Tumgik
#tagalog spoken word poetry
lihimlihamtinta · 2 months
Text
Masyado lang akong mayabang pero nakakatakot pala talaga mag isa.
25 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Kamatayan, marahil, ang pinakakinatatakutan kong bagay sa mundo. Na kinakailangan kong magtago at yumukod upang hindi ako matagpuan nito.
Pero nang halikan mo ako, tila ba sumakabilang buhay na 'ko. Na hindi lang hanggang langit ang nilipad ko, dahil pinalibutan ako ng mga tala at sinangayunan ng mga mundo. Na tuluyan ko nang naarok ang sukdulan ng buhay dahil sayo. At nang ilayo mo na ang iyong labi ay saka ko lang napagtanto.
Na pag-ibig ay higit pa sa kahit anong bagay na makalupa. Na pag-ibig ang tumutulak sa atin palabas ng karimlan. Na higit na mas matimbang ang lambing ng iyong bisig kaysa sa karit ni kamatayan. Na kahit may sentensiya ang pagiging mortal, ang bawat araw ko nama'y parang habambuhay dahil sa iyong pagmamahal.
15 notes · View notes
unpublishedinkstains · 8 months
Text
Sa Loob ng Ilang Minuto by | Unpublished Inkstains 🪶
Saan ako mapapadpad? buhat-buhat ng mga malalambing na alon ng dagat, mahigpit na nakayakap sa aking katawang unti-unting kumakalas. Nakalutang sa gitna o kung saan man 'to banda, nakatulala sa mga ulap na sumasayaw sa aking harapan. Paano nga ba napunta dito? Siguro nananaginip lang ako pero 'di ako sigurado.
Parang ilang taon na akong nakahiga sa piling ng karagatan, ngunit 'di nagiging balat-pasas. Pero kung sa bagay, ang mga panaginip nga nama'y parang napakatagal na panahon ang dumadaan bago ka magising sa sinag ng kinabukasan. Kung totoo nga, ayaw ko munang magising. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang simoy ng hangin, sa aking pag hinga nang malalim ay walang mga tinik na sumasabit.
'Kay tagal na, sobrang tagal na. Noong huli akong pumikit nang 'di natatakot i-mulat ang mga matang ilang taong pinag-piyestahan ng mga ipis at daga.
Ayaw ko munang umalis, pero aahon din ako. Hayaan muna ang batang mag tampisaw, sulitin ang bawat natitirang segundo bago madumihan muli ng buhangin na di maiiwasang apakan at makakasalubong din naman 'to...
Pagka-ahon na pagka-ahon.
Tumblr media
5 notes · View notes
babaengmanunulat · 2 years
Text
Why do we always insist ourselves to someone who doesn’t want to take risk for us?
Why do we always want to hurt ourselves by hoping that “we can make it”.
But what if we can? What if we are just insisting ourselves to the wrong people? Because I read something that says something like if you meet someone who is right for you, you don’t have to beg for the love you deserve. You don’t have to beg. We all know that we deserve that kind of love, but why are we still attracted to the people who give us less than what we deserve? Are we all masochists, aren’t we?
Why don’t we just go for someone who loves us genuinely? Who is willing to take risks for us. Who is willing to part the ocean just to let us through. Why do we love to fucking settle for less? It hurts to love the person who gives us nothing but penny, yet we still continue to embrace them; even if their skin turns into a metaphor of a torn. Is that how we love? Is that how we really show our love? Loving the person even if it hurts, until you are completely numb.
If this is how love should be. Count me out. I don’t want love anymore. I am always being misunderstood. Or am I being gaslighted? But I once saw my future with that person. And there is still hope left in me that we can make it. Or least I can say that I thought we can make it.
How can I move on from the person who I once loved more than myself? How can I move on from the person who showed me what love should really be like? How can I move on from the person who made me forget about the time when I am with him? How could I forget someone I loved more than anyone?
The genuine laughs.
The attraction.
The hugs and kisses.
The smiles.
The safeness.
If this is love, then I don’t want this. I rather not to love. I rather see myself aging alone than being hurt again. I don’t want to experience the pain where you want to cry but you can’t cry but you feel empty inside and you feel that your heart is aching. I don’t want to love if this is love.
15 notes · View notes
wmab · 2 years
Text
SANHI
Napakadali. Para lang nag-itsa ng walang saysay na sukal sa lupa. Para lang nagtapon ng simi sa dagat. Mala-sigâ na pabaya kung magbuga ng alipatong s'ya naman ang may gawa. Palalo at malupit. Hindi papayag na may sabit. Para lang nagdura ng pait at nagtapon ng bitbit na tila sagabal sa pagkamit ng ganid na mga hangad. Sukdulan ang samâ na ang pagkabalakyot ay sa buto'y sagad.
Kagyat ang pagbitaw sa di talaga nais. Ang bilis talagang magsúka ng mga bagay na sa isip ay walang kabuluhan. Ang loob na sakim ay kayang-kaya magtanggi ng mga di pusong isaalang-alang. Singdali ng pagkatuyo ng pinangbalog na tubig sa nagbabagang daan. Kayang pumatay ng alab ng uhâw na pangangailangan ng búhay na inakalang sa pagsilang ay may maaasahan.
Walang saysay ang kahihiyan. Sanhi ng mga munting may nagngangalit na loob at mapaghimagsik na isipan. Pinagmumulan ng murang pagkabigo, dahilan ng paglaban. Maski na ba ang mag-andukha'y mas busilak pa sa pinakabusilak ang kalooban. Gaano kaya ang sahol ng pagkahayop ang nabubuhay sa kaibuturan para pati humihingang dugo't laman ay itapo't ipagpalit para sa sariling kapakanan?
-Wag Mo Akong Bitawan
5 notes · View notes
iloco-lit · 1 year
Text
There are around 7 million people who speak Ilocano as their first language, mainly in Northern Luzon, the provinces of La Union and Ilocos, the Cagayan Valley, Babuyan, Mindoro, and Mindanao. Ilokano is also used as a lingua franca in trade, commerce, and everyday conversation by perhaps another 2 million speakers in the northern parts of Luzon. Ilocano is more widely spoken by ethnic groups from the country's northside than Tagalog, which is also its official language. Ilocano does not, however, have official status at this time; it is merely a regional tongue. Only the first few classes of elementary school use it.
Tumblr media
The Ilocanos were the first ethnic group from the Philippines to immigrate in substantial numbers to North America, establishing sizable settlements in Hawai'i, California, and the Pacific.
Ilocano literature, also known as Iloko literature, refers to the literary creations of authors of Ilocano origin, regardless of the language(s) they have written in, including Ilocano, English, Spanish, and other foreign and Philippine languages. The words "Iloko" and "Ilocano" are distinct in the Ilocano language.
HISTORY OF ILOKO LITERATURE
Pre-colonial Iloko Literature-were composed of folk songs, riddles, proverbs, lamentations ( dung-aw), and epic stories written or oral form.
•Ancient Ilokano poets expressed themselves in folk and war songs.
DALLOT- an improvised, versified and at times impromptu long poem delivered in a sing-song manner.
FRANCISCO LOPEZ- an Augustinian friar
-translated the earliest written Iloko poems(romances) from Spanish
Tumblr media
-also translated the DOCTRINA CRISTIANA (Cardinal Bellarmine)- the first book to be printed in Iloko.
Tumblr media
GRAMATICA ILOKANA (1895)
- where the study of Iloko poetry could be found
- based on Lopez’s Arte de la Legua Iloca
PEDRO BUCANEG
- collaborated with Lopez in the translation of the Doctrina into Iloko
- credited for having been the first known
Ilokano poet
- Father of Ilokano Poetry and Literature
- blind since childhood
- authored the popular epic Biag ni Lam-ang (Life of Lam-ang) in the 17th
Ilocano Literary Works
Tumblr media
•The poem is thought to have originated as oral literature in pre-colonial times, evolving as it is transmitted from poet to poet and generation to generation. The poem's first written documentation is sometimes credited to the blind Ilocano poet and preacher Pedro Bucaneg, but historian E. Arsenio Manuel gives that honor to Fr. Blanco of Narvacan, who collaborated with publicist and folklorist Isabelo de los Reyes.
The Biag ni Lam-ang narrative teaches us about Philippine history and provides insight into the methods our early ancestors used to identify suitable hunting grounds and establish territorial control. Because our country is full with so many wonderful things and is so magical, it is the ideal place for children to reside. We think that there are living things about us that are unseen to the naked sight, but can nevertheless see us and feel their presence thanks to our instincts.
Tumblr media
•In the 1943 short story "My Father Goes to Court," two families with vastly different levels of wealth are shown to be at odds with one another. The plot revolves around the way the impoverished family deals with hardships in life and the way of life of the wealthy family. The wealthy family has a spacious home and servants because they have been awarded a considerable quantity of wealth. Rarely did the wealthy family's children leave their home. Given their high level of purchasing power, the wealthy family can purchase everything they desire and just enjoy it in the comfort of their own home. Too much time spent at home results in inactivity. As they were depicted in the story as being skinny and pale, this prevents them from being healthy.
This tale shows how useless money is without good health. In the narrative, it was mentioned that the underprivileged kids engaged in a variety of physical activities, which is undoubtedly better for their health. The best anti-depressant is a healthy lifestyle or exercise. It also has a good impact on how our brain functions.
Appreciating Ilocano Literature
One of the most dynamic Filipino literary traditions through the ages is Ilocano literature. Ilocano regions are also among the literature of the Philippines' most active tributaries.
We Ilocanos have a rich literature as we have published many stories, songs and many other literary pieces. We should appreciate these because it depicts our culture, traditions, behaviors through literary works.
Literature allows a person to step back in time and learn about life on Earth from the ones who walked before us. We can gather a better understanding of culture and have a greater appreciation of them. We learn through the ways history is recorded, in the forms of manuscripts and through speech itself. Humanity is reflected in literature, and literature helps us to comprehend one another. We can start to understand someone else's way of thinking by listening to their voice. I think literature is significant because it serves a purpose, and books start conversations in a world that is growing more and more disconnected from interpersonal interaction.
4 notes · View notes
mga-antigong-salita · 6 years
Text
silong
hunyo na naman. 
madalas na ang pagbisita ng ulan.
hindi ko man lang namalayan,
pumapatak na pala ang paunang butil sa kawalan,
napagtanto lamang nang pisngi ko ay hinagkan.
wala man lang akong panangga,
sakto pang manipis ang suot na palda,
kaya baka, sisilong muna at 
hihintayin ang pagtila ng silakbo ng kalangitan.
kahit pa ako’y matagalan.
walang ingay na aasa,
tahimik na magdaraos ng pananampalataya,
na darating ka at mag-aanyaya
nang walang pag-aatubili ㅡ
ng pagsayaw sa gitna ng pagdanak
ng nananalantang ulan;
at ang pagsimula ng ating walang humpay na pag-iibigan.
sana lang naman.
kaya habang hindi ka pa naririto,
baka sisilong muna at hihintayin ang pagtila ng silakbo ng kalangitan,
kahit pa ako’y matagalan.
kahit pa ika’y matagalan.
8 notes · View notes
obfuscxte · 3 years
Text
Tumblr media
sariling istorya 'ko lamang
ang aking sinusulat
ngunit nagbago ang konsepto
noong makilala kita
naudyok mo ako na isulat
ang kwento nating dalawa
na binubuo ng simula, gitna at wakas
pinukaw mo ang aking pagkatao
sa liwanag na iyong dala
tila ang hamog na yumayakap
sa'kin tuwing umaga
ay kahawig mo na
bawat daan na aking tinatahak
ay may bahid na ng iyong presensya–
sabay natin ginawang pundasyon
ang binuong pagmamahalan
upang maging tahanan ng isa't isa
M | 365
Visual: Ang Kwento Nating Dalawa (2015) dir. Nestor Abrogena Jr.
40 notes · View notes
littlebub17 · 3 years
Text
Happiness is a way of travel, not a destination.
--Roy M. Goodman
10 notes · View notes
trickramirez · 3 years
Text
liwayway beams
Tumblr media
Minsan, isang pagkakataon
Habang ang ulan ay sagad sa pagbuhos, natagpuan kita
Sa gitna ng mga alon ng pangamba’t pagkakaligaw, nahanap ka
Umangat sa karamihan
Nag-ningning sa dagat ng mga huwad at mapagsamantala
Ikaw, umiilaw
Gumabay sa mga gabing kay dilam at kay panglaw
  Nag-isa mga kaluluwa
Sa daan-daang gulo-gulo, ikaw ang naging kalma ng puso
Ikaw lamang,
Ang nagdulot ng melodiya sa tahimik kong mundo
Labis ang saya at tila sa mga ulap ay handa nang humimbing ng todo
  Ngunit habang may mga alpa at gitarang tumutugtog,
Sa kalagitnaa’y ninakaw ka
Naglaho’t ‘di na muling nasilayan pa
Hanggang sa,
Hanggang nagbalik muli ang mga diablo at katahimikan ang s’yang umugong
Nakakabingi,
At tila pagtulog na lamang ang naging susi;
Upang tumakas,
Upang lungkot sa isipa’y mawaglit
  Nagtiis, umiyak ng labis
Napagod; napagtanto, hanggang pagtingin ay napanis
  Pinatatag, binago;
Binago ng katahimikang noo’y namayani sa aking mundo
Naligaw, natagpuan
Ang indak na kay kulay, sa kaloob-looban ng dibdib ko nahanap
  Binago ang bawat kulay na natatanaw
Sinilaban bawat takip upang katawa’y mas masilayan
Mula puti’t asul ako’y naging itim at pula
Mula payapa, mundo ko’y napuno ng iba’t ibang musika
Madilim, mas uhaw
Kayang ipamalas buong kaluluwa
  Balat ang naging pansalag sa habagat
Balat rin ang magiging bala sa mga salitang dulot ay sugat …
  Ulan na nama’y bumubuhos
Sa bawat patak nito sa aki’y bagong ningning ang dulot
Kakaibang tugtog
Mas maingay, mas mapangahas at mas totoo
  Sumasayaw na muli sa indak na dulot ng dibdib
Kasama ang panibagong balat na handang ibalandra sa hangin
Mas matibay, hindi na kaya pang buwagin
Pagkat larong iyong ginawa’y nilalaro ko na rin
3 notes · View notes
lihimlihamtinta · 5 months
Text
May mga tao tayong kailangang palayain para mapalaya rin ang ating mga sarili
May mga hangganan na kailangan natin tanggapin para maipagpatuloy ang ating lakbayin
May mga distansiyang kailangan nating panatiliin para masagip ang natitirang pag ibig
At may mga peklat na hindi kailangang takpan para mabaon ang aral na gustong ipabatid
47 notes · View notes
quehorror · 1 year
Text
Ikaw ang guniguni sa panahon ng tag-init
Ang mga sinag na tagus-tagusan sa bintana tuwing umaga'y parang mga banayad mong paghaplos sa tuwing ako'y ginigising.
Ang unang dampi ng araw sa aking pisngi'y kaparis ng panatag na halik mula sa mahabagin mong mga labi. Sa tuwing lulusot ang maninipis na silahis ng araw sa singit-singit ng mga dahon, mga babahagya mong pagsilip sa akin ang gunita.
Sa tuwing babahain ng liwanag ang sala tuwing alas tres ng hapon, dinidilidili ang pagkalunod ko sa nag-uumapaw mong pagsuyo. Sa paglubog ng araw, ay nakikita kitang masayang namamaalam sa himapapawid. Ngunit hindi gaya ng araw, sa umaga'y hindi ka na magbabalik.
9 notes · View notes
unpublishedinkstains · 9 months
Text
Binago ng Pagbabago by | Unpublished Inkstains 🪶
Lahat tayo may aparador sa ating mga buhay kung saan may nakatagong kalansay, lahat ng mga butong pilit nating tinatago sa mundo. Maiintindihan ba nila kahit sabihin ko ang totoo?
Bago maging ang aking hubog at anyo, aaminin ko maraming humadlang at sitwasyong pilit akong binago. Mula sa ugat ng bawat hibla ng aking buhok hanggang sa dumi sa ilalim ng aking mga kuko, maaari nga na baka sa aking nakaraang buhay ay masasabing paniki ako.
Sa pagbago ng aking isipan, sumabay na din ang aking hitsura. Sa oras na muli man ako makita...
Pangako—at sisiguraduhin ko na hindi na ako muling makikilala.
5 notes · View notes
babaengmanunulat · 3 years
Text
"Isasabay kita sa agos ng panahon
Ayos lang kahit hindi ka na lumingon
Mananatili pa rin akong nandito
Sa lugar kung saan ko hinangganan ang ating mundo"
21 notes · View notes
wmab · 3 years
Text
Maghihintay ng gabi para mawasak at gumiba. Pgdating ng madaling araw ay tatayong matatag na parang walang nawala, pagkatapos ay matutulog ng payapa tsaka gigising ulit para bumaka.
Parang walang ibang may kaya. Ikaw lang yata ang sugatang lubha na lumalangoy ng matapang sa gitna ng mga pagdurusa.
-WMAB
10 notes · View notes
huminahon · 4 years
Audio
Makulimlim ang kalangitan Malamig ang panahon at Pabugso-bugso ang pag-ulan Sa gabi'y walang bituing nasisilayan Maski ang buwan ay natatakpan ng kaulapan May mga nagsasayawang kidlat sa 'di kalayuan Paano ko nga ba ito makakalimutan? Ganito ang panahon noon tayo'y nagmahalan Milya-milya man ang ating pagitan Subalit hindi ito naging hadlang Ilang bagyo na rin ang nagdaan Ilang pag-apaw ng ilog na rin ang inantabayanan Nanatili, at kapwa tayo lumaban
Ilang taon na rin ang lumipas Noon hinarap natin ang galit ng laot At tuluyan kang inilayo sa akin ng mga alon Sobrang layo'y hindi ka na matanaw Dahan-dahang nilamon ng tubig-alat Hinila sa kailaliman Walang liwanag na nasisilayan Naubusan na ng hininga't tuluyang nawalan ng malay
Nagising na lang na wala na ang lahat Wala na ang mga pangarap Lahat ng mga plano ay naglaho Hindi malaman kung saan tutungo Ni hindi na kilala maging ang sarili
Natagpuan na lang ang sarili na nag-iisa Walang tigil sa pagpatak ang mga luha Hindi na mabaybay ang daan pauwi Sinubukang humiyaw ngunit tila walang nakakarinig Ilang beses sinuong ang laot sa pag-asang muli kang masusumpungan Subalit tinutulak lang ng mga alon pabalik sa pangpang
At ngayo'y hinaharap at pilit tinatanggap Ang ating kapalarang nagwakas sa isang iglap.
Ang hirap kalimutan
ni Nem Sy BGM: If you - Bigbang Instrumental
12 notes · View notes