa surveillance camera tuwing may kasawian ang mangyayari. Pagpatay, pagtangay ng cellphone, at pagakaw ng isang sanggo ang iilan sa mga krimen nakikita sa perspektibo ng CCTV. Naaagaw pansin ko sa mga detalye ng pagkuha ni Roy sa mga mabibigat na eksena ng pelikula.
Tumblr media
Ngunit maliban sa kakayahan ng pelikula talakayin ang mga isyung panlipunan sa masinang na sinematograpiya, hindi labis napakilala ng kuwento ang mga pangunahing katauhan hiwalay sa kanilang pagdudurusa. Walang makatwiran na konklusyon binigay sa mga naipon na trahedya ni Jane at Aries at nauwi lang sa wala ang lahat. Kahit na walang takot napakita ang katotohanan ng kahirapan, nagiging tanawin lamang ang mga isyung ito sa huli. 
Tanong ni Aries kay Jane sa isang eksena na “Paano kung ang buhay ni baby Arjan doon sa pamilya na iyon maaalagaan siya ng maigi, maibibigay ang mga bagay na hindi natin kayang ibigay kukunin mo pa ba siya?”. Nakapukaw ito sa aking isip nang alalahanin ang kakulangan nila sa mga bagay-bagay na dapat may karapatan sila bilang tao. Walang paninirahan, trabaho, pera, at medikal na tulong, naiiwan sila ng walang kakayahan makapagbuhay ng kanilang sarili lalo na sa kanilang anak. Sa katunayan, napapabayaan ang mga mamamayan katulad nila Aries at Jane sa Pilipinas kaya’t lumulubhang salot sa bayan ang kahirapan.
Sina Aries at Jane ang mukha ng mga mamamayan sa ating lipunan na nabubuhay sa kahirapan. Ayon sa isang UN report noong 2022, higit sa 5 milyong batang Pilipino ang naapektuhan sa sukdulan ng kahirapan. Pinipigilan nito ang mga bata na tamasahin ang kanilang mga pangunahing karapatan. Humahadlang ang kahirapan sa kanilang paglaki dahil sa impluwensiya nito sa mga oportunidad nila sa buhay. Kung walang mga panlipunang programa nagproprotekta sa mga batang ito, napapahamak ang kanilang kaligtasan, gaya sa nangyari sa “Pamilya Ordinaryo”. Nagiging lakas ng pelikula ang kaniyang kakayahan na harapin ang mga mabibigat na paksang ito upang makapukaw ng ating mga isip at damdamin. Sa pamamagitan nito, nagbibigay-liwanag sa malupit na mga katotohanan ng buhay sa Maynila ang “Pamilya Ordinaryo”.
Mga Sanggunian:
Staff, C., & Staff, C. (2023, September 25). Filipino Children in Poverty: How to advocate for change. ChildHope Philippines. https://childhope.org.ph/children-in-poverty/#:~:text=The%20Philippine%20Statistics%20Authority's%202021,harsh%20realities%20of%20the%20country.
Social policy and governance. (n.d.). UNICEF Philippines. https://www.unicef.org/philippines/social-policy-and-governance
0 notes
delfindakila · 8 months
Text
Tumblr media
RAFAEL CUSI Walang Pamagat (Puno), oleo sa tabla, 1994 #artPH
45 notes · View notes
kwentoniblack · 2 months
Note
Sir/Maam, una sa lahat. Gusto kong sabihin na lubos akong humahanga sa iyong mga akda. Pero hindi ko alam kung bakit yung iba ay hindi maintindihan, tipong kahit katiting na ideya ay wala akong makuha. Pero kahit na ganun, ang sarap basahin ng mga sinulat mo. Para akong sanggol na nakikinig sa aking Tatay na kumakarga sa akin. Tuwang sa tunog at huni na nililikha ng kanyang bunganga, samantalang ako ay tuwang-tuwa.
Kung maari lang sana maipaliwanag mo ang ilan sa mga mahirap unawain pero ang sarap basahin. Tulad ng sa tulang "Kaklase" Salamat po.
Uy, mapakatindi nun ah.
Halatang may pinagmanahan.
Bago pa man maligaw ang mga salita sa tunay na paksa. IIlawan ko na ang mga letra para lubos mong mabasa ang tunay nitong patama. Dun sa tulang "Kaklase", dun sa huling bahagi. Ang ibig sabihin nun ay tapos na ang maliligayang araw. Huli na e. Nasa huling bahagi yun kasi nga nahuli na yung nakaranas nun. Hinuli na ng alagad ng batas. Sa mga kamay sasabit Mabilis na lalapit Walang ingat mapipiit Mundo mo ay liliit Yan yun. "Sa mga kamay sasabit" ibig sabihin nun ay napusasan. " Mabilis na lalapit " diba kapag may operasyon ang mga alagad ng batas lalo na kapag Raid ng mga Drug Den. Mabilis ang mga pagkilos nila. Tipong ikakagulat ng nalang ng mga tulak e. CHECK MATE! Kapag ilegal ang gawain, lalo na kung kumikita ng pera. Yun ang madalas na hinahanap at hinuhuli. Kaya naman "Walang ingat mapipiit". Kapag hindi nila ginalingan at kulang ang pag-iingat sureball, huli na, kulong talaga. Syempre kapag himas rehas na, ipagkakait na nila sayo ang kalayaan na ilusyon lamang. Hindi ko alam kung may kulungan na maluwang, malaki ang espasyo. Pero kasi hanggang dun nalang sila e. Tanging yun nalang ang mundo na pwedeng nilang lakaran. Kaya "Mundo mo ay liliit".hh
Nga pala, ang kahulugan ko sa pamagat na "Kaklase". Medyo baduy siguro, pero parang "Kauri" lang yan e, pareho kayo ng uri. "Kaklase" kasi iisa ang inyong klase, as in classification. Kapwa-adik pinakamagandang halimbawa.
O kaya kabaduyan, kapareho natin na baduy. Hahahaha Ayan, kaibigan, sana ay iyong naibigan, at ikaw ay naliwanagan. Huling bahagi lang talaga ang hinimay ko ang kahulugan. Para naman sa mga gustong humagad at maghangad Ang kahihinatnan ay alam na nila agad kahit hindi sumagad *** *** *** *** Isisiwalat ko sana ang sekreto ko e. Kapag ibinahagi ko yung sekreto na yun, mawawalan ako ng sekreto. Sayang naman, diba. Sekreto na ang tagal mong tinago, madalas kapag sinabi mo na, sobrang dami ng makakaalam. kahit na ang totoo ay isang tao lang naman ang iyong pinagsabihan. Mababaw man o malalim. Ang sekreto para sa akin ay kayamanan.
2 notes · View notes
angkoleds · 5 months
Text
Makisabay sa Liwanag ng Buwan
Tumblr media
Malapit na sa hatinggabi nang pauwi ako mula sa bahay ng kaibigan kong nagdiwang ng kaarawan. Napagtanto ko na malapit na akong sumalampak sa curfew, ngunit pinili ko pa rin ang aking kasiyahan sa kasalukuyan kahit na may kapalit na problema sa hinaharap. Sa pagbalik, habang iniisip ko kung paano ako makapasok ulit sa dormitoryo, bigla na lang tumugtog ang isang kanta sa sasakyan. Sa unang dinig pa lang, bigla nang nagbago ng direksyon ang isipan ko, hanggang sa tuluyan nang nalunod ang pag-iisip ko sa ritmo ng kanta. “Mga Ilaw sa Daan”, ng IV of Spades ang pamagat ng kantang ito, at isa ito sa pinakamagandang kantang pakinggan sa mga biyahe tuwing gabi.
Ang ayos ng kanta ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ako naakit. Agad itong nag-umpisa ng may magandang pambungad na nakakapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kasunod nito ang iba't ibang boses, may mga linya na inaawit lamang ni Unique Salonga, mayroong kay Zild Benitez lamang, ngunit palaging inaawit nilang dalawa ang koro. Nagpapahiwatig ito na kahit may pagkakaiba sa kanilang mga indibidwal na linya, magkakabagay sila kapag nagsisimula na ang koro.
"Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako'y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin na nakaipit sa gitna at pangbituin"
Para sa akin, nagpapakita ang kantang ito ng kaibahan sa pagitan ng pagod na pasahero na nais lamang umuwi sa gabi, at ang aktibong buhay ng lungsod na kanyang dadaanan habang nagbi-biyahe. Sumisimbolo ng buhay sa gabi ng lungsod ang mga ilaw sa daan na sumusunod sa buwan na binanggit sa unang linya. Sapat ang liwanag nito upang tulungan ang buwan na ipaliwanag ang lugar. Ngunit nagpapakita ng kaibahan sa kasiglahan ng lungsod sa gabi at sa kawalan ng pakialam ng tao dito ang pangalawang linya.
“Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo”
Maaaring magpahiwatig ang linyang ito na biglang huminto ang biyahe ng pasahero upang magbaba at mag-akyat ng karagdagang pasahero. Nagiging tulay rin ito patungo sa koro ng kanta, na aking natuklasan bilang kaakit-akit. Inaawit lamang ng isang tao ang mga pangunahing linya, ngunit idinagdag ng koro na ito ang bagong boses sa kanta, lalo na sa ika-3 at ika-4 na linya, na nagsisilbing paglipat mula sa pasahero patungo sa nag-iinuman.
"Mga tao sa daan, sila'y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin"
Kinanta nang solo ng bagong bokalista ang sumusunod na talata. Ipinapakita nito ang karanasan ng ibang tao. Hindi tama ang balewalain ang mga nasa paligid mo, kahit na nagpapahinga ka lang sa isang lugar, lalo na ang mga nangangailangan ng tulong. Ito ang paksa nitong talata. Sa kabila ng pagpunta sa lugar para magpalamig at magsaya, pinili pa rin ng mga tao na mag-isip ng mga paraan para lapitan at tulungan ang lasing na halos himatayin na. Ito ang nagtatapos sa pananaw ng isa pang bokalista, habang lumipat nanaman ang kanta pabalik sa pasaherong pauwi na.
Muling nagsimula ang talata sa biglang paghinto ng biyahe, na maaaring ipakita kung kumuha ng karagdagang pasahero ang bus, o wakas na nagbaba para umuwi ang pasahero. Ngunit, pagkatapos nito, inuulit lamang ang koro, walang bagong linya o talata na ginamit.
Sa palagay ko, layuning maintindihan sa dalawang magkaibang paraan ang koro. Isa mula sa pasahero na pauwi, at ang isa mula sa taong nagsasaya pa rin sa gabi. Mula sa nagsasaya ang una kong interpretasyon, kung saan parang nagbibigay-sigla sa kanya ang koro. Nagtitipon nang sabay-sabay ang mga tao, na parang ito na ang kanilang huling gabi, at nadala rin sya sa kanilang enerhiya. Hindi na niya kayang pigilin ang kaniyang sarili at sumama sa kasiyahan ng karamihan. Sa pangwakas na linya, nagsasaad ito na dapat sulitin ang kasalukuyan bago sila mahabol ng hinaharap.
“Kung makikita mo naman, lahat sila ay nagkakaisa 
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila 
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw 
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw” 
Gayunpaman, lubos na iba mula sa pananaw ng pasahero ang koro. Mukhang ninais sumali sa masiglang selebrasyon sa lungsod ang pagod na pasahero. Kabaligtaran ng nais ng pasahero na magpahinga para makahanda sa kinabukasan ang masigla nilang kasiyahan at ang kanilang kaligayahan. Sa pangalawang linya, naglalabas ng damdamin ng pasahero ng pakiramdam na iniwan lamang sa likuran, habang ipinapakita ng pangatlong linya ang kanilang panloob na pakikibaka sa pagitan ng pagod at pagnanais na maging bahagi ng kasiyahan. Kahit na nakakatukso ang masiglang eksena, alam ng pasahero na kailangan niyang umuwi. Naglilingkod ang pangwakas na linya bilang isang mapait na paalala na tangkilikin ang mga sandaling kasayahan sa gitna ng pang araw-araw na buhay, dahil alam niyang iilang oras na lamang ang layo nng kanyang trabaho.
Sa pangkalahatan, makapangyarihan at nakakapukaw ng damdamin ang kanta dahil sumasalamin ito sa naiibang mga estado ng buhay sa lungsod. Nagpapakita ng lubos na magkaibang likas ang lungsod ng magkasalungat na mga kwento ng kanta, mula sa di-matitinag na katotohanan ng araw patungo sa panandaliang kasiyahan ng gabi. Nagsisilbing paalala ang koro ng kanta sa maingat na balanse sa pagitan ng pagsulit sa kasalukuyan at paghahanda sa kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Sa pagtatapos, isang kanta ang “Ilaw sa Daan” na nakakatugon sa sinoman na kailanman naramdaman ang masiglang enerhiya ng lungsod at ang pangungulila sa isang lugar na tatawaging tahanan sa gitna ng lungsod.
0 notes
upismediacenter · 6 months
Text
LITERARY: Walang pamagat
Tumblr media
Langit na kahel at may kayakap Malamlam mula sa sulyap Dumikit ngunit nang humarap,
“Psst, kakilabot ang ganap!”
Tumingala nalang sa ulap
Taglay ng kwelyo mong gusot Magdamag na gulu-gulo’t Mga usap-usapang lumilibot Dahil sa puso mong masalimuot
Ating relasyong baluktot
Nang pumuti, nang kumidlat
“Hindi pa ba ako sapat?” “Hindi ko ba ibinigay ang lahat?”
Nawa’y pumula ang sugat Basta’t punan ang pamagat
Mala-rosas na ang bahid Tago, tahimik, lingid Pagka’t tayo’y “MAPAKIAPID!”
Bakit, kasi hindi tuwid?
Walang bahaghari; dumating ang unos Walang tigil ang pagbuhos Hindi raw tanggap ng Diyos Aking nawalang kayapos
1 note · View note
patsdin · 6 months
Text
Ang Pamana
Tumblr media
Isang araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay At ang sabi “itong pyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador ay kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.”
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa at sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
”Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasiyahin at huwag nang Makita pang ika’y Nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?” ”Wala naman,” yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala Mabuti nang malaman mo ang habilin? Iyang pyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang,” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong pyano kapag ikaw ay mamatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay.” ***********
I. PAMAGAT NG TULA Ang Pamana II. PAKSA NG TULA Ang tula ay nilalarawan ang kalungkutan at nararamdamang pangungulila ng anak sa kanyang inang nagbibilin na sa pamamagitan ng paguusap ng dalawa. III. MENSAHE NG TULA
Walang permanente sa mundo. ---Hindi pa man dumrating ang kanyang oras ay hinahanda na ng ina ang kanyang anak na harapin ang katotohanan ng buhay na ito ay may hangganan. Hindi matutumbasan ng anumang bagay ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina. ---Kahit gaano karami ang maiiwang pamana ng ina sa kanyang anak, hindi ito sapat upang punan ang kawalan na mabubuo sa puso ng kanyang anak. Higit sa anumang materyal na bagay, ang pag-gabay at ang mga pangaral na iniwan ng ating mga ina ay mas mahalaga.
Source: https://www.tagaloglang.com/ang-pamana/ Image source: https://epa.culturalcenter.gov.ph/3/82/2281/
0 notes
thelittlepoetworld · 8 months
Text
#80 TAMIS AT PAIT
(Tulang Ipinasa Sa Pilantik Ng Panulat Season 1 Finals) (Paksa: Lasa Ng Buhay) (Anyo: Tulang Tradisyunal) Noon na walang sakit ang lumalaganap, Sa ating bansa ay hindi pa naandap, Ang ilaw ng buhay ko dahil may kislap, At may sigla pa ito na dama ang lasap. Kaya dati ay maayos pa at masagana, Dahil ang negosyo ko ay kumikita, At kalakasan ito noon na bumebenta siya, Sa kadahilanang may bumibili pa. Subalit na dumating ang malalang sakit, Isa din ako sa dumanas ng pait, Sanhi ang pagbawal umalis ng malimit, Hanggang sa nagluwag kaso kita'y lumiit. Copyright 2021 © BALOCSIN —————————————————————————— *Mechanics Bumuo ng tulang tradisyunal Tatlo ( 3 ) saknong Apat na taludtod bawat saknong May tugmaang AAAA BBBB CCCC (walang mauulit na saknong na parehas ang tugmaan) Sukat 6/6 Maging maingat sa paggamit ng tugmaang patinig impit sa may impit at walang impit sa walang impit. Sa tugmaang katinig na malakas at mahina. Malaya sa bilang ng pamagat. **DISCLAIMER - Isa lang sa mechanics na ito ang hindi ko sinunod dahil hindi na kaya ng utak ko kahit sinubukan ko naman kaya ung kinaya ko lang ang sinunod ko. Ang isa na hindi ko sinunod sa mechanics ay ang paggamit ng tugmaang patinig impit sa may impit at walang impit sa walang impit. Sa tugmaang katinig na malakas at mahina.
1 note · View note