Tumgik
#pangarap lang kita
myxbacktrax · 10 months
Text
Pangarap Lang Kita - Parokya ni Edgar feat. Happy Sy (2011)
Exclusive lyrics edit by singwiththelyrics x myxbacktrax x pinoymyx
6 notes · View notes
musicabox · 1 year
Text
Tumblr media
1 note · View note
s-hx · 6 months
Text
Madrama to wag niyo basahin...
Last year I take care of my mum & lolo, parehas may sakit plus yung lolo ko bubuhatin mo pa time - to - time para pumunta sa bathroom. Dapat light sleeper ka kasi may medicine sila morning, afternoon, and evening. Tapos yung food dapat healthy and balance sa diet nila...pero nagback fire dahil napabayaan ko yung career naging tamad ako sa mata ng mga kapatid & relatives. Paano ako naging tamad, ako lang naiwan nag - aasikaso at walang kasama.
This time inaalagaan ko na lang mum ko, sadly may sakit nadin siya sa buto. And she is not physically fit kasi time - to - time naman siya puro problema & depressed. Pati mga past problems until now pinoproblema niya. I am trying my best naman na mag apply may iilan na pumasa nako pero sobrang lalayo ng lugar. Hindi ko maiwan si mama, especially wala pa nga kami makuha katulong na makakapag adjust talaga sa kanya. Kasi mahirap siya i-handle, nakakahawa yung sadness na palagi niya ginagawa kahit hindi naman dapat. Still, it backfired against me "kasalanan ni Ton yan pinabayaan ka"...how is that even na kasalanan ko lang kung iniwan niyo na lang sakin magulang natin, mum is struggling. I am struggling. May pangarap din ako pero nahihirapan ako i-prioritize kasi lagi ako tinatakot na pag umalis ako tatalon siya ng building. 😅
Sad part is, yung active pa ko sa group chat namin magkakapatid lagi pa nila sinasabi "ikaw na bahala kay mama pagtanda natin" never imagine this part na iiwan niyo lang pala talaga sakin. Hindi naman ako galit, kasi wala naman ako karapatan magalit since sobrang palpak naman talaga ng ginawa ko after ko makagraduate.
Yung ate ko nagrereklamo na "may anak nako wag ka humingi sakin ng tulong kay mama" "bahala kana ginawa ko na part ko". Parang ang sakit lang para sa part ng nanay ko kasi simula iniwan kami ni Papa binigay niya buong buhay niya para samin magkakapatid. Sa kuya ko naman is naiintindihan ko nagagalit ka sakin, pero bakit naman pati si mama damay. Tsaka bakit sakin mo padin sinisisi lahat kahit may mali ka din talaga, kahit sana magalit ka din kay ate kasi tayo dalawa lang naman talaga nag - aalaga kay mama simula pa nung una. Ang unfair lang why take sides...especially nung sinabi mo "dapat pinakulong na lang kita. O dapat namatay ka na lang kasama nung mga sinasabi mo". Its a bit unfair, nung walang - wala ka ako tinatakbuhan mo. Lalo na nung wala kana financially, I was there until the end.
Alam ko naman dapat nagpakamatay na ko 2 years ago, or namatay 2 years ago. Pero dahil nabuhay ako, I promised myself I will always lay low to people. Respect the people no matter what. And hindi ko deserve makakuha ng affection or love sa kahit sino. Lagi din naman ako nahingi ng patawad kay Bathala. At lagi ko padin pinagdadasal na sana isang araw kayo padin kasama ko sa susunod na buhay natin.
25 notes · View notes
fujianvenator · 9 months
Text
no tswift lyric will ever have the impact of "lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw/sa panaginip na lang pala kita maisasayaw" (all of my hopes/dreams melted away in an instant/now i can only dance with you in my dreams)
13 notes · View notes
elnotfound · 4 months
Text
Life update (year 2023)
Disyembre 7: (no longer believe in love)
Nawala yung taong pinakamahalaga sa akin, taong nand'yan palagi, taong I can rely on everything, taong kaya kong maging confident at comfortable kapag kasama ko, taong lagi akong sinasabihan na mahal niya ako, taong hindi ako kinakabahan sa tuwing kasama ko siya, taong mahal na mahal o minahal ko nang buo at tunay, taong nagpaniwala na totoo 'yong pag-ibig kailangan mo lang maniwala o magtiwala at higit sa lahat taong nagpaniwala rin na kahit mahal mo 'yong tao kailangan mo pa ring pakawalan dahil siguro iyon 'yong magandang desisyon para sa inyo. To tell you the truth, sa ngayon kaya ko na o nasasanay na akong wala ka, pero iba pa rin pakiramdam buhat noong naghiwalay tayo. Siguro hindi ko pa alam kung anong 'sense' bakit kita nakilala at kalauna'y naghiwalay rin, hindi ngayon pero sa hinaharap babalikan ko 'to at matutuklasan ko kung bakit. Sana, nasa maayos kang kalagayan, huwag ka nang ma-guilty. I'm no longer hoping for both of us. I'm okay at definitely makakabangon din sa dakok na ito! Thank you for leaving and setting me free. Malaman ko lang na masaya ka, masaya na rin ako! :)
Disyembre 17-21: Baguio (City of Pines)
Sa mga araw na 'yan nasa baguio ang ilang mga guro, sa totoo lang napakagandang manirahan sa baguio; malamig ang klima, mabilis kumilos ang lahat at higit sa lahat magaganda ang tanawin, nakaka-relax at nakakaengganyong mabuhay, sana lang talaga mayroon pa akong pagkakataon na bumisita muli roon na hindi na dahil sa trabaho. Nga pala, isa ako sa napiling 'writer' kuno para sa MATATAG CURRICULUM, gumawa at bumuo kami ng iba't ibang activities para sa anim (6) na booklets. Sa totoo lang? Hindi ko alam bakit ako isa sa mga napili kasi iniisip ko, bago lang ako at walang gaanong karanasan bilang isang manunulat at kung iisipin napakaseryoso ng trabaho na 'yon, pero naisip ko na lang kailangan kong gawin ang trabaho ko dahil binabayaran ako ng gobyerno at higit sa lahat para rin 'to sa mga bata, at aminin ko man sa hindi eh, pangarap ko rin talagang maging isang manunulat at malimbag ang pangalan kong nakaimprenta sa isang libro, siguro stepping stone na rin 'to no? Na tuparin pa ang iba ko pang pangarap sa buhay. Sa tulong ng Diyos, nairaos ko naman 'yong sa baguio, nagawa ko naman nang tama at maayos trabaho ko kaso nakaka-pressure lang din talaga kasi magagaling mga kasamahan kong guro, sana makatrabaho ko muli sila (Bb. Dar at Bb. Karen).
...So, sa apat (4) na araw na na namalagi kami sa baguio, nakatulong din siguro sa akin iyon na hindi ka muna maisip, naging abala rin kasi ako sa paggawa o pag-iisip ng iba't ibang estratehiya na epektibo at angkop na aktibidad para sa ikawalong baitang dahil ayokong mapag-iwanan, pabigat at maging caused of delay ng departamento namin, mabuti na lang talaga at naging productive ang paggawa ko sa baguio kahit pa napakahirap makasagap ng internet sa lugar na 'yon, na-challenge kami bagamat minadali eh maganda pa rin naman ang kinalabasan, magiging mapagpasalamat ka na lang talaga eh dahil umayon pa rin sa amin ang oras at panahon. Ngunit, pag-uwi ko sa bangkal, kumaripas na naman ang mga luha ko sa pisngi, 'yong lungkot na kinimkim ko sa loob-loob ko buhat ng apat na araw na nasa ibang lugar ako. Tahimik na hikbing pagluha dahil may kasama akong ibang naninirahan sa inuupahan ko ngayon, ito 'yong iyak na buhat nang kalungkutan at pighati dahil siguro miss na miss na kitang kwentuhan sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ko, dahil ikaw lang naman 'yong taong lubos akong kilala, masaya man o malungkot ako. Mariin kong pinunasan 'yong mga luhang ayaw magpaawat sa pagbagsak, naisip ko nga na baka ako na lang iyong nakakaramdam ng sakit na ito na baka nga siguro okay ka na samantalang ako ay nagmumukhang tangang nagluluksa sa pagkawala mo. Hayaan mo, darating ang panahon na makalilimot at maghihilom din ako sa sakit na naranasanan ko buhat nang matamis at mapait na pagmamahal mo. Nais kong dumaan sa tamang proseso nang paghilom, tipong salat, latak at ubos na itong nararamdaman ko sa iyo hanggang sa mamanhid at hindi ko na naiisip ang pangalan mo, araw ng kapanganakan mo, paborito mong kulay o ulam, paraan mo ng pag-iyak, pagtawa o pagngiti o mismong pagkatao mo. Pero, hindi na para bumalik sa iyo upang masaktan muli, hinahangad ko pa rin ang tunay mong kaligayahan at tagumpay mo sa buhay :))
Disyembre 21-22:
Kahapon umuwi ako ng taytay kasi baka masiraan lang ako nang bait kapag nagpatuloy pa rin akong mag-stay sa bangkal, baka hindi ko kayanin at umiyak lang ako maghapon. Mas maigi na rin na nandirito ako para kasama ko ang pamilya ko hanggang magbagong taon. Ano bang mga ginawa ko? Lately, madalas na akong manood ng movies/series. Hmmm, natapos ko 'yong 'Don't Buy the Seller, Elemental' at sa ngayon pinapanood ko 'yong 'You' na pinagbibidahan ni Penn Badgley, grabe sobrang must watch ito, sobra akong hooked, invested at interested sa storyline ng series na ito, sana nga lang matapos ko hanggang Season 4 dahil gusto ko 'yong mga ganitong klase ng palabas.
7:02PM
Nalalapit na ang pasko, kaya ko siguro rin nasabi dahil tatlong araw na lang pasko na, malamig ang simoy ng hangin, marami nang nagtitinda ng prutas, laruan o mga panregalo sa talipapa, may mga palamuti ng nakasabit ang bawat bahay rito at higit sa lahat ito na ang panahon na makikita't maririnig mong nagsisipag-awitan o nangangaroling ang mga bawat bata sa bahay-bahay, ika nga nila namamasko sila at nais makatanggap ng aginaldo dahil nagbibigay nang ngiti at kasiyahan sa kanila, sana nga no? Madama ko rin 'yong sayang totoo at hindi lang hanggang umpisa, iyong hindi lang seasonal at pansamantala, 'yong ligayang panghabambuhay, hindi man lagi pero alam kong mananatili. :))
Patiently claiming and manifesting..
AKO naman at KAMI naman sa 2024!
Maligayang pasko pa rin para sa lahat!
6 notes · View notes
strawberryachuu · 1 month
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
🪴𓈒꙳⋆🛋𓋼⁺ ˚🐈
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
・🌿❨˖ ₊ happy 2nd monthsary ୧ ‧₊ 🍓 ☆
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
happy happy 2nd monthsary love love ko T^T idk how to start sa dami kong gustong sabihin pero first and foremost i would like to say thank you for everything, for being my home and safe place. (hala naman wait iyak muna para dama) sa 2 months na to dami narin nangyari but still im here and as long as i can, i will (yung i can na habang buhay pa ako mamahalin kita ganun uyy) dont even think na iiwan kita like no di ako payag, ni hindi pa nga tayo nagkikita eh diba magl-live in pa tayo, wala na, yan na pangarap ko!! i cant imagine myself na yan pangarap ko for us tapos in the future sa ibang tao ko matutupad, dont overthink ah dahil di me talaga papayag dapat sayo lang baby ko kasi ikaw lang naman dapat. sinasabi ko sayo maui pag di mo to pinanindigan alam mo na kung saan kita hahuntingin. im always happy when im with you, you always make my heart race and then ano i love your chikas talaga yung wala na me masabi tapos bigla ka maglapag ng chika ay shet aylabet. sana di ikaw magsawa sa kaoa x nonchalant ko huhu love love u so muchie. and then ano po i hope u will be more true to yourself po and to others. dahil di ko talaga makakalimutan na sinabi mo sakin na mas nagiging totoo ka sa self mo pag ako ang kausap mo. dont worry i wont judge or what (sa iba lang) i accept who u are po. actually nag aadjust parin me now, inaayos ko pa laman ng imagination ko kimmy gagi bigla ko naalala kanina yung usapan natin before na nakita mo kiffy nung student na sinend gagi HAHAHAHAHHA ayun lang hihi madami asa mind ko pero di ko masabi kasi i love u lang lalabas, alam mo yung memes na ganun basta yun gagi ganun nga me sa tiktok kahit gusto ko dagdagan wala i love u lang talaga huhu. di me magsasawa mag i love you for u, kung hindi i love you pwede naman ginahigugma ta ikaw or mahal kita baby tanan na tayo joke love love pangga ko so muchieee. smile ka dyan ah bawal iyak (me lang dapat)
3 notes · View notes
eyyynainjinir · 3 months
Text
Nanay: alam mo, nakokompeyr kita sa mga ibang anak diyan na nabibigay nila ang mga bagay bagay sa kanilang magulang. Wala ka kasing pangarap. Di gaya ng nga classmates mo. Nakapag masters na ikaw, wala kang pangarap
I am crying rn while typing this. kung kayo may mga anak kayo, do not ever oblige them to help you when you get older. Your children are not your plan B and not your life insurances.
I’ll be fine cuz im strong, masakit nga lang. ge lang
5 notes · View notes
adobongcer · 8 months
Text
"Graduated na ako, Von! Graduated na tayo!"
tw: Suicide.
Von,
Nagawa ko na, nakagraduate na tayo. Marami pa tayong kailangang gawin sa buhay, sana samahan mo parin ako hanggang sa dulo ng paglalakbay natin.
kahit wala ka na, kahit hindi na kita nakikita, kahit hindi ka na nagpaparamdam sa akin, pero ramdam ko na sumusuporta ka pa rin sa akin, sa mga goals ko sa buhay, alam ko na andito ka pa rin sa tabi ko, niyayakap, kinakausap.
ang tagal na pala noong nawala ka, alam mo ba? hindi ko pa rin tanggap, hindi ko nga alam kung kailangan ko tatanggapin na wala ka na talaga. mabigat pa rin sa loob ko na hindi na kita makikita pa, hay.
sinisisi ko pa rin ang sarili sa mga nangyari dalawang taon na nakakalipas, hindi manlang kita nagawang tulungan. nagsisisi ako na nangyari 'to. kung hindi ito nangyari siguro magkasama tayong magmamarcha sa graduation. ikaw naman mag gagraduation speech kasi alam kong valedictorian ka na naman.
nakakaproud diba, proud na proud ako sa 'yo, von. kung alam mo lang,
kung may time machine lang ako, gagawin kong iligtas ka sa mga huling minuto mo. kakausapin kita, tutulungan, ipapamukha sayo na andito ako, nagmamahal sayo. kung bibigyan ako ng pagkakataong gawin ang lahat para sayo, gagawin ko talaga dahil ayaw kong mawala ka. HAY AYAW KO NA NAIIYAK NA AKO.
Von, thank you. Thank you for the past 5 years of friendship. Naipakita mo kung ano ba talaga ang pagmamahal, naiparamdam mo rin. sana sa susunod na buhay, kapag nagkakilala ulit tayo, hindi na tayo ipaglayo ng tadhana. Mahal na mahal kita, von. Palagi kitang isasama sa mga dasal at pangarap ko, hanggang sa muli.
Nagmamahal,
Cer.
[Eto yung nakita ko sa notes ko noong grumaduate ako, ang hirap pala talaga kapag nawalhan ng soulmate, best friend, totga talaga hahaha. hindi ko pa rin matanggap kahit isang taon na ang nakakaraan.]
9 notes · View notes
voasprofile · 1 year
Text
huli na ng aking ika'y minahal/loving you too late
fem!yuu
maybe ooc vil
slight azul x yuu
filipino and english version
FILIPINO VERSION
ang pagmamahal ng tao sayo ay 'di dapat inaabuso, dahil ang pagmahal ay parang tayo din. Pag unti-unti nating pinamimigay nang walang kapalit, ay mauubos din ito
si Vil ay hindi ordinaryong lalake, sa dinami daming nagkagusto sa kanya, ang mata niya ay di maalis kay Yuu
babeng di makukumpara sa iba, mala perlas ang kutis, gandang tulad ng bagong bukang rosas, ngiting nagbibigay liwanag kahit sa pinakamadilim na gabi
si Yuu ay nasanay na sa mga manliligaw na may gusto sa kanya, buwan-buwan may bagong darating.
"sa mata ko ay ikaw lang ang babae sa mundo"
"hindi kita kayang lokohin. At nang tumingin ka lang sa aking direksyon, ay parang biniyayaan na ako ng diyos"
"hindi ako tulad ng ibang lalaki, na gagamitin at paglalaruan ka lang"
sa daming beses na niya ito narinig ay parang naririndi na siya. Kaya nagulat siya na meron pading malakas na loob na magpakita at lokohin siya
si Vil na ilang buwan na pinag-iisipan ang desisyon at pag-ipon ng kumpiyansa, ay nasira ang loob
nasanay na din si Vil na siya ang hinahabol ng mga babae, kaya bakit? Bakit ang unang beses na totoong nagka-gusto siya, ay hindi siya gusto neto?
si Yuu alam na ang mga sasabihin neto
"mahal na ata kita"
"gusto kong pasayahin ka"
"hindi kita lolokohin"
sa galit ni Yuu, agad-agad niya itong tinanggihan. Gaano ka laki ang kaakuhan? Gaano siya kahangin? 
sa tingin ba niya na pag-narinig ito ni Yuu na agad-agad siyang magkaka gusto dito?
hindi, hindi niya tinanggap ang malalim na damdamin ni Vil
pero hindi nagpa-pigil si Vil
mga liham, regalo, rosas lahat nang mai-isip na pwede i regalo ay niregalo na niya
pero si Yuu ay nagka-gusto sa iba, lalaking nakatutok lang sa kanyang pag-aaral, lalaking walang oras na maibigay sa kanya, lalaking nakatutok sa kanyang pangarap, lalaking nag-ngangalang Azul
araw gabi nasa isip ni Yuu eto
'gaano kaya ka lambot ang kanyang buhok'
'ang ganda ng kanyang tawa, parang anghel ang bumaba sa langit para sa aking mga mata'
nang nakita ni Vil na wala na siyang pagkakataon, ay lumayo na siya. Ayaw niya din abalahin si Yuu
si Yuu na hindi napansin ang pagka-wala ng presensya ni Vil sa kanyang buhay
ilang buwan lumipas at nawala na din ang kanyang nararamdaman, at parang may kulang sa buhay niya
ano ang kulang?
ang pagmamahal na dati niyang naramdaman, taos-pusong papuri na dating sinabi sa kanya, ang magandang pakiramdam na ibinigay sa kanya. Sino nga ba siya?
yung taong gusto siya kahit hindi maayos ang kanyang itsura, taong may oras para sa kanya para lang mapasaya siya, ang taong nag-mamahal sa kanya
ah, si Vil
pero sinaktan na ni Yuu noon siya, mapapatawad kaya ni Vil si Yuu?
ilang araw nag-ipon ng lakas loob si Yuu, para mag-hingi ng patawad, at ilabas ang kanyang nararamdaman
dahil sa saya at gustong makita agad si Vil, ay napa tingin ito sa social media ni Vil
ay, huli na ba si Yuu?
parang tinutuya siya ng mga larawan
si Vil may kasamang babae, masaya, naghahawak kamay
ay, kasalanan to ni Yuu eh
kung hindi lang siya pahuli huli
gabing-gabi na nag-scroll sa kanyang profile ay parang pang-araw-araw na ritwal para kay Yuu
hindi matanggap na sinayang niya ang pagkakataon niya kay Vil
mahal na mahal siya dati ni Vil tapos sinayang lang niya
kung maaga kaya nalaman ni Yuu ang kanyang totoong nararamdaman, meron kayang pagkakataon na maging sila?
ENGLISH VERSION
people's love should not be abused, because love is like us. If we gradually give away pieces without anything in return, we will be all used up
Vil was not an ordinary man, many girls like him pursue him even. But his eyes can't be taken off of Yuu
a girl incomparable to others, complexion like that of a pearl, beauty like a newly blossomed rose, smile that lights up even the darkest nights
Yuu is used to those who pursue her, every month a new one arrives
"in my eyes you are the only woman in the world"
"I won't fool you, as when you looked at my direction, it was as if God had blessed me"
"I'm not like other men, who will only use and play with you"
she had heard it so many times that it's seems like she's going deaf. So she was surprised that someone had the courage to show up and fool her
Vil who had been mulling over the decision for months and gathering confidence, was devastated
Vil had gotten used to being the one being chased, so why? Why did the first girl he truly liked not like him back?
Yuu already knows every line that came out of his mouth
"I think I love you"
"I want to make you happy"
"I will not fool you"
due to Yuu's anger, she rejected him. How big was his ego? How big was his head?
did he think that once Yuu hears this, she'll immediately fall in love?
no. She didn't accept Vil's feelings
but Vil didn't let it hold him back
love letters, gift, roses, everything that can be gifted was gifted
but Yuu fell in love with someone else. A man focused with his studies, a man who was focused with his dreams, a man who didn't have time for her, a man named Azul 
he was on Yuu's mind day and night
'how soft is his hair?'
'his laugh is enchanting, like an angel descended from heaven for my eyes'
when Vil saw that he had no chance, he walked away. He didn't want to bother Yuu
Yuu who didn't notice the absence of Vil's presence in his life 
a few months passed and her feelings disappeared, and it seemed like something was missing from her life
what was missing?
the love she used to receive, heartfelt praise she used too receive, the good feeling he gave her. Who gave it to her?
a person who likes her even if she doesn't look the best, a person who has time for her just to make her happy, the person who loves her
ah, it's Vil
but Yuu had hurt him before , can he ever forgive her?
Yuu mustered the courage, to ask for forgiveness, and show her feelings
because of her impatience to see Vil, she immediately went to his social media page
oh, was Yuu too late?
the pictures seems to be mocking her
vil, with a woman, happy, and holding hands
oh, it's Yuu's fault
always beating around the bush, if only she wasn't too late
late nights scrolling through his profile is a daily ritual for Yuu
Yuu couldn't accept that she wasted her chance with Vil
Vil used to love her so much, and she just wasted it
if Yuu knew earlier about her true feelings, would there be a chance for them to be together?
25 notes · View notes
walaumalistulog · 2 months
Text
Binisita ko ang kaibigan ko today sa kabubukas na meryendahan sa tapat ng milktea cafe ng mama niya. Napapansin nila na napapadalas ang pagdalaw ko. Well, natutuwa sila at laging puno ng halakhak ang bawat mga kwentuhan. Sana naman umorder ka na ngayon. Oo, Tita, o-order ako ngayon. Well, Friday, so I decided na mag-milktea. Ang tagal ko nang hindi umiinom ng milktea dahil nagsimula akong maging conscious sa blood sugar level ko simula nung isang taon dahil sa pasyente kong nagkaroon ng impeksyon ang paa mula sa sugat na hindi na gumagaling. Ending, pina-amputate. Ayoko nga! Takot kong sinasabi sa isip ko kapag naalala ko ‘yon. Well, nasa lahi na kasi namin ang jabetis. Ito na yata ang ilan sa mga inheritance na natanggap ko mula sa mga magulang ko. Sa lahat ng mamanahin, talagang sakit pa ang namana ko! 
Habang nagba-browse ng mga flavors, may dumating na bata na nanghihingi ng barya. Feeling generous ako, sabi ko, ilibre na lang kita. Kita ko sa mata ng anim na taong gulang ang sudden boost of bliss, kitang-kita sa mukha, na mukhang ngayon lang makakatikim ng milktea. Binilhan ko na rin ng french fries. Ang bilis naubos ng bata ang milktea, parang nangalahati na agad, wala pang ilang minuto. Ang bilis mo naman uminom! Bati ko. Ngumiti lang sa akin, nahiya na natatawa, kaya itinigil ang patuloy na pag-inom ng milktea. Sabay may dumating na bata, na mukhang mas bata. Apparently, kuya pala niya iyon. Ano ‘yang iniinom mo? Tanong ng mas nakatatandang kapatid. Well, kaya pala purposely niya kinalahati ay para sa kapatid niya. Napakabuting bata. Gusto ko rin sana bilhan pa ng isa pang milktea at fries ‘yung kapatid, pero naisip ko na mas malalim na nasaksihan ko walang kasakimang pagmamahalan ng magkapatid. Halos naluha ako sa nangyari kanina, hindi ko alam dahil sa tuwa, o dahil naiingit ako na buti pa sila may fries, samantalang ako ay wala. Ang saya pala makapagbigay ng maliit na bagay sa mga nagugutom. Kung tutuusin, pwede kong bigyan ng barya na lamang ang mga bata, pero mas gusto nila ang pagkain, dahil nabibingi na sila sa musika ng ganda ng mundo sa maingay na kalam ng kanilang mga sikmura.
Once in my life, na-feel ko na ako sa Vicky Morales sa Wish Ko Lang! sa GMA 7. Wihiiiishhh ko laaaanggg~~! Baka magtawag pa kayo ng kaibigan niyo, ha! Biro ko. Sabay nagpaalam umalis. Binilin ko sa mga bata na isama nila ako sa mga dasal nila ngayong gabi. Opo, sagot nila.
Pagkatapos ay nagtungo ako sa pinakamalapit na lotto outlet. Tumaya ako para sa 6/58 na may premyong higit isang daang milyon. Fucking shet! Ang sarap. Kumuha ako ng card, nanghula ng mga numero, hmmm… parang tatama itong 14! Saka itong 48… pati itong 27! Madalas na itong 16, eh… ay itong 59! Gago, walang 59! Kasabay ng panghuhula ko sa winning lotto combinations ay ang pangarap ko na sana, yumaman ako, para mas marami akong matulungan. At para makapunta na ako ng Machu Picchu. Ibinigay ko sa teller ‘yung ticket ko, ‘yung isa, lucky pick. Pagkatapos ay diretso ako pauwi.
Inilagay ko sa altar ang lotto ticket. Lord, baka naman! Ako naman, masyado nang mayayaman mga pulitiko sa bansang ‘to.
Pero what if, pasukin ko na lang ang mundo ng pulitika? Hamak na mas madali iyon. 
Pwede.
Napatingin ako sa tarpaulin ng isang pulitikong trapo na ang tsismis ay maraming patung-patong ng charges ng korapsyon.
Eww, nevermind!
5 notes · View notes
biinthecity · 4 months
Text
Short #1 (can't believe this is exactly 100 words!!!) - Pangarap Lang Kita
15 years ago
We met in college. You and I became buddies, bonded over one thing in common - coming from the province and studying in the city.
And we spent time together - studying, talking, caring for each other, falling, and loving each other.
But it wasn’t to be. Our love is hidden, our love is not free.
Even though I love you, there’s nothing that I can do.
Present
Now, I see you, in the arms of someone that society deems is the right person for you.
I have accepted this, my love. You’re my dream that won’t come true.
2 notes · View notes
jerimy03 · 1 year
Text
Henloooo yeobooo!! 🥰🤗 Happy 2nd Anniversary bibiii!! Alam mo na ka dramahan ko pero hindi naman ako magsasqwalng magsabi sayo kung gaano kita kamahal, kung gaano kita namimiss palagi, kung gaano kita gustong protektahan palagi, and I always pray for you for all aspects. Thank you so much din po pala mahal for being there for me through all this time and counting, you always push me through all challenges, and I'm also proud of youuu, grabe ka na talaga boss lods bibi yeobo! Napakaangas mo po talaga! HAHAHAHA I love you so much yeobo, always and forever!🥰🤗😘🫶🏼
Pero may tanong ako sayo yeobo,
Alam mo bang ang ganda mo, shhh! Ako na sasagot, Oo talaga, Napaka ganda mo
Sa tamis ba naman ng mga ngiti mo, naguumapaw ang kilig sa aking puso
Tila'y para kang kape ko sa umaga na gumigising, na ibong marunong sa singin.
Mata mong ang sarap titigan araw-araw, mga pisngi mong aking pinanggigigilan, at ito'y palaging kong hahalikan. Mga pangarap nating parang paro-paro na makulay at makabuluhan, ating susungkitin at babahulin para sa kinabukasan natin.
Malayo na nalakbay natin, at lalayo pa tayo kung saan man tayo dalhin.
Wag kang mangamba at matakot sa hinaharap na problema, sapagkat ako'y palaging nasa tabi mo, at kakampi mo ako parati sa lahat ng dilemma.
Uy, Mahal hindi to drama, gusto ko lang sayo ipadama, kung gaano kita kamahal, minahal, qt mamahalin pa. Sa tuwing kasama kita, wala ng kulang pa, Oo mahal na mahal kita, tayo ay iisa. Ikaw, at ako, hanggang dulo, hanggang sa ako'y luluhod sa harap mo at ipapangako sa walang hanggang magmamahal.
Tumblr media
Saksi lahat ng tala, buwan at mga bitwin sa ating tinatahak na mga pangarap.
Walang wakas, walang iwanan, walang bitawan.
Oo, Tayo, Ikaw at Ako, hanggang dulo.
Lablab bibi bunjiiing!!🤗🥰😘
Again, Happy 2nd Anniversary Yeobo!!!🥰🤗💕😘
7 notes · View notes
toopakin · 7 months
Text
Nakaka-proud yung borfriend ko kasi nag start na siyang mag benta ng mga motor oil. Pangarap niya kasing magtayo ng motor shop. Well sabi ko sa kanya magtatayo kami ng ganun kasi alam kung kayang kaya niya iyon. Buti na lang mayroon kaming ka work na bumibili ng whole sale sa isang motor parts company. Nakisabay siyang bumili ng motor oil at gear filter tutal iyon naman ang madalas na nagagamit niya. May kita na siya sa oil plus pa yung labor.
Nakakatuwa talaga, sana maging maayos yung business naming dalawa. ♥️
Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
wittykahitcorny · 7 months
Text
Nakakabigla ang mga pangyayari. Ang bata mo pa at madami pang magagawa at pangarap sa buhay. Di ko alam na ganun na pala kalala. Pag kasi nakakachat kita di mo pinapramdam na may pinagdadaanan ka.
Naging mag kaibigan tayo nung pareho tayong naging SA (student assistant) tapos naging mag classmate sa ibang subjects.
Mula college hanggang sa pag graduate isa ka sa mga sinasabihan ko pag nag eemo ako lalo na sa lablayp. Siyempre pati sa life problems lagi kang nakikinig at nagpapayo.
Maaalala kita bilang masayahin, masarap kasama at walang arte sa katawan. Sumasama ka kahit sang kainan, mapa fastfood, karinderya o kaya street food.
Pumupunta ka sa CS dean's office para lang humiram ng card reader.
Natatandaan ko pa nung sumali ka sa miss CICT. Ang tanong sayo ay, "kung magiging pagkain ka, anong pagkain ka?" Ang sagot mo ay suman. Pero di ko na matandaan ang explanation mo kung bat suman.
Everytime na pumupunta ko sa HR office o kaya nakikita ko ni ma'am Gie ay lagi niya akong tinatanong kung naging tayo daw ba. Pa ulit ulit ko namang sinasabing hindi pero ayaw niya talagang maniwala. Para bang hinihintay niya yung sagot na oo para lang maokray ako. Haha
Pero ang di ko makakalimutan sa lahat ay yung maglalunch tayo. Naiwan mo yung bag sa CSSP office kaya binalikan natin. Pagbalik ay nakalock kaya sabi mo sa akin ay ipasok ko kamay sa bintana para mabuksan ko mula sa loob. Gulat ko lang nung biglang may humawak sa braso ko. Nasa loob pala si dean Naguit. Hiyang hiya tuloy ako. Haha
Nah, kung nasan ka man ngayon alam ko na nasa better place ka na. No more pain and suffering. Hanggang sa muli.
Tumblr media
6 notes · View notes
ineffablyrandom · 7 months
Text
Madre
Nung bata pa tayo, lagi tayong tinatanong ng mga matatanda satin kung anong gusto natin pag laki.
Nung hindi pa ako nag aaral, ang lagi ko daw sinasagot noon, "gusto ko maging labandera." Pero ngayon halos tamad ako labhan mga damit ko, nagpapa laundry na lang ako.
Matatawa siguro kayo kapag sinabi kong pinangarap ko din maging madre.
Nung highschool ako, bago mag graduation, tinatanong na sa amin kung anong course ang kukunin namin pagka graduate. Hindi ko alam kung anong course ang gusto kong kunin. Kase a year before that, 3rd year highschool pa lang ako naiisip ko na mag madre.
I don't know, maybe pangarap lang yun ng isang bata/teenager. Pero lagi akong nagdadasal noon, "Lord if this is your will. Then so be it." Lagi kong naiisip noon, maybe ayun ang calling ko. Alam mo yun? I had this fire and passion regarding that matter for the longest time. My heart fills with peace and I don't know how to describe it, parang sumasabog, pero hindi sa kaba. Plus everytime na may nakikita akong madre noon, napapatitig ako. Nagbe-bless ako, and I can't help but think, I want to be like them. Gusto kong mag suot ng sinusuot nila. Gusto ko yung idea na ikakasal ako kay Lord, gusto ko yung idea na I will make a vow to only serve God for the rest of life. Help people. Pray every single time. I love the idea of living inside the wall of the church. Kung yung ibang bata noon, nilalagay ang kumot or kahit anong tela sa ulo nila para gawing wedding veil, ako nilalagay ko sa ulo ko ang kumot o ang tela para gayahin ang suot ng mga madre. Natatandaan ko kumausap pa ako noon ng mga nagseseminarista or nagpapari. Because I wanted guidance. I was asking kung san nag eenroll or pumapasok sa ganun. Don't get me wrong, it wasn't an impulse decision. I was at peace with it, I really wanted it.
So bakit hindi ako nag madre?
I told my parents, "Gusto ko po mag madre."
Tumutol agad sila. Ayaw nila. Hindi nila ako pinayagan. Tinatanong ko noon kung bakit ayaw nila, ang sagot lang sakin nila dati, dun ka titira sa kumbento, hindi ka uuwi samin, matagal ka dun. And at the back of my mind ang sagot ko, "ano naman? Okay lang naman yon."
Tapos ang daming tumutol. Hindi daw bagay sakin ang mag madre.
A little background. Madaldal kase ako at makulit. O sinasabi nila, magaslaw. Yung best friend ko nung highschool tinawanan ako, sabi niya, "Di bagay sayo barbie (Barbie tawagan namin. Mahabang kwento.) pero kung san ka masaya at kung ano talaga gusto mo syempre susuportahan kita."
Up until second year college lagi ko pa din naiisip yon. Laging merong what if. What if nag madre talaga ako? What if ayun talaga yung path ko? What if pumayag sila mama that time? Or what if hindi ko sila sinunod at tumakas ako para mag madre? And I still ask God, "If this is your will, then so be it."
Up until I was in second year college I was thinking of dropping everything and just go with it. I guess wala akong lakas ng loob. Then life happened, I grew up. I never forget it, pero hindi na ganun ka intense yung desire and passion ko as before. And then I lose my way to God. At some point I blamed Him. At some point I questioned Him. But you know, every once in a while, I'm still thinking about it. And then I made peace with everything that's happened. Siguro dito talaga ako, eto dapat talaga yung tinatahak ko, siguro hindi yun yung calling ko. Diba nga sabi nila, everything happens for a reason.
Way way back, may nakita akong post sa facebook na naghahanap ng mga gustong pumasok sa kumbento bilang madre. I remember my bestfriend (Barbie) sending it to me sa messenger saying, "Barbs. Baka eto na talaga yung sign mo." Tumawa lang ako. Yung gay best friend ko din, nabanggit sakin yon, "nakita mo na yung church ata yon or mga madre na post na naghahanap ng gustong maging madre?" I told him, "yes nakita ko, ilang beses ko nadadaanan sa timeline ko." But I am contented with my life right now. Oo inaamin ko, napaisip ako. But then siguro hanggang ngayon wala akong lakas ng loob, sabi nga nila, it is a big decision, sabi nung nagseseminarista sakin noon, find it in your heart that it is what you really want. Siguro, hindi na lang talaga ganun ka lakas yung passion and fire sa heart ko to pursue it. So sabi ko, it's okay, I'm okay with just praying in the church once in a while. I'm happy with where I am now.
Na-curious ako, kung bakit di ako pinayagan ni mama noon kahit ilang beses kong sabihin sa kanila ni papa noon na gusto ko mag madre. So I asked her. ang sagot niya sa akin akala niya daw hindi ako seryoso noon, akala niya daw pangarap lang ng isang bata. Tapos siya na din ang nag sabi, siguro hindi talaga para sayo. Tumawa ako tapos sabi ko "siguro nga".
After that ang dami kong ginusto na course, gusto ko maging psychologist, gusto ko maging pediatrician, gusto ko maging chef, gusto ko mag multimedia arts, gusto ko maging veterinarian. In the end hindi pa din naman yon nakuha ko. But I'm still happy.
This is where I am, where it led me, all those things that happened.
Looking back, masasabi ko na lang na, oh I thought my passion before was pag ma-madre, I really believed and felt like it was where I needed to be, but now, this is where I need to be, this is where I'm meant to be.
I had a love-hate relationship with God. And even though I didn't pursue serving Him inside the wall of the church, I am still grateful for everything, I still serve him every day in my own little way.
3 notes · View notes
Text
Happy happy birthday, my love. Ilang taon o ilang away-bati man ang lumipas, alam kong ikaw na ang destiny ko. Hinding hindi na yan magbabago. Pipilitin ko lagi na mag-improve bilang karelasyon at bilang tao. Gusto kong ibigay lang sayo ang best version ko. Ngayong birthday mo, ang hiling ko lang ay isa: maging mas masaya ka pa at hindi mapagod para maging mas sa lahat ng bagay na gusto mo. Mangarap tayo ulit at sabay nating gawin lahat ng kaya natin, matupad lang ang mga pangarap natin. Mahal na mahal na mahal kita. Mangingibaw ka, magpakailanman. Pangako.
- S, September 2022
#s
14 notes · View notes