Tumgik
#diwatangbae
alicenowonderland · 1 year
Text
Tumblr media
I have always been the person who has plans for her life. It is like everything is in bullet form. I know what I want and I know what path I will take. I know what are the things that I want and the things that I do not want. I live in the present. I enjoy my life not thinking about the future or the past.
That is what I thought until reality and tough times came. My mind is constantly thinking about the future. What will the future be if I continue being me. I need to face the reality that I have to face sacrifices now for the responsibility that I have for the rest of my life.
I do me. That is what I always do not until change came. I became a mother without being prepared. It was not on my plans. I thought I will be fine for I know I am tough enough to face life challenges.
But these past few months, reality hits me. I am no longer the same person. I have to change because I have big responsibilities now. I have to sacrifice for the welfare of my daughter. I need to consider her on every decision that I will make. I never thought that it will be this hard navigating through motherhood. I knew what to do, but it is hard for me to do the things that I need to do because I am the person who only thinks of her own happiness. Now, I have to change.
These past few months everything is heavy for me. Even breathing becomes heavy for me. That is why I want to sleep all day to shut my mind from thinking the uncertain future and from comparing myself to the people around me around my age being successful to the life they wanted. There are days that even my own mind is telling me that I cannot, I am worthless and I am nothing. It is like it is a sin to breathe the same air that successful people breathe. It feels like every day is getting heavier and heavier until I get paralyzed from what my mind is telling me.
I took a short break from everything. I breathe. I breathe even if it is hard. I breathe even if it is a sin to live my life. I breathe because I have to be alive for my daughter. That hit me. I need to be alive. I need to survive because she got only one parent and only me. I need to face and acknowledge to myself that I am being hard to myself. I need to accept that this is ny reality, that it is not easy but everything will be fine as long as I focus on Tala.
Things might have change but I am still the same tough me. I’ll breathe again and again and again even if it hurts. I’ll breathe again and again because this breathe is God’s breathe, resilient than any challenges.
0 notes
alicenowonderland · 1 year
Text
Tumblr media
Ang masasabi ko lang sa gospel ni Father ay…
God is Love ❤️
I came from God, He who is love. Therefore I am made from love. I am made to love and made to be loved.
With that, I should start it with myself. I should love myself even if I feel that I do not deserve it. I pray, that God will continue to bless me so I can give love to myself and to others especially those who are hard to love so they can feel God’s presence.
0 notes
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
2 notes · View notes
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
1 note · View note
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
1 note · View note
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
1 note · View note
alicenowonderland · 5 years
Text
28 Letters Challenge: Day 12
Dear Brain,
Wake up! It's time to face the reality. It's time to move on. I know you are tired but you need to. We need to. It is not your fault, neither do mine, if we fell and deceived by the lips that never lied. We both knew this won't last, in the first place. But we keep on believing that love conquers all. We keep hoping. We keep dreaming that someday it will work. I still believe even if I was broken by too many times by too many people. I know you are tired. Sorry for asking you unanswerable questions. Sorry for making you over think by my constant questioning. I know you are tired. And I thank you for protecting me. I should have listened to you. You have done a great job. And now that I am in trouble, you are the one I am running to. We can get through this, again. Someday, again.
Tumblr media
1 note · View note
alicenowonderland · 5 years
Text
28 Letters Challenge: Day 6
Day 6
She's Dating The Youngster: Dejà Vu
I could still remember that night, your piercings, your tattoo, are all in their right places. I could still remember the texture of your soft hands when you shake it with me while you are holding a bottle of beer and clipping a stick of cigar on your other hand. I could still remember that cold night when you sit beside me in front of the fire. We had an understanding. You asked me out and the rest was history.
It was five years ago and I did not know what happened. We meet again, you are different. More decent. More clean. I smile, you smile.
"Hey, can I ask you out? Again?"
I nod.
Tumblr media
1 note · View note
alicenowonderland · 6 years
Text
Ang Babae Sa Katipunan 2
         Isang araw lang ang naka-lipas at heto nanaman. Nakita ko nanaman ang babae sa Katipunan Station. Parang zombie pa rin siya. Napansin ko rin na lumaki ang eyebags niya. Medyo maulan at parang may sarili siyang dark clouds sa ibabaw ng ulo.
Naka-grey plain shirt siya na medyo mahaba sa kaniya kaya itinuck-in niya ang unahan sa pantalon na maong. Ayun pa rin ang suot niyang pantalon at sapatos. Naka-lugay naman ang long bleached hair niya na hanggang beywang at napansin ko na medyo may kakapalan. Suot pa rin niya ang brown Herschel bag niya na akala mo ay magtra-travel. Mukha namang hindi marami ang dala niya. Marahil ay ilang notebooks lang. O kaya cattleya filler at isang ballpen. Ang laki kasi nung bag niya at parang walang laman. Naka-umbok pa rin ang coin purse niyang itim sa kanang bulsa at sa kaliwa ay ang Samsung phone niya na medyo old model. Hindi ko alam kung ano'ng unit e. Nasa platform 4 siya at ako naman ay nasa 6. Pasimple akong lumipat ng platform 4 at tumabi sa kaniya. Muntik pa akong maunahan nung lalaki na naka-green polo shirt at may dalang paper bag ng H&M.
Medyo inilalapit ko ang tainga ko sa kaniya, nag-babakasakaling mapakinggan ko kung ano ang pinapakinggan niya. Pero hindi, wala akong ibang mapakinggan kung hindi ang pag-pito ng guard at ang tunog ng tren na paparating. Pinatay ko na nga ang music sa phone ko, mapakinggan lang ang sa kaniya.
Wala nanamang maupuan. Hindi naman punuan pero lahat ng upuan ay bakante na. Muli siyang yumapos sa pole at ako naman ay humawak sa pole sa may ulunan niya. Pero ngayon, naka-talikod ako sa kaniya. Naka-harap kasi siya sa kaliwang bahagi.
Inilabas niya ang cellphone at napansin ko na nag-punta siya sa Go SMS Pro app na naka-lagay lang sa shortcut ng phone niya. Pa-simple kong tinitingnan kung ano ang ginagawa niya. Mukha namang hindi niya pansin. Dahil hirap ako kapag naka-talikod at medyo hindi ko makita dahil nasasanggahan ng buhok niya; humarap ako kung saan siya naka-harap. Nabasa ko ang pangalang Baks tapos may blue heart.
Baks 💙 Baks!!! Pauwi na ako galing school. Asan ka na? Puntahan mo ba ako bukas? Friday na oh! May usapan tayo. 😊
Boyfriend niya ba 'yun? Endearment nila? Hindi ko alam pero parang bigla akong nainis. Wala na sana akong balak pang basahin ang sunod niyang text message pero parang may sariling utak ang mata ko at tumitingin pa rin sa cellphone niya.
Naalis lang ang tingin ko nang tumunghay siya pag-dating sa Anonas Station. Naka-tingin sila sa malayo sa kanang parte niya at tila may tinatanaw. Pag-andar ng tren, napansin ko na napako na ang tingin niya sa labas at muli, nang madaanan naman ang eskwelahan na kaniyang tinititigan ay sinundan niya ito ng tingin nang malampasan namin. Tumingin ulit siya sa paligid na parang may hinahanap. Ibinaling niya muli ang mata sa cellphone at nag-text kay Baks.
Baks 💙 Baks! Nami-miss ko na si Bakla! 😭 Napadaan nanaman ako sa school niya. Tiningnan ko nanaman siya sa mga sumakay galing Anonas pero wala. 😭😭 Baks! Help! Call a friend! Ang shakeeet! 😭😭😭
Kung ano ang ikina-seryoso ng itsura niya ay ganun naman ang ikina-kwela ng text message niya. Malinaw na hindi niya boyfriend si Baks dahil sa mensahe niya rito. Baka best friend niya? At sino naman si Bakla? Nagka-gusto siya sa Bakla? O baka nalaman niya bigla na bakla?
This is getting more interesting than I thought.
2 notes · View notes
alicenowonderland · 6 years
Text
Ang Babae Sa Katipunan 3
         Saktong alas-kwatro ay nasa Katipunan Station na ako. Nasa platform 4 ako at tinitingnan ang paligid. As usual, naka-uniform ako at naka-ID tapos naka-sakbit ang itim na Jansport Bag sa kanang balikat. Naka-earphones ako at this time random songs lang, kung ano ang uso. Play with Me by Kehlani.
Tinitingnan ko ang paligid dahil baka naandito na siya hindi ko lang napansin. Napa-tingin ako sa may hagdan at nakita na kadarating lang niya. This time may kasama siyang bakla. Siya yata si Baks? Naalala ko kasi ang text message niya rito kahapon. Naka-itim na long sleeves, black maong pants na naka-tupi ang laylayan at handbag na itim na Chanel si Baks. Medyo chubby din at naka-braces. Maputi at mga nasa 5'4 ang height.
Si zombie naman ay muntik ko nang hindi makilala dahil hindi na siya zombie. Naka-ngiti na siya at masayang ka-kwentuhan si Baks. Naka-ponytail nanaman ang buhok niya at naka semi-round glass siya pero clear. Medyo magulo rin ang buhok niya na halatang hindi sinuklay nang i-ponytail. Naka-white shirt siya na may Blue Daisies na pattern. Parang ganun din sa sunflower shirt na suot niya nung Wednesday, Daisies lang ngayon. Naka-black skinny slacks siya at suot pa rin ang sapato na converse. Naka-maliit na itim na backpack siya na kasya na siguro ang isang ballpen at mga limang xerox copy na itutupi sa gitna. May dala rin siyang libro at isang naka-hardbound na kulay maroon ang unahan.
Nakita kong tumuro siya kay Baks sa gawi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at pinatay ang music. Tatlo kami ngayon sa unahan ng platform 4 at katabi ko siya pero tuloy pa rin ang daldal niya kay Baks. Nabasa ko ang Social Work Review 2018 sa unahan ng libro at ang University of the Philippines sa ibaba nito. Mayroon pang College of Social Work and Community Development sa ibaba ng pangalan ng school. Ahh, so nag-rereview na siya for Board Exam? Kaya siguro mukhang palagi siyang nasakluban ng langit at lupa.
"Naka-ayos mo na 'yung requirements mo sa PRC?" tanong ni Baks sa kaniya.
"Oo. Nung Tuesday ko lang naayos. Mabuti nga at okay na, kung hindi talaga baka hindi pa ako makapag-exam." sagot niya.
Cute din naman pala ang boses niya at medyo may pagka-bakla siya sa pananalita. Parang sobrang hyper niya ngayon, ibang iba sa araw-araw kong nakikita.
Napansin ko na napa-tingin si Baks sa akin at kinukulbit si zombie habang naka-tingin sa akin.
"Baks! Baks!" sabi ni Baks kay Zombie habang kinukulbit ito.
"Ano? Nagkwe-kwento pa ako ng review e!" pagmamaktol nito.
Ngumuso si Baks sa akin at panay pa rin ang kulbit kay Zombie.
"Kaya pala gusto mo rito ha. May pogi pala." sabi ni Baks.
Napa-tingin si Zombie sa akin. Is it just me or naka-contact lens lang siya? Itim na itim ang mga mata niya. Ang cute niya kasi mukha siyang manika. Marami siyang pimples out of stress na rin siguro pero hindi siya 'yung kadiri tingnan. Halatang masig siyang estudyante.
"Ang ingay mo!" sita niya sa kiibigan.
Pumito ang guard at dumating ang tren. Pina-una ko silang sumakay at sumunod ako. May bakanteng upuan kaya nag-unahan pa silang dalawa at syempre pa ay nauna si Zombie. Ipina-hawak ni Baks ang handbag niya kay Zombie total ay naka-upo naman siya. Napansin ko na may pangalan siya sa reviewer nang ilahad niya ito. Kanina kasi natatakpan ang buong reviewer pero ngayon kitang-kita ko na. Medyo naka-tagilid lang kaya iniisip ko pa kung ano ang pangalan niya.
Andal, Marianne Cecilia Therese B. BS Social Work
Marianne Cecilia Therese. Ang haba naman ng pangalan niya. Ano kaya ang nickname niya? Marianne? Kalimitan kasi kung ano ang unang pangalan, iyon ang itinatawag. Saan ba naman kasi nakuha ng magulang niya ang ganoon kahabang pangalan?
Tumingin ako sa kaniya at tumatawa sila ni Baks na katabi ko at parehas kaming naka-hawak sa pole. Ngumuso si Marianne sa akin at tumingin kay Baks. Teka? Inaasar ba niya ako kay Baks? Or si Baks sa akin? Medyo nainis ako kaya hindi ko pinansin ang pag-tawa nila. Napa-taas naman ang leeg niya nang mapakinggan na malapit na sa Anonas Station. Katulad ng mga nakaraang araw, hindi niya iaalis ang pagkaka-tingin sa labas at saka susundan ng tingin ang school na palagi niyang pinupuntirya. Hindi pa nakaka-ikot ang paningin niya sa loob ng tren nang harangan ni Baks ang mukha niya gamit ang kamay.
"Huy,huy,huy,huy,huy! Baba'y'sot! Sino naman ang tinitingnan mo ha? Wala na, Girl. Hindi na siya babalik. Okay? Mas malakas ang panalangin ng INC sa Katoliko. Accept it. Okay?"
Para namang naiiyak si Marianne sa simangot niya. Si Baks naman ay patuloy ang oag-sasabi na hindi na siya babalik at ng move-on na, Girl!
"Ang hirap, Baks. Everytime na dadaan ako dito, hindi ko maiwasang isipin baka kasabay ko lang siya. Baka naandito rin lang siya." sabi ni Marianne.
"Hay naku, Marianne Cecilia Therese! Graduate ka ng UP, with honnors ka nung High School at Elementary. Anyare? Kung ano ang ikina-talino mo, iyon ang ikina-bobo mo sa pag-ibig." sabi ni Baks.
Para namang bata si Marianne na napagalitan sa itsura niya. Ang cute niya kapag naka-pout.
Medyo marami pa silang pinag-usapan ni Baks at heto ako mukhang chismoso na nakikinig sa usapan nila na patungkol naman ngayon sa love life at s ex life ni Baks. Kahit gumagamit sila ng gay linggo, medyo nage-gets ko ang mga pinag-sasasabi nila. Ang lakas kasi ng pag-uusap nila. They cannot blame me.
So far, her name is Marianne Cecilia Therese B. Andal. Hindi ko alam ang nickname niya kasi Baks ang tawagan nila ng gay best friend niya. Graduate siya ng UP ng kursong BS Social Work at masipag siyang mag-aral. Kita sa kaniya 'yun. Palagi siyang bumababa sa Gilmore Station at hindi ko alam kung saan siya ang address niya.
At least, I get to know her name. Pwede ko na siyang i-search sa FB.
Pagkababa nila ni Baks sa Gilmore Station, sinundan ko lang siya ng tingin. Lihim akong napa-ngiti sa sarili. Ewan ko kung bakit.
Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at kaagad binuksan ang mobile data. Kaagad kong sinearch sa Facebook ang pangalan niya.
Marianne Cecicila Therese B. Andal
Walang lumabas na search sa tao pero meron sa mga posts. Baka iba ang pangalan niya. I tried to look at the posts and damn, may mga posts about her, congratulating her on her graduation. Naka-public kasi ang account ng iba and... wait, si Baks ito. Ahh, his name is Angelus Christian Macanlale de Chavez.
May pictures siyang in-upload with Marianne noong graduation niya tapos kasama ang parents ni Marianne at may isa pang lalaki na kasama. I looked at the photos. Unang picture ay si Marianne at ang parents niya. Mga nasa mid-50s na ang parents ni Marianne. Ang Tatay niya ay naka-suot ng white longs sleeves at pormal na pormal. He looks like a very decent man. Halatang may kaya sa buhay. Ang Nanay naman ni Marianne ay naka blouse ng puti at slacks na itim. Naka-hairband at manipis ang buhok. Mas kahawig niya ang Nanay niya kesa sa Tatay. She looks like she came from a very decent and well-known family dahil sa pustura at itsura pa lang nila. Si Marianne naman, wearing her graduation uniform ay naka-ayos. Wala pa siyang full bangs and she looks very sophisticated sa picture na 'to. Simpleng make-up lang ang meron siya. Pero iba ang ganda niya. Gandang mapapalingon na. Malayong malayo kay Zombie.
Nag-scroll down ako to look the second one. Picture naman nilang dalawa ni Angelus. What should I call him? Dang! Naka-white longs sleeves din si Angelus at mukhang lalaking lalaki siya rito. Naka-rubber shoes at black pants pa. Ibang iba sa nakita ko kanina. The third picture is Marianne and the guy. This time may sunflower and red roses boquet na hawak si Marianne. Naka-pulupot ang kamay ng lalaki sa beywang niya at naka-ngiti silang dalawa sa picture. The guys is also wearing a white long sleeves na itinupi 'yung dulo ng sleeves para mag-mukhang three-fourths. Naka-maong pants siya at naka-tupi ang dulo para mag-itsurang bitin. He is wearing a grey adidas na rubber shoes. May sakbit siyang maliit na bag sa kanang balikat niya. Ilayo at ilapit ko man ang cellphone ko, kahawig talaga niya si James Reid.
The fourth is her solo picture. May suot siyang medal na ngayon ko lang napansin and she has her diploma with her. May award din siya nung college? Dang! I scrolled down and saw the fifth. Iyong medal niya na Best in Thesis. She must be really a hard-working student. Kung sabagay, hindi naman siya magiging zombie kung hindi.
After that wala ng photos. Ibinalik ko ang tingin sa post ni Angelus at binasa ang caption.
Baks! Congratulations, Ate Girl! Sa wakas graduate ka na after 10 years! Charot! 😂 Six years lang pala. You deserve it! 😘 God Bless sa Boatd Exam! Yieee!~ 😍❤
#RoadToRSW #DreamsMadePossible
PS. Sana nagustuhan mo 'yung gift ko. 😘 Love yah, Baks!
Tiningnan ko ang mga naka-tag sa photos. Norie Andal George Andal Tristan Ejercito
Pero wala si Marianne. Mukhang hindi ito auto-tag lang at mukhang wala yata siyang Facebook. Pinindot ko ang back button at bumalik sa post ni Angelus. Napansin ko na 431 reactions at 156 comments. At dahil bored ako, sige na, binasa ko na pati comments.
Babes De Chavez Congratulations, Beshie! 😘🎉 See you pag-uwi!
Jerome Atienza Congrats, Pre! Tristan, siya na ba? 😊 Earl Philip Serg Tristan Ejercito hahaha! Earl Santos tumawa lang oh! Serg Ejercito Grace! Grace Ejercito Congrats, sa aming bunso! Congrats lalo na kay Yannie!
Meth Sanchez Congratulations, Yannie! 😘 Punta ka rito may gift ka sa akin.
Hernandez Jennifer Congratulations, Yannie! ❤ I knew you could make it!
Jam dela Rosa Congratulations, Baby Girl! 😘 Congratulations din kila Mommy and Daddy!
Kapatid niya 'yung Jam? Tiningnan ko ang account nung Jam dela Rosa. Mukha namang single pa at walang pamilya. Nurse siya sa isang private hospital sa Laguna. Taga-Laguna sila Yannie? Dahil mukhang wala naman akong makukuhang information kay Jam, bumalik ako sa comment section.
Medical Doctors Association Congratulations to Dr. George Andal and Dra. Norie Andal!
Doctor ang parents niya?! Kaya pala siguro ganun ang pustura at tindig nila. Halatang galing sa mayaman na pamilya. Binasa ko pa ang ibang comments at puro congratulations lang ang sinasabi at pumunta raw si Yannie sa kanila kasi may regalo or umuwi na. Taga-saan ba siya? Laguna nga?
—————
Pag dating ng classroom, kaagad akong umupo sa may padulo at medyo malapit sa bintana. Kakaunti pa lang kami na naandito aa classroom at halos lahat sila ay nagdadaldalan lang. Itinuloy ko ang pag-tingin sa account ni Angelus.
Angel ang nickname niya dahil iyon ang nakalagay sa Alternate Name. Graduate siya ng BSBA Major in Marketing Management at graduate siya ng PUP-Manila. Meron na siyang 2,346 followers at mukhang nag-reach na siya ng friend's limit na 5,000. Imus, Cavite ang address na nakalagay niya pero sa Alabang siya nag-wowork. Taga-Imus siya? Mukha ring naka-friends of friends ang facebook request sa kaniya dahil message at follow button lang ang naandoon.
Nag-scroll down ako at may bago siyang post, 5 minutes ago. Kasama niya si Yannie at nasa isang foodpark sila. Teka! Alam ko 'to!
1 note · View note
alicenowonderland · 6 years
Text
Ang Babae Sa Katipunan 1
Ang Babae Sa Katipunan alicenowndrlnd (Dee Valens) Novelette | Tagalog ≈ | ≈ Portions of this book are works of fiction. Any references to historical events, real people, or real places are used fictitiously. Other names, characters, places and events are products of the author's imagination, and any resemblances to actual events or places or persons, living or dead, is entirely coincidental. ≈ | ≈ All Rights Reserved. No part of this book may be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying without written permission of the author. The exception would be in the case of brief quotations embodied in the critical articles or reviews and pages where permission is specifically granted by the author. ≈ | ≈ Copyright © 2018 diwatangbae ≈ | ≈ Published: October 20, 2018 Started Writing: June 21, 2018 Finished Writing: June 23, 2018 Word Count: 11,610 Chapters: 10 •°•°•°•°•
         Mainit at maalinsangan ang panahon. Lahat na yata ng polusyon ay nalanghap na ng ilong at mukha ko. Mabuti na lang at naandito na ako sa estasyon ng tren.
Alas-sais pa ang klase ko pero gusto ko ay maaga ako. Medyo malayo rin kasi ang condominium na nabili ng magulang ko rito. Tatlo kaming magpi-pinsan na naandoon at ako lang ang naiba ngg schools sa kanila. Parehas silang sa Katipunan at ako naman sa España.
Naka-sakbit ang Jansport Bag kong itim sa kanang balikat ko habang hawak ko sa kaliwang kamay ang iPhone X ko na regalo ni Daddy nung birthday ko. Inilagay ko ang earphones sa may tainga ko at nagpa-tugtog sa Spotify. Random songs na pulos Indie OPM. Mundo by IV of Spades.
Tumingin ako sa paligid. Medyo dumarami na ang tao. Alas-kwatro na rin kasi kaya halos lahat ay uwian na. Kahit summer class, marami pa ring estudyante.
Hindi ko alam pero napukaw ang paningin ko ng babaeng naka-tayo sa kabilang lane. Magka-tapat kasi kami at kabababa lang niya. Para siyang may tinatanaw sa may ulunan ko. May itinuturo-turo pa siya na parang trine-trace kung pasaan ang bawat tren. Nanlaki ang nga mata niya at mabilis na umakyat muli.
Mayamaya pa ay napakinggan ko na pumito na ang guard. Hudyat na naandyan na ang tren galing Recto. Napansin ko na natatanaw ko na ang dilaw na ilaw mula sa tren. Nasa tunnel kasi kaya kitang kita. Mabilis ang takbo nito at saka tumigil nang maka-pwesto na.
Papasok na ako ng tren nang may makasabay akong babae na amoy na amoy ang pabango. Amoy sweet fragrance. Parang fruity scent yata 'yun. Ewan! Medyo nagulat ako kasi... siya 'yun! Siya 'yung babae kanina.
Nagkamali yata siya ng baba kaya lumipat dito. Napataka tuloy ako kung saan siya bababa. Naka-ponytail ang bleached niyang buhok at medyo gulo-gulo na. Halatang pagod na pagod na siya sa mag-hapon dahil halos sumabit na siya sa pole sa tren. May full bangs siya kaya mas nag-mukha siyang Hapon at Koreana sa namumungay niyang mga mata. Halatang antok na antok na siya. Naka-suot siya ng round neck shirt na itim na may sunflower na design. 'Yung mga uso ngayon, tapos naka-maong pants siya na mukhang medyo mahaba sa kaniya at medyo fitted at naka-converse na itim. Naka-earphones din siya na puti. Ano kaya ang pinapakinggan niya?
Naka-yapos siya sa pole habang naka-hawak ako sa parehas na pole pero sa may ulunan niya. Tinitingnan ko lang siya at mukhang latang lata na siya. Maliit lang siya at hindi ko alam kung senior high school ba siya o college na kasi ang bata niyang tingnan pero kung estudyante siya hindi naman siya naka-uniform. Estudyante yata sa UP?
Nag-bago lang ang position niya nang tumigil sa Anonas Station. Tumayo siya ng maayos at nang tumakbo na ulit ang tren ay parang may sinisilip siya. Napansin ko na sinundan niya ng tingin ang isang eskwelahan na malapit sa Anonas Station. Napa-tingin din siya sa paligid na parang may hinahanap. Muli siyang bumalik sa posisyon niya kanina. Baka hindi niya nakita ang hinahanap niya.
"Arriving at Gilmore Station. Paparating na sa Gilmore Station."
Bumukas ang pinto ng tren at para siyang zombie na lumabas ng tren. Umandar ang tren at sinundan ko siya ng tingin.
Sino siya? Zombie ba siya? Pwede ba 'yun? Ano bang paki ko? Haist!
1 note · View note
alicenowonderland · 4 years
Text
Tumblr media
0 notes
alicenowonderland · 4 years
Text
Tumblr media
0 notes
alicenowonderland · 6 years
Photo
Tumblr media
The Five Bad Boys and I
1 note · View note
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
0 notes
alicenowonderland · 5 years
Text
Tumblr media
0 notes