Tumgik
lassposts · 4 years
Text
During this difficult times where we wake up hearing how bad things are, surrounded with worries and uncertainties, its hard not to fear. In times of angst, our anxiety will probably influence our thoughts and lifestyle, our strong faith was appraised and so our hearts were discouraged to believe God's promises.
To whoever reading this, please stand firm in your faith, hold the burning torch and be someone's light to make him see the hope in dread, guide him in taking every step to not get caught up in fear, instead to live with full confidence knowing that God is in control of everything and trust that the Lord will never leave us in this trying times.
Tumblr media
0 notes
lassposts · 4 years
Text
STARRY NIGHT
I wish I was the moon where you hide and cry, so we can play with the stars until we disappear when the morning comes.
Tumblr media
4 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
WEDDING VOW
"Simula nang makilala kita alam ko na, sa tuwing tila bumabagal ang oras dahil nasa tabi kita, sa isip ko ay naglalaro ang mga pangarap na gusto kong tuparin kasama ka, sa ating mga indak sabay sa pagpatak ng ulan ay nakikilukso ang tibok ng puso ko na nagsasabing sa wakas dumating na, mahal alam ko at natitiyak kong ikaw na."
Heto ako nakatayo sa pintuan ng simbahan, sa harap ng altar ay nariyan ka, malinaw kitang natatanaw, kapwa nangingilid ang ating mga luha ngunit ito'y pinapawi ng ngiti sa ating mga mukha, ngiti dulot ng sobra mong kaligayahan, maging ako man ay umaapaw ang kagalakan, sa wakas dumating na, ang araw at simula ng habambuhay.
Heto ako nakatayo sa pintuan ng simbahan, sa harap ng altar ay nariyan ka, malinaw kitang natatanaw, Matapos tayong sumumpa sa harap ng dambana, namulat ang aking mga mata nang marinig ko ang malakas na tunog ng kampana. Sa wakas dumating na, ang katuparan ng iyong mga kahilingan.
"Simula nang makilala kita alam ko na, na mayroon kang sinta, hindi ako kundi siya. Sa tuwing tila bumabagal ang oras dahil nasa tabi kita, sa isip ko ay naglalaro ang katotohanang pangarap ko lang ang makasama ka, sa ating mga indak sabay sa pagpatak ng ulan ay kasamang tinatangay ang aking mga panaginip na tinupad mo kasama sya. Mahal alam ko at natitiyak kong sa wakas dumating na, dumating na sa wakas."
2 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
"My love is not a game to play, it is a battle worth fighting and winning for."
1 note · View note
lassposts · 4 years
Text
Tumblr media
"Looking at your eyes is like me seeing your soul, and that moment showed me our future, everything."
1 note · View note
lassposts · 4 years
Text
The smile you gave me before you left tells me, “I'll be back and will never leave.”
3 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
Tumblr media
"At first I thought; choosing to live everyday is the best thing in the world, but I guess we have to die sometimes to know if there's better than the best."
3 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
"If only I have the courage to let you know how I feel, you will be surprised that someone can love you the way I did, and the way I'm still doing."
6 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
HINDI TAYO PWEDE
Ilang araw kong inipon ang lakas ng loob para lang masabi sayo lahat ng nasasaloob. Gustuhin ko mang itago, ngunit paano? Kung kapalit ng hindi ko pag imik at ng aking pananahimik, ay ang kalayaan na ipahayag ang aking nararamdaman. Ramdam ko na sa bawat segundo, sa bawat minuto, sa bawat oras na lumilipas na dala-dala ko pa rin ang sikreto ng pag ibig ko sayo, ako ay natutuliro, nawawala sa tino, kaya paki usap hayaan mong sabihin kong:"Ikaw ay aking gusto, ako ay umiibig sayo, ikaw ay mahal ko." Ngunit ang tanging sinagot mo, na nagpatigil sa mundo ko, at tila ako ay nabingi sa lakas ng alingawngaw nang sabihin mo sa aking: "Hindi tayo pwede."
Bakit nga ba hindi pwede?
Hindi ba pwedeng kung ano yung nararamdaman ko ay siya ring maramdaman mo? (Mahal, nasasaktan ako)  Hindi ba pwedeng kapag lumuha ako ay nariyan ka para punasan ang mga luha ko? (Mahal, mag isa lang ako) Hindi ba pwedeng kapag nasaktan ako, ay ikaw ang gagamot sa mga sugat ko? (Mahal, nagdurugo ang puso ko) Hindi ba pwedeng kapag malapit na kong bumitaw ay hihilahin mo ang kamay ko? (Mahal, lalaban ako) Hindi ba pwedeng kapag napagod ako ay bibigyan mo ko ng lakas upang bumangon? (Mahal, ikaw lang ang kailangan ko)
"Hindi ba pwedeng pag sinabi kong mahal kita sasabihin mo rin mahal mo ako? Hindi ba pwedeng kapag ayaw sa atin ng mundo ay piliin mong ipaglaban ako? Hindi ba pwedeng maging ako? Hindi ba pwedeng maging tayo?"
Dapat nga bang hinayaan ko na lang na manlambot ang aking tuhod, na lamunin ako ng kaba, na tablan ako ng hiya at maduwag na lang upang hindi ko na lang nagawa na magtapat pa, na sabihing mahal kita, marahil kung hinayaan ko na lang balutin ng alikabok sa isang madilim na sulok ang lahat ng nararamdaman ko baka sakaling hindi tayo naging ganito. Hindi ba pwedeng ibalik ko sa dati ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng bumalik yung ikaw at ako? Hindi ba talaga magiging pwede? Hindi ba natin kayang gawing pwede? Mahal, kahit yung bumalik lang tayo sa dati, yung dating imposible, sana pwedeng mangyari.
0 notes
lassposts · 4 years
Text
"If hurting is loving then loving is hurting, please hurt me for a lifetime and love me only once."
Tumblr media
3 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
TRISTEZA
Nakatanggap ako ng magandang balita, nalungkot ako..
May dumating na regalo para sa akin, nalungkot ako..
Natahimik ang paligid, nalungkot ba ako?
Nagtaka ako..
Kung bakit nga ba ako malungkot, at palaging nakasimangot, kung bakit madilim ang paningin ko sa mga kulay, tila hindi masaya ang buhay, kung bakit makitid ang tingin ko sa paligid, kung bakit pakiramdam ko ako ay sinasakal ng oras, na parang naghahabol ng bukas, kung bakit ang panlasa ko ay mapakla, at ang mga kilos ko’y iba, ako ay nagtaka..
Ngayon alam ko na ang kasagutan..
Ang tunay na kaligayahan ay hindi nawawala, sadyang nangingibabaw lamang ang kalungkutan. Sa mga pagkakataong dalawampung porsyento lamang ang iyong kaligayahan at walumpung porsyento ang iyong kalungkutan, dahilan kung bakit ang iyong nararamdaman ay pawang kalungkutan..
Ipikit mo ang iyong mga mata, saka mo lakbayin ang kapayapaan hanapin ang kalayaan, manatiling nakapikit hangga’t hindi pa nararating ang liwanag, at kung handa ka na ibukas mo ang iyong mga mata at patuloy kang mabuhay..
Mahal kong kaibigan, huwag mong puksain ang kalungkutan ito’y isantabi mo lamang at ika'y patuloy na lumaban. Hanapin mo ang pagmumulan ng iyong kaligayahan na mamumutawi sa iyong katauhan, at magbibigay kalakasan upang kayanin mong harapin ang kinabukasan.
2 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
(FILI)PINA
Sa ngayon, mayroon nang dalawang daan at dalawang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Mula dito, labing pito na ang namatay at pito na ang paggaling na naitala.
Ang ating paligid ay patuloy na nagbabago, ang araw na noo'y maaliwalas at masiglang sasalubong sa tuwing pag gising ay unti unti nang naglalaho. Lubha na ngang mapanganib, tao ay pinagtatago.
Ikalabing-pito ng Marso, ganap na alas otso, saksi ang buwan at mga bituin nang ako ay namulat sa hindi ordinaryong eksenang malayo sa kinagisnan kong mga gabi. Payapa ang buong paligid, tanging ingay mula sa mga patrol ng kapulisan ang bumabasag sa katahimikan, malinis ang kalsada, at tanging mga taong nakapila ang iyong makikita, mula sa kadiliman ay sisilawin ka ng mga ilaw mula sa pulisya na isa-isang sinusuri ang aming pagkakakilanlan at kung saan ang patutunguhan. Sinubukan kong makipag usap sa mga taong aking nakikita, sila'y mababait at sa akin ay dumamay.
"Nakakatakot na, dapat na tayong manatili sa loob ng bahay, importante ang ating kalusugan." Tumingin sa akin ang ale na naghihintay ng magiging reaksyon ko at agad napansin ang aking uniporme at kanya na lamang nasambit, "Ngunit hindi ka maaaring lumiban, kailangan mong pumasok kinabukasan, dahil isa kayo sa mga inaasahan. Paano na iyan?" Ang mga salitang iyon ay patuloy na namutawi sa aking isipan. "Paano na nga ba? Paano magpapatuloy ang mga araw na puno na ng kaba?" Maya-maya ay isang babae pa ang sa akin ay lumapit at sinabing "Mukhang wala ka nang magagawa, mag ingat ka na lamang, sa iyo ay wala man lang bang maaaring sumundo nang makauwi ka ng ligtas?" Dalawang salita lang ang naisagot ko, "Wala po."
Sa paghihiwalay naming tatlo ng landas, patuloy akong naglakad, mag isa at doon ako ay nakapag isip isip, maraming aspeto nga talaga ang aking problema. Kung sa araw araw ay itataya ko ang kaligtasan ng aking kalusugan sa pagsabak sa paligid na binabalot ng pandemya, ang hirap sa pagbiyahe papasok at pauwi sa kadahilanang wala akong ibang aasahan kundi ang aking sarili.
"Saan ako hahanap ng taong sa akin ay susundo at maghahatid kung ilang taon ko nang hinaharap ang buhay ko ng MAG-ISA?" Mula pag gising hanggang pagtulog sinisikap kong iraos ang buhay ko ng MAG-ISA, ang perang aking kinikita ay ginagamit ko upang may magastos at patuloy na mabuhay kahit MAG-ISA.
Sa gitna ng tahimik at madilim na kapaligiran, ay rinig na rinig ko ang ingay sa aking isipan at kitang-kita ko ang mga luha na namumuo sa aking mga mata.
Tunay ngang ako ay mag isa, ngunit hindi ako magiging makasarili dahil alam kong hindi ako nag iisa.
Alam ko na marami sa paligid ko ay may dinadala ding ibat ibang mga problema.
Nakakalungkot mang isipin ngunit totoo.
Masakit tanggapin para sa mga tao,
Na ang sitwasyon sa buhay ay ganito.
1 note · View note
lassposts · 4 years
Text
MISTERIOSO
Mula sa magkaibang dimensyon, patungo sa isang direksyon tila pinagtagpo ng panahon.
Ako’y isang diwata, siya’y isang binata, sa malayong mundo kami ay nagkita.
Kamusta? Anong pangalan mo? Dito nagsimula ang ating kwento.
Tatlong daan, animnapu’t limang araw nagpatuloy ito. Nagsayawan, nagkantahan.. Nagtawanan nag-iyakan. Hiling ko ito’y walang hanggan.
Ngunit mukhang nagkamali ako, dahil dumating ang araw na kinakatakutan ko. Ito na ang wakas, siguradong wala na bukas, ikaw sa akin ay nagpaalam, lubos kong dinamdam.
Hanggang ika’y naghanda na sa pag-alis, pintig ng puso ko’y bumilis, ngunit anong magagawa ko? Kung tila nakatadhana ito?
Kung ganon bago ka tuluyang lumisan, ako’y iyong pakinggan,
"Paalam Kaibigan, Salamat sa ating pinagsamahan. Hanggang sa muli nating pagkikita, Palagi’y iisipin kita. Sana ako ay isama sa iyong patutunguhan, sa iyong paglalakbay sa mundo ng iyong imahinasyon, at doon tayo muling magkamustahan...
1 note · View note
lassposts · 4 years
Text
Ako’y nakabalik mula sa madilim na mundo.
Namulat sa isang panaginip, ito ba’y katotohanan o kabaligtaran?
Iba’t- ibang representasyon ng malikot na imahinasyon ang gumugulo sa isipan.
Iniwang nakalutang sa kawalan ninakawan ng kapayapaan, iniligtas ng liwanag mula sa kadiliman.
Isang bangungot na nais ko pang muling balikan kahit gisingin pa ako nitong luhaan.
Mundong gusto ko pang muling bisitahin kahit ako’y masugatan at masaktan.
Ayos lang.
4 notes · View notes
lassposts · 4 years
Text
Tears of Joy
"Pwede mong ipakita kung anuman ang iyong nararamdaman, pero kahit kailan ay hinding hindi mo pwedeng ipilit."
Hindi ko alam kung paano tayo nagsimula, hindi ko rin alam kung saan tayo magwawakas.. At kung kailan ang katapusan.
Ang buhay ko'y tahimik lang, gising, trabaho, bahay, tulog, gising, trabaho, bahay, tulog, paulit-ulit lang, nakakasawa na kung iisipin, pero nakasanayan na. Isang araw, dumating ka, walang nagbago, bawat araw na lumipas ay kagaya pa rin ng dati, hanggang sa isang araw, ang dating para sa akin ay ordinaryo, ay bigla mong binago. Yung dating itim at puti ay nilagyan mo ng kulay, binuhay ng kulay tulad ng bughaw at dilaw, bawat araw na lumipas ay naging iba, iba mula sa nakasanayan kong buhay na hindi ko hiningi ngunit iyong binigay.
Dumating ang araw na ikaw ay nawala, nagpaalam. Yung panibagong buhay na iyong ipinaranas ay bumalik sa dating buhay na nakasanayan. Kalungkutan, yan ang aking nararamdaman, na kung bakit kung kailan ako ay iyong iniwan ay saka ko lang nakita ang ganda ng mga kulay na sumilay sa aking buhay. Ilang beses kitang pinagtabuyan, ngunit ilang beses mo rin pinili na manatili at huwag akong iwan. Hindi ko kinaya na harapin ang bawat araw na walang luhang tutulo mula sa aking mga mata, tuwing naaalala ko ang mga araw na nagdaan na bahagi ka pa ng nakaraan.
"Sinabi kong ayoko sayo dahil sa pagiging inconsistent mo, humingi ka ng tawad at nangakong magbabago. Tanga ako, dahil hindi ko nakita na ang taong ito ang tanging naging consistent na manatili sa buhay ko, sa kabila ng mga away at pagtataboy, nanatili ka para iparamdam sa akin na mahalaga ako, na may taong nag aalala para sa kaligtasan ko, hindi mapakali kapag maysakit ako, at hindi kayang mawala ako."
Matapos ang lahat ng mga bagay na napagtanto ko, akala ko, ay iyon na ang simbolo na umiibig ako, na minamahal ko na ang taong ito, ngunit nagkamali ako. Anuman ang leksyon na natutunan ko buhat ng ikaw ay mawala, hindi pa rin pala sapat ang mga ito upang piliin kita. Sadyang malalim nga siguro para sa akin ang kahulugan ng pagmamahal, at marahil ay hindi pa rin sapat ang lahat upang ituring kitang mahal.
Lumipas ang ilang araw, ang dating lungkot ay napalitan ng poot, kung bakit ako nananatili sa ganitong sitwasyon, ramdam ko na tila ako ay naiipit sa desisyong hindi ko pinili ngunit iyong pinilit. Kung bakit ang mga desisyon ko ay tila konektado sa isang obligasyon na isipin ang iyong magiging reaksyon at kung masasaktan ko ang iyong emosyon. Pakiramdam ko ako ay nakulong at nawalan ng kalayaan na sundin kung ano ang gusto ko. Natakot ako sa masasakit na salita na maaari kong abutin mula sa panghuhusga ng mga taong hindi man ako kilala ay nakikita ang problemang iyong dinadala na ang dahilan ay AKO. Ako ang dahilan, ngunit hindi ko ito kagustuhan, ito  ang bunga ng iyong maling desisyon, na kailangan mong harapin ngunit bakit kailangan na ako ay nandito din? Bakit hindi ko magawa na mabuhay na sarili ko lang ang iisipin? Bakit hindi mo pa ako palayain?
Alam ko at alam mo na walang pagmamahal ang namamagitan sa atin, hindi ko rin maunawaan kung ano pa ang bagay na iyong pinanghahawakan para patuloy na kumapit, kung ano ang dahilan ng lubos na pagkagusto mo sa akin, kung tunay ba ang pagmamahal na nararamdaman mo para sa akin. Oo, marahil masamang tao na ang tingin ng mga tao sa akin, na hindi ko kayang makita ang mga bagay na ginagawa mo para sa akin, masama dahil nananatili akong bato na walang pakialam sa mga pinagdadaanan mong lungkot na dahil rin sa akin.
Sa puntong ito isa lang ang hiling ko, na matapos na ang lahat ng ito, para sa akin higit para sa iyo, upang maging malaya na tayo sa pagkakakulong sa malamig na rehas na ito, nawa ay matanggap mo na hanggang dito na lang ang lahat ng nagdaan dahil wala na rin naman itong patutunguhan, sana ay maging maayos ang kalagayan mo, makita mo ang iba pang mundo na para sa iyo kahit wala ako, na mabuhay ka ng may kulay mula sa mga taong tunay na nagmamahal sa iyo. Malayo na ang pagitan ng ikaw at ako, at makaka asa ka na kakayanin ko na maka usad mula sa araw na ito, na magpatuloy sa paglalakad tanggap ang katotohanan, na ito na ang wakas na nakalaan sa ating kwento.
"Sadyang hindi talaga lahat ng kwento ay may happy ending ngunit ang mga tauhan ay maaaring maging masaya pa rin, katulad mo at ako, hindi man naging maganda ang katapusan ng ating kwento, ang tuluyan nating matanggap ang ating katapusan ang magdadala sa atin ng kaligayahan, at ito ang ating happy ending."
(PS. I am Joy, and these are my tears, my unspoken thoughts now turned into written words.)
1 note · View note