Tumgik
#hugotpa
vinzesmonologue · 4 years
Text
The Heir of Hell
*trigger warning*
He seems like delicate,
and he move sophisticated.
You never think his hazel eyes
behold something darker.
When he finally gasp his whimsical desire
he'll outnumbered you with threats to die.
You will wish you never met him in the dark
'cause while the daylight fading in
his hazel eyes turn viciously red.
His mouth watering like a wolf craving for flesh
caressing your hips like he owns it,
insisting kissing you like you are delightful ice cream.
You wanted to scream but his rough hand prisoned your hymn.
Flashbacks of his innocent gaze plays in your head
asking yourself why such a lovely man appraised
is predator of unsolicited flesh.
While your tears ricochet in your cheeks
Indeed you said,
He's the angel that heirs the pit of living hell.
Wishing him to die in flames.
If you know someone or you are the victim of sexual harassment, call the law enforcement immediately.
9 notes · View notes
Text
Tumblr media
#istariray23moments #hugot #hugotlines #hugotlines101 #hugotpamore #hugotquotes #hugotnitariray23 #sadlayf #istariray23hugot #istariray23hugotlines #patamaquotes #truthslap #sadreality #sadlayf
3 notes · View notes
istariray23 · 5 years
Photo
Tumblr media
Panakip Butas lang ba talaga ako?
-Panty
3 notes · View notes
jbmacros25 · 7 years
Text
Liham ng Pamamaalam
Alam mo bang sa bawat panahong ika’y patakaw na lumilisan, iniisip kong ito’y isang huling pamamamaalam. Nais ko lang ipaabot sa iyo na hindi ako nagkulang ng patnubay kung ninais mong ang buhay mo’y humaba pa. Ang tanging hiling ko lang sa bawat paglisan, ay mabigyan ka sana ng mapayapang pamamahinga. Hindi ko man hinihiling na ika’y maglahong parang bula ngunit kung ang pananatili mo dito sa lupa ay isang malaking dagok at pagkakamali, mabuti pang ika’y pumanaw na.
Masakit mang isiping, ang patakaw na paglisan ay isang paulit-ulit na kamatayang iyong pinapadama sa humihinga kong kaluluwa. Sana nama’y mabatid mong, walang naunang pagsisisi kung inisip mo lamang ang iyong sarili. Anong silbi at nagpakulong ka pa sa hawla ng seremonya kung ang nais mo rin pala'y kumawala. Isang kalokohan, isang katangahan. Isang huling liham ng pamamaalam kung ito’y Kanyang pahihintulutan. Tama na. Labis na. Tuldukan mo na lang ang iyong hininga.
Hindi ako mag-aaksaya ni isang kabutil na luha sa taong nakatali sa kadiliman ng nakaraan. Datapwa’t batid ko na sinubukan mo ring magbago ngunit ayaw mong mag-ibang tao. Ninais mong manatili sa bulok na imahe at nakahandusay na pagkataong lugmok sa kahihiyan at walang respeto. Eto ba ang ninais mo hanggang sa huling hininga ng iyong buhay?
Kaya kung nais mong mamaalam, magsabi ka lang. Dahil anumang karangyaan sa buhay na gusto mo pang matamasa, kaylan man hindi mo ‘yun ikasasaya. Dahil ang nais mo lang ay palagi kang nasa baba, gumagapang, nagtatago at nakayuko sa imaheng isinumpa mong mamuhay ng mapayapa.
Sige, ituloy mo lang ang iyong ginagawa. Wala namang magagawa ang aking liham ng pamamaalam dahil ninais mong manatili kang malamig sa kahong ibabaon naman sa lupa.
Masakit, oo, masakit isiping ika’y pumanaw na. Kung alam mo lang rin sana na sa bawat pagkakataong patakaw mo akong nililisanan ay para mo na ring tinutugunan ang bulong ni kamatayan. Tara na aking alagad at iwanan mo na ang buhay ng isang hampas-lupang anghel na iyong minsa’y inarugaan. 
Salamat... salamat... munting liham ng pamamaalam. Humayo ka at nawa’y magsilbing aral ang katangahang sumama sa bulong ng kadiliman. -DoodleBloggerThoughts 9.13.2017
2 notes · View notes
oohitsmielette-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
O Besh! Namumutla kana kakahintay ng reply nya. Wala na yung lipstick mo burado. Maglip tint ka nalang. Can last up to 24hours pa, para habang naghihintay ka sakanya maganda ka parin 😂💋 Pm me for inquiries! 120 ONLY. Can do meet up and shipping! Available in Scandal, Riot, Chaos and Gossip! Please follow @wantsandneedsph_ for more items! ❤💋 #HugotParaSaNegosyo #HugotSeller #HugotQueen #HugotPa
1 note · View note
nogoodforyoubaby · 7 years
Photo
Tumblr media
#hugotpa 😂
0 notes
beatrixl21 · 7 years
Photo
Tumblr media
#HugotPa #TheHugotUnltd #ThoseHugotMondays (at Dominga St. Vito Cruz, Manila)
0 notes
ceegreen14 · 7 years
Photo
Tumblr media
Tandaan mo, bes! 👊 #hugotpa (at Parks and Wildlife Quezon City)
0 notes
ae-diaries · 5 years
Text
My Educative Journey in PCC
May 2013 nang pumasok ako bilang isang guro sa PCC. Kasing taas ng boses ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid ang mga ‘aspirations’ ko - I was so driven & passionate to make a difference in the lives of many. At dito nabuhay ang katawang lupa ko. Naranasan kong maging all-around: Grade 7-10 expert teacher, facilitator, mentor, proctor, club moderator, adviser/stress absorber, mediator, guidance counsellor kuno, performer, at amiga. Hindi ko akalaing magagawa ko lhat ng ito. Pero hindi naging madali ang lahat dahil dito ko din naramdaman kung anong totoong kahulugan ng salitang “stress”- as this word became by companion most of the time. Pero dahil positibo ako, natutunan ko nadin kung pano ito i-handle dahil takot ako ma-losyang.
Sa loob ng tatlong taon, naging hobby ko na din ang magpatawad at magpasensya nang paulit-ulit kahit sagad na sagad na. Alam ko parte lang ito ng trabaho kaya hanggat kaya pasok labas sa tenga lahat ng nega. Nakakalungkot lang isipin na may mga estudyanteng (hindi ko nilalahat) sadyang walang ‘drive’ sa pag-aaral. I see students simply come and go of school. Na sa kanila na lahat - material na bagay at mga kailangan sa skul para lang pagbutihin pag-aaral pero hindi nila nagagawang suklian o tapatan ung mga sacrifices ng mga magulang at guro nila. Nanghihinayang lang talaga ako dahil may potentials sila at alam kong kaya naman nilang mg-excel sa studies pero kulang sila sa ‘initiative’. Pagdating naman sa requirements, binigay mo lahat ng considerations; extended ang submission ng projects, you even printed complete DLAs & worksheets para lang sila makahabol at makapasa pero babalik sayong wala pading lamang sagot. Ang saklap! Parang ikaw pa ang may malaking utang na loob. Halos kulang na lang nga bihisan mo na sila at isubo mo na ang information at hand para lang sila matuto, pero parang balewala lang. Nasaan ang hustisya? Wala naman akong ibang hinihintay na kapalit kundi ang makita ko silang pinapahalagahan ang ‘value’ ng edukasyon nila at ‘wag silang matakot sa kung ano mang talento/abilidad na kaya nilang gawin.
Minsan feeling ko/namen tuloy efforts of teachers are put to waste. Talaga sigurong teaching as they say is a “thank-less” job. Ito ang “reality” na dapat tanggapin- most of the time teachers are underappreciated & underrated. You name it. (This isn’t just my story; I know other teachers feel the same way too). Siguro talagang kung minsan kapag nagmahal tayo lahat ibibigay natin para sa mga mahal nating estudyante. Kaya kapag nasasaktan tayo napapa-isip ka na lang kung ano at saan paba tayo nagkulang. (#hugot)
Ang tanong ko sa sarili ko, at sa Diyos, “kelan kaya matatapos ito?”, “bakit ko pa ba ginagawa ito?” at “kelan ba tataas sahod ng mga kapwa ko guro?” Maging 100% man lng instead of 80%. Aba hindi pala biro ang ganitong propesyon. Nakakaloka. Lahat gagana sayo. Minsan para akong kumuha ng bato at pinukpok ko sa ulo ko.
Ang daming tanong, ang daming LUHA, at ang daming panahong natalo na ako ng pagod. Pero dahil mahal ko ang pagtuturo gaya ng pagkanta, itinuloy ko ang laban kahit alam kong mag-isa na lang ako. Nakiusap ako sa Diyos na wag niya akong iwanan dahil may pangarap ako, ginusto ko toh at hindi ko bibitawan yon. Siguro nga minsan kailangan lang nating malungkot para malaman natin kung ano yung mga bagay na makapagpapasaya sa atin (#hugotpa).
Praise the Lord! nabigyan ako ng pagkakataon na maging adviser ng 7–Daet (my Daeternals) last year, at 9–SJNE (my Bulldogs) ngayong taon. Simula na naman ng kalbaryo ko haha. Sa isang iglap nagbago lahat. Naranasan ko ring matawag na nanay. Ang saraaap sa pakiramdam! Di nga talaga ako pinabayaan ni Lord! The truth is, bukod sa aircon lol, sila ang naging tanging DAHILAN kung bakit pa ako nag-extend ng taon sa PCC. God knows sa kanila na umikot ang mundo ko. Aba nagiging selfless na ata ako. Pero hindi ko namalayan na madami na din pala akong na-sacrificed. Na-isantabi ko na ang social life ko sa kaiisip kung pano ko ba sila matutulungan sa abot ng makakaya ko (personal, academics, or spiritual na aspeto man). Ni pagluwas o pagsilip man lang sa parents ko na umaasang uuwi ako kahit once a month lang sa probinsya ay di ko nagagawa. I always say ‘pass’ to my friends kapag may gala o lakwatsa. Buti na lang naiintindihan nila ang mga kadramahan ko. May times nga na gusto ko na lang sumali sa ‘Tawag ng Tanghalan’ para makalimot at mapagbigyan ang hiling ng tatay ko pero di ko naman magawa.
Pero talaga sigurong “everything happens for a reason”. Na-realized ko na ang pagsubok hindi naman ibibigay yan kung hindi mo kaya at para pahirapan ka, dumarating yan para matuto tayo at maging MATATAG sa lahat.” Sa kabilang banda, masasabi kong sulit naman pala ang lahat dahil SILA ang naging sagot sa mga tanong ko. Sa mga naging estudyante ko simula pa noong unang taon ko sa PCC, maraming salamat sa respeto, saya at tiwalang binigay niyo! You just rocked my world!
And to my Wiglafs, my source of ‘strength’ & weakness haha (ngayon alam niyo na), salamat sa 10 buwan na naiparamdam niyo saking hindi na ako nag-iisa sa laban natoh; nakaya ko lahat ng ito dahil kayo ang naging SANDIGAN ko sa mga panahong napagod na ako at nawalan ng pag-asa. Di man kayo ‘aware’ pero ang makita kayo pag mgtuturo at magbabantay ako ng classroom ang naging pinakamasayang yugto ng daily routine ko. Sainyo ko napatunayan ang linyang “Laughter is the best medicine” kapag low batt or may tantrums na ako. At kahit pa madalas niyo ma-beast mode mga teachers (haha), I never gave up on you ‘cause I saw and felt the goodness in your hearts & the healthy sense of values na meron kayo! Napakabubuti at sobrang down-to-earth niyong mga bata, and for that, I salute all your parents my team SJNE!
At syempre mamimiss ko naman lahat ng masasayang pinagsamahan, okrayan, pageant, jamming, lala sessions, celebrations, samo’t saring activities at mga buwis buhay na pinagdaanan natin my ever supportive fellow teachers - kwelang mga okla, merley, ombre at tanders (oops) - my BHS family! =) Nasainyo na lahat! I learned so muuuch from you guys! Nakakatuwa kasi We choose to SHINE even after all the storms we’ve been through! We may never see each other ever again pero ang mahalaga may FOREVER naman! At yun ay ang ‘emotional investments’ na babaunin ko sainyo san man ako liparin ng hangin.lols
It was a long journey but all worth it. Thank you PCC for making one of my dreams come true. I’ve definitely grown in selflessness, wisdom, competence, faith, and rewarding experiences. Wala na atang pagsubok na di ko kayang lampasan at trabahong di ko kayang gawin hehe. I can say that I’m stronger and wiser now because of my mistakes.
Above all, I wouldn’t reach this turning point in my life without your presence Lord! Thank you for you’ve reminded me to always keep my feet on the ground with all the ‘little’ accomplishments I make every day. Most importantly, you’ve allowed me to see the uniqueness, growth and success day by day of each student entrusted to my care; it is little like being a parent – one of the hardest jobs there is but it’s also the most rewarding! My life will never be the same again. All for your greater glory!
Pahabol: Ang hiling ko lang po ‘WAG niyo sila pababayaan; they are all amazing (BHS studes), and they don’t deserve to be left behind. At sana tulad ng ‘gadgets’, kaya niyo rin kaming lahat ingatan, pahalagahan at alagaan. Sana ganyan ‘kayo’ kagaya ng pagpapahalaga at malasakit namen sa mga bata. Sana pwede. Sana kaya. Read between the lines.
Ang haba na pala nito. I may be down-right corny (ewws) forgive me but everything I’ve said just came from the bottom of my hypothalamus. My kind of therapeutic writing. Try it.
1 note · View note
vinzesmonologue · 4 years
Text
No amount of poetry about regret you written
would ever change her mind to back.
After all of her narratives she gave
you gave nothing but ashes
you ignore her sober
unnoticed flags of anxiety, fragility and breakdowns
seems unaffectedly touch your epiphany.
Her straw of patience slowly thinning
waiting to lose and lease away.
She sigh no more pleas and complain about this affair .
Now, let your tears endlessly run
while catching her train running away from regret;
and taste the emptiness you foremost gave to her.
2 notes · View notes
Text
Tumblr media
#istariray23moments #hugot #hugotlines #hugotlines101 #hugotpamore #hugotquotes #hugotnitariray23 #sadlayf #istariray23hugot #istariray23hugotlines #patamaquotes #truthslap #sadreality #sadlayf #istariray23hugot #istariray23hugotlines #patamaquotes #truthslap
2 notes · View notes
istariray23 · 5 years
Text
Money Matters
Tumblr media
3 notes · View notes
oohitsmielette-blog · 7 years
Photo
Tumblr media
O Besh! Namumutla kana kakahintay ng reply nya. Wala na yung lipstick mo burado. Maglip tint ka nalang. Can last up to 24hours pa, para habang naghihintay ka sakanya maganda ka parin 😂💋 Pm me for inquiries! 120 ONLY. Can do meet up and shipping! Available in Scandal, Riot, Chaos and Gossip! Follow @wantsandneedsph_ for more items ❤💋 z#HugotParaSaNegosyo #HugotSeller #HugotQueen #HugotPa
1 note · View note
beatrixl21 · 7 years
Photo
Tumblr media
#HugotPa #TheHugotUnltd #ThoseHugotMondays (at Dominga St. Vito Cruz, Manila)
0 notes