Tumgik
#makalaya
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
25 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Ikaw ang guniguni sa panahon ng tag-init
Ang mga sinag na tagus-tagusan sa bintana tuwing umaga'y parang mga banayad mong paghaplos sa tuwing ako'y ginigising.
Ang unang dampi ng araw sa aking pisngi'y kaparis ng panatag na halik mula sa mahabagin mong mga labi. Sa tuwing lulusot ang maninipis na silahis ng araw sa singit-singit ng mga dahon, mga babahagya mong pagsilip sa akin ang gunita.
Sa tuwing babahain ng liwanag ang sala tuwing alas tres ng hapon, dinidilidili ang pagkalunod ko sa nag-uumapaw mong pagsuyo. Sa paglubog ng araw, ay nakikita kitang masayang namamaalam sa himapapawid. Ngunit hindi gaya ng araw, sa umaga'y hindi ka na magbabalik.
9 notes · View notes
thesleepingnini · 1 year
Text
Ang motto this year ay "Finished not perfect"
Di naman ako pupunta sa film industry sa future so baket ko ba need gandahan tong mga output ko. di ko kelangan mainsecure sa mga kaklase kong todo ang prod dahil ipapasa naman nila sa mga film fest yung kanila, ako gusto ko lang makagradweyt 😃👍
sure it's nice to create something i can be proud of pero at the expense of my mental health?? pls ive had enough of self-pity and self-doubt since I entered UP which caused me to delay more things in life. Ayoko na, I know my priorities now !
0 notes
souledead · 2 months
Text
I've been trying to practice na taasan yung frequency at iset yung boundaries ko ever since na mapagdesisyunan ko lumayo sa mga taong di na align sa values ko. Pero ito n naman, may tendency na naman na mapalapit sa mga ganong klase ng tao. Nako-caught off guard ako. Hindi ko alam kung challenge lang ba 'to para masubukan ng universe kung kaya ko nang tumanggi o ilayo yung sarili sa mga ganon, or low pa rin talaga yung frequency ko to prevent those kinds of shits. Or baka ganon sila ka-kumportable mag-open ng mga ganong bagay. Idk. Pero decided na ko talaga na ayokong ilagay ng matagal sa ganong klase ng environment at tinataga ko talaga sa bato na gagawin ko lahat makalayas lang sa ganito.
Pero one thing lang din na napansin ko sa sarili ko na alam ko na pano controllin ang sarili ko sa mga harmful things na nagagawa ko noon na nagre-result sa pagka-wala or pagkakaron ng impression na pwede akong bastusin ng kahit na sino. Maybe one step at a time talaga.
Also, medyo umaatake na naman yung boredom ko dahil at peace na ko sa lahat ng bagay ngayon. Totoo nga yung sinasabi na may times na hahanapin mo yung thrill and all the stuff pero dahil feel ko naman nagbu-bunga na mga self help books na nababasa at videos na napapanood ko noon sa youtube, kahit papano napa-practice ko na gumawa ng matalinong desisyon. Di na ko basta naggi-give in sa emotions ko. Kung maririnig lang siguro ng iba mga napagdaanan ko, baka for them masasabi nilang mababaw lang 'to. Pero knowing me, lahat ng nararamdaman ko palaging intense eh (intense magalit, magmahal, matuwa, malungkot etc.) so for me, big deal talaga na medyo kapa ko na pano ima-manage yung sarili ko.
3 notes · View notes
ilaw-at-panitik · 4 months
Text
3. Lahat tayo'y maaagnas, ang tanong ay kailan, Pagtatala ko sa mga unang araw ng kuwarentina. Tila pagtatakda ko na rin ito sa sariling mortalidad. Biro ko nga, handa akong mamatay, hindi lang ako Handang gumastos. Kaya sinimulan kong sumunod Sa mga palabas sa internet na magpapalakas ng katawan, Mga ehersisyong magpapabaskog sa baga. Humigop Ng salabat imbes na kape. May hiniwang limon Sa pitsel ng tubig. Nagkulong sapagkat ito ang kailangan Kahit sa loob ang kumukulong pagnanasang makalaya. Hinayaan ko nang maubos ang baterya ng orasan sa dingding. Hindi na rin pinilas ang mga dahon ng kalendaryo. Madalas, natatanaw ko ang pagpapalit-liwanag Ng langit sa pagdaan ng mga mayang-pula: hila-hila Ang awit ng lunggati ng lungsod na makalayo. Minsan, Nagsusuot ako ng sapatos kahit alam kong wala akong Pupuntahan. Magtatakbo sa loob ng bahay para sa ilusyon Ng paggalaw. Nililito ang nakangangang pinto't Dilat na dilat na bintana. Balisa nang humihinga ang mga kalsada. Katulad din natin sila na hinahanap ang malutong Na pagtapak ng mga takong, ang biglang-kapit Na bakas ng mga gulong matapos ang pagpreno. Napapabalikwas sa tuwing may humahagibis na sasakyan. May isinisilang na ginaw sa tuwing pinapaalalahanan Na bawal, bawal ang maghawak-kamay. Araw-araw May nadadagdagan sa mga tantos sa pisara ng kamatayan. Tumatalas ang ating ilong sa bawat sumusundot na usok, Tinitiyak na hindi ito mula sa natutupok na katawan. Ang lamig na nasa dibdib ay unti-unti nang nagiging Kumpol ng yelo at wala kahit na anong init ng mga palad Ang makatutunaw dito. Buhay pa kami pero Para na rin kaming nakalibing.
Enrique Villasis, mula sa "Crucifixion (Unfinished)" sa Manansala (University of Santo Tomas Publishing House, 2023)
5 notes · View notes
criesofligaya · 4 months
Text
[3] “Gusto mo ba ako?” pabirong tanong niya na tila nabingi ako sa kaba.
Matagal na. Hindi ko lubusang maalala kung kailan ba nagsimula na umusbong sa puso ang damdaming ito. Sinubukan kong kontrolin at kalimutan ngunit sa bawat pagkakataong gagawin ko ito, lumalalim lang ang pagtingin ko. Para bang, isa akong ibon na aksidenteng nakulong sa hawla at hindi na makalaya pa.
Sabagay, sino namang hindi mahuhulog sayo?
Ang maamo mong mukha na nagpapakalma sa magulo kong isipan. Ang matatamis mong ngiti kasabay ng mala-kanta mong pagtawa ay tila nagbibigay kulay sa malungkot kong buhay. Ngunit, bakit sa lahat ng taong maaari kong mapusuan, ay ikaw pa?
“Tigilan mo nga ako, mag-kaibigan tayo ‘di ba?” sagot ko sa kanya na para bang hindi bumilis ang takbo ng puso ko. “Akin na nga ‘yan, ako na ang magbabalat. Ang bagal mo, baka bukas ka pa makakain.” dagdag ko, sabay kuha ng hipon mula sa kanyang plato.
LIGAYA // Blessed-Ink. (2023)
3 notes · View notes
apothecaryyy · 1 year
Text
Hi! Hmm, pano ko ba sisimulan?
Masaya ako.
Masaya akong masaya ako. Hahahaha while i was typing para sa caption nung pic ko sa twitter, i didn't know. I mean hindi ko pinag isipan, basta ko nalang naitype ganon.
Grabe no? Kaya ko naman palang mahalin sarili ko.
That was the caption. Pagkabasa ko nun naiyak ako. Hahahahaha like tangina ngayon ko narealize na oo nga, kaya ko naman pala talagang mahalin sarili ko. Na aside sa pagmamahal na binibigay sakin ng family at friends ko, kaya ko naman palang ibigay din yung pagmamahal na yun sa sarili ko.
Masyado ko atang nainvalidate yung sarili ko, yung feelings na meron ako. I kept denying na hindi ako nasasaktan, hindi ako nalulungkot, na okay lang ako. Well in fact, I AM NOT OKAY. Deep inside i was devastated. I am in pain. Alcohol dito, labas dito. That was my coping mechanism para hindi makaramdam ng kung ano. Weekly may alak sa katawan hanggang sa last december pinaranas sakin yung pinaka malalang pananakit ng sikmura ko. I literally gave up. Kahit konti lang nung pasko, wala mare, diko keri. Hahahahaha
Hindi naman talaga masarap ang alak. It taste bitter, hindi healthy sa liver. Saka lang naman nagiging masarap ang alak pag gusto mong makalimot saglit, pag gusto mong kahit papano makalaya sa problema, lungkot na tinatakasan mo.
But one day, it hits me. Hindi naman talaga natatakasan ang problema, ang lungkot, hindi rin naman talaga tayo nakakalimot. Natututo lang tayong mag cope up sa mga yon, sa pakiramdam na yon. Natututo lang tayong mabuhay habang dala dala yung pakiramdam na yon.
Lumalabas labas parin naman ako ngayon lalo na pag inaaya, umiinom din minsan pag inaaya. Ang sarap din sa feeling na pag inaya akong maglakad lakad or lumabas, nalelessen yung laman ng utak ko, narerelax sya ganon.
Ngayon? Hindi ako lumalabas pero nag eenjoy ako. Nag eenjoy akong nasa apartment lang at nanonood ng anime, ng kung ano ano. Namiss ko to. Namiss ko yung gantong takbo ng buhay ko, I mean routine every day off kaso ang sakit din sa likod kasi 2 days off na nga ako hmpp
Sa lahat ng realizations ko sa buhay, ito yung tears of joy ako. Masaya ako kasi unti unti, yung sparkle na tinatawag nila, bumabalik na sakin. Nararamdaman kong sumasaya na ulit ako. Nararamdaman kong may fire na ulit para gawin yung mga gusto ko. Nararamdaman kong namomotivate ulit ako. Nararamdaman kong sa pagkakataong 'to, hindi mali na piliin mo ang sarili mo.
The sparkle is slowly coming back and i'm happy with that.
9 notes · View notes
tokwattoge · 11 months
Text
Ang sakit. Yung Tala loan ko from 13k, 17813 na. So sad pambayad na sana ng motor yung tinubo nila sakin. Hay. Gusto ko na matapos. Gusto ko na makalaya.
3 notes · View notes
hardmoputangina · 1 year
Text
Hirap pala kapag wala sa Manila. Putangina di ka makalayas, haha gusto mo lumayas kaso nasa probinsya ka. Like bru, wala kang pupuntahan kasi gabi na. Bukod sa walang masasakyan, madilim pa kahit 9pm palang. Konti pa tao
2 notes · View notes
lihimlihamtinta · 5 months
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
48 notes · View notes
Text
Maria Clara at Ibarra: Isang Obra
You’ve done it again, GMA. KUDOS. Lemme just say this. I am one full-blooded Kapamilya. But when I was younger, I remember watching and being obsessed with Mulawin, Majika, and especially the original 2006 Encantadia. Feeling ko forte talaga ng GMA ang “Telefantasya” genre. And now, another timely gem has been created. Isang napakagandang proyekto, GMA. Ngayon na lamang muli napakapanood ng serye na likha ninyo, and I’m really glad I did. 🫶🏻
Why I LOVE this teleserye??! Ang paksa ng drama ay napapanahon at edukasyonal para sa ating lahat. Liban sa kilig at mga nakakatuwang hirit, parang isang pagbabalik-tanaw at pagpapaalala sa mga nakalipas na panahon. Also, casting was SPOT ON!!! Barbie was perfect for the role, Klay (sobrang kaaliw! #feminism #notooppression besh). The perfect representation of what a Pinoy youth should be now. Crisostomo Ibarra giving me extra oppa vibez. Sa pagkakatanda ko super crush ko na before si Dennis Trillo sa Majika pero omg, tinatangi ko po kayo ginoo (ipagpatawad mo, Ate Jen hihi). The super talented Julie Ann as Maria Clara was surprising for me. ‘Twas actually unbeknownst to me that she can act like this. I’m amazed! I know she sings, she dances, and she can act too? (sige ipinapaubaya ko na talaga si Rayver ahahaha). Sa totoo lang, nahihirapan na ko pag nakikita ko silang umiiyak ni Barbie. I’m like, unli luha lang mga amiga? 🙌🏼 Also, I am now understanding why David Licauco has everyone in his clutches. (yung kaibigan ko, pipilahan ka talaga eh. see you soon kapag makakapaglamierda kami jan sa maynila hahaha). Fidel, isa kang tunay at tapat na amigo. Talk about character development, right? 🥲
Padre Salvi, Padre Damaso, pinakulo niyo po ang aking dugo, pinabilis ninyo ang tibok ng aking puso sa inis at galit. It’s my first time seeing Juancho Triviño as an actor. I know I knew him from somewhere, so ayun hubby nga pala siya ni Joyce Pring. He fits the role of PS to a tee! The amount of hate and disgust for the character just showed his effective acting. Of course, you would expect greatness with the likes of Mr. Tirso Cruz III, but I must say these younger actors leveled up too.
Andrea Torres as Sisa?! Speechless. 👏🏻 Dasurv ng award at recognition sa binigay niya dito. And, it is always a delight to see Rocco Nacino. The perfect Elias. Mahilig talaga ako sa chinito maputi ganyan pero for some reason, I crush you po.🫶🏻 (pasintabi rin kay mareng Mel wew?).
All in all, sobrang naaliw at napasaya ako ng kwentong ito. Sana ay makalikha pa po kayo ng mga proyektong katulad nito. Dinggin niyo kami! ✊🏼😉 Viva Las Filipinas!! 🇵🇭 Sana nga ay tuluyan na tayong makalaya. 🙏🏼
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
6 notes · View notes
nice2meetyouu · 1 year
Text
Dear anon na nag-message,
Thank you! Sana makalaya na tayo sa cage na ginawa ng iba para sa atin, at sa cage na pinaglagyan natin sa sarili natin.
Tama ka. Mahirap maging shortsighted. Worst, kahit nakaalis man ako, baka bumalik pa ako. RIP my pride.
Nakakapagod pero pagsikat ng araw, may lakas na ulit. This time ayoko na talagang magsalita rito. Magiging puppet na lang ako until may kakayahan na akong umalis at tumayo sa sariling mga paa.
I'm proud of myself kahit konti. Hindi na ako alipin ng thoughts. 'Yung dating ako, mag-s-spiral into self-loathing and gusto nang mamatay thoughts. Pero ngayon hindi ako umiyak kahit andaming drama (i.e. nagkakasisihan kasi may nawawalang pera, e kami kami lang naman ang nandito, pero wala naman talaga akong kinalaman doon).
Lumalakas na ako emotionally. Sana sa financial aspect din. Haha.
P.S. Gusto ko ring mag-backpack somewhere, 'yung hindi ko kailangang intindihin 'yung pag-uwi or anuman. Pure enjoyment at pag-disconnect sa work at personal drama.
Thank you ulit.
5 notes · View notes
huminahon · 11 months
Text
Nandito na si Mama kasi makikiramay at makikipaglibing sya kay Tatay P. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Sya naman kasi kumukunsinti sa mga kapatid ko tas sakin magdadrama tapos iiwan nanaman kami. Konting tiis pa. Kailangan ko lang din maging matigas para di ako palagi nauubos para makalayas na dito. E ano ngayon kung maging masamang kapatid ako. Hindi naman ako ang kailangan ng mga to e, kundi yung ambag ko.
6 notes · View notes
souledead · 9 months
Text
makalayas lang ako, hinding hindi na ako babalik dito
5 notes · View notes
annexca · 2 years
Text
#94
Hinigit papasok sa isang pinto
Kakaibang interyor, kabuua'y misteryo
Isang hakbang, dalawa, hanggang sa walo
Unti unti, bakit ika'y lumalayo?
Panaho'y lumipas, alaala'y nabuo
Patak ng kahapon, silid ay napuno
Bawat sulok ay nilangoy ngunit bakas mo'y 'di makita
Anong krimen ang nagawa at sa pinto mo'y 'di makalaya?
- PINTO
Tumblr media
5 notes · View notes
Text
LMAO SABI NI PAPA
MAG ARAL DAW AQ NG MABUTI TAS MAG ABROAD AQ PARA MAKALAYAS AKO NG PILIPINAS /GEN /POS
2 notes · View notes