Visit Blog

Explore Tumblr blogs with no restrictions, modern design and the best experience.

Fun Fact

There's almost an equal split between the sexes on Tumblr - 51% male, 49% female.

Trending Blogs
#pinoy tagalog

20 years. 20 years na sana lahat ng mga pangarap ko para sa ating dalawa. Nawala lahat nung tinalikuran mo ako. 20 years akong naging laro-laruan mo na parang tangang naghahabol pa rin sayo sa kabila ng sakit na binigay mo sa akin. Ngayon… Ako na tatalikod. Di na titinging, kahit isang daplis ng paningin. Masakit, pero hanggang dito nalang ako. Ako na bibitaw sayo. Salamat sa kahit konteng pagmamahal na binigay mo. Paalam.

0 notes · See All

Kailangan ko bang uminom ng gamot para mamanhid ang aking katawan at di maramdaman ang sakit? Palitan ang kemikal sa loob ng aking utak. Ako'y nangangamba na hindi na ako katulad ng dati, ngunit yun talaga ang punto ko.

1 notes · See All
image

Hindi nga kaya’t umaayon lamang ang bagyo, 

ang bigat at gaan ng kanyang pagdating, 

sa kung gaano katindi’t kalakas 

natin ito kailangang maging 

para hindi marinig ang mga hikbing 

nais nating ikubli? 


Kung tatanggapin ko ba

ang iyong paanyayang umindak sa ulan,

magkapareho kaya tayo ng himig na sasayawan

kung ngayon pa lang 

na di pa man din ito pumapatak

may isa sa atin 

ang hindi pa handang mabasa?


Maaari ba nating linlangin ang delubyong ito

at ituro sa direksyong patungo sa kung saan

maiiwasan nating masaktan 

ang isa’t isa?


O, umasa na lang tayo 

na sa paghupa ng baha

magawa nating magsimula

sa kung ano man ang matitira 

sa ating dalawa? 

16 notes · See All
image

Nang makita nila ang aking larawan na kuha noong ako'y grade 3 pa, agad nilang puna na ako raw ay mas maganda noong ako'y mas payat pa.  

Naalala ko lang na noong grade 3 pa ‘ko, sila rin y'ong mga nagsasabi na kailangan ko na raw magpapayat kung ayaw ko raw tumandang mag isa.  

Grade 3; Walong taong gulang; tumanda mag isa  

Timbang ang gamit nilang panukat sa aking tadhana; Timbang ang kanilang batayan kung sa akin ay may magmamahal.  

Gusto kong sagutin na kung anong ikinalaki ng aking katawan ay siya namang ikinaliit ng kanilang pangunawa. Sana kasing bigat ko rin ang timbang ng kanilang utak.   

1 notes · See All

Hii Po

Hello po ulit hehe Long time no see!

Itong update na po na ito ay dahil sa may nag tanong sa akin kung

kailan daw yung susunod na chapter bwhaha!

Sa totoo lang naiisip ko na yung ending and kung ano mangyayari, hindi ko lang alam kung magugustuhan niyo ba yung ending hindi pa po kase ako ganun kagaling mag sulat kase tagalog po hehe so still doing kapa pa po tayo. Mostly po kase ng sinusulat ko ay english spoken word lang po ako tagalog.

So if any request/questions from readers or kahit kanino man. I will try to answer all po. I wrote the story ng Kwento sa Tagpuan kase ito po ay kwento ng iba’t ibang taong nakilala ko ik sinabi ko na fiction pero some stories po ay galing sa ibang taong kilala ko ang i hope everyone can enjoy po hehe yun lang po next update po yung susunod na kabanata na ng kwento sa tagpuan.

0 notes · See All

Ikalawang Kabanata: Huli

Isusummarize ko na ang liham ko sayo dahil hindi mo nanaman deserve ng mahaba pang litanya dahil sino ka ba? Ikaw lang naman ang taong minahal ko. Ang mga liham na ito ay para lang mas maliwanagan ka sa mga pinag sasabi ko dahil baka di mo pa din maintindihan kahit nakasat na sa papel , at dahil kse nang gigilaiti ako sayo nung nag susulat ako. Nasaan na nga ba ako? ah oo so ang sinasabi ko lang ay bago ka mag bitaw ng mga salita mo pag isipan mo muna. Makapangyarihan ang mga letra at dahil nga makapangyarihan ito kailngan mong mag ingat sa bawat sulat at salita na bibitawan mo dahil simula’t sapul mong inilimbag mo iyan hindi na yan maaring mabura.

Minahal mo ba talaga ako o Parausan mo lang? sa totoo lang pwede ako mag sulat ng kung ano dito, mali ka sa pag kalaban sa isang manunulat. Sinabihan naman kita na hindi mo kailangan ma pressure ka pag sabi ng tatlong salitang sinabit ko sa iyo pero dahil nga makasarili ka sinambit mo ito agad at dail sinasambit mo yun araw-araw. Napaniwala mo ako na oo mahal mo ako mahal kita syet nakakakilig pero kung babalikan ko lang ang mga nangyari matatawa na lang ako. Aaminin ko hindi ako maganda alam ko yun di ako kagandahan pero alam mo ang hindi ko aatim? ay yung putang ina po na convo niyo ng insan ko.

Dahil sa isang mahabang convo na sinulat sa iyo ng pinsan ko dahil sa gigil niya sa iyo, dun ko nalaman na: hindi mo pala ako mahal. Nakakatawa pero ang sakit, bakit?! bakit mo bibikasin sa akin yang mga salita na iyan kung hindi ka naman sigurado?! Hindi ako laruan na lalaruin mo lang kapag wala kang makalaro, Hindi ako internet para kailangan mo lang kapag nawalan ka na ng koneksyon sa iba, hindi ako libangan na gagawin mo lang kapag nabuburyong ka! Mahal kita oo pero hindi dahilan yun para gawin mo ang lahat ng gusto mo at isiping maiintindihan ko kase mahal naman kita!

Pero Mahal minahal mo ba talaga ako? o hanggang ngayon sarado pa din ang isipan at puso mo sa liham na inabot ko sayo. Kilala kita,kinilala kita kase mahal kita, inintindi kita kase nga putang ina mahal kita.

Bakit? ha? Ano atraso ko sayo? sa pag kaka alam ko minahal lang kita ah. Alam ko marami akong mapait na nakaraan na kapag nag kukwento ako magagalit ka na para bang hindi na natin ito napag usapan dati pa. Mahal pasensya na kung yung pag babago ko hindi pa magiging sapat para sayo pasensya na kung nag kulang pa ako, sa pag intindi, pag iyak at pag mamahal ko sa iyo.

Pero Mahal kahit kelan ba inintindi mo ako? Kapag may masama ba akong araw makikinig ka at hindi magagalit? dinadamayan mo ba ako kapag nabubugbog ako ng aking ina at mag kukwento ako pero iibahin mo ang paksa ng usapan dahil ayaw mo ng drama!

Ayaw mo ng drama?! Pero dahil ayaw mo ibibigay ko sa iyo! Masakit para sa akin na wala akong matakbuhan na lahat ng tao sa paligid ko ay di ako maintindihan pero please wag ka maging isa sa kanila. Wag mo ako husgahan dahil lang sa pag kakamali ako nuon, kala ko ba ‘i accept you’?

pero bakit ganun? parang mas hinuhusgahan mo pa nga ako para ma deserve ko lang ang 80% ng pag mamahal mo dahil sa mga nakaraan ko. Gusto kong ikaw ang magiging karamay ko kapag kailangan ko ng kakampi pero puta hindi naging kaiisa ka pa sa mga taong hinuhusgahan ako at hinihiling na ibang tao na lang ako, na sana hindi ako ganto at ganyan.


You know what? Fuck you! dahil hindi lang ako nasaktan sa nalaman kong hindi mo ako mahal, pero mas nasaktan ako sa nalaman kong hindi mo ako kayang ipag laban at unawaiin. Hindi dahil mahal kita hindi mo na ako uunawaiin, hindi ko hinihiling na maging kasintahan kita ang hinihiling ko lang ay ang pag unawa at pag intindi mo sa akin dahil kailangan ko ng makakausap ng iintindi sa akin.

Alam kong nangako ako marami akong pinangako sayo na nakalimutan mo na ata dahil kailangan mo lang ako kapag wala kang napag kaka abalahan. Pero eto na ang huling pangako ko. Mag hihintay ako hanggang unang taon ng kolehiyo pero hindi na ako mag hihintay sayo ng mas matagal pa sa isang taon dahil putang ina ayoko nang masaktan pa tama ng napaka tanga ako sayo ng anim na beses na pikit mata kong kinukubli yung selos at inis pero tama na.


what’s done is done. Quits na tayo. Both Hands up to you sa magaling na pag ganap mo. mag Bow ka para ma appreciate ng mga mambabasa ang ginampanan mo sa buhay ko. Pasensya na pero eto ang tanging patunay na “wag mong kakalabanin ang isang manunulat”

Salamat sa pag basa hanggang sa muli aking Sinta. Sana ay maging masaya ka sa iyong buhay.

Nag mamahal, Iyong nasaktan

4 notes · See All

Kabanata Isa: Liham para sa Taong gago

Kamusta siguro naman ayos ka na, masaya ka nanaman siguro dahil sa wakas tapos na. Eto ay isa sa mga liham ko sa iyo hindi ko alam kung bakit gusto ko siya isulat ng tagalog pero mas nagustuhan ko ang ganitong porma ng sulat. Dahil alam ko kapag Ingles makakantsyawan ko nanaman ang sulat na ito,hanggang dito ba naman magiging kampon ka pa din ni Hitler? Tama nang sa Chat na lang iyon. Alam ko na nabasa mo na ang Apat na Kabanata ng liham ko sa iyo pero ang totoong kabanata ay ito. Masyadong mahaba kase ito para maisulat kamay na mangngawit pa ang aking mga daliri para lang isulat toh. Pero sino ka naman ba para pag tyagaan kong sulatan? Ah oo naalala ko na ikaw yung taong minahal ko pero ang balik lang ay puro paasang mga salita. Pasensya na hindi ako ampalaya sa pag sulat neto pero nasasaktan ako habang sinusulat ko ito,dahil alm ko sa pag susulat ko neto ay isang dahilan lamang para mag paalam.

Oo nangako ako nag di ako mag papaalam dahil ayaw mo ng ganun pero hanggang dito ba ikaw pa rin masusunod? . Nangako din ako na hihintayin kita hanggang pangalawang taon na natin sa kolehiyo pero naman kilala na nga kita. Makakatagpo ka ng babaeng gusto mo at ano? gagawin mo akong parausan ganun? Tang ina mo!

Hahaha! natatawa ako pag namumura na kita dahil nga kase masakit yung nararamdaman ko Finally mamumura kita ng unlimited. Asking me maging mag kaibigan na lang ulit tayo after all that is a shitty thing to do. Hindi ko hinihiling yun, Pero as usual may napatunayan ako na hindi mo kayang ipag laban ang isang tao/kaibigan mo. Tama yan sinasabi ko ngayon sayo na hindi mo kayang ipag laban ang taong nag mamahal sayo kase alam mo selfish ka. Yun lang yun.

Lagi mong iniisip kung ano ang papabor sayo. Sinabi ko sayo na ayoko ng ganito pero hindi ipipilit mo pa din ang gusto mo. Sa isang relasyon o kung putang ina wala nga pala tayo nun kase nga tarantado ka! Hindi ka lang ‘kung ayaw mo piss off’ at mag papa guilty ka pa na ‘kung mahal mo talaga ako gagawin mo’ oo minahal ka nung tao pero it’s not a good reason para gamitin mo yun to rule over their lives.

——-> continuation sa Ikalawang Kabanata

3 notes · See All

Been carrying this for the past two weeks.

Ang hirap pala. Yung wala ka namang ibang intensyon kundi tumulong lang. Pero at the end, ikaw pa yung naging masama.

Mali ba? Mali ba na aminin ko ang totoo kasi may nasasaktan na? Mali ba na pinili ko na magsalita na dahil may naaapektuhan na? Masama ba ko?

Ngayon, ako ang may mali. Ako yung may ibang pagkakaintindi. Pero kelangan ba pati ang pagrespeto ay makalimutan? Ni minsan naman hindi ko sila itinuring na iba. Pinahalagahan ko sila na parang mga sarili ko ng mga kapatid. Pero bakit ganoon? Sumobra ba yung pagpapahalaga ko? Naging sobra ba ako na inisip ko rin at naging kampante ako na kapatid din ang turing nila sa akin?

Nakakalungkot. Ang bigat sa pakiramdam. Gusto ko silang tulungan. Pero siguro hanggang doon na lang. Nakakapagod na din pala. Nakakapgod isipin na sa huli, ako lang pala ang nagpapahalaga at sa kanila, ako ay balewala lang pala.

0 notes · See All

“if you’re in a relationshit este relationship and pagiging manhid nalang ang naffeel mo at hindi na love, what will you do? manhid dahil lagi nalang ung partner ang inuunawa pero ikaw, bahala ka sa buhay mo ang ginagawa sayo.. knowing you also have this mentality na di ka sumusuko”

Kasi kung usapang MANHID ito, i think it’s your fault already and not your partner’s. Kasi kapag sinabi mong manhid ka na, ibig sabihin wala ka nang nararamdaman kahit nakikita mo mismong ginagago ka na, niloloko ka na, etc. Ngayon kung ikaw nalang palaging umuunawa, at wala kang natatanggap na pag-unawa sa partner mo, WHY THE FUCK STAY IN THAT KIND OF RELATIONSHIP? A relationship should be sensitive to each other kasi. Kailangan natin ng support system sa isang relasyon.

Check yourself baka natatakot kang mag isa kaya hindi mo magawang iwan? Baka nanghihinayang ka lang sa pinagsamahan? Baka naghihintay ka na naman na yung gago na jowa is maging matino? So check yourself on whay are you still staying in the kind of relationship. Pagmamahal pa ba yun or nagiging psychiatrist ka na lang niya?

“knowing you also have this mentality na di ka sumusuko” - Ito kasing mentality na ganito, minsan ito ang papatay sa mga tao paunti-unti. Akala nila weakness ang pagsuko sa isang tao na hindi naman talaga.

There’s a difference between giving your best and doing what you can do.

Kung binigay mo 100% ng pagmamahal mo. Go walang problema.

Pero kung ginagawa mo lang kung ANONG ESSENTIAL PARA SA RELATIONSHIP, that what you called DOING WHAT YOU CAN DO. Kapag doing your best kasi kahit mali gagawin mo mag stay lang yung tao eh. Pero kapag doing what you can do lang is kung ano lang ang essential.

Hindi ka naman puno na kung saan ka nilagaya eh doon ka na forever. We have a choice. Palagi tayong may choice sa buhay natin in front of our faces. Natatakot lang tayong piliin ang choice na yun kasi baka sumalungat yung choice na yun sa expectations natin.

9 notes · See All
Next Page