Tumgik
#╌ ˖ ࣪ ٬ ❲ . . aking kathang isip . . ❳
iris-sistibly · 1 year
Text
Tumblr media
Bakit?
Isang salita, isang tanong ang gumugulo sa aking isipan. 
Bakit humantong sa ganito ang buhay ko? Bakit ako nag-iisa at nagdurusa? 
Ako ay isinilang na walang alam tungkol sa totoo kong pagkatao, pinuno ng pagmamahal, pinag-aral, tinuruan kung paano maging isang huwarang babae na dapat tularan ng ibang dalaga, at upang maging karapat-dapat na asawa para sa aking nag-iisang mahal. Ang aking irog na si Crisostomo, wala akong hinangad kundi ang makasal sa kanya, maging katuwang niya habang unti-unti niyang tinutupad ang mga pangarap niya para sa bayan, bumuo ng pamilya, at tumandang magkasama. 
Ngunit sa isang iglap, nawala ang lahat…
Tila ang lahat ng iyon ay isang magandang panaginip na naglaho nang ako’y magising sa masakit na katotohanan. Na ako’y hindi bunga ng pagmamahalan ng aking mga magulang, kundi ng pagnanasa ng isang taong itinuring kong pangalawang ama, na ako’y matagal nang bilanggo at pinatatahimik ng mga taong akala ko’y naghahangad lamang ng mabuti para sa akin, na ang mga taong akala ng lahat ay banal na sugo ng Panginoon, ay siya palang mga tunay na mga makasalanan, na siya ring nagwasak at pumaslang kay Crisostomo. 
At ang pinakamasakit ay wala akong nagawa upang sagipin siya. 
Hanggang sa kanyang kamatayan ay pinili kong ingatan ang pagmamahal na inalay ni Ibarra sa akin, ito na lamang ang magagawa ko upang ipaglaban siya at ang aming pag-iibigan. Kung hindi rin siya ang aking magiging kabiyak ay mabuti pang magpakasal na lamang ako sa Panginoon, at igugol ang buhay ko sa paglilingkod sa Kanya kahit na tutol ang tunay kong ama. Hindi ako nagpatinag sa kabila ng kanyang pagmamakaawa, kahit ang kinilala kong ama, at ang tiya Isabel ay wala ring nagawa. Pinili kong manirahan sa tahanan ng Diyos, sa paniniwalang makakamtan ko ang paghilom at katahimikan na aking inaasam sa Kanyang piling. 
Ngunit mali ako, nagkamali ako…
Sapagkat ang lugar na inaasahan kong magiging kaligtasan ko ay siya palang maghahatid sa akin sa impyernong ito! Dahil dito ko nasilayan ang tunay na anyo ng isang demonyo! Wala siyang pangil o sungay, isa siyang taong nagbabanal-banalan, nagmimisa, at nagtuturo ng mga aral ng Diyos. Ngunit ang kanyang ugali at gawi ay taliwas sa sinasabi ng Bibliya, tunay siyang kasuklam-suklam! At habang niyuyurakan niya ang aking dangal, ay sumagi sa isip ko ang aking masaya at tila perkpektong buhay noon, ang aking papá at tiya na nagmahal at nag-aruga sa akin, ang aking mga amiga na lagi kong kasa-kasama mula pagkabata. Si Crisostomo na nag-alay ng dalisay na pagmamahal at paggalang sa akin. At si Klay, ang estrangherang nagturo sa akin na tumayo sa sarili kong mga paa, ang babaeng nagpakita sa akin ng tunay na halaga at kakayahan ng isang babae. Higit sa lahat, ang aking sarili na parang kandilang unti-unting nauupos habang isa-isang binabawi sa akin ang aking kaligayahan, lakas, at natitirang pag-asa.
Akala ko, ang pagkamatay ni Crisostomo ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Na akala ko'y naubos na ang natitira kong luha sa pagkawala ng aking pinakamamahal. May mas isasakit pa pala...
At habangbuhay ko itong tatangisan...
Maraming katanungan ang naglalaro sa isip ko, ito ba ay parusa ng langit dahil sa kalapastanganang ginawa ng aking tunay na ama sa aking ina? Ako ba ang naging kabayaran sa lahat ng hinagpis na dinanas ni mamá noong siya ay nabubuhay pa? Ako ba ay kanyang isinumpa dahil sa kanyang matinding galit?
Aking Ina, bakit pinabayaan mo ako't isinadlak sa matinding pagdurusa? Ano’t tila ako ay iyong tinalikuran at kinalimutan? Bakit hinayaan mong danasin ko ang kaparusahang higit pa sa kamatayan? 
Bakit ako Ina? Bakit?
-Ang Hinagpis ni Maria Clara (sa panulat ni: Iris)
Mula sa epilogo ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal na pinagbasehan ng palabas na Maria Clara at Ibarra. Ang dalawang ito naman ang siyang aking naging inspirasyon at basehan upang maisulat ang kathang ito. 
*
A/N: It's my first time writing a 99.99% tagalog fanfic. Mej nag nosebleed lang ako ng very slight but I’m so proud that I was able to write this. Obviously this is more of an expounded version of Maria Clara’s anguish after Padre Salvi violated her (and just before her breakdown), I wish she slit that asshole of a priest’s throat though, like seriously he doesn’t deserve to live. I have watched a video somewhere saying that the epilogue of Noli was based on the ill fate of a nun who was raped by a priest and was seen screaming and crying at the kampanaryo...or something like that. Oh and the "Ina" Maria was referring to on the last part was the Blessed Virgin Mary in case you're wondering.
Anyhoo, I feel sad that this show is going to end in 4 weeks, and idk how they are going to pull-off the story of El Filibusterismo in such a short amount of time, but I’m wishing the whole MCI team the best. 
24 notes · View notes
iamdenzel10 · 2 years
Text
Libro
By: denzel
Pagbuklat ko sa bawat pahina,
Istorya ng pag-ibig ang nag papaligaya.
Ngunit sa libro ko nalang ba makikita?
Ang lalaking bubuo ng aking pantasya.
Kathang isip na lang ba talaga,
O sa pahina ng librong aking binabasa?
Makikita ang taong kahanga-hanga,
Na mag bibigay ng tunay na ligaya.
2 notes · View notes
deannnnnnnnnnnnn · 1 year
Text
Filipino sa Piling Larang Akademik.
Aking natutunan sa aralin na ito ang iba’t ibang uri ng teksto. Marami itong uri katulad ng tekstong impormatibo, tekstong deskriptibo, tekstong persuweysib, tekstong naratibo, tekstong argumentatibo at tekstong prosidyural. Akin nalaman kung ano ang mga ito at mga halimbawa nito. Ang tekstong impormatibo ay nagbibigay ng kaalaman sa mambabasa. Ang tekstong persuweysib ay may layunin kumbinsihin ang isang tao tungkol sa isang bigay. Ang tekstong naratibo naman ay nagpapakita ng kwento na nagpapakita ng emosyon kahit totoo o kathang-isip ang kwento. Ang tekstong argumentatibo naman ay nagsasabi tungkol sa posisyon ng nagsulat ng teksto ukol sa isang ideya. At ang tekstong prosidyural ay naglilista ng pagkakasunod-sunod ng mga aksyon o hakbang na kailangan upang makagawa ng isang bagay. Ito ang mga uri ng teksto na kailangan matutunan ng isang estudyante na katulad ko upang lumawak ang aming kakayanan sa akdang filipino.
1 note · View note
yamheam · 1 year
Text
Isa hanggang Sampu
By: Karrie Jacinto
Isa….isang gabing tahimik ang naging simula
Simula ng isang storya na akala ko sa nobela lang mailalathala.
Dalawa….dalawang beses akong nag-isip kung tama bang tugunan ang bulong ng puso at kalimutan ang dikta ng isipan.
Tatlo….tatlong ulit na tayong pinagtagpo sa iba’t-ibang pagkakataon at sitwasyon.
Apat….apat na minuto akong nakangiti habang nagpapalitan tayo ng mensahe at pinag-uusapan ang nakaraan at hanggang sa ang ating pagkakaibigan ay nabuksan.
Lima….limang ulit akong nangulit kung tama ba ang aking narinig na iyong sinambit. Hindi ko alam kung tayo ba ay naglolokohan lang at parte lamang ng ating biruan ang kasagutan ng mga katanungan.
Anim….ika-anim na buwan nang magsimula ang mala-telenobelang ganap ng ating istorya. Kung saan ang TAYO ay muntikan ng mawala at akala ko’y katapusan na. Ngunit ako’y nagpapasalamat sapagkat dahil dun naging matatag ang pundasyon ng ating relasyon.
Pito….pitong taon na mula ng una tayong magkita. Noon pa may batid nating may kakaiba na sa pagitan nating dalawa. Subalit iyon ay di natin pinansin baka nga naman kasi wala lang at sa paglipas ng panahon ay atin ding makakalimutan.
Walo….walong araw kong hawak-hawak ang iyong kamay at sa bawat dampi ng ating palad ramdam ko at pinatunayan mong ito ay makatotohanan at hindi kathang isip lamang.
Siyam….siyam na ulit kong binalik-balikan ang mga ala-ala ng masasaya nating pagsasama. Mula Heneral Santos, Timog-hilagang Cotabato, Davao del Sur at Norte sa Isla ng Samal. Oo, malayo, nakakapagod, subalit sa bawat lingon ko sa aking balikat kung saan naroon ka’t mahimbing na nakaunan, agad akong napangiti at nagpasalamat. Dahil ang Makita at makatabi ka ay isang regalong walang katumbas.
Sampu….sampung kabanata na. Happy ending na. Iyon ang karaniwang ganap sa nobela. Subalit ang ating istorya ay magsisimula pa lang sa pagtatapos ng ika-sampung kabanata. Sa pangalawang serye, hindi ko mapapangakong ito’y magiging perpekto. Ngunit kamahalan, sa aking pagmamahal maipapangako kong ikaw lamang. At ang magaganda mong mata ay paiiyakin ko ng galak at saya buhat ng wagas kong pagsinta.
1 note · View note
denenotdean · 1 year
Text
Tumblr media
meeting x sabaw
matagal tagal na din mula nung isinulat ang saloobin;
salamat sa taong nagbuhay muli ng damdamin.
kahit mga kilos mo'y tila pang kathang-isip lamang
at mga salita mo'y tila suntok sa buwan naman
naniniwala padin ako sa pag-ibig ~
hinayaan mo akong maniwala muli sa pag-ibig;
maraming salamat aking sinta
nananalanging sana'y 'wag ka nang mawala;
~ j.d
0 notes
getreadofme · 2 years
Text
Hindi mo na namalayan-
inuulit mo naman ang daang dati mong nalakaran.
Tanawin man ay naiba,
iisa pa rin ang kwento ng aking tula.
Lubos pa ring umaasa.
Sa mga maliliit na bagay na nakatutuwa-
pagmasdan, pakinggan kahit ito’y kathang isip lang.
Dahil malikot ako mag-isip, may kulay nga pati maitim na singit.
Biktima pa rin ng matatamis na salita.
May diabetis na pero sige pa -
sa paglaklak ng asukal na malayo sa katotohanan.
Totoong nakakaadik ang kending nagtatamis-tamisan.
Nabibihag pa rin ng mga ngiti.
Na tumatagos naman sa akin pero bakit pati-
ako ay nahuhumaling sa ngiting hindi laan sa akin,
kung hindi sa nasa katabi, o sa likod na iyong pinipintakasi.
Ginawan ka lang ng pabor,
akala mo, ang pag-ibig niya ay sinlaki ng bapor.
Na sa dami ng pwede niyang maisakay,
hindi naman ikaw ang nais niyang kasabay.
Mali ang ulitin ang nakaraan.
Mali na sa hinaharap, ikaw pa rin ay nasa dating daan-
dahil patuloy ka pa ring pinaglalaruan ng mga kulay,
sa bahaghari, ng mga ngiti, ng mga matang singkit,
ng mga salitang hindi naman para sa’yo, pero pinipilit mong inaako.
Dahil ang pag-ibig ay hindi umiikot sa salitang AKO.
Ito ay binubuo ng TAYO, pero sa atin ito ay malabo.
Hindi pa rin totoo, sa 2022.
Ralph Izaak, 2022
0 notes
lascltrax · 2 years
Text
Xmen intro guitar pro download
Tumblr media
#Xmen intro guitar pro download pro
#Xmen intro guitar pro download professional
Tear In My Heart ukulele tablature by Twenty One Pilots, chords in song are D,F#,G,A7,A,Bm SA'YO by MUSIKATHA : LYRICS & CHORDS VERSE 1: O D Diyos Sa'yong G lahat ng pa A gsamba't D luwalhati. fish out intro: (Bm-G-Am)2x verse 1: C#m-Dm-F-G miya-ilay akun ska puman sii sa plaza tantoo ka dun a magatar sa mapiya ago mamumudak sa isa ka purgada pero tanto dun a ma-iinlove. this song is dedicated to the tilaka out their. | Freestyle - I Wanna Kiyo You Chords | Ver. Bakit Ba Ganyan Ukulele: 1: Bakit Ngayon Ka Lang Ukulele: 1: Before I Let You Go Ukulele: 1: Dati Ukulele: 1: Fantasi Ukulele: 1: Got To Be There Ukulele: 1: Half Crazy Ukulele: 1: I Live For Your Love Ukulele: 1: I Wanna Kiyo You Ukulele: 1: Loves Holiday Ukulele: 1: Maybe Ukulele: 1: Nananabik Ukulele: 1: Once In A Lifetime Ukulele: 1: Para.g from the Philippines, today, it is enjoyed by hundreds of thousands of ukulele players from 100+ countries around the world.Ben&Ben all, Official, Chords, Tabs, Pro, Bass Tabs, Ukulele Chords tabs including araw-araw, kathang isip, leaves, nakikinig ka ba sa akin, sa susunod na habang buha.Ikaw gustong makasama magpahanggang mag sitenta kiyo - Dantay FT. Our sole business is and always has been farming and therefore we have built up considerable expertise at managing a wide variety of land Kiyo Lyrics. Peters and Son is a family farming business based at Plashett Park Farm, Ringmer. SPACE MOSES (BASS + SOLO COVER) with song key, BPM, capo transposer, play along with guitar, piano, ukulele & mandolin Established in 1920, A.R. Ang aking tapat na kakampi, wala nang iba, walang katabi Dantay Lyrics: Pinilit umakit ng suwerte, palaisipan pinalawak / Pinakiusapan ang hangin, pinaamo ang pinakamatapang / Pinapalayo ang aking balwarte 'gang maligaw, sige, abante / 'Di lumingo Chords for KIYO - G FT. Hindi lumingon, dinala ko pa din ang bigat kasi ako lang. Pinapalayo ang aking balwarte hanggang maligaw, sige, abante. Pinakiusapan ang hangin, pinaamo ang pinakamatapang. YZKK) Pinilit umakit ng suwerte, palaisipan pinalawak. Ukulele players all over the world have direct access to UkuTabs. UkuTabs is your true source to find chords and tabs for all of your favorite songs. You can find the 99 most liked songs of UkuTabs right here on this page. Quick Search Any Chord A A♯/B♭ B C C♯/D♭ D D♯/E♭ E F F♯/G♭ G G♯/A♭ major minor 5 aug dim 7 m7 maj7 aug7 dim7 m(Maj7) m7/b5 sus2 sus4 7sus2 7sus4 9 maj9 11 m11 13 m13 6 m6 add9 m9 Standard Tuning (GCEA) G-Tuning (DGBE) D-Tuning (ADF#B) Slack-Key Tuning (CGEG Top 99 Songs with Ukulele Tabs and Chords / By Likes ~ Saturday 31st of July 2021 ~ 99 top liked ukulele tabs of all time. Since 2004, he has released four studio albums as well as one live album, two remix CDs and one DVD featuring. Known for blending traditional Jewish themes with reggae, rock and hip hop sounds, Matisyahu is most recognizable for being an orthodox Jew and writing a number of songs based on his faith and beliefs. Matisyahu (born Matthew Paul Miller, June 30, 1979) is an American reggae musician.
#Xmen intro guitar pro download professional
We have an official Tulog Na tab made by UG professional guitarists 8,826 views, added to favorites 59 times. Dmaj7: x57675 A: 577655 Bm: 7997xx G: 355433 Am: 5775xx Dmaj7 A Bm Dmaj7 A Bakit ba Bm ( G) Dmaj7 A Kung kailan ka'y naisip na bibitawan Bm ( G) Ikaw ang paraiso 'di ba Dmaj7 A Huwag ka nang Bm ( G) Mag-alinlangan satin Dmaj7 A Bm ( G) Dmaj7 A Bm G.
#Xmen intro guitar pro download pro
This song issa vibeee!!!! streammm!!FEEL FREE TO HIT ME UP!FB: : : kiyo tabs, chords, guitar, bass, ukulele chords, power tabs and guitar pro tabs including urong sulong, road to the maste There is no strumming pattern for this song yet. Guitar chords, Piano chords, ukulele chords
Get chords for songs by kiyo on guitar, piano and ukulele.
DANTAY official music video you Enjoy it !#dantay#kiyo#ukeleletutorial #BaguioTube #COVID19 #EQ.
YZKK (OFFICIAL MUSIC VIDEO) with song key, BPM, capo transposer, play along with guitar, piano, ukulele & mandolin YZKK (OFFICIAL LYRIC VIDEO) are: - Guitar, Piano & Ukulele | Transpose & MID kiyo - Dantay ft. Play along in a heartbeat Free Interactive Chords for kiyo - Dantay FT.
Tumblr media
1 note · View note
missserotonin · 2 years
Text
KATHANG ISIP
‘Nung tinanong mo ko kung ano tayo,
ako’y natuliro.
matagal na rin ang isip ko’y nalilito.
Subalit alam mo,
damdami’y naninibugho
sa mga araw na ika’y kausap,
sa dalawang beses na ika’y nayakap,
ako’y nangarap,
na sana maging malaya
para ika’y mapasaakin at mapasaya.
magulong usapan
na walang kasiguraduhan,
yan lamang ang aking naisambit,
gustong kumapit,
ngunit,
ako’y mahina at takot.
takot na baka di rin lang tayo sa huli
at ang yugtong to’y mauuwi sa pagkawaksi.
1 note · View note
wordofthevomit · 2 years
Text
93/365: Daig mo pa ang isang kisapmata
Sa aking taong tinawag na tahanan,
Ano bang nawari'y at napadesisyunan mong
Isa lang pala akong iyong pahingahan?
Para lang tuloy itong isang panaginip
na tayo lang ang nakakaalam.
Totoo ba ang lahat ng nangyari?
O isa ka nanamang palang kathang-isip?
Bakit ang dali mo lang akong gupitin sa iyong araw-araw,
Tila'y para lang akong isang tastas ng laylayan ng polo mo.
Gago ka ba? Wala ka bang modo?
Ilang beses kong pinahiyag na kundi ito
ang iyong pangmatagalang gusto,
Sabihin mo agad pero pinili mo pa rin
maging bata at iwanan mo ang iyong laruan dahil nagsawa ka na.
At ngayon na ako'y iyong iniwan na mag-isa,
Nung parang nakaraang buwan nagplano ka pang tayo'y magkita,
Nung parang nakaraang buwan nagsabi ka pang ako'y iyong sinisinta,
Bakit ang dali lang sayong maging masaya?
Bakit ang dali lang sayo ngayon harapin ang araw-araw na hindi ako ang kasama?
Bakit ang dali lang para sayo?
Tangina tama nga ang Rivermaya,
daig mo pa ang isang kisapmata.
0 notes
punong-araw · 2 years
Text
Tumblr media
6.06 SECONDS - LDH
˒ 🌱 ៸៸ "aawayin ko ang jowa ko today, bakit? hindi ko alam. anong ginawa niya? wala" (Today, I'm gonna fight my boyfriend. why? I don't know. What did he do? Nothing)
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
❲ Lee Donghyuck x Gn!Reader ❳
words : 0.5k | genre : slice of life | warnings : fake injury, cursing, donghyuck actually getting injured 😭💀 [ not proofread ! ] | a/n : I promise to do a oneshot/drabble for jeno, just wait till my brain processes a good fic idea 😭💀.
synopsis ‹𝟹 you test your boyfriend on his reaction time when you get injured. [ Inspired by that one couples tiktok trend ]
Tumblr media
main navi | nct masterlist
Tumblr media
You like to fight your boyfriend on a daily basis.
Not fight as in, putting your relationship on the line. Just a small banter. A silly little argument like all couples do. Sometimes you get a sudden urge to punch his handsome face whenever he gives a sly remark. And sometimes you tease him just so you could see his face whenever you tested his patience.
Today, you did something a little bit different.
On a scale of 1-10, your rating on Donghyuck's reaction on you getting hurt is a solid 7. Why? Because one time you stubbed your toe against the foot of the table and he had the audacity to laugh. Of course you punched him, he deserved it which forced him to actually take care of your stubbed toe.
You weren't gonna actually base the rating over a stubbed toe— it's just a stubbed toe! You were fine after a few minutes, the way he reacted was the red flag.
So today you wanted to test him for real.
You found the opportunity to excuse yourself to bathroom while you were watching a movie. You took your phone with you and opened the timer app.
This would also test your acting skills since Donghyuck is smart enough to know what is real or not.
"Ow fuck! Ow ow ow—" You banged on the counter making it seem like you body hit it and started the timer. You didn't stop your fake cries until the bathroom door bursted open.
"Y/n, Are you ok?!" You shoved your phone in his face showing the time.
"6.06 seconds, that's how long you took to get here," You crossed your arms as if you were gonna scold him.
"What?"
"When I'm hurt, that's your reaction time." Donghyuck looked at you in disbelief.
"That's so stupid, I was genuinely worried." He scoffed.
Just as he exited the bathroom he tripped over the jacket that was left on the floor.
"Hyuck!" You sprung to aid him while he winced on the floor.
"Oh hey look, I came to you in under 3 seconds."
"I'm seriously hurt over here."
"Don't be such a big baby, it's just a scratch."
"Kiss it better then."
"The fuck!?"
Tumblr media
PUNONG-ARAW © 2022
86 notes · View notes
lihimlihamtinta · 3 years
Text
Kathang isip nga bang maituturing
Ang mga paruparong hindi mapakali
Sa loob ng aking tiyan tuwing ika'y katabi
Hindi mo ba sila napapansin?
Na sa tuwing ang ating mga mata'y nagtatama
Tila ba may gera at may ipinaglalaban
Kahit pa hindi ko mismo mailaban
Itong nagsusumigaw na nararamdaman
Gusto nilang kumawala tila may ibubulong
Mga sikretong ikinubli sa aking loob
Tila ba ilalaglag ako sa isang patibong
Gusto ata nilang ako'y iyong mabisto
Sa aking paghangang sinisekreto
Ayaw nilang makisama't gusto akong isuplong
Sa iyo na aking lihim na iniirog
Maniniwala ka ba sa kanilang ibubulong?
5 notes · View notes
iamdenzel10 · 2 years
Text
Libro
By: denzel
Pagbuklat ko sa bawat pahina,
Istorya ng pag-ibig ang nag papaligaya.
Ngunit sa libro ko nalang ba makikita?
Ang lalaking bubuo ng aking pantasya.
Kathang isip na lang ba talaga,
O sa pahina ng librong aking binabasa?
Makikita ang taong kahanga-hanga,
Na mag bibigay ng tunay na ligaya.
0 notes
bor-salazar · 3 years
Text
Malas? Hindi ba't nakaramdam ka naman ng sarap?
Tumblr media
Sa halos sampung buwan na ating pinagsamahan, siyam doon ang labis na kaligayahan. Ngunit ang natirang isang buwan ay puro pagdurusa.
Siyam na buwan, dito ko napatunayan na sa simula lang talaga malalasap ang saya. Lambingan, tawanan, harutan, at mga kwentong walang katapusan. Halos buong araw gusto na palaging magkasama. Magkatabi sa ilalalim ng buwan habang magkahawak ang mga kamay. Pinapangarap ang mga plano sa buhay at kung ilan ang gagawing mga anak pagdating ng araw. Palaging pangako ang pagsungkit sa mga bituin at siyempre hindi mawawala doon ang gasgas na mga linyang "magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa."
Pero dumating ang isang buwan, isang buwan lang pala ang tatapos sa lahat. Nawalan na ng gana. Naiirita, nagagalit, naligo naman ako pero ba't parang halos ayaw akong makatabi. Mahirap pigilan ang hindi pagtatanong kung anong nangyari, kung bakit lahat ay isinantabi. Kaya't paulit-ulit kang kinulit kahit palaging tugon mo ay konting espasyo lang saglit. Patawad, ngunit huli na dahil di ko namalayang nakaalis ka na. Akala ko'y magpapahinga ka lamang ngunit napagpasyahan mo na palang lumisan.
Ang bilis ng mga pangyayari. Mala-kisapmata kang nawala. Pilit kitang hinabol, patuloy ako sa pagtakbo pero hindi ko alam kung saang direksyon ang tinahak mo. Magulo, di ko alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang kahibangang ito. Masakit, dahil sa aking patuloy na paglapit ay patuloy naman ang iyong paglihis. Nakakapagod, paano kita maaabutan kung sa kawalaan tayo naghahabulan. Paano kita mahahanap kung nakapiring ang aking mga mata sa paghahanap. Mauupo na lamang ako dito, pero hindi na aasang magbabalik ka.
Ngayon ay isang taon na din ang nakalipas mula nang dumaan ang isang buwan na puro hirap ang aking dinanas. Siguro'y kaya ka lumisan dahil ako'y nagmistulang tambayan mo lamang. Matapos sumaya at mabuo ika'y nagpasyang lumayo kahit alam mong ito'y aking ikadudurog. Akala ko'y totoo ngunit kathang isip lamang pala talaga ang mga binuong plano. Yung pangakong magsasama sa hirap at ginhawa, sa saya at pagdurusa ay sa iba mo pala gustong ialay, kaya't heto ako ngayon, tinatahak mag-isa ang buhay ng wala ka. Ang daling sabihin ng paalam pero bakit ni hindi mo nagawa? Isang yakap lang sana bago ka lumabas sa pintuan na iyong iniwang nakabukas. Isang halik man lang sana ang iyong iniwan bago mo pinaramdam na tapos na. Nasira na ang lahat, gumuho na ang mga pangako, nalusaw na para bang mga sinisilaban na pako. Ayoko nang isipin ang nakaraan pero bakit? bakit ayaw akong tantanan? Hindi ko na sana naramdaman ang siyam na buwan na puro lambingan kung sa paglipas ng isang buwan ay tutuldukan na ng tadhana ang ating kabanata. Madaya, diba? Dahil kung sino pa ang nagpadama ng langit ay siya din pala ang may dala-dala ng sakit.
Malas, malas talaga hindi dahil sa nawala ka, pero dahil nawala ko ang aking sarili noong panahong nandito ka pa. Sa labis na pagpapasaya ko sa'yo ay sa'yo ko natuon lahat ng aking atensyon. Sa labis na pag-aalala ko sayo ay hindi ko na natatanong ang sarili ko ng "kumusta?" Hindi ko sinasabing hindi na sana nangyari ang ika-isang buwan o ang buong siyam. Ang sa'kin lang ay sana nagpaalam ka ng harapan dahil sa sobra kong pagmamahal sa'yo ay hindi ko naramdaman na mistulang sobra na ang aking napaparamdam. Nakakaumay nga naman. Kung mangyari man na muli tayong pagtagpuin ang tiyak na lalabas lang sa'king bibig ay ang mga salitang paalam, patawad at salamat habang tumutulo ang mga luhang isang taon ko na ring pinipigilan sa pagpatak.
4 notes · View notes
upismediacenter · 3 years
Text
LITERARY: Ang Huling Liham
Tumblr media
[CONTENT WARNING: RAPE, ASSAULT, DOMESTIC VIOLENCE]
Oktubre anim, dalawang libo’t dalawampu’t isa, Ikasandaang liham sa aking mahal na asawa. ‘Wag ka nang mangumusta sapagka’t ako’y may balita: Kinulimbat na ng Diyos si Pepeng pinakabata.
Sinulat ko itong liham, palad ko’y itim at pula, Wala akong tagimpan sa kathang-isip n’yo ng midya. Marunong kang magmahal ngunit ako’y naniniwala, Na luha ang kapalit ng sakim mong pag-aaruga.
Oktubre anim, dalawang libo't dalawampu’t isa, Natagpuan si ate, ginahasa sa eskinita. Sirang plaka ang iyong bunganga, panay ka salita, Sa aming saklolo ano ang ginawa? Wala? Wala.
Sinulat ko itong liham, braso ko’y itim at pula, Nasa isip ang gabing magkasama tayong dalawa. Kinuyom mo ako sa dilim, ang pag-ibig mo’y sumpa, Lahat ng akin ay sa’yo: anak, dugo, pera’t lupa.
Oktubre anim, dalawang libo't dalawampu’t isa, Liham na ito ay hanggang libingan ko idadala. Ikaw ang amo at pangulo, ako inang ulila, Angkin mo na ang mikropono, ang wakas na salita.
1 note · View note
jshvlsc · 4 years
Text
Heneral Artikulo Uno
Ang aking reaksyon patungkol sa pelikulang Heneral Luna ni Jerrold Tarog taong 2015
 Bago ko muna sinimulang panuorin ang pelikulang ito, ako muna ay naglinaylinay at tinanong ko ang aking sarili. Sino nga ba si Heneral Luna? Siguro, kilala ko siya bilang siya ang  namuno sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino at siyang nagtatag ng unang akademya militar ng bansa. Ngunit, sino nga ba talaga si Heneral Luna o Antonio Luna at bakit siya ang namuno sa hukbong sandatahan ng Himagsikang Filipino? Ano ang kaniyang  naiambag  sa ating inang bayan? At mula aking pagkabata, ang laging tumatakbo sa aking isipan na katanungan ay sino nga ba ang nagpapatay kay Heneral Luna? Ano nga ba ang dahilan kung bakit siya pinatay? Kung kaya’t lubos kong ikinagagalak noong nakita ko ito sa Netflix at Youtube. Sapagkat, mabibigyan na ng kasagutan ang lahat ng katanungan sa aking isipan.
Tumblr media
Ang pelikulang ito ay kamangha-mangha  sapagat sa dinamidami na ng aking mga napanuod na pelikula na patungkol sa digmaan at pagpapakabayani, ito lamang ang nakakuha ng aking damdamin. Dahil hindi lang ito basta pelikula, isa itong makabagbagdamdaming pelikula na  patungkol sa ating kasaysayan at ito ay puno ng aral. Ang pamagat ng pelikulang ito ay ipinangalan sa mismong pangunahing tauhan na si Heneral Luna, ang binangsagang Heneral Artikulo Uno na kung saan nakasaad artikulo na  “ang hindi sumunod sa punong heneral ay tatanggalan ng ranggo at ipapapatay ng walang paglilitis sa hukumang militar” dahil iyan ang kaniyang ginamit upang mapasunod ang ibang Pilipinong sundalo.
Binuksan ng pelikulang ito ang aking natutulog na isipan sa maraming bagay. Isa na dito ay ang katagang “Mga kapatid, mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa sa mga Amerikano. Ang ating sarili." Bigla akong napa-isip nang marinig ko ang mga katagang ito. Nakakalungkot man isipin ngunit ito ang katotohanan.  Maaring may mga taong sumasakop sa ating bayan ngunit tayo mismo ang nagiging sanhi kung bakit hindi natin nakakayanang ipaglaban ang ating sariling bayan. Maaring naging hambog at abusado si Heneral Luna ngunit aking itong naiintindihan kung ano ang kaniyang pinangagalingan. Ang kanyang galit mula sa kanyang dibdib dahil sa mga nasasaksihan at nalalaman nya na katraydoran ng kanyang mga kapwa na may kapangyarihan sa lipunan. Kagaya na lamang sa nobelang sinulat ni Jose P. Rizal na may pamagat na El Filibusterismo. Ang nobelang ito ay hindi para sa mga prayle o mga kastila kundi ito’y sumasalamin sa mga kapwa nating Pilipino. Na ang mga Pilipino noon ang nagging mapag mataas, kapwa Pilipino pinagtataksilan at marami pang sakit sa lipunan ang nabanggit sa nobelang ito.
Tumblr media
Isa din sa aking natutunan sa palabas na ito, na hindi lamang ang mga taong nananakop sa atin ang sakim at uhaw sa kapangyarihan at kayamanan kung hindi tayo rin mismo na nakatira sa ating sariling inang bayan. Hindi man natin ito ginagawa sa paraan na marahas at madugo, kundi pailalim at sa paraan na makakasiguro tayong hindi tayo mabubuko sa kung ano man ang ating layunin. Katulad nalamang sa ating gobyerno, hindi ko nilalahat ngunit kadalasan mas pinapayaman pa nila ang kanilang bulsa kaysa sa payamanin ang kanilang pinamumunuan. Samantala, makikitang mas lamang sa mga ilustrado ang negosyo dahil kanilang  binabalewala ang natamong tagumpay laban sa mga Espanyol at tuluyang sumuko na lamang sa mga mananakop na Amerikano. Sa kadahilanang, “dahil sila ay mas malakas at mas makapangyarihan”, iyan parati ang kanilang sambit kung bakit gusto na lamang nilang sumuko sa mga Amerikano kaysa lumaban.
Samantala, pagdating naman sa mga aktor na gumanap, masasabi kong pinag-isipan mabuti ng direktor kung sino ang dapat gumanap nito. Ang pelikula ay Binibidahan nina John Arcilla bilang Heneral Antonio Luna, ang pangunahing tauhan, Arron Villaflor bilang Joven Hernando, isang mamamahayag na nakikipanayam kay Luna, at ni Mon Confiado bilang Emilio Aguinaldo at marami pang iba.
Sa pelikula, ang karakter at tauhan na si Joven Hernando ay piksyunal at kathang-isip lamang. Dahil sa aking napag-isipan, aking napagtanto na mula sa isang anggulo, nagawan ko ng espesyal na koneksyon si Joven at ang kasalukuyang henerasyon. Base sa aking pananaw at pagkakaunawa, ang mamamahayag na si Joven ang nagsisilbing tinig ng ating henerasyon, isang boses na pinagmumulan ng mga tanong at pang-uusisa ukol sa mga pangyayari noon na kinasasangkutan ni Luna. Bagaman si Joven Hernando ay nagmumukhang isang sumusuportang karakter lamang sa istorya, para sa akin ay halos magkasing-halaga na sila ni Heneral Luna. Sapagkat, kung hindi lumabas sa pelikula ang mamamahayag, ang palabas ay magmimistula lamang isang isinapelikulang talambuhay ni Antonio Luna bilang isang heneral.  
Tumblr media
Nakatulong din sa pelikula ang magagandang anggulo sa pagkuha ng mga galaw ng mga aktor at aktress. Marahil, ito ang nagbigay ng buhay sa nakaraang pamumuhay ng kapwa nating Pilipino. Mula sa mga ilaw na ginamit at sound effects, mas pinalakas ng mga ito ang mensaheng nais ipabatid sa mga nanonood. Ang pagka-comedy drama ay saktong-sakto sa panlasa ng mga millenial sa panahon ngayon. Nararapat lamang  silang gawaran ng parangal sa pagbibigay na makahulugang komedya na hindi dinaan sa slapstick komedy at masasabing napakamakata ng nagsulat ng pelikula. Maganda din ang make-up at costume design at  dugo kung dugo. Binaril kung binaril. Dumi kung madumi. Napakagaling. Ayon kay Pong Ignacio, isang cinematographer, pinag-aralan nilang mabuti ang tutok ng ilaw at mga shadows o anino ng mga tao sa pamamagitan ng mga paintings ni Juan Luna, isa na dito ang Spoliarium. Aking din napansin, na ang huling eksena kung saan hinihila sila Heneral Luna at  Col. Paco Roman  ng kapwa nila Pilipino ay kaparehas sa pintang Spoliarium. Na sa dulo ng pelikula hindi nabanggit kung sino nga ba ang nagbigay ng sulat kay Heneral Luna at nagpapatay, ngunit para sa akin si Aguinaldo ang nagpapatay sa kaniya dahil siguro sa mga paninira nadin nina Buencamino at Paterno kay Heneral Luna.
Sa pangkahalatan, ang pelikulang Heneral Luna ay napakaganda, napapanahon, isa sa mga katangian ng pelikula na nais ipabatid sa manunuod ay ang pagiging isang tunay na Pilipino hindi lamang sa puso maging sa gawa at higit na dito, ay nararapat. Nararapat na panuorin ng mga kagaya kong estudyante ang pelikulang ito sapagkat, sa pamamagitan ng pelikulang ito, namulat ako sa kung ano ang katotohanan na nangyari sa ating bansa noong unang panahon na tayo mismong Pilipino ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo naging alipin ng mga banyagang bansa katulad ng mga Amerikano. 
Bilang pangwakas, ninanais ko sanang mas palawakin nila ang karakter ni Joven Hernando, ang mamamahayag na nakikipanayam kay Luna, at gawin din siyang isa sa mga pangunahing tauhan dahil siya ang nagsisilbing tinig ng ating henerasyon, isang boses na pinagmumulan ng mga tanong at pang-uusisa ukol sa mga pangyayari noon na kinasasangkutan ni Luna dahil kung wala siya magiging isang isinapelikulang talambuhay lamang ito ni Heneral Luna.
14 notes · View notes
obscure-ideas · 3 years
Text
Inhibitions
Magkahalong tuwa at kaba ang aking nararamdaman habang nakaupo sa mahabang upuan na nasa waiting area sa may gate ng boarding ng eroplanong aking sasakyan.. Kinusot kong muli ang aking mga mata upang matiyak na hindi ito isang panaginip. Pagkatapos ay binasa kong muli ang hawak kong boarding pass.
Totoo nga, ilang sandali na lang at makakaranas na akong sumakay sa dati'y tinitingala ko lang na eroplano habang lumilipad sa itaas ng langit.
Habang binabasa ang aking pangalan sa hawak na boarding pass ay naalala ko ang pinakamalapit na kaibigan sa aking puso. Pangarap nyang lumipad kasabay ng mga ulap.
Nais nyang makaranas na ihatid ko sya tuwing sya'y aalis at sasalubungin naman sa airport sa tuwing sya'y darating.
Pinangarap nyang marating ang lupain ni Uncle Sam sa kabilang panig ng mundo. Nagnais syang makapagsuot ng makapal na jacket at bumuo ng isang malaking snowman kung darating ang winter. Binalak nyang makapagdrive sa malawak na highway na kanyang pinapangarap, ang US ROUTE 20.
Ngunit ang mga iyon ay nanatiling panaginip lang hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
May mga bagay na pilitin man nating maangkin ay parang sadyang ipinagkakait sa atin.
"Wala na nga bang katuparan ang mga pangarap ko?" Itinanong nya sa akin noon habang langung lango sa alak. Sa ganitong pagkakataon ay alam kong iiyak na naman sya habang naglalabas ng sama ng loob. Maraming masasakit ang nakatago sa isang sulok ng kanyang puso na nailalabas lamang nya sa ganitong pagkakataon habang sya ay lasing. Sa alak siya kumukuha ng lakas ng loob upang masabi sa akin ang laman ng bigo niyang puso.
"Tell me babe, am I a failure?" Lagi nyang tanong sa akin. " I've lost every hope there is. Do I have to keep the faith?"
Everything happens for a reason.
Kung para sa iyo, magiging iyo kahit walang kaeffort effort.
Kahit anong pagsisikap ang gawin mo, kung hindi nakalaan para sa iyo ay hindi magiging sa iyo.
Kung nagsikap ka at nakamit mo ang mga pangarap mo, iyon ay dahil sadyang nakalaan iyon para sa iyo.
Masakit mangarap at mabigo. Ngunit hindi alak o ano pa mang bisyo ang solusyon sa anumang kabiguan.
I've always wished that he achieve what he hoped for. But life has never been a bed of roses for him.
At hindi sya nakaisip ng tamang paraan para harapin ang buhay. He lost the right track. His will to live weakend as he face hardships along his way.
Sa maling paraan ay natupad nya ang kanyang pangarap. Lumipad sya kasabay ng mga ulap. Narating nya ang kabilang panig ng mundo sa kanyang malakas na imahinasyon. Nakapagdrive sya sa pinakamahabang highway na kanyang ninanais madaanan.
Sa kanyang mga ilusyon, natutupad nya ang mga pangarap na ipinagkait ng tadhana. Sa tuwing kaulayaw nya ang mga alak, natutupad nya ang lahat ng iyon sa kathang isip na binubuo niya sa kanyang mga halusinasyon.
Kung naging mas malawak sana ang kanyang isip sa mga pangyayaring nagaganap sa kanyang buhay, kung hindi sana lumihis ang daan na kanyang tinahak sa paghanap ng katuparan sa kanyang mga pangarap, kung naging tama sana ang kanyang mga naging desisyon, .. maaaring kasama ko sya ngayon habang naghihintay sa eroplanong aking sasakyan.
"We are now inviting passengers to begin boarding at this time........."
Nahinto ang aking alaala nang marinig ko ang announcement . Nakita ko ang mga katabi ko sa upuan na tumayo at pumila papasok sa gate.
Eto na.. ipinikit ko ang aking mga mata. Alam kong narito ka sa tabi ko.. Halika sumabay ka. Tara , lilipad tayo.
😜✌️
1 note · View note